Share

Chapter 006

Author: Michellara
last update publish date: 2026-04-04 22:36:59

Nanatiling nakapako ang tingin ni Rafael sa kamay ko na nakapatong sa balikat ni Alistair. Kitang-kita ko ang mabilis na pag-angat at pagbaba ng kanyang dibdib. Ang kanyang panga ay nangangalit habang pinapanood ang bawat galaw ko.

Ito ang lalaking ilang taon kong pinagmakaawaan para sa katiting na atensyon, ang lalaking sinamba ko noon sa kabila ng kanyang panlalamig. Pero ngayon, sa harap ko, mukha siyang isang batang inagawan ng laruan.

“Evorie... are you out of your mind?!” hiyaw ni Rafael
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pickles
love it. .
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 178

    Huminga siya nang malalim, hinubad ang kaniyang mamahaling coat, bago tuluyang ibinagsak ang sarili sa kama. Napatitig siya sa kisame habang nakahiga, tila may malalim na iniisip bago nagpatuloy sa pagsasalita.“I threatened a lot of women in the past. Lahat ng naging ex-girlfriends ni Uncle, tinakot ko. Pinagbantaan ko ang mga buhay nila. Pero sa lahat ng naging babae niya... ikaw lang ang hindi ko nakitaan ng takot sa akin—maliban na lang noong tinulak kita sa yate. Takot na takot ka noon,” sabay baling ng kaniyang tingin sa akin. “Bakit parang kampante kang hindi kita papatayin ngayon?”Mali siya. Natatakot talaga ako sa kaniya—sa kanila, pero nilalabanan ko lang. Hindi kasi natin hawak ang takbo ng isip ng isang tao. Sumasabay lang ako sa ipinapakita nilang kilos dahil kailangan ko. I don't want to die, not at a time na buntis ako. Gusto ko pang isilang ang unang anak namin ni Alistair.Napabuntong-hininga ako, muling humugot ng lakas ng loob bago baha

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 177

    Inabot ko ang baso ng tubig at marahang uminom. Pagkatapos ay kinuha ko ang table napkin para punasan ang gilid ng labi ko.“Alam mo, Yshmael... alam ko naman na hindi ka masamang tao.”Kahit hindi ko pa nakukumpirma kung sino nga talaga ang taong nasa likod ng maskara, nararamdaman kong hindi siya tunay na kidnapper kung umasta. Kahit sabihin pa niyang may layunin siyang mabawi ang kompanya mula sa mga kamay ng tiyuhin niya, hindi iyon sapat para paniwalaan kong masama siyang tao.Napaayos siya ng tayo sa sinabi ko at bahagyang natawa, ngunit bakas ang pait sa kaniyang mukha.“Nagkakamali ka. Napakasama kong tao. Hindi mo ba alam na makailang ulit ko nang pinagtangkaan ang buhay ni Uncle?”Muli kong sinalubong ang kaniyang paningin.“Mga ilang beses na?” tanong ko sa kalmadong tinig.“Hindi ko na mabilang.”Naisipan ko siyang ngitian, bagay na ikinakunot naman ng noo niya.“Mga ilang beses na... pero h

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 176

    EVORIE EVENakatulala pa rin akong nakatitig sa tray na nasa harapan ko. Hindi pa rin nanunumbalik ang gana ko sa pagkain dahil sa kakaisip kay Alistair.‘Kumusta kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya?’Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto. Napatitig ako kay Yshmael na pumasok sa silid. Mula sa suot niyang itim na hoodie kanina, ngayon ay pormal na kasuotan na ang suot niya.“Hindi ka pa rin kumakain?” may bigat sa tonong sabi niya habang nakatitig sa tray na hindi man lang nabawasan kahit isang kutsara ng kanin.“Hindi ko gusto ang nakahain. Gusto ko ng Korean spicy soup. Yung may maanghang na sabaw... mainit-init pa at may malinamnam na karne ng baka,” nakatulala kong wika. Napalunok pa ako bago sinalubong ang kaniyang mga mata. “Yshmael, pwede mo ba akong bilhan ng ganoon? Hindi talaga matanggap ng panlasa ko ang inihain mo.”Naparolyo ang mga mata niya sa narinig.“Ayoko. Huwag mo

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 175

    Third Person POV“Ang inutos ko sa iyo ay huwag siyang patayin pero pinatay mo pa rin siya! So, anong laban natin ngayon kay Ydrael? Wala tayong gagamitin para pasunurin siya sa gusto natin!” galit na sigaw ng babae sa kabilang linya.Napahigpit ang kapit ng lalaking nakamaskara sa hawak niyang cellphone habang pinakikinggan ang walang tigil na pagngangalit nito.“Napakabobo mo talaga! Napakatanga mong hayop ka—”Hindi na niya hinayaang matapos pa ang litanya nito. Sa isang marahas na galaw, pinutol niya ang tawag.Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone at ibinaling ang tingin sa babaeng nakaratay sa kama.Nakatali ang mga kamay nito sa headboard. Namumutla ang mukha at bakas ang pagod sa bawat galaw.Marahan nitong iminulat ang mga mata. Saglit itong napatitig sa kisame bago napako ang tingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng kama.“Finally, you're awake. You should eat. Hindi ka pa kumakain mula kaninang tanghali,” saad nito sa kalmadong tinig.“Just let me go. Pakawalan mo na lang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 174

    Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong bulwagan, kasabay ng mga sigaw at paghiyaw ng mga tao.Sa mismong sandaling iyon, marahas na bumukas ang dambuhalang pinto ng bulwagan.Agad na nagsipasukan ang mga elite operatives mula sa Federal Intelligence and Security Agency at ang International Financial Crime Coalition, kasama ang kanilang mga armadong Tactical Strike Units na nakasuot ng itim na full tactical gear. Malamig at mekanikal ang bawat kilos nila habang hawak ang mga legal na dokumentong may opisyal na selyo ng pinakamataas na hukuman.“FISA at IFCC! Walang gagalaw!” malakas na anunsyo ng tumatayong Special Agent-in-Charge habang mabilis nilang pinalilibutan sina Aunt Shiela at ang buong mesa, kasama ang mga korap na politiko.Naglabas ang pinuno ng mga operatiba ng makakapal na folder.“Mula sa direktiba ng High Federal Court at ng Ministry of Justice, ipinapatupad namin ang malawakang Federal Seizure Orders, Freeze Orders, at

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 173

    “Bakit parang hindi kayo masaya na makitang nakakakita na ako? Dahil ba... may mga ginagawa kayo na ayaw ninyong malaman at makita ng dalawa kong mata?”Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod sa mga huling salita ko.Karamihan sa kanila ay pilit na nag-iwas ng tingin, lalo na ang mga politikong nakaupo sa unahan, habang ang ina ko ay napahawak sa gilid ng mesa dahil sa emosyong pilit niyang pinipigilan.Si Aunt Shiela naman ay pilit na nagtaas ng mukha para bawiin ang kaniyang awtoridad. Matalim niya akong tinitigan bago marahas na ibinaba ang hawak niyang wine glass.“Masyado ka nang nawawalan ng galang, Ydrael. Akala mo ba ay natatakot kami sa mga patutsada mo?” mariin niyang asik habang pilit na pinananatili ang tindig. “Nakalimutan mo yata kung sino ang kausap mo. Ako ang Matriarch. Ako ang humahawak sa pamilyang ito ngayon. Isang salita ko lang sa media at sa mga board members, pwedeng-pwede kitang patalsikin bilang CEO.”Isang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 150

    EVORIE EVE Naitukod ko na lamang ang aking magkabilang kamay sa railing habang pinapanood silang lahat. Hindi ko akalain na ito ang bubungad sa akin sa umaga pagkatapos ng lahat ng gulo at sakitang nangyari kahapon. Ginawa nilang parang sarili nilang bahay ang penthouse na ito. “Ma'am Evorie, good

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 149

    EVORIE EVEHinawakan niya ang kamay kong nakatukod sa kaniyang dibdib. Marahan ngunit may puwersa niya itong inalis habang nakatitig nang malalim sa aking mga mata.“Hindi iyan ang sinasabi ng mga mata mo, Eve. Ang bibig mo ay kayang magsinungaling, pero hindi mo mapagtatakpan ang katotohanang isin

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 148

    EVORIE EVESinundan ko ng tingin ang mga babae ni Alistair, at malinaw sa kanilang mga mukha ang saya habang naglalakad patungo sa mga mamahaling kotse na nakaparada sa malawak na driveway. Lahat sila ay may kanya-kanyang sasakyang naghihintay.Muling napadako ang paningin ko kay Alistair kasama an

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 147

    EVORIE EVEHindi ko ininda ang maraming pares ng matang nakatutok sa akin mula sa kaniyang pamilya. Nilakasan ko ang aking loob. Diretso at may katatagan ang bawat hakbang ko patungo sa mismong harapan ni Alistair.Inangat ko ang aking kamay. “Pinirmahan ko na ang divorce papers na pinadala mo sa a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status