KABANATA 80: Ang Pagkawala ni AmaraTahimik ang gabi. May katahimikang tila nagbabadya ng isang bagay na hindi kanais-nais. Sa loob ng bahay na tinutuluyan nila Emma at Mia, mahimbing ang pagkakatulog ng lahat. Si Mia ay nasa kabilang kwarto, pagod sa buong araw na pagtitinda sa barbequehan. Si Emma naman ay nasa kabilang silid, mahigpit na yakap ang anak niyang si Amara.Sa sobrang dami ng iniisip ni Emmaāang posibilidad na kunin ni Chase ang anak niya, ang desisyong umalis patungong Cebu, ang kinabukasan nilang mag-inaāhindi na niya namalayang dinalaw na siya ng antok. Nakalimutan na rin niyang i-lock ang pinto ng kwarto, maging ang maliit na backdoor sa may kusina. Walang kaalam-alam si Emma, may isang aninong gumalaw sa dilim. Isa sa mga tauhan ni Chase ang unti-unting pumasok sa bahay gamit ang nakabukas na likurang pintuan. Sanay sa kilos, tahimik itong lumapit. Alam na niya ang eksaktong kwartoāalam niya kung sino ang kanyang pakay.P
Kabanata 81: Pagtahak sa Daan ng Pag-asaPagbiyahe ni Emma at Mia papuntang ManilaMataas ang araw, at ramdam ni Emma ang bigat ng kanyang mga mata. Tatlong oras na silang bumabaybay sa kalsadang patungong Tacloban at ang init ng panahon ay nagsisimula nang magpatulo ng pawis sa kanyang noo. Nasa tabi niya si Mia, na tahimik na nakatingin sa kalsada, habang ang mga alalahanin ni Emma ay patuloy na gumugulo sa kanyang isipan."Anong mangyayari pagdating natin sa Manila?" tanong ni Mia na nakikita ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan."Ayoko nang mag-isip, Mia," sagot ni Emma, ang boses ay may halong pagod at pagkabahala. "Ang alam ko lang, kailangan ko siyang makita. Hindi ko kayang mawalan ng anak ko."Hindi mapigilan ni Emma ang pagdaloy ng luha sa kanyang mata. Hindi na rin niya kayang balikan ang lahat ng nangyari sa kanilang buhay. Ang matamis na mga alaala ng anak na si Amara, ang buhay nila ng magkasama, ay parang napaka-layo na. Min
KABANATA 82āWalang IbaāHuminto ang taxi sa harap ng isang modernong condominium sa Maynila. Mataas, elegante, at tahimik sa labasātila walang bakas ng unos na sumalubong sa damdamin ni Emma. Hawak niya ang overnight bag, at sa ilalim ng mga matang mapungay mula sa puyat at pagod, ay naroon ang matinding kaba.Mula Sogod hanggang Tacloban, saka lipad patungong Maynilaāhindi man ganoon kahaba ang oras, pakiramdam niyaāy buong buhay niya ang pinagdaanan para lang makarating dito.Tumigil siya sa harap ng entrance, luminga sandali, saka dinial ang numero ni Chase.āMalapit na ako,ā mahina niyang sabi.Sa kabilang linya, sagot ni Chase, mababa at buo ang tinig. āDito lang ako. At sana, ako na lang⦠wala nang iba.āPag-akyat niya, sinalubong siya ng guard at dinala sa unit. Bukas ang pinto. Nakatayo si Chase sa bungadānaka-itim na shirt, gray na pantalon, at may mga matang tila ilang araw nang walang tulog. Nang magtagp
KABANATA 83 āSaglit na KatahimikanāTahimik ang paligid. Tila huminto ang oras sa harap ng silid kung saan mahimbing na natutulog si Amara. Magkaharap sina Emma at Chaseāparehong pagod, parehong sugatan, ngunit may mumunting apoy ng pag-asa sa pagitan ng kanilang katahimikan.Nag-ring ang cellphone ni Emma.Mia. Napabuntong-hininga siya, saglit na tiningnan si Chase bago sinagot ang tawag.āHello?āāEmma! Diyos ko, salamat at sinagot mo na rin!ā agad na bungad ni Mia, puno ng pag-aalala ang boses. āNabasa ko na ang lahat. Andyan ka pa din ba? Okay ka lang ba? Kamusta si Amara?āNapakagat-labi si Emma. āOo, Mia. Nandito pa ako. Okay naman si Amara⦠si Chase ang mahirap intindihin.āāGusto mong puntahan kita?ā tanong ni Mia, pero agad ring bumawi. āAy, wait⦠teka, okey lang ba? Wag na Mia. Pero Emma, please lang⦠huwag mong hayaang sirain ka na naman ng pagmamahal na hindi ka sigurado. Protektahan mo sarili mo, okay?ā
KABANATA 84āSa Unang PagkakataonāāShe calls me⦠D-daddy?āHindi makagalaw si Chase. Parang bumalot sa kanya ang init at lamig ng sabay. Ilang ulit niyang inisip kung kailan mangyayari itoākung darating pa ba talaga ang araw na kikilalanin siya ni Amara bilang ama. Pero ngayong narinig na niya, hindi siya handa.āAmara,ā bulong niya habang dahan-dahang lumapit sa kama. āSinabi mo ba āyon, anak?āTumango si Amara, ngumiting parang walang nangyaring sigawan o gulo ilang oras lang ang nakalipas. Para sa kanya, simpleng mundo lang: May Mommy. May Daddy. Basta magkasama sila, ayos lang.āTinawag kita kasi ikaw naman talaga si Daddy, ādi ba?ā inosente nitong tanong.Hindi agad nakasagot si Chase. Napaluhod siya sa gilid ng kama, pinigilan ang pagbagsak ng luha habang tinatapunan ng tingin si Emmaātila humihingi ng pahintulot, o kahit kunting kumpirmasyon na may karapatan siyang maramdaman ang ganito.Tumango si Emma.
Kabanata 85: "Laban sa Nakaraan"Alas 7 ng umaga, nagmamadali si Chase na maghanda para sa trabaho. Marami na siyang nakatambak na tasks sa Donovan Enterprises, at hindi puwedeng mawalan ng oras. Bago siya umalis, tumingin siya kay Emma na nag-aalaga kay Amara."Emma," sabi ni Chase habang nagsusuot ng jacket, "huwag mong buksan ang pinto ng basta-basta. Tawagan mo ako kung may tao, ha? Alam mo naman na pag ako ang kakatok, tatawagin ko ang pangalan mo."Tumango si Emma, nag-aalalang tiningnan si Chase. "Okay. Alagaan mo ang anak natin.""Andiyan na lahat ng kailangan ninyo," sabi ni Chase, nag-aalalang tiningnan si Emma. "Bakit ba hindi ako puwedeng lumabas?""Sa ngayon, wag mo na munang gawin. Mangiramdam muna ako. Alam mo naman na nag-iingat lang ako para sa inyo," sagot ni Chase, pinupunasan ang kanyang mga kamay ng towel habang papalabas na ng pintuan."Okay, sige," sabi ni Emma, nagbigay ng mahinang ngiti bago tuluyang
Kabanata 86" HINDI NA AKO BULAG" Lumabas si Chase mula sa unit, seryoso ang ekspresyon habang papalapit kay Victoria.āChase,ā bungad ng babae, agad na nagtatanong. āSino ang kasama mo sa loob?āTumigil si Chase ilang hakbang mula sa kanya at malamig ang sagot. āWala akong kasama sa loob. Kaya puwede bang umalis ka na rito?āUmirap si Victoria at hindi natinag. āBakit ako aalis? Asawa mo ako. Kung nasaan ka, doon din ako.āNapailing si Chase, ramdam ang inis sa boses. āVictoria, pwede bang nipisan mo naman ang mukha mo kahit minsan? Ayaw ko na saāyo. Hindi ka ba tinatablan ng kahihiyan? Ganyan ka na ba ka-desperada? Hindi ka pa rin ba sumusuko?āTumayo nang mas tuwid si Victoria, nagpipigil ng luha. āSige, Chase. Kung ganyan ang trato mo saākin, tatawagan ko si Mama Anabelle. Sasabihin ko sa kanya kung paano mo ako tinatrato!āNapangisi si Chase, punung-puno ng panlilibak ang titig niya. āTalaga ba, Victoria? Tinatakot
Kabanata 87" Anak na Sekreto" "Paglipat sa Penthouse at Paalam ni Chase"Pagkatapos ng ilang araw ng paghahanda, dumating na rin ang araw ng paglipat. Inilipat na ni Chase ang kanyang mag-ina sa penthouse na dati nilang tinitirhan ni Emmaāisang lugar na puno ng alaala, masasaya man o masakit.Tahimik si Emma habang nakatitig sa isang lumang litrato na naka-frame sa dingding. Bata pa siya roon, nakangiti, katabi si Chase na kasing-bata rin niya. Hindi niya maalala kung kailan iyon kuha, pero pamilyar ang damdaming bumalot sa kanya habang tinitingnan ito.Lumingon siya kay Chase, na abalang inaayos ang ilang gamit sa shelf.āChase... saan mo nakuha ātong picture na āto?ā tanong niya, hawak ang larawan.Tumigil si Chase sa ginagawa. Saglit siyang natahimik bago lumapit at ngumiti nang banayad.āNoong umalis ka,ā panimula niya, āhinanap kita kahit saan. Isa sa mga pinuntahan ko ay ang lumang bahay ninyo sa Quezon City. Nand
Kabanata 99: "PANATAG SA GITNA NG BAGYO"Matapos ang mabigat na usapan, tahimik na pinatulog nina Chase at Emma si Amara. Maingat si Emma habang hinahaplos ang buhok ng kanilang anak na mahimbing nang natutulog sa kwarto nito.Pagbalik niya sa living room, nadatnan niya si Chase na nakaupo sa sofa, nakasandal ang ulo at tila wala sa sarili. Mabigat pa rin ang mga mata nitoāhindi lang dahil sa pagod, kundi dahil sa bigat ng damdaming pinipigil.Lumapit si Emma at mahinang tinapik ang balikat ni Chase. "Halika na," wika niya, may ngiti sa mga labi. "Ang bigat ng gabi. Gusto kitang aliwin kahit saglit lang."Tinaasan siya ng kilay ni Chase. "Aliw?" tanong nito, may bahid ng pagtataka.Tumango si Emma at hinawakan ang kamay niya. "Wine tayo. 'Yung luma mong tinatago sa wine cellarāpanahon na para buksan mo 'yon."Napangiti si Chase kahit pilit. Tumayo siya at naglakad kasunod ni Emma patungo sa wine area ng penthouseāisang mala-silid
Kabanata 98: Lason sa Likod ng PangalanSa Penthouse ni Chase DonovanSa itaas ng isang matayog na building sa Makati, ang penthouse ni Chase ay isang modernong oasis ng kapayapaan at kapangyarihan. Ang malalaking salamin na bintana ay nag-aalok ng isang panoramic na view ng buong lungsod. Ngunit ngayon, ang kalangitan ay madilim, at ang mga ilaw mula sa mga gusali ay kumikislap na parang mga alitaptap sa gabing walang hangin.Tahimik ang penthouse, maliban sa tunog ng mga click ng keyboard mula sa desk kung saan si Chase ay abala sa pagtanggap ng mga updates tungkol sa plano niyang pagbagsak kay Victoria.Hindi siya nakatayo mula sa kanyang desk. Hindi pa rin siya umiimik. Ang mga mata niyang nakakuyom sa galit, nanatiling nakatutok sa screen habang ang mga ebedensya laban kay Victoria ay ipinadala sa lahat ng pangunahing media outlet.---Paniniwala ni ChaseHabang tinatanggap ni Chase ang mga update sa kanya
Kabanata 97: Simula ng PagbagsakSa malamig na opisina ng Donovan Enterprises, hindi gumagalaw si Chase Donovan habang nakatitig sa isang folder sa harap niya.Hindi ito ordinaryong dokumento.Ito ang folder na naglalaman ng lahat ng kasinungalingan, panlilinlang, at pagkakadamay niya sa isang kasalang hindi niya pinili.Victoria Laurent.Isang pangalan na kailanman ay hindi niya pinangarap maging bahagi ng buhay niya.---Flashback: Ang Sikretong Nakaraanlimang taon bago ang lahat ng kaguluhang ito, dumalo si Chase sa isang private event para sa VIP investors ng kumpanya.Kasama ang ilang bigating pangalan sa mundo ng negosyo, ang gabi ay puno ng mamahaling alak, malalakas na tawanan, at mataas na presyon para makuha ang kanilang tiwala. At sa kaning side ng upuan nakita niya si Alessandra, kaya nga ito ang kanyang napagbintangan nuon.Bilang respeto, kahit hindi siya mahilig sa alak, uminom
Kabanata 96: Pagputok ng KatotohananAng malamig na ihip ng hangin ay tila nagbibigay ng hudyat ng isang malupit na pagsabog ng katotohanan.Sa loob ng isang eleganteng hotel ballroom, tahimik na naglakad si Victoria Laurent. Suot niya ang isang ivory white na damit na simple ngunit matapang ang dating, sinadya niyang magmukhang inosente sa panlabas, ngunit sa loob niya ay nagngangalit ang apoy ng galit at paghihiganti.Nakahawak siya sa isang itim na leather folder ā laman nito ang mga dokumentong magpapabagsak kay Chase Donovan.Sa isang gilid ng silid, abala ang media. May mga camera, mikropono, ilaw na sumasabog ng liwanag, at mga reporter na sabik sa eksklusibong balita. Naroon ang mga kinatawan ng pinakamalalaking news outlets ā alam ni Victoria, kapag nagsalita siya ngayon, walang makakapigil sa pagkalat ng kwento."Everything is set, ma'am," bulong ng kanyang PR manager.Tumango lamang si Victoria, malamig ang ekspre
Kabanata 95: Taliwas na LandasSa mga sumunod na araw, nagpatuloy ang pagpapalakas ni Victoria ng kanyang mga hakbang laban kay Chase. Hindi siya tinatablan ng pagod, at ang galit na nararamdaman niya ay patuloy na tumitindi. Habang si Chase ay abala sa pag-aayos ng mga business matters at personal na buhay, si Victoria naman ay tahimik na nagmamasid, pinapalakas ang kanyang plano sa likod ng mga pader ng kanyang pamilya.---Pagharap ni Victoria kay ChaseIsang hapon, tumawag si Victoria sa opisina ni Chase at nagtakda ng isang private meeting. Gusto niyang iparating ang mga kahihinatnan ng plano niyang masira ang buhay ni Chase, ngunit alam niyang hindi pa siya handa upang ipakita ang lahat ng kanyang baraha.Pagdating ni Victoria sa opisina ng Donovan Enterprises, binati siya ni Chase na may kalmado at matigas na anyo."Victoria," sabi ni Chase, "Whatās this all about? Kung may problema ka pa, I suggest we settle it profe
Kabanata 94: Paglabas ng KatotohananAng sunod na araw ay puno ng alingawngaw ng mga balita. Si Chase Donovan ay hindi nakaligtas sa mga epekto ng kanyang pahayag. Sa mga sulok ng media, hindi lamang ang kanyang mga personal na desisyon ang binabatikos ā ang pamilya ng mga Laurent ay nagbabanta na kumuha ng legal na hakbang.Sa isang tahimik na opisina sa loob ng Donovan Enterprises, si Chase ay nakaupo sa harap ng kanyang desk, nakatingin sa mga papeles, ngunit ang isip ay malayo. Ang tanong na paulit-ulit niyang iniisip: āPaano ako makakalabas sa lahat ng ito?āBilang CEO ng isang malaki at respetadong kumpanya, hindi pwedeng basta-basta matabunan ang mga isyung ito. Sa kabila ng kanyang pagiging malupit at matatag sa negosyo, ang kanyang puso ay naguguluhan sa sitwasyong ito ā at higit sa lahat, ang kalooban niya ay tinatablan ng pag-aalala."Ito na ba ang simula ng lahat ng ito?" tanong ni Chase sa sarili, ang mga mata ay nakatutok sa dokument
Kabanata 93: PagguhoHabang pinapalabas sa media ang eksklusibong pahayag ni Chase Donovan, napatitig si Victoria sa malaki nilang TV screen, nanlalamig ang buong katawan."What?" bulalas niya, nanginginig ang boses. "Our marriage is fake?!"Tumayo siya, natataranta at hindi makapaniwala."No... no! Hindi ako naniniwala! Hindi ito totoo!" Sigaw niya, habang unti-unting tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipigilan ang sarili sa pagbagsak.Umiiyak siya nang tuluyan, halos hindi makahinga sa bigat ng nararamdaman. Napalingon siya sa kanyang mga magulang, na kapwa napatitig sa kanya nang may halong awa at galit."Mom... Dad... what should I do now?" nauutal niyang tanong sa gitna ng pag-iyak."Peke ang kasal namin ni Chase! Hindi ko ito matatanggap..."Napasinghap si Mrs. Laurent habang hinahagod ang likod ng anak. Si Mr. Laurent naman ay mariin ang pagkakatitig sa telebisyon,
Kabanata 92 - Umpisa ng KaguluhanTahimik ang buong ospital. Walang umiimik. Parang may dumaan na malakas na hanginālahat ay tila huminto sa oras.Ang mga ilaw sa corridor ng ospital ay tila naging malamlam, at ang bawat tao sa paligid, maging ang mga nurse at doktor na dumadaan, ay tila naging mga anino lamang sa paningin ni Chase Donovan.Nakaupo siya sa isang silya sa loob kung nasaan si Don Esteban ang mga siko niya ay nakapatong sa tuhod, at ang dalawang kamay ay nagkukuyom. Hindi niya maialis ang bigat sa dibdib niya. Sa bawat segundo ng katahimikan, lalo lamang niyang nararamdaman ang bigat ng sitwasyong kinasasadlakan niya.Si Emma naman ay nakaupo sa kabilang gilid, yakap-yakap ang kanilang anak na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. Hindi niya malaman kung saan siya huhugot ng lakas, pero ang presensya ng kanyang anak ang nagsisilbing tanging dahilan upang hindi siya tuluyang bumigay.Ang mga tao sa paligid ni
KABANATA 91: Pagbabalik at Pagpapakilala Tahimik ang loob ng ospital habang tinatahak nina Emma, Chase, at Amara ang pasilyo patungo sa private room ni Don Esteban. Ang bawat hakbang ay may kasamang kaba at bigat ng alaala. Mahigpit ang hawak ni Emma sa maliit na kamay ni Amara, habang si Chase naman ay tila hindi makapaniwalang sa wakas, heto naāang pagkakataong maipakilala ang anak sa ama. āMatagal ko nang hinintay ātong sandaling āto,ā bulong ni Chase sa sarili, tinatapik ang dibdib na tila baāy may tinatagong pagsisisi at takot. āMakikita na rin niya si Amara⦠ang apo niyang ilang taon niyang hindi nasilayan.ā Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang maputlang anyo ni Don Esteban, nakahiga ngunit mulat na ang mga mata, mabagal man ang kilos ay naroon ang liwanag sa kanyang tingin. Parang muling nagbalik ang lakas sa pagtama ng paningin niya kay Chase. āChaseā¦ā mahinang tawag ng matanda. āDādadā¦ā Napang