PARATING wala sa mood si Dewei. Laging salubong ang kilay at palaging nakakunot ang noo tuwing pumapasok sa Solara Essence. Kalat na rin sa buong kompanya ang balita tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Marilyn. Ipinamalita na ito ng kanyang ina sa buong Solara. Hinayaan na lang niya iyon kaysa makipagtalo pa. "Magenta, what is this? Mali lahat ng report na 'to! I want you to make it again and pass it to me. Huwag kang titigil hangga't hindi mo 'to nakukuha nang tama!" bulyaw ni Dewei sa kanyang sekretarya, habang nakatayo at madilim ang anyo ng mukha. Nakayuko lang si Magenta habang nakatayo, halatang kinukubli ang takot. Napagbubuntungan na naman siya ng galit at init ng ulo ni Dewei. "O-Okay po, S-Sir..." mahina niyang sagot, halos hindi makatingin. Nakatiim na inihagis ni Dewei ang mga papel. Nagulat si Magenta at napatitig sa mga nagkalat na report sa sahig. Hindi na niya napigilan ang luha. Kung noon ay masungit na si Dewei, mas tumindi pa ngayon ang ugali nitong, walang k
"I miss her, Jai. Anong balita sa private investigator na kinuha ko para hanapin si Velora?" malungkot na tanong ni Dewei. Marahang umiling si Jai. "Wala silang ibinabalita sa aking progress ng paghahanap nila. Maghintay lang tayo." "How long I will wait? Naiinip na ako." Napatingin si Dewei sa kawalan at napainom ng beer sa bote. Pinalis ang mga takas na luha sa mata niya. "Why don't you accept that you and Velora are not meant for each other? Ibaling mo na lang ang pagtingin mo kay Marilyn. Subukan mo lang naman," sabi ni Jai. "Ayoko. For me, tanging si Velora lang ang mahal ko. Wala na akong ibang babaeng mamahalin kundi si Velora." Tugong hayag ni Dewei. Kakayanin pa niyang maghintay para kay Velora. Alam niya na babalik ito sa piling niya. Umaasa siyang sanay mayroong nabuo doon sa isang buwan nilang magkasama. Wala sa sariling, napangiti si Dewei nang sumagi sa isip niya ang pagkakaroon nila ng anak ni Velora. Sinabi niya sa asawa na gusto niyang mabuntis ito. "Paano kaya
DAHAN-DAHANG pinunasan ni Dewei ang gilid ng kanyang bibig habang nakangiti pa rin. "Isang suntok lang, Dad? I thought you’d do better than that," sarkastikong tugon niya. Tila nawala ang kanyang kalasingan. "Dewei, tama na!" singit ni Solara, mabilis na lumapit sa mag-ama. "Baka kung ano pa ang mangyari sa inyong mag-ama!" Ngunit hindi pa rin natinag si Donny. Nilapitan niyang muli si Dewei at mariing napatitig sa anak. "Kung hindi lang dahil kay Marilyn, matagal na kitang itinakwil." "Then do it," malamig na sagot ni Dewei. "Tinakwil mo na ako noon. You’ve been doing that anyway." Tahimik ang paligid. Ni si Jai ay hindi na makakilos. Damang-dama ang bigat ng hangin sa loob ng mansyon. Nagawa na siyang itakwil ng sarili niyang magulang nang lumabas ang eskandalo sa kanila ni Velora. Hindi na siya natatakot na mawalan dahil parang wala na ring natitira pa sa buhay niya. Lahat ay sira na. Lumapit si Solara kay Donny at hinawakan ito sa braso. "Please, enough. This is not the tim
NAKATAYO na nakasilip si Velora sa labas ng pintuan habang pinapanood ang kasal nina Dewei at Marilyn. Panay ang tulo ng mga luha niya, nasa likuran niya sina Aster at Jai. "Velora, halika na. Baka may makakita pa sa 'tin dito," aya ni Aster na nagpalinga-linga sa paligid at inabot ang panyo sa kaibigan. "O-Oo. Pero, isa pang sulyap..." tugon ni Velora na hindi pa rin mapigilan ang mga luha sa pagpatak. "Let's go, Velora. Hindi ka nila dapat makita dito. Alam mong napaka-delikado ng sitwasyon mo. Pinayagan kita na makita ang kasal nila, huwag mo nang pasakitan ang sarili mo. Ayoko lang na magtagal tayo dahil baka may mga matang nagmamatyag dito. Mahirap na," sabi naman ni Jai na todo ang paalala kay Velora. Marahang tumango si Velora. Napahawak siya sa kanyang tiyan saka dahan-dahang tumalikod. Alam nina Aster at Jai kung nasaan silang magkapatid. Hiniling niya mismo sa dalawa na itago iyon kay Dewei. Alam din nilang nagdadalang-tao siya at si Dewei ang ama. Nagpapasalamat nama
KABUWANAN na ni Velora. Tuluyan nang gumaling si Vanna at naninirahan pa rin sila sa Taiwan. Nakahanap ng trabaho si Velora at nagpatuloy sa pag-aaral ang kapatid niya. Unti-unti na rin siyang nakakabangon mula sa pagkabigo sa unang pag-ibig, mula pagkawasak noon. "Ate Len, nakauwi na po ba si Vanna?" tanong niya. Kasama nila ang buong pamilya ni Len. Kailangan niya ang mga ito dahil hindi na iba ang mga ito sa kanilang magkapatid. Nilingon ni Len si Velora. "Hindi pa. Tiyak magkasabay silang uuwi ni Zander. Alam kong hindi 'yon lulubayan ng anak ko sa eskwelahan. Ang protective 'nun sa kapatid niya," natatawang sagot niya. Sabay silang napalingon ni Len nang may kumatok sa pintuan. "Ako na ang magbubukas. Huwag ka nang tumayo d'yan," prisinta ni Len na nangingiti. Hirap na kasing gumalaw si Velora sa sobrang laki ng tiyan. Nagulat si Velora nang pumasok sa loob ng bahay nila si Aster, kasunod nito si Jai. "Velora!" Malakas na sigaw ng kaibigan niya. "Aster... Jai. Nasorpresa
"CONGRATULATIONS! Ang cute ng baby boy mo!" sigaw ni Aster habang papalapit, dala ang bouquet at balloons. Kasama niya si Jai na hindi rin maitago ang tuwa. Ngumiti si Velora at napadako ang mata sa kanyang bagong panganak na sanggol. Nakapalibot ang mga taong importante sa buhay niya. Kompleto ang pamilya ni Len at si Vanna. "Devor Lennox Venice..." mangiyak-ngiyak na sambit niya sa pangalan ng anak. Napag-isipan na niya ang pangalan ng kanyang anak. At malakas din ang kutob niyang lalaki ang unang anak nila ni Dewei. Hindi nga siya nagkamali. "Ate, 'yun ba ang ipapangalan mo sa pamangkin ko?" tanong ni Vanna. Marahang tumango si Velora. "Oo. Maganda ba?" "Maganda. Isinunod mo talaga sa pangalan ng tatay niyan na wala namang nagawa," sabi ni Aster, may halong sama ng loob sa tono ng boses niya. Nag-iba ang reaksyon ng mukha ni Velora. Siniko ni Jai si Aster at itinuro si Velora na nawala ang ngiti. Napabaling ang tingin ni Aster sa kaibigan ay natutop ang sariling bibig. "Sor
NAKAUPO na si Dewei sa kanyang swivel chair sa loob ng conference room. Dahil sa patuloy na pagbagsak ng sales, nanganganib nang magsara ang Solara Essence. Kaya nagdesisyon ang board na tanggalin siya sa puwesto bilang CEO. Tahimik ang buong silid. Naroon ang lima sa mga pangunahing board members, lahat ay seryoso ang mga mukha. Hanggang sa bumasag ng katahimikan si Mr. Enriquez, ang pinakamatandang miyembro ng board at presidente ng Solara Essence. “Dewei,” aniya, habang nakatitig diretso sa kanya. “This isn’t easy for any of us. But the numbers speak for themselves. We’ve given enough chances.” Hindi sumagot si Dewei. Nanatili siyang nakatingin sa folder ng financial report na nakalapag sa mesa, ang parehong report na unti-unting gumiba sa posisyon niya. "Effective immediately, the board has appointed a new CEO. You will be asked to turn over all necessary documents and accounts by the end of the day," sabi naman ni Ms. Samuel, ang legal advisor. Mabigat ang bawat salita. Pak
HALOS magkulong na lang si Dewei sa loob ng kanyang kuwarto. Nagkalat ang mga bote ng alak at balot ng dilim ang buong silid. Simula nang masampal niya si Marilyn, hindi na siya umuwi sa mansyon. Sa condo na siya nanatili. Pinagsisisihan niyang nanakit siya pisikal ng isang babae at ina pa ng anak niya. Ang isang linggong pag-iisa ay nauwi sa isang buwan. Gising sa umaga, alak agad ang hanap, ganoon din sa gabi. Halos hindi na makilala ang mukha niya sa balbas na unti-unting tumubo. Humahaba na rin ang buhok niya. Ni hindi na rin niya nagagawang maligo. Lahat ng taong malapit sa kanya ay iniiwasan niya. Pati kay Jai ay hindi na siya nagpapakita. Pinatay niya ang kanyang telepono para walang makakontak sa kanya. Tuluyan niyang ikinulong ang sarili, malayo sa lahat. Napabalikwas si Dewei sa malalakas na katok sa pintuan. Pupungas-pungas siya ng kanyang mga mata na tumayo mula sa sopa. Dahil madilim muntik pa siyang matumba nang may masipa siyang bote ng beer sa sahig. "F^ck!" Malaka
"BE my contract wife for one year, Aster. Isang taon lang, tapos babayaran kita ng limang milyong piso," seryoso at walang pasubaling alok ni Jai. Nanlaki ang mga mata ni Aster sa pagkabigla. Hindi kaagad siya naka-react at tinapik-tapik ang mukha. "Paki-kurot nga ang pisngi ko..." Napakunot ang noo ni Jai. Tumaas ang isang kilay niya sa inasta ng babaeng kaharap. Napa-roll naman ang mga mata ni Aster sa reaksyon ng binata. "Ito naman, hindi na mabiro. Gusto ko lang malaman kung gising ba ako o nanaginip. Tapos iyong mukha mo, akala ipinaglihi sa sama ng loob..." "Act formal and normal, Aster. Seryoso ako." Nalaglag ang panga ng dalaga. Mukha ba siyang mongoloid o sinto-sinto para sabihin ni Jai 'yon? "Huh? E, kasi naman ikaw. Nangbibigla ka. Saka, bakit ako?" tanong ng dalaga na tila hindi pa rin makapaniwala sa inaalok ni Jai. "Sobrang ang laki naman ng ibabayad mo para lang maging asawa mo. Iba rin ang umaasenso, no?" Parang nabingi ata siya sa narinig niya kanina. Inaya s
AFTER three days na pahinga, nag-report na rin sa trabaho si Aster. Todo ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kanyang desk. "Good morning, people," masiglang niyang bati sa mga kasamahan. Napalingon isa-isa ang mga ka-trabaho ni Aster sa kanya. "Iba ka, Aster. Ang saya-saya mo, ha. Iba talaga kapag galing sa bakasyon ng tatlong araw," kantiyaw ng isang kasama niya sa trabaho. Ang gaan lang ng pakiramdam ni Aster sa trabaho. Pero ganyan naman talaga siya, laging nasa mood, kwela, at madaling pakisamahan. Hindi siya nauubusan ng kwento, at kahit pagod na ang lahat, may energy pa rin siyang magpatawa. Pero sa likod ng masigla niyang boses at matatamis na tawa, may mga gabing hindi rin siya makatulog. Nag-iisa lang siya dahil ang parehong magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi rin siya malapit sa mga kamag-anak niya both side ng parents niya dahil hindi siya madalas makihalubilo sa kanila. Tanging si Velora lang at ang pamilya nito ang ka-close niya. "Anak, kumust
BIGLANG hinaklit ni Marlon ang braso ni Jena at hinila ang asawa papasok sa kuwarto nila. "Ang sabi ko sa'yo humingi ka ng pera kay Jai. Bakit hindi mo ginawa? Nakipagdaldalan ka pa sa anak mo.." mahinang sabi ni Marlon na may diin ang mga salita. Ayaw niyang makalikha ng ingay at marinig ni Jai ang pinag-uusapan nila ni Jena. Napadaing si Jena sa higpit ng kapit ni Marlon sa braso niya. "Nasasaktan naman ako... bitiwan mo nga ako." "May inuutos ako sa'yo, hindi mo sinunod. Alam mong wala na akong pera. Pano pa ako pupusta mamaya, ha?" Binitawan na ni Marlon ang asawa. Napadaing pa rin si Jena. Nag-iwan ng pulang marka ang hawak ng asawa sa kanyang braso. "P-Pasensiya na, nakalimutan ko..." "Nakalimutan? Ang sabihin mo, hindi ka talaga humingi ng pera. Galing ang anak mo sa Tatay niyang mapera. Malamang sa malamang, nabigyan 'yan si Jai," giit ni Marlon. Wala na itong pakialam kahit makasakit basta may pera s'ya at makapag-sugal. Napayuko na lamang si Jena. Ayaw niyang s
"I'M desperate now. Saan ako kukuha ng babaeng papayag na maging asawa ko at aanakan ko pa?" frustrated na tanong ni Jai. Inaya niya si Dewei na uminom, pero sa restaurant lang sila nagpunta. Ayaw niya sa bar, bukod sa maingay, mausok pa. Siya ngayon ang may problema. Dahil sa kagustuhan niyang patunayan ang sarili sa tunay na ama, nahihirapan siyang magdesisyon. Sa kaso niya wala naman siyang nagugustuhan na babae pa. Ni hindi pa niya nasubukan na manligaw. "I told you to ask Aster. Wala kang choice. Mapagkakatiwalaan mo pa siya sa sekreto mo. Iyong nga lang, kung papayag siyang magpabuntis sa'yo. Siyempre, may expiration ang kontrata n’yo. And it’ll be hard for her to leave her child with you," mungkahi ni Dewei. Napaisip si Jai. Paano kung tama si Dewei? Aster might be the best option to be his contract wife. Ang kinakatakot lang niya ay kung papayag ba itong may mangyari sa kanila. Hindi iyon magiging madali para sa dalaga. "Pero, mahirap mapapayag ang babaeng 'yon. Alam ko
NAKAUPO si Rey sa pinaka-gitna, ang head ng pamilya Bautista. Panganay siya sa kanilang magkapatid na si Renan. May pamilya ang kanyang kapatid, at may isang anak, si Ray Tony. Sa kanyang mansyon nakatira ang mag-anak ng kanyang kapatid na halos siya na ang tumayong pangalawang ama ni Tony. Nasa kaliwa ni Rey si Renan, kasunod si Carlita, na asawa nito. At si Tony naman na katabi ng ina nito. Sa kanan ni Rey ay si Jai, ang nag-iisang anak niya. Napatikhim muna si Rey, inalis ang bara sa kanyang lalamunan. "I discussed this with Jai before, and he doesn't have an option. Anak ko siya at patutunayan niyang isa siyang Bautista," mariing saad ni Rey habang matiim ang mga matang nakatingin sa anak. "Ano naman ang mangyayari, Uncle? Kung hindi mapatunayan ni Jai sa aming lahat na isa siyang karapat-dapat na maging isang Bautista..." tanong ni Tony, nakataas ang sulok ng labi niya na parang nagmamalaki. "Well, ang nauna kong Last and Will testament ang susundin." Sagot ni Rey saka buma
MAKALIPAS ang tatlong buwan, pabalik na ng bansa ang buong mag-anak nina Dewei at Velora. They spent their honeymoon in Paris. Sinulit nila ang mga buwan ng bakasyon sa City of Love. Kompleto ang buong pamilya na sasalubong sa kanila sa airport. Hindi mawawala sina Aster at Jai. Malawak ang ngiti ni Solara nang masilayan ang kanyang panganay na anak, karga si Devor habang hawak sa isang kamay ang asawang si Velora. "Andiyan na sila..." masayang pahayag ni Solara. Napapahaba naman ang leeg ni Aster sa kakatingin sa kaibigan. Hindi rin matawaran ang tuwa nina Marilyn at Vanna nang makita si Velora. Maging ng kanilang amang si Vener. "Namiss ko na sila," ani Solara. "Namiss nating lahat sila, Mommy," segunda ni Dwight, sabay tawanan nilang lahat. Lumapit ang bagong dating na pamilya. Niyakap sila isa-isa ng mag-asawa. Si Devor ay agad na kinuha ni Donny mula sa anak. "Welcome back, son," bati ni Donny. "Thanks, Dad." "So, how was your honeymoon and long vacation?" Maaliwalas a
TUMATAKBO na si Aster papasok sa hotel, kung saan sila aayusan lahat na bridesmaids at ang bride. "Aster, careful. Ang lampa mo pa naman," hirit ni Jai. Matalim na tinapunan ng tingin ng dalaga si Jai. "Bilisan mo kasi. Naghihintay na sila.." madiing tugon niya. "Oo na. Magkaiba naman ang suite natin. Kaya mauna ka na. Just be careful, baka matalisod ka." Sabi ni Jai na may bahid ng concern sa tono ng boses. Natuwa naman ang puso ni Aster nang marinig iyon sa binata. Wala siyang oras para lumando, kailangan na niyang magmadali na pumunta sa suite nila. Pagkapasok sa loob ni Aster sa suite nila ay nakita niyang bihis na ang mga bridesmaid na sina Vanna at Marilyn. Maid of honor siya ni Velora. "Late ka. Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ng kaibigan niya. "Ti-Tinanghali ako ng gising," sagot niya na napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Napatitig si Velora sa kaibigan niya. "Oh, siya. Magpa-make up ka na at pagkatapos ay magbihis ka na. Marami kang utang na kwento sa
Hi Dear Readers, Maraming salamat po za pagsubaybay at pagbabasa ng story nina Dewei at Velora. Magtatapos na po ang story nila at kasunod po ang story nina Aster at Jai. Hindi pa rin po mawawala sina Daddy De at Queen V, mananatili po silang kasama sa kuwento. Sana'y suportahan niyo rin po ang love story nina Jai at Aster. Muli po, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa isinulat ko, kina Dewei at Velora. Nababasa ko po lahat ang mga comment niyo. Happy reading and love lots, Rida Writes ♥️
NAGISING si Aster, nag-inat at pupungas-pungas pa ng mga mata. Napasinghap siya nang may biglang may naalala. Kasal ng kaibigan niya ngayon, ni Velora. Napatingin siya sa relong suot. Napatampal si Aster sa kanyang sariling noo. Alas otso na ng umaga, kailangan na niyang magmadali. Marami pa namang gagawin sa kasal at isa siya sa mga bridesmaid ng kaibigan sa kasal.Nadaanan ng kanyang tingin ang isang pigura. Doon lang niya napansing iba na ang suot niyang damit. Naka-t-shirt na siya? Sinong nagbihis sa kanya?"Hala!" Buladas niyang nagugulat at nanlalaki ang mga mata.Bigla siyang lumingon sa kanyang katabi. Lumuwa ang mata niya sa nakita, hindi siya nakagalaw. Parang biglang huminto ang mundo niya.May nakahubad na lalaking nakadapa sa kanyang kama at katabi pa niya?Napatingin siya sa kanyang kabuuan. "Wait... may damit pa 'ko? Pero, bakit siya nakahubad?" Usal niyang tanong na may pagtataka. Napakamot pa ng kanyang ulo si Aster.Pilit na sinasariwa ang mga nangyari kagabi. Pina