PANAKA-NAKA ay napapatingin si Aster sa gawi ni Jai. Wala itong imik at seryoso lang ang tingin sa daan. Rinig din niya ang pagbuntong-hininga ng asawa. "Ang lalim naman ng iniisip mo..." basag ni Aster sa katahimikan nila ni Jai. Saglit na napabaling ng tingin si Jai sa gawi ng asawa at muling itinutok ang mga mata sa daan. "Wala. Naiisip ko lang si Nanay. Mahabang panahon na siyang nagtitiis sa piling ni Tatay Marlon. Hanggang ngayon umaasa siya na magbabago ang ugali nun. Nakapag-asawa na ako, pero ang pananakit niya kay Nanay lalong atang lumalala." Ayaw na niya sanang makialam pero hindi niya matiis na makitang ginagawang punching bag ni Tatay Marlon ang sariling ina. Nakakadurog ng puso na makita itong nasasaktan. Samantalang, buong buhay niya ay pinapangarap niya itong maiahon sa kahirapan. "Intindihin mo na lang muna at palagi mong bantayan si Nanay Jena," sabi ni Aster. "Nahahati ako sa gitna. Gusto kong makasama ang totoong tatay ko. Simula pagkabata, hindi ko naman na
INIHATID ni Jena ang mag-asawa sa kotse. Pauwi na ang mga ito sa mansyon ni Reynaldo. Sinekretohan na siya ni Jai ng pera para sa kanyang panggastos. Pero hindi pa rin nawawala sa anak niya ang kagustuhang kumbinsihin siyang umalis at iwanan ang asawa niyang si Marlon. Hindi na rin niya napansin si Marlon kung saan ito nagpunta. May sinumpaan sila sa harap ng Diyos at ng maraming tao, na magsasama sila sa hirap at ginhawa, habang buhay. Gaano man kasama ang ugali ni Marlon, hindi pa rin niya kayang iwan ito. "Nay, please lang po. Kung may problema kayo, tawagan n'yo agad ako. 'Wag n'yong sarilinin. Mas maganda sana kung sumama na lang kayo sa amin ni Aster sa mansyon. O kung ayaw n'yong kasama si Tatay Rey, puwede ko kayong ipagpatayo ng bagong bahay," pangungumbinsi pa ni Jai sa ina. Pero desidido talaga itong hindi umalis sa poder ng asawa. Ngumiti ng pilit si Jena. "Alam mo naman palagi ang sagot ko. Mahal ko ang Tatay Marlon mo," sagot niya, saka napatingin kay Aster. "Dapat al
"PAANO na si Tatay Marlon mo kung iiwan ko siya? Anak, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung wala siya, baka matagal na akong sumuko… at baka wala ka ngayon, kasama ng totoong tatay mo," sabi ni Jena. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, ngunit mas nangingibabaw ang takot, hindi para sa sarili kundi sa lalaking itinuring niyang tagapagligtas kahit ilang beses na siyang sinaktan nito. Marahas na napabuntong-hininga si Jai. Mariing ipinikit ang mga mata, pilit nilulunok ang galit. Minsan, naiisip niya na parang pera lang ang dahilan kung bakit mahalaga siya sa kanyang ina. Para lang may maibigay itong pera sa lalaking palaging sumusugat sa pagkatao ng kanyang ina. "Magbihis po kayo," malamig niyang sambit, hindi makatingin nang diretso sa ina. "May kasama po ako, gusto ko po siyang ipakilala sa inyo. Takpan n’yo na lang po ang kamay n’yong may pasa." Nanatiling tahimik si Jena. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Muling bumagsak ang tingin niya sa kam
NAIPARK ni Jai ang minamanehong kotse sa isang lumang garahe. Nasa lumang bahay nina Jai ang mag-asawa. Nagtatakang tinapunan ng tingin ni Aster ang kanyang asawa. "B-Bahay ng Nanay mo?" Tumango si Jai. "Yes. This is my mom's house. At dito rin ako lumaki. Sa bahay na 'to ako natututong magsikap." "Bakit tayo andito?" Saglit na natahimik si Jai. In-unbuckle niya ang seat belt at hinarap si Aster. “Dahil gusto kong makita mo 'yung other side ko,” mahinang sabi niya. “Puro magaganda lang kasi ang nakikita mo, 'yung maayos, masaya, at seryoso. Pero hindi laging ganun. May mga bagay sa akin na mahirap tanggapin. Gusto kong makita mo 'yon… at sana, manatili ka pa rin.” Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Gusto kong ipakilala ka kay Nanay. Gusto kong iharap ka sa kanya, ipagmalaki ka. Sabihin na, I found my new home. Sa'yo. Sa atin.” Hindi alam ni Aster kung ano ang mararamdaman. May kung anong gumapang na init sa dibdib niya, hindi lang kilig, kundi isang uri ng pagta
"GOOD morning, misis ko," magandang bati ni Jai sa umaga sa asawang si Aster. Nilapitan niya at hinalikan ito sa noo saka ibinaba ang dalang tray na may lamang breakfast. Siya ang nagluto niyon para kay Aster. Espesyal ang araw na 'to dahil ito ang unang araw na manliligaw siya sa kanyang asawa. Natatawa man na ngayon pa naisip ni Aster ang tungkol sa panliligaw. May anak na sila at kasal. Pero, ibibigay niya para maramdaman nito kung gaano niya ito kamahal. Nagising si Aster at agad ngumiti kay Jai. Umupo siya sa kama at nilagyan ng asawa niya ng unan ang kaniyang likuran. Magsasalita sana siya pero... kaagad napantingin sa gawi ng pinto nang may kumatok. "Ako na. 'Wag ka nang tumayo..." prisinta ni Jai. Nginitian siya ni Aster at marahang tumango. "Good morning po, Sir Jai. Ito na po ang pinabibili ninyong bouquet ng flowers," saad ni Anya, ang private nurse ni Aster. Kinuha ni Jai ang mga bulaklak kay Anya. "Thanks. Puwede kang mag-off today, Anya. Ako na muna ang bahala sa m
MAHINANG tinapik ni Aster ang pisngi. Baka panaginip ito at mali ang gising niya kaninang hapon. Napapadalas na kasi ang pagiging antukin niya, na normal lamang sa isang buntis na kagaya niya. "Binabangungot na ata ako..." bulalas niya na muling tinapik ang nagkabilaang pisngi. Muling humalakhak si Jai nang malakas. Parang akala ni Aster ay tila hindi iyon galing sa mismong bibig niya. Baka iniisip rin nitong maaring nagbibiro lang siya. "Do you want me to repeat what I said? Kasi handa naman akong ulit-ulitin 'yon hanggang sa maniwala ka... mahal kita," seryosong sabi ni Jai, sabay hawak sa mukha ni Aster. Nakipagtitigan siya, mata sa mata. Naglumikot ang mga mata ni Aster. Napapikit-pikit pa siya ng kanyang mga mata. "Y-Yeah. Puwedeng pakiulit? Iyong dahan-dahan para rinig na rinig ko ang bawat kataga na binibigkas mo." Ngumiti si Jai. Dahil mahal niya si Aster, pagbibigyan niya ang special request nito. Wala na sigurong problema kung hindi na niya itatago pa ang nararamdaman.