Share

239

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-05-29 22:43:01

HINDI umalis si Reynaldo sa tabi ni Jena. Pinauwi na muna niya ang anak nilang si Jai sa mansyon. Mag-aalala rin si Jai para kay Aster, lalo't buntis ito. Kailangan din ng asawa nito ang kalinga at bantay sa ngayon.

Napatingin siya kay Jena, ang nag-iisang babaeng minahal niya nang lubos. Hindi na siya muling nagmahal, simula nang iwan siya nito para kay Marlon. Masakit alalahanin na naibigay niya ang lahat, buong puso’t pagkatao niya, pero hindi pa rin pala iyon sapat.

Napabuntong-hininga na lang si Reynaldo habang lumulubog sa mga alaala ng kahapon.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang gumalaw ang daliri ni Jena. Kinusot niya ang kanyang mga mata, baka namamalik-mata lang siya.

“J-Jena... gising ka na ba?” nanginginig ang boses niyang tanong habang biglang tumayo mula sa pagkakaupo.

Mahinang ungol lang ang tugon ni Jena, pero sapat na iyon para mapasigaw siya sa tuwa at kaba. Sa sobrang taranta, napatakbo siya palabas ng kuwarto, deretso sa nurse station.

"Miss Nurse, si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
rea oliver manzano
buti naagapan ung nanay nya wag mo hayaan jai n makalaya c Marlon n yan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   242

    "PASENSIYA ka na. Ang gulo ng pamilya ko. Kaya hirap na hirap akong pumasok sa isang relasyon. Sariling pamilya ko ay hindi pa rin maayos," hingi ng paumanhin ni Jai kay Aster. Nakakalungkot ang maging insidente kanina nung dumating sa mansyon ang ina. "Wala kang dapat na ihingi ng dispensa sa akin. Naiintindihan ko. Wala namang perpektong pamilya, di ba? Kahit ang pamilya ko, mayroon ding naging problema ng kagaya ng sa inyo," sabi ni Aster. Nahihiya lang si Jai para kay Aster. Parang dinala pa niya sa isang mas kumplikadong buhay ang asawa sa magulong sitwasyon ng kanyang pamilya. "Madadagdagan na tayo, ang gusto ko sana ay tahimik na pamilya. Ayoko nang mabuhay sa gulo. Gusto ko namang maranasan na walang away. Pero, ang layo sa katotohanan ng mga pinapangarap ko para sa pamilya natin." Huminga nang malalim si Jai. Napayuko siya, pinipigilan ang pag-angat ng emosyon sa lalamunan niya. "Pero ayokong sumuko. Ayokong hayaan na lang na ganito palagi. Kung may pag-asa pang maitama,

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   241

    BUMUTI na ang kalagayan ni Jena. Pinapagaling na lamang ang kanyang sugat sa balikat. Pinayagan na rin siya ng doktor na makauwi, at ngayon ay nagpapagaling na siya sa mansyon. Hindi na pumayag si Jai na bumalik pa ang ina sa dati nilang bahay. Wala na rin namang babalikan doon ang kanyang ina, nag-iisa na lang siya roon at nakakulong na si Marlon. Hindi na ito makakalabas pa. "Nay, si Mama Wendy po, ang mama ni Aster," pakilala ni Jai sa ina, habang hawak ang kamay nito. Lumapit siya sa dalawang babae upang ipakilala ang biyenan sa ina. "Maigi naman at nagkakilala na tayo, balae," nakangiting sabi ni Wendy, sabay abot ng kamay kay Jena. "Masaya akong makilala ka, Wendy," magalang na sagot ni Jena. Inabot din niya ang kamay ng babae. May pag-aalangan sa kilos niya pero pilit niya itong tinatago. Napabaling ang tingin niya kay Carlita na noon ay nakaupo sa gilid, katabi ang asawang si Renan. Agad niyang iniwas ang tingin nang magtagpo ang kanilang mga mata. Tahimik si Carlita sa um

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   240

    MAAGA pa ay nasa ospital na si Jai. Siniguro naman niyang maayos si Aster at kasama ang Mama nito, saka ang private nurse niya. Natuwa siya sa ibinalitang progress ng ina. Maayos na ang lahat ng vital signs nito at nihintay na lang nila itong magising. “Tay, umuwi na po kayo. Ako na ang bahala kay Nanay…” mahinahong sabi ni Jai sa ama habang nakaupo sa gilid ng kama ng ina. Umiling si Rey. “It’s okay. Nakatulog naman ako nang komportable. Kaya hindi na kailangan. Gusto kong makita si Jena na magising… sa wakas.” Tahimik si Jai sandali, bago siya muling nagsalita. “Mahal n’yo po talaga si Nanay,” aniya, bahagyang ngumiti habang nakatingin sa ama. Ngumiti rin si Rey, may halong pag-aalangan. “Pinangarap ko noon na siya ang makasama ko habangbuhay. Pero hindi ibinigay sa akin. Hindi ko nga alam na may anak kami. Nalaman ko na lang na may anak kami ni Jena dahil kay Marlon. Dahil sa sobrang pagkagahaman sa pera ng tatay-tatayan mo.” Napalunok si Jai. Alam niya ang bahaging iyon ng kw

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   239

    HINDI umalis si Reynaldo sa tabi ni Jena. Pinauwi na muna niya ang anak nilang si Jai sa mansyon. Mag-aalala rin si Jai para kay Aster, lalo't buntis ito. Kailangan din ng asawa nito ang kalinga at bantay sa ngayon. Napatingin siya kay Jena, ang nag-iisang babaeng minahal niya nang lubos. Hindi na siya muling nagmahal, simula nang iwan siya nito para kay Marlon. Masakit alalahanin na naibigay niya ang lahat, buong puso’t pagkatao niya, pero hindi pa rin pala iyon sapat. Napabuntong-hininga na lang si Reynaldo habang lumulubog sa mga alaala ng kahapon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang gumalaw ang daliri ni Jena. Kinusot niya ang kanyang mga mata, baka namamalik-mata lang siya. “J-Jena... gising ka na ba?” nanginginig ang boses niyang tanong habang biglang tumayo mula sa pagkakaupo. Mahinang ungol lang ang tugon ni Jena, pero sapat na iyon para mapasigaw siya sa tuwa at kaba. Sa sobrang taranta, napatakbo siya palabas ng kuwarto, deretso sa nurse station. "Miss Nurse, si

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   238

    NAPASUGOD si Jai sa ospital. Hindi pumayag si Tatay Rey na 'di sumama sa kanya. Nag-aalala rin ito sa kalagayan ng Nanay niya. Napahinto si Jai nang matapat sa pintuan at masilip ang ina na nakaratay sa kama ng ospital. Kalunos-lunos ang sinapit ng kanyang ina. Nanghihina ang kanyang tuhod habang nakatitig dito na nakahiga ag walang malay Naramdaman ni Jai ang pagtapik ng ama sa balikat niya. Parang bang ipinaparamdam na may kasama siya. "Nay..." sambit ni Jai, saka napalingon sa babaeng nasa loob ng kuwarto ng ina. Napatigil siya sa paghinga nang masilayan ang itsura ng kanyang ina, namumutla, halos hindi makagalaw, at tila nawalan ng sigla. "What happened to my mom?" tanong niya sa nanginginig na tinig habang marahang hinawakan ang kamay ng ina. Nanlumo siya nang makita nang malapitan ang mga pinsala sa katawan ng may-edad na ina. Marami itong pasa sa mukha, may hiwa sa may sentido, at may benda ang balikat. Parang biglang bumigat ang buong katawan ni Jai. "Anak po kayo ni M

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   237

    "ANONG ginagawa mo, wife?" Untag ni Jai, kauuwi lang niya galing sa restaurant. Pansin niya na parang okupado ang isip ng kanyang asawa. Ni hindi napansin ang kanyang pagpasok sa loob ng kuwarto. Naibaba ni Aster ang hawak na ballpen at notebook. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at nilapitan ang asawa. Napatulala si Jai nang bigla siyang halikan ni Aster sa labi. "Gumagawa ng posibleng pangalan ng baby natin..." Napangiti si Jai, binuksan niya ang mga butones ng kanyang suot na polo. "Gumagawa ka na ng name ng baby natin? Hindi mo pa nga alam kung anong gender niya." Turan niya na napapailing. "E, di unisex ang pagpipilian kong name. Puwede sa babae at lalaki." "Yeah. Maybe Jazz or Jody. Puwede sila sa boy at girl, di ba?" tanong ni Jai habang isinusuot ang kanyang pajama. Napaisip si Aster saka tumango-tango. "Puwede..." pagkatapos ay isinulat niya iyon sa notebook. Napangiti si Jai. Pinagmamasdan niya si Aster na seryoso sa ginagawa. "Do you want to eat? Let's go to the ki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status