Share

337

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-15 19:02:14

EKSAKTONG sandaling iyon din ang pagdating ni Vanna sa tapat ng kusina. Napahinto siya at natigilan nang marinig ang naging usapan ng kaniyang mga biyenan, kasama ang asawa. Nag-alangan pa siya kung dapat ba siyang pumasok o hintayin na lang si Zander sa sala.

Dumating pala ang ama ni Zander. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iaakto sa harapan nito ngayon na alam nitong kasal na sila ni Zander.

Pero bago pa siya makatalikod ay napatingin sa kanya si Mama Len.

“Oh, Vanna. Halika, hija. Pumasok ka,” tawag ng ina ni Zander na may banayad na ngiti sa labi.

Nagkatinginan sila ni Zander, saka siya dahan-dahang naglakad palapit sa lamesa. Ramdam niya ang tensyon na unti-unting humuhupa, pero hindi pa rin tuluyang nawala sa kanyang dibdib.

“Magandang gabi po,” magalang na bati ni Vanna na pilit ang ngiti.

Tahimik na tumango si Alex. Hindi agad nagsalita, pero hindi rin malamig ang tingin nito. Tila nakamasid lang at tinatantiya ang kilos ni Vanna.

Umupo si Vanna sa tabi ni Zander. Nap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   350

    NAPATIGIL si Vanna habang pinagmamasdan ang bahay ng kapatid niyang si Velora. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Mag-iisang buwan na rin noong huling dumalaw siya sa kapatid. Alam niyang ang dami na nitong iniisip tungkol sa kanya. Dumagdag pa na nalaman nito na nagpakasal na siya at 'di niya ipinaalam sa kanyang pamilya. Naramdaman niya ang kamay ni Zander sa kanyang likod. Haplos na parang nagsasabing hindi siya nag-iisa, na may magiging karamay siya. “Okay ka lang?” mahinahong tanong ni Zander habang nakatingin din sa bahay. Kabado rin siya at ninenerbiyos pero nakita niya ang takot sa mukha ni Vanna. Kaya upang may kapitan ng lakas ang asawa ay pilit niyang umaakto ng normal sa harapan nito. Huminga nang malalim si Vanna. “Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Velora. Alam kong galit pa rin siya sa akin…” Hinawakan ni Zander ang kamay niya at marahang pinisil. “Nandito lang ako, Vanna. Kung ano man ang sabihin nila, magkasama tayo. Walang iwanan, di ba?" Tumango si Vanna k

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   349

    GABI ng pagpunta nina Zander at pamilya niya sa Batangas. Binubutones ni Zander ang kanyang white polo nang mapansin iyon ni Vanna. Nilapitan niya ang asawa at siya na ang nagbutones ng natitira. "Tawagin mo naman ako. Mag-asawa na tayo, ‘di ba? Siyempre, kahati mo na ako sa lahat ng bagay," malumanay na sabi ni Vanna. Napangiti si Zander at biglang kinabig si Vanna palapit sa kanya. Napaigtad naman ang asawa sa ginawa nito. "Sure, love," bulong niya, nakatitig sa mga mata ni Vanna. Hinaplos niya ang pisngi nito, mabagal at puno ng lambing. "Kahit anong mangyari mamaya, kasama mo ako. Hindi kita pababayaan sa harap nila. Tayong dalawa lang, magkasama na haharap sa kanila. Ipagmamalaki natin ang pagmamahalan natin." Napangiti si Vanna, may halong kaba at saya. "Alam kong kakayanin natin 'to, Zander. Basta magkasama tayo, ha." Ngumiti si Zander at idinikit ang noo niya sa noo ng asawa. "Yan ang gusto kong marinig. Handa ka ba?" Hinalikan ni Zander nang buong puso si Vanna

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   348

    NAGLALAKAD palabas ng mall sina Vanna, Zander, at Lyca. Nagtaka si Vanna nang mapansin na patungo sila sa parking lot. "Magta-taxi lang tayo, ‘di ba? Bakit tayo nandito sa parking area?" tanong ni Vanna habang nakatingin sa asawang hawak pa ang kanyang kamay. Ngiti lang ang isinagot ni Zander. "Baka may hinihintay na taxi dito, Vanna," sabad ni Lyca. Napatingin si Vanna sa kaibigan at bahagyang tumango, tila umayon sa sinabi nito. Biglang binitawan ni Zander ang kamay niya. Naglakad ito papunta sa isang puting, bago pang SUV at nakangiting sumandal sa harap ng sasakyan. Napahinto si Vanna. Nanlaki ang mga mata at hindi siya makapagsalita habang nakatitig sa bagong-bagong sasakyan. "Z-Zander… atin ba ‘yan?" halos pabulong na tanong niya, halatang nagugulat at natutuwa. "Wow! Ang ganda!" biglang sigaw ni Lyca na halos tumakbo palapit. "Bagong-bago, amoy brand new pa! Sa inyo ba ‘to, Zander?" aniya na parang mas na-excite pa kay Vanna. Ngumiti lang si Zander at tiningnan ang asaw

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   347

    UMUWI si Zander sa kanila na may pasa sa mukha at may may sugat ang gilid ng labi. Ang lakas ng pagkakasuntok sa kanya ng asawa ni Velora. Tinanggap niya iyon. Dahil para kay Vanna. Walang-wala ang sakit na dulot ng sugat niya sa sakit na nadarama ng kalooban ng kanyang pinakamamahal. Ginagamot ni Alex ang sugat ng kanyang anak. Natatawa naman si Len sa nakikitang itsura ni Zander na napapangiwi sa tuwing dumadampi ang bulak na may gamot sa labi nito. "Bakit ka kasi pumunta doon na wala kang kasama? Sugod ka nang sugod, hindi ka naman handa. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo..." litanya ni Len sa anak. "Ma, gusto ko lang pong makausap si Velora ng masinsinan. Tungkol sa amin ni Vanna. Pero andoon po pala ang asawa niya. Kaya si Mr. Dewei Hughes po ang nakaharap ko." Katwiran ni Zander na muling napangiwi nang idiin ng kanyang ama ang bulak sa sugat niya. "Oh, e, anong desisyon mo?" Muling tanong ni Len sa anak. "Haharapin ko po sila ulit bukas. Sasamahan n'yo po ako," sagot ni

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   346

    HUMINGA muna ng malalim si Zander. Nakatayo siya ngayon sa mataas na gate ng bahay nina Velora at Dewei. Nasa Batangas siya at mag-isa niyang haharapin ang kapatid ng kanyang asawa. Nagdoorbell siya. Maya-maya'y narinig na ni Zander na may nagbubukas ng gate. Dumungaw kaagad sa labas ang isang matandang lalaki. "Sinong kailangan nila?" "Magandang araw po. Andiyan po ba si Velora Hughes? Ako po si Zander Santos. Kilala, ho, niya ako." Niluwagan ni Tacio ang pagkakabukas ng gate. "Halika, hijo. Pumasok ka. Nasa loob ang mag-asawang Hughes." "Maraming salamat po," magalang na tugon ni Zander. Ngumiti siya kahit na kinakabahan. Pumasok na siya sa loob, sinundan niya ang matandang lalaki papunta sa bahay ng mag-asawang Hughes. Hindi alam ni Zander kung ano ang naghihintay sa kanya. Pero nakahanda siya at buo ang loob niyang makausap ang kapatid ng kanyang mahal na asawa. "Velora, may bisita ka. Pinapasok ko na. Kilala ka raw, e," imporma ni Tatay Tacio. Sabay na napatingin sina Ve

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   345

    YAKAP ni Lyca si Vanna habang humahagulhol ito ng malakas na iyak. Bumitaw ito sa kanya at pinunasan ang mga luha sa mata. "Nagsisisi ako sa ginawa ko, Lyca," nausal ni Vanna habang tumatangis. "Pero hindi ko pinagsisisihan na ikinasal kami ni Zander. Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko," sabi pa niya na mapait ang ngiti habang patuloy na umiiyak. Ikinasal siya sa lalaking pinapangarap niya. Pero kapalit nito ang pagkawala ng kapatid na dati’y kasa-kasama niya sa lahat ng naging laban niya. Ramdam niya ang bigat ng desisyon na iyon. Pero, umaasa pa rin siya na magkakaayos silang magkapatid. "Vanna..." mahinang wika ni Lyca habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Hindi mo kailangang magdusa mag-isa. Nandito pa rin ako para sa’yo." Umiling si Vanna, mahigpit na hawak ang kamay ni Lyca. "Paano kung hindi niya ako mapatawad? Paano kung tuluyan na niya akong talikuran bilang kapatid?" Napabuntong-hininga si Lyca, pinipilit ngumiti kahit ramdam niya rin ang bigat ng sitwasy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status