Share

Chapter 2

Nakangiti ang ibang seniors habang ang ilan naman ay sobrang seryoso ng mga mukha. Sa harapan nilang lahat ay nakatayo ang isang matandang lalaki. Nakasuot siya ng puting polo shirt na nakatuck-in sa gray na slacks. May suot ding siyang salamin habang nakatanaw sa amin at bahagyang nalilipad ang buhok. Matanda na siya pero mababakas pa rin sa kaniya ang otoridad.

I know him. Everyone knows him. He’s the founder of HPSAE, Mr. Ignacio Martino. Siya rin ang namuno noon sa paglalakbay ng grupo ng mga magulang ko at mga magulang ng kambal.

Dahan-dahang bumaba ang helicopter na sinasakyan namin sa tapat ng mga Seniors. Saglit lamang ang ginawa kong pagtingin sa ibaba, agad ko ring ibinalik ang mga mata ko sa mga kasamahan ko. Pansin kong mukha na naman silang kinakabahan, maliban kay Mark.

Sa oras na tuluyan ng makapaglanding ang helicopter na sinasakyan namin ay nagkanya-kanya na kami ng baba. Bumuo rin kami ng pahalang na linya na base sa naka-assign na number sa amin ang pagkakasunod-sunod. Mark is 001, so siya ang nangunguna sa linya. Sumunod ay si John na 002. Sunod naman ay si Dave na 003. Pagkatapos ay si Lei na si 004. Si Rina na si 005. At panghuli ay ako, na si 006.

“Welcome to the HPSAE, Searchers. Come, I want you to meet your spaceship.” Bungad ni Mr. Martino sa amin.

Hindi man lamang niya kami hinintay na magpakilala. Sumunod na lang din kami sa kaniya papalapit sa open space garage ng mga spaceship at iba’t ibang klase ng eroplano ng HPSAE.

Huminto kami sa isang triangular spaceship. Katamtaman lamang ang laki nito. Siguro’y sapat lamang para sa aming anim na searchers.

“This spaceship is upgraded. Naiiba ito sa spaceship na ginamit ng mga naunang searchers. I’m guessing that you know them? Specially because two of the searchers there are 006’s parents.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mr. Martino.

Kilala niya ako? Kilala niya ang mga magulang ko?

Biglang bumalik sa akin ang mga alaala ko noong bata pa 'ko. Iyong mga panahong sumasama ako sa lolo't lola ko sa paghatid sa mga magulang ko sa headquarters. Sobrang liit ko pa no'n pero sariwa pa rin sa 'kin ang lahat na para bang kahapon lang nangyari ang mga 'yon. Palagi akong sumasama sa headquarters noon, pero ni minsan ay hindi ko pa nakilala ng personal si Mr. Ignacio. So how come he know me? Sa records ko ba? Did he run a background check on me?

Hindi ko naman kasi sinabi ninuman sa HPSAE na searchers ang mga magulang ko. Wala rin naman akong kaclose ro'n. Tanging sina May at Mara lang ang mga kaibigan ko.

Napalunok nalang ako nang biglang bumaling sa akin ang lahat ng mga kasamahan namin. Ang ilan sa kanila ay nalilito at nagtatanong ang mga tingin, lalo na ang mga kasamahan ko. Habang ang ilan naman, karamihan ay mga seniors, ay tila kilala na rin ako dahil ang ilan sa kanila ay nakangiti lang o kaya nama'y walang reaksyon. I really hate getting everyone’s attention. Muli na lamang akong humarap kay Mr. Martino, ignoring and avoiding everyone’s eyes.

“How did you know I was related to them? You know me?” Paniniguro ko.

“Yes, of course. We always do a background check on our people." Napatango naman ako nang masagot niya ang tanong ko sa utak ko. Muli siyang nagsalita. "Ang spaceship na ginamit ng grupo ng mga magulang mo ay mabagal ang takbo. Kaya sa palagay ko’y natagalan silang makahanap ng planeta. This spaceship is upgraded. It has the speed of a lightning. Well, million times the speed of the lightning. Madali lang kayong makakarating sa planetang pinag-landingan ng mga magulang mo. Meet your spaceship, Andromeda.” He said, nodding towards the spaceship.

Pero hindi iyon ang nakapukaw sa atensiyon ko. Kunot noo akong napatingin sa kaniya. “Planetang pinag-landingan nila? You mean they’re not missing? Nakahanap sila ng planeta? Why didn’t they come back? Why-”

“They’re missing. Ang huling pakikipag-usap namin sa kanila ay no’ng nakalapag na ang spaceship nila. Pagkatapos ay bigla na lamang nagshutdown ang mga suits nila nang hindi man lang bumababa ang kahit ano sa mga vital signs nila. Basta na lamang nagshutdown ang mga ‘yon, together with their spaceship. We lost our communication with them by then.” He calmly said. "Noon ay ang lolo't lola mo ang nakausap namin tungkol sa bagay na iyon. Pero hiniling nilang isikreto na lamang iyon at hindi na sana makaabot sa 'yo para mamuhay ka ng normal. Noong araw ding nalaman nila ang totoong nangyari, inatake sa puso ang lolo mo. At ilang araw naman ang nakakalipas ay nasagasaan naman ang lola mo."

Namuo ang luha sa mga mata ko. Naalala ko ang pangyayaring 'yon. Umuwi si lola sa bahay ng mag-isa. Nang tinanong ko siya kung nasaan si lolo, ang sabi niya lang ay kami na lamang daw dalawa. Hindi ko naintindihan iyon no'ng una, pero ilang araw ang lumipas at wala pa rin si lolo. Do'n ko na unti-unting tinanggap na wala na si lolo kahit hindi ko naman ang dahilan ng pagkawala niya. Inisip ko nalang noon na umalis lang siya kagaya nila mama at papa, na babalik din makalipas ng ilang araw mula sa training. Hanggang sa isang araw, nagpaalam si lola na lalabas at may aasikasuhin daw siya. Nalaman ko nalang na nasagasaan daw siya habang inaayos ang mga papeles para sa pagkamatay ni lolo. Do'n na tuluyang gumuho ang mundo ko.

Makalipas din ng ilang araw, napagpasiyahan na nga naming magsama sa iisang bahay ng kambal. And the rest is history.

Other seniors looked at me with pity, while others look away. Napansin ko ring binibigyan ako ng naaawang tingin ng ilan sa mga kasamahan ko. But I chose to ignore any of it.

"Humihingi ako ng patawad at ngayon mo lamang nalaman ang totoo. Pasensiya na kung itinago namin sa 'yo, sa inyo. But we did that to fulfill your grandparents' wish." Malumanay na aniya.

Muli akong tumango at huminga ng malalim bago tinanong ang katanungang kanina pang tunatakbo sa isipan ko simula nang mapag-usapan namin ang mga magulang ko.

“My parents...Is it possible that they’re… that they’re alive? Maging ang mga kasamahan din nilang searchers? Maaari bang buhay sila?" Mahinang tanong ko.

Nang tumango siya ay para bang gusto kong maiyak at magtatatalon sa tuwa. Mabuti na lamang at pinigilan ko ang sarili ko at muling nakinig sa kaniya. Hindi ko aakalaing mangyayari pa ang araw na ito sa 'kin. Ang araw kung saan may magsasabing maaaring buhay pa ang mga magulang ko. Sa loob ng ilang taon ay wala akong ibang naririnig kung hindi ang salitang "condolence". Wala pa mang bangkay na natagpuan na maaaring magpatunay na wala na nga ang mga magulang ko ay inassume agad ng mga taong wala na sila. Ngayon, masasabi kong may pag-asa. Ramdam ko. At sana lang tama ang pakiramdam ko na 'to.

Sana lang buhay pa sila. I will do anything just to bring them back. I want to hug them again and tell them each day how much I miss and love them. I love them so much. With all of my heart.

“Doon ang punta ninyo ngayon. We’ll send commands and directions to your spaceship. You need to find out what happened to the searchers before you. I cannot one hundred percent guarantee you that they’re alive, but there’s a lot of possibilities. So, this will be a double purpose mission. Think you can handle it?” Hindi ko alam kung bakit sa akin siya nakaharap. Hindi naman ako ang leader, pero tas-noo na lamang akong napatango. Gano'n din ang ginawa ng mga kasamahan ko nang bumaling sa kanila si Mr. Ignacio.

Kahit naman hindi ko nalaman na maaaring buhay ang mga magulang ko, sisiguraduhin ko pa rin namang magiging matagumpay ang misyon na 'to. Pero ngayon... Mas naging pursigido pa akong tapusin at pagtagumpayan ang misyong ‘to. Ngayong alam kong nakalapag pala roon ang mga magulang ko, maaari ngang nando’n pa rin sila ngayon. Baka nastuck pala sila ro’n. I need to find them. Dead or alive.

Namangha ako nang makita kung gaano kalawak ang loob ng spaceship. Kung titingnan kasi sa labas ay parang ang liit-liit lamang nito. May parang common area pa na may dalawang mahabang sofa at dalawa ring single sofa. Mayroon pang ibang kwarto para sa mga emergency supplies, food supplies, engines, at kung anu-ano pang kailangan namin sa paglalakbay.

May dalawang kwarto ring nakalaan na siyang tutulugan namin. Isa sa boys at isa sa aming girls. May tatlong bunk beds sa dalawang kwartong ‘yon. Sa kwarto namin ng girls, nasa kanang bahagi ng silid ang bunk beds kaya sa kaliwang parte naman nakalagay ang mga gamit namin. Mayroon kasi roong parang mga locker.

Nang matapos sa pag-aayos ng mga gamit namin ay sabay-sabay na rin kaming nagpunta sa control room. Suot namin ang uniform namin habang sabay-sabay na naglalakad. A navy blue jumpsuit especially made for astronauts or searchers like us. As expected, may anim na upuan sa control room.

I fasten my seatbelt and started touching the controls. Ako ang nakaassign sa pagbabantay ng changes sa engines at sa fuel tank. Kung may problema, ako rin ang mag-aayos no’n. Kung kailangang lumabas ay lalabas ako para ayusin ang mga nasira.

Nakakapagod at napakahirap pero sanay naman na ako. Halos ilang taon din kaming nag-train para rito. I signed up for this, so I need to work harder and focus. Wala rin akong karapatang mag-complain, at wala rin naman akong balak na mag-complain. Ginusto ko 'to, kaya gagawin ko. Without hesitation.

“Engines are in good condition. Fuel tank is full. We’re ready to go.” I announced through our headphones.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko nang umaangat na kami. Si Mark ang magmamaneho sa spaceship palabas ng atmosphere, at autopilot na kapag nakalabas na kami ng Earth. Sina Josh at Lei naman ang nakaassign sa pagbabantay ng mga maaaring hadlang sa paglalakbay namin katulad ng mga bulalakaw, at kung anu-ano pa. Habang sina Dave at Rina naman sa iba pang controls.

Medyo umuga ang spaceship at nahirapan si Mark sa paglabas namin sa Earth, pero napagtagumpayan pa rin naman namin. Halos sabay-sabay kaming napabuga ng malakas na hangin. Hindi ko aakalaing gano'n pala talaga kahirap ang lumabas ng Earth. Halos wala na kaming hingahan do'n kanina. Sa isang iglap ay bigla kaming nakarinig ng mga hiyawan at palakpakan.

I was greeted by the smiling faces of the people on the Earth when I glanced up. They’re on our screen, video calling us from the Earth. Politicians, organizations, and other personalities with high position gathered in one frame to witness this historical event. They put their trust on us in this mission. They made their choice, and this is trusting us that we will find a habitable planet for everyone.

At hinding-hindi namin sila bibiguin. Gagawin ko, hindi, gagawin namin ang lahat maihanap lamang ng panibagong planeta ang lahat. I know, we will do our best.

“Good job, Searchers. May God bless you on your journey.” Mr. Martino said.

Taas noo akong napaharap sa monitor. This is it. Sa wakas ay magagawa ko nang mahanap ang mga magulang ko. Hindi na ako magsisisi. Wala na akong magiging "what if". Wala na rin akong magiging "bakit". Masasagot na ang lahat-lahat.

Ma, Pa, parating na 'ko. May at Mara, sisiguraduhin ko ring mahahanap ko ang mga magulang n'yo. Konting hintay nalang. Ilang araw, o linggo, o buwan, o taon nalang at tuluyan na kaming makakahanap ng bagong tirahan kasama ang mga taong naging tirahan din namin.

Ang lahat ng mga naghihirap sa Earth ay hindi na muling maghihirap sa panibahong planeta, sisiguraduhin ko 'yan. Sa ngayon ay kailangan muna naming ligtas na makarating do'n. Kailangan din naming maghanda sa kung ano mang bubungad sa amin sa panibagong planeta.

Hindi madali ang misyong 'to. Pero kakayanin ko. Para sa pamilya ko. For humanity. For our existence. For our future.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status