Mag-log in“DI BA ang sabi ko sa’yo ay huwag kang gagawa ng kapalpakan kapag nandito ang buong pamilya ni Señorito Xander?” sermon ni Madam Lucia kay Eunice. Halos lumabas ang litid nito sa leeg dahil sa lakas na pagsigaw.Ang dahilan ng pagpapaalis kay Eunice sa mansyon at ang insidenteng nangyari kagabi. Binastos niya daw kasi si Vida at sinasadya niyang tapunan ang damit nito, bukod doon ay napahiya ang dalaga sa harap ng magulang ni Xander kung kaya't ikinagalit ni Xander at gusto na siyang paalisin, pero alam niya naman na puro kasinungalingan ang sinabi ni Vida sa binata para mapalayas siya. Bumaling siya sa matanda at nangatwiran.“Pero, Madam, hindi ko naman po sinasadya ang nangyari… Hindi ko po kasi nakontrol ang aking kamay, kung kaya’t—”“Hay! Tama na ang paliwanag mo! Kailangan mo nang umalis at maghanap ng ibang trabaho. Ayaw na ayaw ni Señorito Xander ng taong gumagawa ng kapalpakan,” inis na turan ng mayordoma.“Pero… baka naman pwede ninyo akong bigyan ng isa pang pagkakataon.
HINDI pa man nakababa ang nakataas na kamay ni Vida ay bigla na lamang humarang si Xander sa pagitan nila. Ang mukha ng binata ay walang emosyon, ngunit matalim at malamig ang tingin na ipinukol niya sa dalaga.Bumaling ito kay Vida at hinawakan ang kanyang kamay. “Enough! It's just a dress, Vida.”“No, it's not just the dress, Xander. Sinadya talaga ng babaeng iyan!” sigaw ni Vida, na walang pakialam sa mga taong naroon sa hapag.“For God’s sake, Vida! Enough. Mahiya ka naman sa harap ng mga magulang ko at ng pamilya mo,” pabulong na saad ni Xander, ngunit bakas ang matinding pilit na pagpipigil sa kanyang inis.Tsaka lang natauhan si Vida at padabog na umupo. Pilit siyang ngumiti sa mga tao sa loob ng silid-kainan. Binalingan naman ni Xander si Eunice at inutusan itong lumabas.“I'm sorry for what happened,” pagpapaliwanag ni Xander.“I'm sorry… that maid got into my nerves,” inis na sabi ni Vida, sabay paypay gamit ang mga palad. “Vida, it's okay. Xander is right—damit lang naman
HINDI inalis ni Eunice ang tingin kay Don Federico. Ang kanyang titig ay matalim, na parang nakakamatay; kulang na nga lang ay sugurin niya ito at gilitan sa leeg. Bawat hakbang ng matanda papasok sa loob ay lalong naaninag niya ang mukha nito — unti-unting bumabalik sa kanya ang alaala noong gabing pinakulong ang kanyang Papa at pinalayas sila mula sa mansyon. Napakuyom ang kanyang mga kamao dahil sa matinding galit. Lalapitan niya sana si Don Federico at bigyan ng isang malakas na suntok, ngunit mabuti na lang at nakapagpigil pa siya at isinaalang-alang ang kanyang misyon sa pamilyang Montes.Ilang sandali pa, isang magarang sasakyan ang pumarada sa harap ng mansyon. Halos humaba ang mga leeg ng mga katulong, maging siya, upang masilip kung sino ang lulan ng mamahaling sasakyan.Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Don Federico nang makita kung sino ang sakay nito — si Governor Francisco Legaspi, ang makapangyarihang politiko sa buong lugar.“Kumpadre, nauna lang ako sa’yo
HALOS mamula si Vida sa galit. Nanginginig ang kanyang mga kamao habang nakatitig sa saradong pinto, tila gustong habulin at sakalin si Eunice dahil sa sinabi nito. Pasalampak siyang umupo sa sofa at hinablot ang isang magasin. Pilit niyang pinapakalma ang sarili at pawiin ang init ng ulo. Binuklat-buklat niya ang magasin, ngunit hindi man lang niya tinitingnan ang mga pahina nito; halos mapunit na nga ito dahil sa higpit ng kanyang paghawak at pagdadabog. "Ma'am Vida, may napili na po ba kayo?" Tanong ng designer niya. "Ah! Padabog niyang inilapag ang magazine na ikinagulat naman ng baklang designer na si Venus. "Sorry, may hindi ka ba nagustuhan?" tanong nito. s "Hindi naman sa ganon, nakakainis!" Sabay sandal sa malambot na sofa at nag-cruise arms. "Wait a minute...ano bang ikinainit ng ulo mo?" nagtatakang tanong ng designer. "That maid!" singhal niya. "Huwag mong sabihin na insecure ka sa katulong na' yonx?" Sabay taas ng kilay ni Venus. "No way... Hindi ko lang
"WHAT? Ano pa ang hinihintay mo? Kneel down and I will forgive you," nakangising saad ni Vida habang ang mga kamay nito ay naka-cross arms sa dibdib.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Eunice at pinukol ng tingin ang dalaga. Napakagat-labing pa siya dahil sa galit na nararamdaman; kung hindi lang mahalagang manatili sa mansyon, hindi lang sampal ang matitikman nito sa kanya—sisiguraduhin niyang hindi ito makakalakad dahil lumpuhin niya ito."Ano, tatayo ka na lang ba?" inis na sabi nito at bumaling kay Xander. "Honey, I think you need to get this woman out of your mansion. Mukhang wala siyang balak humingi ng tawad sa kasalanang ginawa niya," dagdag pa ni Vida.Humakbang palapit si Xander sa kanya, at ang talim ng mga titig nito ay parang apoy na tutunaw sa kanya anumang oras. Akmang hahawakan siya ng binata sa braso nang bigla na lamang siyang lumuhod sa harap ni Vida."Kasalanan ko na po. Patawad, hindi na po mauulit, Ma'am Vida," usal niya.Isang nang-uuyam na ngit
NAPAKUYOM nang mahigpit ang mga palad ni Eunice. Sa wakas ay makakaharap niya na si Don Federico Montes—ang lalaking nagpakulong sa kanyang ama sa kulungan at siya ring dahilan ng pagdurusa ng kanyang ina. Bigla siyang natahimik habang pinagmamasdan ang kanyang mga kapwa kasambahay. Para bang huminto ang pagtakbo ng oras at bumagal ang bawat kilos sa kanyang paligid; tila tuluyang tumigil ang ikot ng kanyang mundo.Agad itong napansin ni Linda. Nakita nito ang matinding pag-iisip sa mukha niya habang ang mga mata niya ay tila tumatagos sa kaloob-looban. Dahan-dahan siyang hinawakan at tinapik-tapik ni Linda sa balikat.“May problema ba? Ayos ka lang ba?”“Ah! Oo naman,” mabilis niyang sagot habang nagkunwaring ngumingiti.“Bigla ka kasing natahimik at parang nawala sa sarili kanina,” nag-aalalang sabi ni Linda.“Ayos lang ako. Makikiraan muna ako sa inyo, mayroon lang akong kailangang asikasuhin,” sagot ni Eunice.Tumango lamang ang dalaga at muling bumalik sa pakikipagkuwentuhan sa i







