LOGINNapakurap si Marian sa narinig, at ang kaninang ngiti niya ay kaagad ding nawala.Kinampihan na nga ni Rain si Lianne, pasimple pa siyang pinahiya nito sa harap ng subordinates niya.‘Akala ko ay magagalit siya dahil natapunan siya ng kape, kaya naman tinulungan ko siyang pagalitan si Lianne…’ isip ng babae. ‘Pero hindi pala ganoon…’Parang napasama pa tuloy siya, kaya huminga na lang nang malalim si Marian, halatang masama pa rin ang timpla ng mood.“Lianne, dahil hindi ka naman pagagalitan ni Manager Rain sa ginawa mo, sige at bumalik ka na,” pagbawi nito sa inutos niya kanina.“Pero sa susunod ay mag-iingat ka. Huwag ka na ulit gagawa ng ganoong klaseng pagkakamali!”Mas tumindi ang pagkagat ni Lianne sa pang-ibaba niyang labi bago ibinaling ang paningin sa sahig.Naghihimutok na ang damdamin niya, pero wala rin naman na siyang magawa kundi tumango lang.“N-Naiintindihan ko po…”Nang makita naman ni Marian na parang iiyak na si Lianne dahil sa mga pinagsasasabi niya kanina, hindi n
Nang matapos na si Lianne magtimpla ng kape para sa team leader, pati na rin sa mga kasamahan niya sa trabaho, nag-uumpisa na ang meeting.Saktong si Marian ang nasa unahan at nagpapaliwanag tungkol sa kan’yang report, nang mapatigil siya dahil sa biglaang pagsulpot ng dalaga.Maging ang mga katrabaho ay napatingin din sa kan’ya.May dala-dala siyang tray na maliit, na siyang ginagamit kapag maramihan ang kailangang ibigay na kape, katulad na lang sa mga ganitong klase ng meeting.“Nagsisimula na ang meeting, tapos ngayon ka lang dumating?” naiiritang tanong ni Marian, na para bang sinusumpong na naman ito ng PMS. “Bakit ang tagal mo?”Napakagat ng labi si Lianne at nag-isip.‘Halos twenty minutes lang ang ibinigay na palugit sa akin para ihanda ang lahat. Hindi rin naman biro ang magtimpla ng maraming kape…’ reklamo niya.‘Kahit instant coffee lang naman ‘to, kahit papaano ay sasalinan ko pa ‘to ng mainit na tubig isa-isa, tapos ihahanda ko pa nang maayos para dalhin dito.’Mas maram
“Hmm… Anong kulay kaya ang maganda para sa kan’ya?” tanong ni Lianne sa sarili bago naglibot ng tingin sa paligid.May isang kulay na pumukaw sa atensiyon niya.“Pula na lang,” wika niya pa bago hinimas ang baba, sinusubukan i-imagine si Rozen habang suot ang kulay pula na necktie. “Sa tingin ko, bagay naman ‘yon sa kan’ya…”“Hmm… Pula? Wait, tulungan kita maghanap.”Sa pagtitingin ni Eunice, sakto ay nakakita siya ng magandang kulay pula na necktie. Inabot naman niya iyon kay Lianne.“Ito, maganda ang design kasi unique, tapos malambot din ang tela,” aniya na para bang saleslady siya sa department story na iyon. “Ano sa tingin mo?”Hindi kaagad sumagot si Lianne. Imbes ay hinawakan niya ang necktie, at namangha naman siya dahil sa ganda ng tela nito.Malambot at parang silk. Mukha itong mamahalin sa unang tingin pa lang.Itinalikod niya ang necktie para makita kung magkano ang presyo no’n, at pakiramdam niya, umaray ang kan’yang puso at bulsa nang makita ang halaga ng necktie.‘Seve
Sa mga oras na ito, parang gusto na lang lumubog ni Lianne sa lupa at iwan mag-isa ang kan’yang kaibigan.Parang kamatis na rin kasi ang mukha niya ngayon dahil sa sobrang pamumula nito, at umiling na lang siya dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na ‘yon.“Eunice… itigil mo na ‘yan. Hindi mo naman dapat tinatanong ‘yan na parang normal lang…”Hinilot pa ni Lianne ang sentido na para bang sobrang stressed na siya.“Huwag ka nang makulit, at huwag na nating pag-usapan ‘yan, okay? Mamili na lang muna tayo ng damit…” aniya at naglakad na sa unahan habang tumitingin ng mga suit.Wala mang kasiguraduhan sa kung ano ang size ni Rozen, pero siguro ay magtitingin na lang din muna siya. ‘At kung mali man ang size na makuha ko, puwede naman siguro namin mapapalitan ‘yon pagkatapos namin sukatin…’Hahakbang pa sana si Lianne ulit, pero natigilan siya sa sinabi ng kaibigan.“Hindi naman tayo nandito para bilhan siya ng damit,” ani Eunice sa seryosong boses. “Bibilhan natin siy
Hindi naman sumagot si Lianne sa mga litanya ng kaibigan. Magkaiba naman kasi silang dalawa ng paraan ng pag-iisip.Nag-aalangan pa nga siya bago nagsalita, pero sa huli, sinabi niya na rin kay Eunice kung ano talaga ang binabalak niyang gawin.“Ngayong nalaman ko na kung gaano talaga kamahal ang kuwintas… gusto ko sanang ibalik na ‘to sa kan’ya,” pag-amin ng dalaga. “Masyado palang malaki ang halaga nito. Baka mamaya, mawala ko pa.”“Kapag nawala ‘to, kahit ibenta ko pa lahat ng laman-loob ko, hindi ‘yon sasapat para mabayaran ko siya…”Sinamaan naman siya ng tingin ni Eunice. Mukha itong disappointed sa kan’yang kaibigan.Napahilot pa nga siya sa sentido bago uminom ng tubig at pumapak na lang ng biko, isang pagkain na kinuha niya rin kanina.“Anong magbenta ng laman-loob para mabayaran siya?” pag-uulit ni Eunice, ngayon ay naniningkit na ang mga mata. “Una sa lahat, regalo niya iyon sa ‘yo. Ibig sabihin, hindi mo kailangan bayaran.”“Pangalawa, ibinigay mo na ang sarili mo sa kan’y
Nagtungo si Lianne at Eunice sa isang buffet restaurant para roon mag-lunch.Si Lianne mismo ang nag-suggest no’n dahil may nakuha siyang dalawang coupon nitong nakaraan, kaya naman mayroon silang thirty percent discount.Isa pa ay maganda ang reviews ng restaurant na ito sa social media sites, at malapit-lapit lang ito sa Pristine Corporation, kaya naman mabilis din siyang makakabalik sa trabaho.Dahil gutom na silang dalawa at handa na ring kumain nang marami, nagkan’ya kan’ya muna ang magkaibigan sa pagkuha ng pagkain.Nang matapos na sila ay parehas nilang inilapag ang mga plato nila sa lamesa at umupo na sa harapan ng isa’t isa.Nagsimula na silang kumain, pero maya maya lang ay nagtanong na si Eunice. Hindi na rin kasi niya natiis ang hindi makitsismis.“Nasaan na ‘yong kuwintas?” tanong ng kaibigan sa mahinang boses. “Patingin, dali. Para ma-assess ko na rin kung tunay nga ba ‘yan o hindi.”Tila isang magnanakaw naman si Lianne nang ilabas niya ang pendant ng kuwintas mula sa k
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage
Napanganga si Lianne. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Paano ko mache-check ang kondisyon mo kung hindi ko makikita?”Napatango ang dalaga.‘May point siya roon, pero…’Hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-aalangan siya. Paano niya iyon magagawa sa harap ng isang lalaki.At hindi la
Pagkabalik sa inuupahang kuwarto, kaagad kumuha si Lianne ng tubig upang inumin ang pills na binili niya kanina.Pagkatapos ay nag-shower siya at hinugasan nang sobra ang sarili, mula ulo hanggang paa.Napansin niya ang balat na punong-puno ng marka galing sa lalaki. Maging ang hita niya ay hindi p
Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k







