Share

Kabanata 3

Penulis: Evelyn M.M
Umupo ako sa malamig na hospital chair, humihinga ako ng malalim. Umiiyak pa rin si nanay at hindi siya mapatahan. Kumirot ang puso ko para sa kanya. Naiintindihan ko na hindi madali mawala ng hindi inaasahan ang lalaking minahal mo.

Nakakagulat pa rin ito. Inaasahan ko na gagaling siya, ngunit ngayon ay patay na siya at wala akong ideya kung ano ang dapat kong maramdaman.

Hindi pantay ang tingin namin sa isa’t isa at kahit na kinamumuhian niya ako, mahal ko siya. Tutal, tatay ko siya, kaya paanong hindi ko siya mamahalin?

“Ayos ka lang ba?” Ang tanong ni Rowan habang umupo siya sa tabi ko.

Dumating siya ng isang oras na ang nakaraan at ito ang unang beses na kinausap niya ako simula noong dumating siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa pag aalala na pinapakita niya. Tutal, hindi niya pa naisip ang tungkol sa nararamdaman ko noon.

“Oo.” Ang sabi ko.

Hindi pa ako lumuluha simula noong sinabi ang balita. Baka ito ay dahil sa pagkagulat o baka naubusan na ako ng mga luha para sa kanya. Ngayon, ginagawa ko ang lahat para huminahon dahil ang iba ay umiiyak.

Nakita ko ang mga paa sa sulok ng paningin ko noong lumingon ako at nakita ko na nakatitig sa akin si Travis. Tulad ng dati, walang bahid ng pagmamahal ang mga mata niya kapag nakatingin siya sa akin. Alam ko na mali ang ginawa ko, pero hindi pa ba ako nagbayad para sa gabing yun?

“Ano?” Ang tanong ko sa kanya.

“Tumawag si Mom kay Emma noong binaril si dad, kaya malapit na siyang dumating. Hindi niya pa rin alam na patay na si dad.” Ang sabi niya.

Narinig ko na huminga ng malalim si Rowan. Ito lang ang tanging indikasyon na kailangan ko para malaman na ang pangalan ni Emma ay nakakaapekto pa rin kay Rowan. Ang init na ipinakita niya kanina lang ay naging malamig agad at alam ko na nawala ulit siya sa akin.

“Oo nga.” Ang sabi ko ng mahina dahil wala naman akong ibang masasabi.

Hindi ko pa nakausap si Emma ng maraming taon. Nagdududa ako na gusto niya ako sa paligid niya base sa laki ng galit at poot niya sa akin.

“Inaasahan ko na maging mabait ka at bigyan mo siya ng space,” Ang dagdag ni nanay, pinunasan niya ang luha sa mukha niya.

“Nanay, alam niyo na imposibleng magagawa ko ito.”

“Wala akong pakialam kung ano ang posible o hindi. Umalis ka pagkatapos mo pagtaksilan ang anak ko noong nakaraang siyam na taon. Hindi ko hahayaan na mangyari ulit ito lalo na at wala na ang tatay niyo at kailangan natin ang isa’t isa,” Ang sabi niya habang kagat ang ngipin niya.

Hindi ko gusto na lagi nilang ipinamumukha sa akin ang nakaraan. Hindi pa ba sapat ang pagdurusa ko sa mga ginawa ko noong bata at tanga pa ako? Pero ngayon, lagi pa rin nila akong pinaparusahan.

“Baka nakalimutan niyo na anak niyo rin ako, o baka patay na rin ako para sa inyo?”

Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para sumagot. Tumayo ako at umalis. Kailangan ko ng sariwang hangin. Kailangan ko mag isip.

Noong lumabas ako, lumanghap ako ng sariwang hangin. May mga luha sa mga mata ko, pero pinigilan ko ang pagtulo ng mga ito. Ano ba ang ginagawa ko rito? Bakit siya nag abala na tumawag sa akin kung sa tingin niya ay isa lang ang anak niyang babae?

May parte sa sarili ko na gustong lumayas ngayon at hindi na ako titingin ulit sa likod. Tutal, sa tingin ko ay hindi naman ako parte ng pamilya nila at hindi rin nila ako itinuring na parte nito. Dapat na lang akong umalis at kalimutan ang tungkol sa kanila tulad ng pagkalimot nila sa akin.

“Ma’am, anak po ba kayo ni James Sharp?” Dumating ang isang nurse at nabigla ako.

Tumango ako pagkatapos huminahon ang pagtibok ng puso ko.

“Kailangan po kayo. Tinitingnan po nila ang katawan,” Ang mahinang sabi niya sa akin, baka iniisip niya ang mga nararamdaman ko.

“Sige, sandali lang.”

Umalis siya pagkatapos ako bigyan ng oras para gumawa ng desisyon. Kahit na hindi ako inalagaan ni tatay, binuhay niya pa rin ako, kaya utang ko ito sa kanya. Dahil dito, nakapag desisyon na ako. Bibigyan ko siya ng maayos libing, at pagkatapos ay maghuhugas ako ng kamay para sa kanila.

Pwede sila maging ang perpektong pamilya. Hindi na sila mamomroblema sa akin na tulad ng dati.

Pagbalik sa loob, humingi ako ng direksyon papunta sa morgue. Sa oras na makarating ako doon, tapos na ang lahat sa pagtingin sa katawan.

Tumingin ako kay tatay. Nakahiga sa lugar. Mukha siyang payapa. Tulad ng itusra niya kapag natutulog siya. Iisipin ng kahit sino na nagpapahinga lang siya, sa halip na patay. Ang kaluluwa niya ay matagal nang wala sa katawan niya.

“Paalam, tatay.” Ang sabi ko sa kanya.

Tumingin ako ng isa pang beses bago ako umalis ng malamig na kwarto. Inalis ko ang mabigat na pakiramdam sa puso ko dahil alam ko na hindi lang ako sa kanya magpapaalam. Kahit kailan ay hindi nila ako mamahalin. Oras na para bitawan ang pantasya na ito.

Pumunta ako sa waiting area at umupo sa pinakamalayong upuan. Si nanay ay nag aayos ng mga papeles at bills. Nakatitig si Travis sa pader, mukhang magulo ang isip at mag isa. Hindi makikita sa lugar si Rowan.

Pag upo ko doon, inisip ko ang lahat ng kailangan kong gawin. Halos imposible na iwasan sila, pero determinado pa rin ako. Ito lang tanging paraan na alam ko para protektahan ang kapayapaan ko. Pagod na akong laging nasasaktan. Pagod na ako na ang puso ko ay laging nasusugatan ng mga tao sa paligid ko.

Narinig ko ang mga ingay sa paligid ko at lumingon ako. Sa sandalng yun, nakita ko siya, kasing ganda pa rin ng dati. Mahaba na blonde na buhok, mahabang legs, mukha na may hugis ng puso, at seksi na katawan na kinababaliwan ng mga lalaki.

Yakap siya ni Travis. Bumubulong ng mga salita na pampatahan. Ang isang bagay na hindi ginawa ni Travis para sa akin noong dumating ako. Tulad ng dati, tumama ang sakit at pinigilan ko ito.

Naghiwalay sila at dumating si Rowan. Sa oras na makita ni Rowan ang babae, nanghina ang mga tuhod niya. Nakikita ko na gumalaw ang Adam’s apple niya habang lumunok siya.

“Emma?” Ang namamaos na boses niya habang tinawag niya ang pangalan ni Emma. Maraming emosyon ang nilagay niya sa isang pangalan na yunn.

Lumingon si Emma papunta sa direksyon ni Rowan. Sa oras na magkatinginan sila, naglaho ang lahat ng nasa paligid. Na para bang walang ibang bagay maliban sa kanilang dalawa. Tila mas mabilis kaysa sa pagkilos ng the Flash, magkayakap na sila sa isa’t isa.

Kung masakit na makita na yakapin ni Travis si Emma, wala akong ideya kung paano ito makakasakit ng sobra sa akin. Kung paano ito sisira sa akin.

Bumalik si Emma. Nang makita ko siya sa yakap ni Rowan, wala nang magsabi sa akin ng katotohanan na nasa harap na ng mukha ko. Mahal na mahal pa rin ni Rowan si Emma kahit na lumipas ang lahat ng mga taong ito.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 539

    Hey Loves, so I’m just from reading you comments and you’ve really told me how you feel😅.Everyone is entitled to their own opinion and I respect that. I can’t do anything to change them and that’s is completely okay.I’ve gotten some really good criticism and I want to thank those who have pointed me towards my mistakes. I always struggle with writing an ending and that’s why it can sometimes come off as rushed. Don’t worry I’ll be working on that in my next book.As for Emma and Calvin, I want you all to understand that this was always the way it was supposed to end, at least in this book.Emma didn’t love Calvin, she was sorry for what she did but she never loved him with same depth he loved her. In other words, she loved him but she wasn’t in love with him. Calvin deserved to feel that love with someone else given that Emma couldn’t reciprocate. Go back to some of her therapy sessions and you’ll realize that yes she was remorseful but not because along the way she fell in love

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 538

    Harper.Lumulutang ako sa isang malambot na puting ulap ng pagtulog. Mainit ang pakiramdam ko, naramdaman kong may kapayapaan, at naramdaman kong mahal ako.Dahan dahan, nagsisimula akong magising. Si Gabriel ay nasa likuran ko, ang kanyang mga braso sa paligid ng yakap. Ginagawa niya ito sa tuwing natutulog tayo. Hawakan mo ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig na parang natatakot na mawala ako kung hindi siya.Kumalas ako ng kaunti na sinusubukan na makalabas ng kanyang mga braso. Sa halip na palayain ako, hinigpitan niya ang kanyang mga kamay, na nagtutulak sa akin na mas malapit sa kanyang katawan.Huminto ako kapag naramdaman ko siya. Kapag naramdaman ko ang kanyang hindi mapag aalinlanganan na matigas na kahoy sa umaga. Ang aking mga hormone ay sumusulong at kaagad ko siyang gusto. Gusto kong maramdaman itong ibaon sa loob ko.Mayroon kaming isang malusog na sekswal na buhay, ngunit may mga oras na gusto mo lang. Sa tatlong mga bata, kung minsan mahirap na walang tigil na nag

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 537

    "Sigurado," Ibabalik niya ang aking ngiti tulad ng paglalakad sa amin ni Killian."Narito ako upang nakawin ng aking magandang asawa." Ang kanyang tinig ay raspy at hindi ko maiwasang matunaw sa timbre. Ito ay sobrang sexy."Sayo na siya." Binitawan ako ni Calvin at humakbang sa tabi bago maglakad palayo.Hinila ako ni Killian sa kanyang mga bisig, tinitiyak na walang puwang sa pagitan namin. “Okay ka lang ba? Ang iyong likod ay nasasaktan? Ang iyong mga binti? "Tingnan kung ano ang sinabi ko sa iyo? Siya ay isang pating bilang isang abogado ngunit nagmamalasakit at mapagmahal bilang asawa. Hindi ko rin alam na may tipo ako hanggang sa makilala ko siya."Okay lang ako, mahal ko, medyo nagaalala," Tawa ko, itinulak ang aking sarili na mas malapit sa kanya."Sinabi ko na ba sayo na mahal kita?" Tanong niya.Hindi ko maiwasang mapangiti habang itinutulak ko ang aking sarili ng tumingkayad at bumulong malapit sa kanyang mga labi. "Halos isang libong beses ngayon, hindi na ako ay na

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 536

    Si Molly ay isa sa aking mga abay na babae at ganoon din sina Ava, Connie, Letty, Harper at Kinley. Sila ay naging aking mga batang babae sa nagdaang apat na taon mula nang aksidente. Siyempre, hindi ko mapalitan si Molly, siya ang aking pinakamatalik na kaibigan, ngunit nagpapasalamat ako na mayroon ako sa kanila.Dagdag pa, kahapon sinabi sa akin ni Molly na iniisip niya na lumipat dito. Tuwang tuwa ako. Mahal ko siya. Ngunit inamin namin na mahirap gawin ang buong pagkakaibigan na malayo. Ako ay matapat sa buwan na siya ay nasa paligid.Bumagsak ang musika at lumapit si Gunner, sinira ang lahat ng iba pang pag uusap."Maaari ba akong magsayaw sayo, Mom?"Mayroong isang serye ng mga aaws at isinusumpa ko ang aking puso ay natutunaw mismo sa lugar."Syempre, aking gwapong lalaki anak," Sagot ko bago kunin ang kanyang kamay.Si Gunner ay labing apat, ngayon ay isang teenager. Maniwala ka ba diyan? Siya ay kasing taas ko at sigurado ako sa ilang taon na siya ay magiging mas mataas

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 535

    Emma.Sumasayaw ako kasama si Molly, pinahihintulutan ang musika na maghugas sa akin. Medyo masakit ang likod ko, pero hindi mahalaga kapag sobrang saya ko.Ang aking damit ay kumikislap sa paligid ko habang sinisigaw namin ang lyrics ng Cruel Summer ni Taylor Swift sa tuktok ng aming mga baga. Sumama sa amin si Ava, na buntis nang husto. Natawa ako dahil iniisip niya na sumasayaw siya, ngunit hindi. Hindi ko rin alam kung anong tawag sa ginagawa niya.Mabibilang ko ang ilang beses kung kailan ako naging pinakamasaya. Ang isa ay noong nakapasa ako sa bar exam. Ang pangalawa ay noong tinawag ako ni Gunner na mom sa unang pagkakataon sa mahabang panahon. At ang pangatlo ay ngayon. Sa araw ng aking kasal.Tama ang narinig mo. Kakakasal ko pa lang at hindi ako magiging mas masaya.Natandaan ang cute lawyer na sinabi ko kay Ava noong birthday ni James? Well, hindi siya sumuko, kahit ilang beses ko siyang tinanggihan. Panay ang tanong niya, at ang ibig kong sabihin, ay halos araw araw s

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 534

    Kaya dumating na tayo sa dulo ng Ex-Husband’s Regret at sa mga side story. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng pagmamahal at suporta mo sa librong ito. Ito ang pinakamahabang librong naisulat ko at sa ngayon ang pinakamatagumpay kong libro. Hindi ito magiging matagumpay kung hindi dahil sa iyong suporta. Kaya kaysa sa inyo. maraming salamat po. Salamat sa iyong paglalakbay mula sa simula hanggang sa katapusan. Ibig sabihin ang mundo ay nananatili ka sa akin.Ngayon, gusto kong iannounce na susunod na ang kwento ni Noah. Ito ay tinatawag na [The Billionaire's Fight For Redemption] Inaayos ko pa ang plot, pero magiging available ito sa kalagitnaan ng Oktubre, kaya abangan ito. Magkakaroon tayo ng side story tungkol kay Gunner at malamang isa pa tungkol kay Lilly.Narito ang isang sneak peek ng The Billionaire's Fight for Redemption. Ito ay isang magaspang na draft.Sierra.Naglalakad ako sa aisle. Bumibilis ang tibok ng puso ko at mabagal ang mga hakbang ko. Ang mga rosas at putin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status