Home / Romance / Ex-wife Return: Love Me Again / Upcoming School Activities

Share

Upcoming School Activities

Author: Shea.anne
last update Last Updated: 2024-12-09 17:21:03
Kinabukasan ng pagbabalik mula sa baguio, bumalik si Avigail sa trabaho sa institute.

Nasa baguio siya ng dalawang araw at iniiwan ang lahat ng gawain sa kanya kay Jake Gray, na naging sanhi ng pagkaubos ng lakas nito.

Pagkatapos ng trabaho sa gabi, sabay na lumabas sina Avigail at Jake

"Iniwan mo sa akin lahat ng gawain sa loob ng dalawang araw, ako ang sumalo lahat ng trabaho, hindi mo ba ako pagpapasalamatan ng maayos?" pabirong banat ni Jake kay Avigail.

Nang marinig ito, ngumiti si Avigail, "Dapat lang, wala akong gagawin ngayong gabi, dinner tayo together. Libre ko"

Ilang beses nang iminungkahi ni Jake na maghapunan sila ng sabay, pero tinanggihan siya ni Avigail. Alam niyang itinuturing siya ni Avigail na isang ordinaryong kasamahan sa trabaho kaya hindi niya ito pinilit.

Ngayon na siya na ang nagpasimula, naisip ni Jake na isang pagpapakita lamang ng pasasalamat ni Avigail para sa mga nakaraang dalawang araw, kaya pumayag siya agad.

"Yown. Syempre hindi ko tatanggihan ang bagay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Bad Mood

    Nang maramdaman ni Avigail ang sakit sa pulsuhan niya, napasinghap siya at agad na tumingin kay Dominic nang may pag-iingat. Seryoso at madilim ang ekspresyon nito na halos nakakatakot.Maya-maya, bigla itong lumapit sa kanya. Gusto sana niyang umatras, pero mahigpit ang hawak nito sa pulsuhan niya kaya halos hindi siya makagalaw.Sandaling naging sobrang lapit ng distansya nila—sapat para maramdaman ang hininga ng isa’t isa. Kusang bumagal ang paghinga ni Avigail at napakuyom siya ng kamao sa tabi niya. Ramdam niya ang matalim na titig ni Dominic na para bang sinusuri ang bawat sulok ng katawan niya habang lalo pang humihigpit ang pagkakahawak nito. Sa oras na inakala niyang may gagawin na itong masama sa kanya, bigla nitong binitiwan ang pulsuhan niya.Nabigla si Avigail sa ginawa nito."May stock pa ang Herbscape Group ng mga halamang gamot sa ibang lungsod. Kung kailangan mo, pwede kong ipadeliver agad sa’yo," malamig at mababa ang boses ni Dominic, halatang awkward.Totoo, muntik

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Mastermind

    Ramdam ni Avigail ang mabigat na titig ni Dominic sa likod niya. Kahit nakatalikod siya, alam na alam niyang nakatitig ito sa kanya. Dahil sa presensya ni Dominic, bigla siyang nawalan ng gana kumain.“Kayo na lang muna, mga anak. May kailangan lang akong pag-usapan ni tito Dominic niyo,” mahinahong sabi ni Avigail matapos sumubo nang mabilis ng ilang kagat at itinabi ang kubyertos.Hindi na niya matiis ang titig ni Dominic sa kanya kaya gusto na rin niyang malaman kung bakit ito biglang nagpunta sa bahay niya. Hindi na nagtanong pa ang mga bata at sabay silang tumango bilang sagot.Nang makita niyang pumayag ang mga bata, tumayo si Avigail at lumapit kay Dominic. “Sa study room tayo mag-usap,” aniya. Tumango lang ito nang kaswal at sumunod sa kanya papunta roon.“Dominic, ano bang dahilan at naparito ka? May mahalaga ka bang gustong sabihin?” Nakatayo si Avigail sa gitna ng study, nakatingin dito nang may pag-iingat. “Kung tungkol na naman ito sa posisyon bilang technical advisor sa

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Dinner again as family

    Gabi na nang dumating si Dominic sa kindergarten para sunduin si Skylie. Dahil huli na siya, si Skylie na lang ang natirang bata roon.“Daddy,” bati ni Skylie na halatang may tampo. Hinaplos niya ang ulo nito na parang humihingi ng tawad. “Sorry, nahuli ako.” Pagkatapos, tumingin siya kay Pippa at bahagyang tumango bilang pasasalamat.Buong oras siyang sinamahan ni Pippa kaya ngayong dumating na si Dominic, nakahinga na rin ito nang maluwag at hinayaan na niyang iuwing kasama ng ama ang bata.Pagkahatid kay Skylie sa loob ng kotse, matagal na nakaupo lang si Dominic at hindi pa pinaandar ang sasakyan. Nagulat ang bata at tinawag siya, “Daddy?”Napabalik siya sa ulirat sa boses nito. Sa rearview mirror, nakita niya ang inosente at litong-litong mukha ni Skylie. “Nakikita mo ba si tita Avigil nitong mga nakaraang araw?” tanong niya. Biglang nalungkot ang bata at umiling nang may panghihinayang.Pero agad ding lumiwanag ang mukha niya. “Sabi nina Dane at Dale makikita ko daw si tita Avig

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Martin's Advice

    Napakalam ng lalamunan ni Martin nang wala pa ring reaksyon si Dominic.“Nabalitaan ko na may sunog daw sa research institute ni Dr. Suarez dalawang araw na ang nakalipas.”Pagkarinig noon, agad kumunot ang noo ni Dominic.Nasiyahan si Martin sa naging reaksyon nito. “Bakit? Hindi mo alam?” Tumango lang si Dominic, seryoso ang mukha.Simula pa noong gabing huli silang naghalikan, hindi na niya nakita si Avigail.Kaya wala siyang ideya sa anumang nangyari rito.Kahit si Skylie ay kumukuha lang ng balita mula kina Dane at Dale bago sabihin sa kanya ang nalalaman niya, alam ni Dominic na hindi rin sasabihin ni Avigail sa mga bata kung nalagay man siya sa panganib.Tumahimik si Martin nang makita ang mabigat na ekspresyon ng kaibigan at hinintay na ito na lang ang magsalita. “Grabe ba yung sunog? Nasaktan ba siya?” di napigilang tanungin ni Dominic.Tumaas ang kilay ni Martin. “Hindi ba’t mas mabuting puntahan mo na lang siya para malaman?”Lalong dumilim ang mukha ni Dominic sa sinabi ni

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Buy

    Nang maalala ng assistant kung paano nag-invest si Ricky ng labindalawang bilyon sa Herbscape Group, napatigil siya sa pagsasalita.Kahit anong sabihin, labindalawang bilyon pa rin iyon.Kahit pa parang mainit na patatas ang Herbscape Group, kung hahayaan na lang itong manatili sa kanila, makikita pa rin nila kung saan napupunta ang ganung kalaking halaga.Pero kung bibitawan nila ito, parang itinapon na rin nila sa kanal ang labindalawang bilyon.“Sabihin mo sa akin kung ano’ng plano mo sa sitwasyong ito,” seryosong utos ni Ricky, nakakunot ang noo.Sa boses na iyon natauhan ang assistant at napilitan na lang siyang lakasan ang loob para ituloy ang sinasabi niya.“Kung itutuloy pa rin natin ang Herbscape Group, baka madamay pati pangalan ng Hermosa Group, kaya…”Napataas ng kilay si Ricky.Napilitan tuloy ang assistant na ituloy, “Kaya ang pinakamagandang gawin ay putulin agad ang koneksyon sa Herbscape Group hangga’t maaga.”Mas mabuti pang gawin ito bago pa lumabas sa publiko na na

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Hot Potato

    Saka lang bahagyang nakahinga nang maluwag si Avigail matapos marinig ang sagot ni Jake.“Sige. Ikaw na ang bahala diyan. Kung may kailangan ka, huwag kang mag-atubiling lumapit sa akin,” sabi niya.Tumango si Jake bilang pagsang-ayon.Hindi napigilan ni Avigail na magkomento nang may halong emosyon, “Kung mahanap mo ulit ‘yung mga halamang gamot na ‘yon, malaking ginhawa ‘yon sa akin.” Doon lang medyo sumigla ang pakiramdam ni Jake nang marinig ang tono ni Avigail.Simula nang magsimulang pumasok si Avigail sa research institute, siya na mismo ang laging sumasalo sa lahat ng problema.Kung sakaling humingi man siya ng tulong, kay Jake lang ‘yon sa mga simpleng bagay-bagay.Alam ni Jake na sa kabila ng papuri nito, hindi siya kailanman itinuring ni Avigail na higit pa sa isang karaniwang researcher sa institute.Pagdating sa mga lalaki sa paligid ni Avigail, wala naman siyang panama.Kaya laking gulat niya na ganun lang pala kadali para makuha ang tiwala ni Avigail. Walang makakaakala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status