Share

Fields of Pleasure 22

NARINIG KO ANG papalapit na mga yabag ng binatang si Andoy sa kinaroroonan namin. Nababahala na ako dahil sa hindi pa rin inaangat ni Roger ang suot nitong pajama. Kanina ko pa ito sinenyasan na umayos pero hindi man lang ako nito pinansin. Tila ba ay wala itong narinig.

Kaya nang makita ko na ang bulto ng binatang si Andoy na papunta sa kinaroroonan namin ay kaagad akong tumalikod. Nagkunwari ako na abala sa pagpitas ng mais.

"Magandang umaga po, kuya Roger at ate Sabrina, " magalang na bati nito sa amin. Dahan dahan ko itong nilingon upang tugunin ang pagbati nito sa akin.

"Magandang umaga rin sayo, Andoy, " nakangiting bati ko rito.

Kaagad na hinagilap ng aking mata si Roger. Tahimik lamang itong nakatayo sa isang tabi. Nakaayos na ang suot nitong pajama. Kinabahan talaga ako kanina. Akala ko ay makipagmatigasan pa ito sa akin.

"Oo nga pala, muntik ko na po na makalimutan sabihin. Hindi muna kami mag-aani ng mais ngayon dahil pupunta kami sa bayan. " Nakangiting kwento nito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status