Masuk[Her Regrets]
NAPASUNTOK sa hangin si Celine habang hatid-tanaw niya ang papalayong sasakyan. Mabuti na lang at bitbit niya ang kanyang handbag bago sumakay kanina. May ilang piraso rin siyang damit dito at personal na mga gamit. Pero lahat nang dokumento na gagamitin niya sa pag-aapply ng trabaho ay naroon sa loob ng maleta. ''Sa uri ng puso meron siya, siguradong ipapasunog niya iyon o ipapatapon. Haist! Kamalasan talaga! Ano nang gagawin ko?'' Nagngingitngit siyang napasalampak ng upo sa gilid nang kalsada. Malapit nang maghatinggabi. Mabuti na lang at ibinaba siya sa medyo matao pang lugar. Marahil ay nasa sentro o bayan siya. May mga tindahan pa kasing bukas. Lumapit siya sa isa sa mga ito at nagtanong kung may terminal o bumibiyahe ba roon na papuntang Manila. Meron daw bus na nadaan, pero matagal nga lang siyang maghihintay. ''Pinagsisisihan ko tuloy na nakisakay ako sa kanila. Lalo lang akong namroblema.'' Naghanap muna siya ng C.R. na puwede niyang pagpalitan ng basang damit. Saka siya pumuwesto sa gilid ng kalsada para sa daraan na bus. Mas mabuti nang maghintay roon kaysa ang makasama nang matagal ang isang lalaking mas malamig pa sa snow. ''Ano kayang pangalan ng aroganteng iyon? Para sa susunod na makita ko siya, maiwasan ko siya. Baka mahawaan pa ako ng negative aura niya. Teka. Noel ba? Parang iyon ang narinig ko na itinawag sa kanya ni Kuya Arnold. Whatever! Hindi ako interasadong malaman iyon. Ang sama ng ugali niya.'' ''Miss, tricycle?'' Napatingin siya sa lalaking lumapit sa kanya. ''Hindi po, Kuya. Naghihintay ako ng bus.'' ''Papunta ka ba ng Maynila?'' Tumango lang siya. ''Naghahanap ng kasabay ang kotse na iyon...'' Sinundan niya ng tingin ang itinuro ng lalaki. ''Carpool. Sayang daw ang gasolina. Dalawa na sila roon. Naghahanap pa nang isang kasama. Mura lang daw.'' Sandaling nag-alinlangan si Celine. ''Sige na. Para makaalis na rin sila.'' Tumayo na si Celine. Gusto na rin naman niyang bumiyahe. Marami nang oras ang nasayang sa kanya. Plano kasi niyang bukas na bukas din ay maghanap agad ng trabaho. May mga naka-save naman siyang soft copy ng mga dokumento niya sa cellphone niya. Dagdag-gastos nga lang iyon. Ilang copies na rin kasi ang napaimprenta niya na naroon sa loob ng maleta. ''Boss, nandito na siya.'' Naaninag niya sa loob na may isa nang sakay na babae sa likuran ng sasakyan. At mukhang natutulog ito. ''Pasakayin mo na.'' ''Sandali. Magkano po ba? At puwede ko po bang makita ang ID niyo? Para makasiguro ako- '' Hindi na natapos ni Celine ang ibang sasabihin dahil sa tela na tumakip sa bibig at ilong niya. Nanghina siya. Umikot ang kanyang paningin. Ramdam niya ang puwersahang pagtulak sa kanya ng lalaking nasa likuran. Pero wala siyang lakas na lumaban. ''Boss, maganda iyan. Kaya malaki dapat ang bayad ko riyan.'' Isang sobre ang inabot ng driver ng sasakyan sa nakangiting lalaki sa labas. ''Salamat, boss.'' Namumungay ang mga mata ni Celine. Nag-uulap din ang kanyang paningin. Pero naaninag niya ang mukha ng taong nag-alok sa kanya ng carpool. Pero ang driver, nakatalikod ito sa puwesto niya kaya tanging boses lang nito ang rumihestro sa kanyang utak. ''Sige na. Kontakin na lang ulit kita kapag kakailanganin ko ang serbisyo mo.'' ''Areglado, boss.'' Alam ni Celine na nasa peligro ang kanyang buhay maging ang babaing katabi sa upuan. Hindi ito natutulog. Tulad niya rin ito na biktima nang panloloko. ''Panloloko na naman? Jeez! Ang malas ko!'' ''Mukhang kaunting dosage lang ang ibinigay sa 'yo ng tarantad*ng iyon, ah?'' ''Manong, sino ka ba?'' ''Hindi mo kailangan na kilalanin ako.'' ''Bakit ganyan kayong mga lalaki? Kung hindi niyo sinasaktan, binu-bully at pinapaiyak kaming mga babae ay inilalagay niyo naman sa kapahamakan. Ganoon ba talaga kababa ang tingin niyo sa amin?'' Natawa ang driver. ''Seryoso ako.'' ''Ikaw lang ang naging pasahero ko na may lakas-loob pang magsalita pagkatapos ng gamot na pinalanghap sa iyo. Ibig sabihin, mahal ang presyo mo. Dapat na mapunta ka pala sa kostumer na galante.'' ''Anong gagawin mo sa amin?'' ''Malalaman mo mamaya.'' ''Bakit hindi pa ngayon?'' Muling natawa ang lalaki. Ang totoo, Celine is just buying time. Kailangang makatakas siya. Hindi puwedeng matapos ang miserable niyang buhay sa kamay ng mga taong halang ang bituka. Kinukurot niya ang itaas na bahagi ng kanyang pulsuhan sa braso. Mas mabuti kung masusugatan siya para manatiling gising ang kanyang katawan. Sa oras kasi na pumikit siya at matulog, siguradong iyon na ang katapusan ng lahat. ''Huwag kang mag-alala. Masisiyahan ka sa mangyayari sa 'yo mamaya. Baka nga magpasalamat ka pa.'' ''Huh! Mukhang iba ang depinisyon mo ng kasiyahan. Siguradong malungkot ang buhay mo.'' ''Manahimik ka na lang diyan. Matulog ka kung gusto mo. Para naman maayos kang haharap mamaya sa kliyente." Hindi na umimik si Celine. Kailangang ipunin niya ang lakas na meron pa siya para sa planong pagtakas. Tumingin siya sa katabing babae na unti-unting gumagalaw. ''Ohhh,'' ungol nito. Niyugyog niya ang babae. ''Gumising ka.'' ''Ohhh,'' patuloy nitong ungol. ''Mukhang kailangan ko nang magpalit ng brand. Dapat 'yong 24 hours ang bisa.'' ''Pakawalan mo kami!'' ''At ano? Para makapagsumbong kayo sa pulis? Hawak namin ang karamihan sa hepe ng mga presinto.'' Napatiim-bagang si Celine. Parang gusto niyang pagsisihan na nagdesisyon siyang iwan ang pamilya. Baka hindi na sila muling magkita pa. ''Nasaan ako?'' Binalingan ulit niya ang katabing babae na tulad niya ay walang lakas na igalaw ang buong katawan. Sigurado na umiikot din maging ang paningin nito. ''Alam niyo ba kung ano ito?'' Dumako ang namumungay na mga mata ni Celine sa inilahad na facemask ng lalaki na bagama't nakatagilid sa posisyon nito sa harap ng manibela ay alam niyang nakangisi ito. ''Proteksiyon ko.'' Napakunot siya ng noo. Pero ang pagtataka niya nang makita ang pagsuot ng lalaki sa facemask nito ay nasagot nang lalo siyang nakaramdam nang pagkahilo. Ang nilika niyang sugat sa braso ay hindi na nakatulong upang malabanan iyon. Her regrets won't be helpful para makatakas siya sa napasok na sitwasyon. At lahat nang pagsisisi niya ay nag-ugat kay Alvin. Kung maibabalik lang sana niya ang panahon, ibang lalaki na lang ang pipiliin niyang mahalin. At kung sakali mang mangyari iyon, hindi na siya magiging tanga pa.[One Happy Family]"DADDY!"Napatda si Celine sa narinig na pagtawag ni Noah. At itinulos siya sa kinatatayuan nang makita si Noel sa harap ng isang restaurant.Ang una niyang ginawa ay hindi ang pagkaway, pagbati at pagngiti rito. Sa halip, hinanap niya sa paligid kung may kasama ito o ka-date na babae.Well, wala nang ibang pumasok sa isip niya kundi iyon dahil bihis na bihis ito. At bigla siyang nakaramdam ng selos. Pero agad niya ring sinaway ang sarili. Binitiwan na lang niya ang pagkakahawak sa kamay ng anak at saka hinayaan na lapitan nito si Noel.Habang nakamasid siya sa dalawa na masayang magkayakap ay halo-halo ang kanyang emosyon. Masaya siya. Malungkot. Umaasa. Dismayado. May galit dahil pinapaalala ng tagpong iyon ang nangyari sa kanilang nakaraan.Pero wala siyang nakakapang pagsisisi. She had Noah. Hindi man niya masabi sa mag-ama ang katotohanan, kuntento na siya na makitang magkasama at magkasundo ang mga ito. It relieves her, somehow.At kahit mayroon mang kontrata
[The Choice He Made]BAGO pa man nakapagplano sina Doña Betina at Andrea upang magkaroon ng buo na pamilya si Noah, nakaisip na ng isang hakbang si Noel. Kailangang mapalapit muna siya sa ina nito.After their last meet-up, he made his decision. And it is his choice. Hindi na mahalaga sa kanya ang sasabihin ng iba o magiging kumento ng mga kaibigan, kakilala at lalo na ng mga kamag-anak niya.All he was thinking is to not let go of the woman that he once shared the bed with, the woman that taught him to wait and be patient, the woman that gives him hope and now giving him something that he cannot have-- a son."Sir?"Mula sa pagtanaw sa labas ay napatingala si Noel sa waiter na lumapit sa kinauupuan niyang mesa na malapit sa glass wall ng kinaroroonan niyang restaurant. Matatanaw niya roon ang abalang kalsada at ilang shops sa paligid."Would you like me to serve you a wine first?""No, no!" pagtanggi niya. "Ayokong makita ako ng anak ko na umiinom."Hindi pa man legal at opisyal na n
[TOTGA]DANIELLA Laviroza is Doña Betina's favourite person since she was cared and loved by his favourite grandson, Noel. They were in a very long relationship. Two decades to be exact. Akala nga ng lahat ay silang dalawa na talaga ang magkakatuluyan hanggang sa huli.Well, almost.Even after Noel got a serious spine injury, Daniella remained at his side, night and day. Walang nagbago sa relasyon nila. At labis iyong ipinagpapasalamat ni Doña Betina. Because having such a devoted woman is rare in this world.The two lovers planned for their wedding. They have their engagement, too. Nagkasundo na ang kani-kanilang pamilya. But when her grandson's old injury was triggered due to another minor accident, nalaman nila na wala na itong kakayahan na magkaroon ng anak.Only a long-term therapy from a renowned rehabilitation hospital overseas or maybe a miracle can make him fully recover. Pero ayaw ni Noel ang naunang suhestiyon ng karamihan sa mga doktor na kanilang nalapitan. He said that i
[Good & Bad]"SALING!"Isang medyo may katandaan nang katulong ang lumapit at tumugon sa pagtawag ni Doña Betina na nasa living room, "May kailangan kayo?""I'm in pain.""Ha?" Naalarma ito. "Tatawag ba ako ng doktor?""No, no." Hinilot ni Doña Betina ang ulo na nakapatong mula sa kinasasandalan niya na backrest ng mahabang sofa. "I've been like this since that child came.""Si Noah ba?"Napaupo siya nang tuwid at pinukol ng matalim na tingin si Saling. "I told you to call him Alfonso. Mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa pangalan na iyon.""Pero hindi pa naman natin alam kung tinanggap na siya ni Sir Noel.""He will."''Paano naman kayo nakakasiguro? Kilala natin na malayo ang loob niya sa mga bata dahil iyon ang bagay na hindi siya kailanman magkakaroon.""Itikom mo nga iyang bibig mo.""Sinasabi ko lang ang totoo. At alam na rin naman ng lahat ang tungkol doon."Sinenyasan ni Doña Betina si Saling na maupo sa kanyang tabi. Malapit sila nito sa isa't isa dahil sa lahat nang mga
[One Rule]''SO, where do we start the conversation?''''It will only start and end with my son. Nothing more, nothing less."''Right, right." Tumango-tango si Noel. "As I have proposed, I will legally adopt him and let him use my name.''''Alfonso is a widely-used name," pangangatwiran ni Celine.''The Crisologo.''Sandali siyang napipilan nang salubungin niya ang malalim na tingin sa kanya ni Noel na tila ba sinusuri ang pagkatao niya. Nakalarawan din sa mukha nito ang pagiging seryoso. Hindi katulad kanina habang kumakain sila na nakikita niya ang other side nito.''He will inherit my surname," dagdag pang saad ng binata.Palihim na pinagdikit ni Celine sa ilalim ng mesa ang mga nagpapawis na palad at saka taimtim na nagdasal. Noah is entitled for it as he carries the true bloodline of a Crisologo. She just need to hide it. At aaminin niya na dahil iyon sa pansarili niyang kapakanan. Well, not fully. It was because of a mother's love. Ayaw lang niya na mawala sa kanya ang kustodiya
[Full-course Date]MALAWAK naman ang living area sa loob ng silid, pero hindi nila iyon inukupa. Sa halip ay naupo sila sa harap nang hindi kalakihan na round table. Saka lang nalaman ni Celine ang dahilan. Um-order pa pala ng pagkain si Noel.Akala niya mag-uusap lang silang dalawa. Puwede na sana sa kanila ang alak na ilang beses nang sinalinan ni Noel ang sarili nitong wineglass. 'Yon namang kanya ay nangangalahati niya pa lang ang laman."Our stomach needs to be full para maayos na gumana ang mga utak natin.""Isa lang naman ang magiging topic natin.""But it's not simple. Nakataya roon ang buhay, kaligayahan at kinabukasan ni Noah."Tama naman si Noel. But he sounds and acted like everything will depend on the nourishment of the foods they'll be eaten para maging maayos ang kalalabasan ng kanilang usapan.Sinundan na lang ng tingin ni Celine ang pagpasok ng mga waiter. Unang inilapag ng mga ito ang appetizer. It's a small and light bites upang ganahan daw sila sa pagkain.Nakisab
[Super Tonic]HINDI pa rin nawawala ang pagkahilo ni Noel kahit nakatulog na siya sa biyahe. Nang magising siya ay nakahinto na sila sa driveway ng kanyang villa.Sinulyapan muna niya si Celine na nahihimbing pa rin sa tabi niya. Saka siya bumaba nang sapo ang ulo.''Sir, kumusta po ang pakiramdam
[Fated Encounter]AS he fondly caressing the arms wrapped around him, he then made a slow turn. He even felt like he did it in a very romantic and dramatic way. Siguro dahil pinanatili niyang nakayakap sa kanya ang babae. The warmth of her touch gives him the chill of both joy and desire.Sa mga or
[Achilles Heel]''IS this how you handle matters at hand?''''Bakit? Natatakot ka ba, Mr. Crisologo?''Napangisi si Noel. Mula sa pagkakaupo, in-ekis niya ang mga hita. At saka isinandal ang likod sa backrest. Ang isa niyang braso ay nakapatong sa armrest habang ang mga daliri niya roon ay marahang
[The Man In His Ferrari]LALONG hinigpitan ni Celine ang pagkakahawak sa bintana ng sasakyan nang tumahimik ang nakasakay roon. Madilim sa loob kaya hindi niya maaninag ang mukha nito. Kahit na maawtoridad ang boses nito, baka sakaling may puso itong maamo na makakaramdam ng awa sa kanya.''Arnold,







