เข้าสู่ระบบ
“Elicia! Wake up!” sabay yugyog sa akin ni Inay habang nakasandal pa ako sa unan.
“Inay naman…” reklamo ko, nakapikit pa rin. “Five minutes pa po…” “Five minutes ka diyan, eh alas otso na!” singhal niya. “Wala ka bang trabaho ngayon?” “Meron po…” sagot kong paungol, “kaso parang gusto kong lumiban. Mas gusto kong yakapin ‘tong unan kaysa mga deadline sa opisina.” “Lumiban? Aba, anak, gusto mo yatang magutom tayo?” sarkastikong sabi ni Inay habang nakapamewang. “Baka nakakalimutan mong may kuryente tayong babayaran!” “Eh kasi naman, Nay,” tumihaya ako at tinakpan ang mukha ng kumot. “Nakakapagod na maging empleyado ng fashion industry na ‘yan. Lalo na ‘yung boss namin—akala mo kung sino kung makautos.” “Boss n’yo?” biglang nagliwanagang mukha ni Inay. “Ay naku, tumawag si Fiona kanina! Darating daw ‘yung boss n’yo ngayon! Kaya bawal ang absent!” Bigla akong napabangon. “Ano?! Darating si Mr. De Vera?!” “Oo!” tumawa si Inay. “’Yan daw ‘yung guwapong mayaman na parang artista. Baka sakaling ma-in love sa’yo, Elicia!” “Nay naman!” napangiti ako kahit pilit. “Baka matanggal ako sa trabaho, hindi ma-in love!” “E, kung ma-in love, edi jackpot!” biro niya. “Baka pati ako makasama sa mansyon n’ya!” Napailing ako habang nagmamadaling bumangon. “Inay, hindi ako papasok para maghanap ng asawa!” “Eh ‘wag mo akong sisisihin kapag niligawan ka ng boss mo,” wika ni Inay habang nakangisi. “Saka anak, isuot mo ‘yung pulang dress mo—baka ‘yun ang suwerte mo!” “Nay!” natawa ako, sabay ngiti habang inaabot ang tuwalya. “Baka akalain ng boss ko, gusto ko siyang patayin sa ganda!” “At least,” sagot ni Inay, “mamamatay siya na masaya!” Pareho kaming nagtawanan bago ako tuluyang tumakbo papasok ng banyo. “Hayaan mo, anak,” sigaw ni Inay mula sa kusina, “dadalhan kita ng baon mo mamaya sa opisina mo para naman ganahan ka!” “Ta-talaga, Nay?!” sumilip ako mula sa pinto ng banyo, nakatapis pa. “Aba, himala ‘to! Gusto n’yong pumasok sa fashion industry kahit ayaw n’yong makalanghap ng amoy ng mga pabango at makeup ng mga model!” “Hoy, huwag mo kong pintasan!” sagot ni Inay, nakataas ang kilay. “Hindi ko pupuntahan ‘yung fashion na ‘yan, kundi ikaw! Baka mamaya kung ano na namang kain mo sa labas—puro instant noodles!” Napatawa ako. “Eh Nay, ‘wag kayong mag-alala, magdi-diet na po ako.” “Diet?” kunot-noong sabi ni Inay. “Ang diet mo lang eh late breakfast at tatlong kape sa opisina! Tapos magrereklamo ka kung bakit nahihilo ka. Hindi mo nga kayang tiisin ang amoy ng foundation, gusto mo pa magtiis ng gutom!” “Naku, Nay, baka mamaya mapahiya ako kay boss pag naamoy ‘yung niluto n’yong daing.” biro ko habang nagsasabon. “Eh ‘di wag kang magpahiya! Prituhin ko ng maayos para amoy mayaman!” sagot niya sabay tawa. “Nay naman!” natatawa kong tugon, “amoy mayaman agad ‘yung daing?” “Oo naman!” sabi ni Inay habang naglalakad palabas ng kwarto. “Lalo na pag nilagyan ng konting olive oil! Parang sosyal na daing!” “Sus! Baka olive oil lang, pero amoy dagat pa rin!” sagot ko sabay tawa. “Basta magmadali ka na diyan, baka ma-late ka! At isuot mo ‘yung pulang dress, ha?” sigaw ni Inay. “Nay! Hindi ako pupunta sa date, sa trabaho ‘to!” “Eh ‘di mas mabuti, baka ma-promote ka dahil sa ganda mo!” Napailing ako, pero napangiti rin. “Promote agad, Nay? Baka mapagalitan lang ako ni boss!” “E di at least, mapansin ka!” sagot ni Inay, sabay tawa ulit. “Sige na, anak, maligo ka na riyan bago ako magbago ng isip at ako na lang ang pumasok sa opisina mo!” “Naku, Nay,” sabi ko habang bumubuhos ng tubig, “pag kayo pumasok sa fashion industry, siguradong mas sikat kayo kaysa sa mga model!” “Natural!” sagot niya, “may natural beauty ako, walang filter!” Pareho kaming nagtawanan, at sa ingay naming mag-ina, parang wala nang mabigat na umaga. Sa Office: “Good morning, Miss Elicia Torrez!” bati ni Danica pagkapasok ko sa opisina, habang abala sa pag-aayos ng mga sketch sa mesa niya. “Good morning din,” sagot ko, pilit ang ngiti habang inilapag ko ang bag ko. Halata siguro sa mukha ko na hindi pa ako fully gising. “Hey!” biglang tawag ni Fiona, ang beshie kong mahilig sa tsismis at kape. “Narito ka na pala! Akala ko absent ka na naman!” “Almost,” sagot ko, sabay buntong-hininga. “Kung hindi lang si Inay ang bumangon ng maaga, baka tulog pa rin ako hanggang ngayon.” Tumawa si Fiona. “Ay naku, mabuti na lang talaga may nanay ka. Pero girl, bilisan mo na! Pinapatawag ka ni Manager Daniel Valdez!” Napakurap ako. “Ha? Ako?” “Oo, ikaw!” sagot ni Fiona, sabay nguso patungo sa opisina ni Manager. “Mukhang mainit ang ulo, kaya good luck!” “Great,” mahina kong bulong. “Unang araw ng pagbisita ng boss, tapos ako agad ang pinapatawag.” “Tama ‘yan, baka may promotion!” biro ni Danica. “O baka may bagong project na ipapasa sa’yo!” “Promotion daw?” natawa ako, sabay tingin sa salamin para ayusin ang buhok. “Baka termination!” “Grabe ka!” sabi ni Fiona, “eh ikaw pa ang isa sa mga best designer dito. Kung ako si boss, ipe-praise kita araw-araw.” “Pangarap mo lang ‘yan,” sagot ko, sabay kuha ng folder. “Sige na, bago pa ako masabihang late.” “Good luck!” sabay sabay nilang sigaw. Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Manager Daniel, parang may kumakabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kaba o gutom—pero mas malamang, pareho. “Elicia Torrez, kalma lang,” bulong ko sa sarili. “Hindi ka pa naman natatanggal… sana.” “Good morning, Sir!” bati ko habang maingat na pumasok sa opisina ni Manager Daniel. Nasa harap siya ng mesa, abala sa pagbabasa ng ilang papeles, pero agad niyang tinaas ang tingin nang marinig ako. “Ah, Elicia. Maupo ka.” Umupo ako agad, maayos ang postura, kahit medyo nanginginig ang tuhod ko. “May ipapagawa ako sa’yo,” seryoso niyang sabi. “Darating ngayong araw ang CEO ng kumpanya — si Mr. Demon Villamor.” Napataas ang kilay ko. “D-Darating po? Si Mr. Villamor? Yung CEO ng buong fashion industry?” Tumango si Manager Daniel. “Oo. Siya mismo. At ikaw ang inatasan kong sumalubong sa kanya sa lobby mamayang 11:30 a.m. sakto. Hindi ka dapat mahuli, Elicia.” “Ha? Ako po?” halos mapabulalas ako. “Bakit ako, Sir? Ang dami namang mas… presentable?” Napangiti siya ng bahagya. “Kasi ikaw ang pinili ko. Maayos kang kumausap ng tao, at alam kong kaya mong magdala ng sarili mo. Tandaan mo, malaking tao si Mr. Villamor — ayokong may kahit anong aberya.” “Pero, Sir…” napakapit ako sa folder na hawak ko. “Sikat siya sa pagiging… istrikto, ‘di ba?” “Tama ka,” sagot niya. “Matalas ‘yang tumingin, at mabilis makahalata ng pagkakamali. Kaya siguraduhin mong maayos ang ayos mo at ‘wag kang kabahan.” Napalunok ako. “Wala na po bang ibang puwedeng sumalubong?” Ngumiti si Manager Daniel, tila natutuwa sa takot ko. “Wala na. At isa pa, magandang impresyon ‘yan sa kanya — kung makikita niyang may empleyadong maayos, masipag, at… mukhang kagalang-galang.” Napangiti ako ng pilit. “So, kailangan kong magmukhang perfect ngayong araw?” “Exactly,” sagot niya. “At kung maganda ang kalalabasan, baka ito na ang simula ng promotion mo.” Biglang kumabog ulit ang puso ko — hindi ko alam kung sa kaba o sa kilig sa ideya ng CEO na makaharap. “11:30 a.m.,” ulit niya. “’Wag kang mahuhuli, Elicia.” “Yes, Sir,” sagot ko, pero sa loob-loob ko, Lord, tulungan N’yo po akong ‘wag matulala sa harap ng CEO.Pagkatapos ng tensyonadong tagpo sa loob ng Parmacy, halos mabingi ang dalawa sa katahimikan habang bumibiyahe pabalik. Wala ni isa man sa kanila ang gustong magsalita. Si Daniel ay paulit-ulit na sumusulyap kay Elicia—maputla, malamig ang mga mata, at halatang malayo ang iniisip. Samantalang si Elicia ay nakatanaw lamang sa labas ng bintana, hawak-hawak ang bag na naglalaman ng bagay na ayaw pa niyang harapin. Pagdating nila sa Torrez Residence, agad bumigat ang hangin. “Salamat…” maiksing sabi ni Elicia bago pa man tuluyang buksan ang pinto. “Walang anuman,” sagot naman ni Daniel, pilit pinapakalma ang sarili. Pero bago pa sila makagalaw, may malakas at matalim na boses ang pumutol sa kanila. “Sino ‘yan?!” Nasa pintuan ang ina ni Elicia—si Elina—nakapamaywang, nakakunot ang noo, at kitang-kita ang halong pagtataka at inis sa mukha nito. “Magandang gabi po,” magalang na bati ni Daniel. Bigla namang nagbago ang tono ni Elina, naging peke ang ngiti sa labi. “Tuloy ka, hijo.” H
Habang patuloy ang pag-ikot ng mga gulong sa kalsadang basa pa ng ambon, nananatiling tahimik si Daniel sa pagmamaneho. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya kay Elicia, na nakasandal sa bintana, maputla, tila hinang-hina. “Elicia… sigurado ka bang ayaw mong magpacheck-up? Kanina ka pa kinakabahan—” “Ihinto mo,” mahina pero mariing sabi ni Elicia, hindi man lang tumitingin sa kanya. Napakunot ang noo ni Daniel. “Ha? Ihahatid na kita sa bahay niyo. Makakapagpahinga ka—” “I said, stop!” biglang sigaw ni Elicia, ngayon ay may halong panginginig ang boses. Agad na bumigat ang dibdib ni Daniel. Sa gulat at pag-aalala, madiin niyang ipinreno ang sasakyan. “Okay, okay! Sige, huminto na ako—Elicia, anong nangyayari?” Pero bago pa niya mabuksan ang seatbelt niya, mabilis na bumaba si Elicia, halos mabunggo ang pintuan sa pagmamadali. Patakbo siyang nagtungo sa gilid ng kalsada, hawak ang tiyan, at doon tuluyang bumulwak ang sunod-sunod na pagsusuka na kanina pa niya pinipigilan. “Elicia!”
“Baka pagod lang ako…” mahina niyang bulong sa sarili habang marahan niyang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Pilit niyang inaalo ang dibdib na kanina pa kumakabog nang hindi niya maintindihan. Dahan-dahan siyang tumayo, napapikit pa sa bigat ng ulo, at binuksan ang pinto upang sumagap ng hangin. Pagkalabas niya, agad siyang sinalubong ng malamlam na ilaw sa hallway. “Danica… pwede na ba akong umalis? Masama kasi pakiramdam ko…” halos pabulong niyang sabi, sabay hawak sa sentido. “Ikaw na muna bahala. Ikaw na rin bahalang magsabi kay—” “Ako na ang maghahatid sa ’yo sa bahay niyo.” Halos manigas ang buong katawan ni Elicia. Ang lalim ng boses. Ang diin. Ang tono. Parang— Parang si Demon. Nanlaki ang mga mata niya, napalingon nang dahan-dahan, parang natatakot makita kung sino ang nandoon. “De-Demon…?” Pero nang tuluyang makita ang mukha ng lalaki sa ilalim ng ilaw, mas lalo siyang napaatras. Si Daniel. Hindi si Demon. Pero ang boses… ang bigat ng presen
Lumipas ang dalawang linggo. Walang tawag. Walang email. Walang kahit anong balita kung kailan babalik si Demon. Para bang biglang nabura ang presensya ng lalaking dati ay kayang patigilin ang buong opisina sa isang iglap. Sa HR—walang info. Sa Board—puro shoulder shrug. Sa buong kumpanya—tahimik, masyado, nakakangilabot na tahimik. Pero para kay Elicia… bawat araw lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Hanggang sa isang umaga, habang inaabot niya ang stapler, biglang umikot ang paningin niya. Sumakit ang sikmura niya nang parang kinukuyog, at bago pa niya mapigilan, mabilis siyang kumaripas papunta sa banyo. “Hoy! Ano nangyayari sa’yo, Elicia?!” sigaw ni Danica, nagmamadaling sumunod. “Ano bang nakain mo at panay suka ka diyan?” Hindi na nakasagot si Elicia. Nakasubsob siya sa lababo, umaalulong ang sikmura, halos walang lumalabas kundi hangin pero masakit, sobrang sakit… at hindi normal. “Girl, ano ba?” tanong ni Danica habang kumakatok sa pinto ng cubicle. “Imposible namang buntis
Pov: Elicia Pagkapasok ko sa department namin, parang mas mabigat pa ang katahimikan kaysa sa pag-alis ni Demon mismo. Ang daming tao. Ang daming ingay. Pero sa loob ko—para akong nilaglag sa kawalan. Humigpit ang hawak ko sa bag, pilit na sinusupil ang kaba na kanina pa kumakalam. Umalis si Demon. Umalis… kagabi. Hindi ko matanggap. Hindi ko maunawaan. At habang naglalakad ako papunta sa workstation ko, biglang may sumulpot sa harap ko na parang multo—pero sobrang ingay. Si Daniel. “Hoy!” malakas nitong bati, may hawak pang kape at donuts. Medyo mas matagal ang tingin niya sa mukha ko bago siya ngumiti. “Ang blooming mo ata ngayon, ah? Bagay sa’yo yung pagka-fresh kahit puyat ka.” Napakurap ako. “Ay, hindi… ah—” Pero bago pa ako makabuo ng sagot, umikot na agad si Daniel sa swivel chair niya, halos napapadyak sa saya. Para bang sinadya niyang i-lighten ang mood ko. “Alam mo ba? First time ata sa buong taon na walang nagtatakbuhan dahil kay Sir Demon.” Kum
Tumigil ang ina, para bang may sasabihin—pero mabilis ding pinutol ito ng panginginig ng labi niya. Hindi niya kayang sagutin. Hindi niya kayang aminin. At higit sa lahat… ayaw niyang aminin. “Ma…” muli ni Elicia, mas mahinahon pero mas masakit. “Kil—kilala niyo ba siya?” Imbes na sumagot, napaatras ang ina. Parang ang mismong pangalan ni Demon ay apoy na ayaw niyang hawakan. “Huwag mo na siyang banggitin.” Mahina pero mariin. Walang sigaw, pero puno ng takot. “Ma, bakit?” nauutal si Elicia. “Ano bang meron sa kanya? Bakit parang—” “Hindi mo na kailangang malaman!” putol ng ina, pero hindi ito galit. Ito’y desperado. “Elicia… may mga taong mas mabuti nang hindi mo pinapakialaman. At isa na siya doon.” Napakunot ang noo ni Elicia, mas lalo pang nabuo ang kaba sa loob niya. “Pero bakit po?” Tumulo ang luha sa pisngi niya. “Ma, tanong lang ’yon… bakit parang natatakot kayo?” Napatingin ang ina sa kanya—isang tingin na punô ng bigat, hindi mapakali, pero hindi rin makabi







