/ Romance / Falling For The Wrong Mr. Villarreal / Chapter 4: Ang Mga Pulang Rosas

공유

Chapter 4: Ang Mga Pulang Rosas

작가: Writes Elocin
last update 게시일: 2026-07-05 20:12:47

Kora's POV

Parang lumaktaw ang tibok ng puso ko nang marinig ang kaniyang boses mula sa intercom!

Huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang hawakan ng p***o. Sa bawat hakbang ko pumasok sa loob ng opisina ni Leon, ramdam ko ang muling pag-aalab ng init sa aking katawan. Handa na akong akitin siya, handa ko nang ibaba ang aking propesyonal na pader para tuluyang salubungin ang kaniyang pagnanasa! Ngunit agad akong napahinto nang makitang abala ito sa pagpirma ng tambak na paper works sa kaniyang lamesa. Dahil doon, bahagyang namatay ang tension sa katawan ko, napalitan ng pormal na tindig habang lumalapit sa kaniyang harapan.

Nang makatayo ako sa harap ng kaniyang dambuhalang desk, nag-angat ng tingin si Mr. Villarreal. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang mamahaling ballpen sa ibabaw ng lamesa bago ako tinitigan nang diretso sa mga mata.

"Kora... What kind of flowers do you women prefer?" seryoso niyang tanong.

Sa isang segundo, tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Bulaklak? Tinatanong niya ako kung anong bulaklak ang gusto ko?! Halos magwala ang isip ko sa sobrang delusyon. Gusto ba niyang malaman ang paborito ko para iyon ang iregalo niya sa akin bilang panimula ng aming seryosong relasyon? Sinasabi ko na nga ba, in love talaga siya sa akin!

Pilit kong pinigilan ang malawak na ngiti sa aking mga labi.

"Red roses po... Sir. You know how romantic red roses are..." may halong pambihirang lambing kong sagot.

Tumango-tango si Mr. Villarreal, tila sinasaulo ang sinabi ko, bago nilingon si Lance na nasa sulok pala ng silid—isang bagay na hindi ko man lang napansin dahil sa labis na pokus ko sa aking boss.

"Lance, go buy me a bouquet of red roses. Same store," utos ni Leon dito.

"Yes, Sir!" masiglang sagot ni Lance. Bago ito lumabas ng opisina ay nagawa pa nitong kumindat nang bahagya sa akin na lalong nagpataba ng puso ko.

Sa buong maghapon na iyon, hindi na ako mapakali sa aking lamesa. Lumulutang ako sa kilig at pananabik. Hindi ko na napigilang kunin ang cellphone ko at mabilis na minessage si Reina: *'Hoy, ihanda mo ang pinakamagandang vase diyan sa apartment! Bibigyan ako ng bulaklak ng future nobyo ko ngayon!'*

Dumating ang hapon, at kasabay ng dahan-dahan na pagkulimlim ng kalangitan ay ang pagdating ni Lance bitbit ang isang napakalaki at napakagandang bouquet ng mga pulang rosas. Agad ko siyang sinalubong sa hallway at hinarangan.

"Ako na ang maghahatid sa loob, Lance. May naiwan ka pa yata sa baba, paki-check muna," utos ko sa kaniya para lang masolo ko ang pagkakataon.

"Sige, Kora, salamat!" aniya bago nagmamadaling umalis.

Naiwan akong hawak ang naglalakihang bulaklak. Hindi ko napigilang isubsob ang aking mukha roon at sininghot nang malalim ang mabangong amoy ng mga rosas. Ang bango. Amoy ng pag-ibig ni Leon.

Dire-diretso akong naglakad at pumasok sa loob ng opisina niya nang hindi na nag-abalang kumatok. Nakatalikod si Mr. Villarreal sa akin, nakatitig sa malaking glass window habang may kausap sa kaniyang cellphone. Balak ko sana siyang gulanitin sa isang mapang-akit na paraan, kaya nanatili akong tahimik sa gilid upang hintayin siyang matapos.

Ngunit para akong pinagtaksilan ng aking sariling pandinig, at tila nanigas ang buong katawan ko sa aking kinatatayuan nang marinig ang malamig ngunit malambing niyang boses sa kabilang linya.

"I don't really know what you're scared of… But I respect your decision. Okay, see you later, honey… I love you… Where's my ‘I love you too’?"

Bahagya pa siyang tumawa—isang tawa na kailanman ay hindi ko narinig sa loob ng limang taon ko sa kumpanyang ito. Isang tawang puno ng totoong saya at lambing.

Nang hinarap na ako ni Mr. Villarreal, agad na napatingin ang kaniyang mga mata sa hawak kong bouquet. Isang pambihira at totoong ngiti ang gumuhit sa kaniyang gwapong mukha.

"So beautiful," anito, bago humakbang papalapit sa akin upang kunin ang bulaklak.

Ngunit imbes na bitawan, kusang humigpit ang hawak ng aking mga daliri sa bouquet. Tinitigan ako siya, habang ang mga mata ko ay nagsisimula nang mangilid ang luha sa umaapaw na selos.

"You... have a girlfriend, S-Sir?" nanginginig kong tanong. Ang boses ko ay halos magmakaawa na sabihin niyang mali ang narinig ko!

If he has a girlfriend… Ano iyong sa amin kung ganoon? Wala lang ba iyon sa kaniya?

Nakita ko kung paano biglang pumula ang mga tenga ni Mr. Villarreal, tila naiinis dahil nakialam ako sa kaniyang personal na buhay. Sapilitan niyang hinila ang bulaklak mula sa aking mga kamay, kaya wala akong nagawa kundi ang mabitawan ito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nabaliw na yata ako sa sakit at matinding selos, kaya hinarap ko siya nang walang takot. "What about us? What about that night?!" bahagyang tumaas ang boses ko, kasabay ng pagpatak ng aking luha.

Kumunot nang matindi ang noo ni Mr. Villarreal, bakas ang labis na kalituhan at pagkairita sa kaniyang mukha. "What are you talking about, Ms. Santos?"

Napasinghap ako. Ang puso ko ay tila pinipiga sa tindi ng sakit. *Ms. Santos?* Bumalik siya sa pormal na tawag sa akin? At higit sa lahat... wala ba talaga siyang maalala? No, I refused to believe it! He even called me “secretary” that night!

"Hindi... Hindi mo naalala? No, you can't do this to me—"

“The reservation is ready now, Sir."

Ni-hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kay Lance! Damn him!

Isang malamig at naiinis na tingin ang ipinatama sa akin ni Leon. Hindi man lang niya sinagot ang mga tanong ko. Nilampasan niya ako na para bang wala akong halaga, bitbit ang mga pulang rosas na ako ang pumili, bago tuluyang lumabas ng opisina at iniwan akong mag-isa sa gitna ng aking gumuguhong mundo.

“Hoy, Kora! Ayos ka lang ba?” Si Lance, hindi pa rin lumalabas.

Kaagad ko siyang hinarap at lumapit sa kaniya. Galit na galit. Hindi ko alam kung bakit! Basta galit ako ngayon! Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ngayong hapon!

“May girlfriend si Sir, Lance?! Sino?!”

Tumikhim si Lance at ngumisi pa talaga ang mokong!

“‘Yan kase, absent nang absent—”

“May girlfriend ba siya o wala?!”

“Oo, meron! Iyong chismis na greatest love ni Sir… ‘Yon! Nagkabalikan sila! True love talaga, no?” tanong niya at halatang kinikilig sa lovelife ng amo namin.

Bumuhos ang luha ko at umalis na roon bago ko pa masampal ang mukha niya!

Leon… He cheated on me! He fucking cheated on me!

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 28: Ang Pagguho

    Erik's POVHindi man lang nag-abalang kumatok ang babae bago pinihit ang doorknob ng opisina ko. Ang marahas na pagbukas ng pinto ay sapat na para mag-angat ako ng tingin mula sa aking laptop.The moment she walked in, my expression hardened and my jaw tightened.Umupo siya sa swivel chair nang walang paanyaya, itinuod ang kaniyang mga siko sa mesa, at binigyan ako ng isang mapang-asar na ngiti."She'll never sign the papers, Erik," panimula niya, ang boses ay puno ng pang-uuyam. "She'll never let you go."Isang malalim at mabigat na hininga ang pinakawalan ko. Nakaramdam ako ng pamilyar na pagod at iritasyon na pilit kong ibinaba sa kaibuturan ng sistema ko. Ang walang katapusang pakikipagbuno sa mga legal papers… ay unti-unti nang sumasakal sa akin."Gawin mo ang trabaho mo," malamig kong sagot, hindi itinonod ang tingin sa kaniya. "I don't pay you millions just to hear her petty refusals."Natawa siya nang mahina, tila nag-e-enjoy sa bawat patak ng galit na sumisibol sa mukha ko. "

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 27: Ang Pagtitimpi

    Kora's POVGabi na pero ang buong executive floor, buhay na buhay pa rin ang mga computer screen pero patay na patay na ang mga kaluluwa ng mga empleyado. Umabot na ng alas-otso, alas-nuebe, at heto pa rin kami—nakalubog sa tambak na reports. Tahimik ang buong paligid, walang sinomang nagtatangkang mag-ingay dahil baka lalong humaba ang parusa.Nasa harap lang ako ng desktop ko, nagtitimpi habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa nakasarang glass wall ng opisina ni Erik. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko siyang tutok na tutok sa kaniyang laptop, seryoso ang mukha, at literal na hindi man lang lumingon sa direksyon ko buong gabi. Walang pilyong text, walang mapang-asar na sulyap. Pure, unadulterated cold boss energy.Nangangatog na naman ang phone ko sa ibabaw ng mesa. Si Lance. Kanina pa text nang text tungkol sa mga isusuot niyang suit at kung anong kulay ng kurbata ang babagay sa kaniya para sa kasal ng pinsan niya. Gusto ko sanang mag-reply at barahin siya, pero tuwing titingnan ko

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 26: Ang Pagseselos

    Kora's POV"Bwisit talaga," bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin ng elevator.Mabilis kong inayos ang bagsak ng buhok ko na medyo gulo-gulo, bago kinuha ang paborito kong pulang lipstick para hawakan ang gilid ng mga labi ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa paghinga ko, ramdam ko pa rin ang kaunting panginginig ng mga tuhod ko. Paano ba naman, bago kami tuluyang pumasok sa building, hinatak ba naman ako ng magaling kong boss sa pinakadulong bahagi ng VIP parking lot.Sa loob ng madilim at tinted na sasakyan niya, literal na wala siyang preno. Hindi na naman marunong magtimpi ang lalaking 'yon—walang pakialam kung may makadaan o kung may biglang sumilip sa bintana, basta makuha lang ang gusto niya sa katawan ko bago magsimula ang office hours.Napairap ako pero hindi ko napigilang mapangiti nang patago habang bumubukas ang pinto ng elevator sa executive floor. Pumasok ako na mas huli kaysa sa kaniyang karaniwang oras ng pagdating, sinusubukang m

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 25: Ang Pagbabago

    Kora's POV "Hoy... kanina ka pa ngumingisi riyan na parang tanga. Ano na namang kamunduhan 'yan?" Nabasag ang katahimikan sa sala nang marinig ko ang boses ni Reina mula sa kusina. Sabado ng umaga at kasalukuyan silang nagluluto ni Bettina ng brunch. Amoy sinangag at bacon na sa buong apartment, pero ang atensyon ko? Todo-tutok pa rin sa screen ng cellphone ko habang nakasalampak ako sa sofa at nakataas ang dalawang binti sa sandalan. Mabilis kong pinindot ang send button. Kasisend ko lang sa kaniya ng isang mapangahas na mirror selfie, naka-lace bra lang at magulo ang buhok. Seconds lang ang lumipas, nag-vibrate agad ang phone ko. *Erik: You evil.* Napabuga ako ng tawa at automatic na napakagat-labi. *Evil mo mukha mo, gusto mo naman.* Bago ko pa matapos i-type ang reply kong *“You love it, though,”* biglang may humablot sa unan sa tabi ko. "Who's that?" tanong ni Bettina. Ang lambot at ang amo talaga ng mukha ng isang 'to, pero ngayon ay pilit niyang pinapasingkit ang mga

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 24: Ang Mga Lihim na Puntos (SPG)

    Kora's POV Matapos ang pasabog na performance namin ni Erim sa conference room, official nang tinapon sa basurahan ang kung ano mang natitirang "professional boundaries" sa pagitan naming dalawa. I know ang landi ko… although I don't have choice on his indecent slash blackmail proposal I rejected it but yet here I am fooling with him around and definitely fucking enjoying it! Kung akala ko noong una ay laro lang 'to para sa ego ko, teh, nagkamali ako. Naging malalang adiksyon na siya. Isang endless loop ng habulan kung saan walang ligtas na space sa buong Villarreal Holdings. Naging master na kami sa paghahanap ng mga blind spot ng CCTV, mga patay na oras kung kailan busy ang lahat sa kanya-kanyang backlogs, at mga tagong sulok kung saan ang kaba na mahuli kami ang mismong pinaka-pampagana. Habang nag-a-audit ako ng files sa third floor. Nagkasalubong kami ni Erik sa hallway, doon sa dulo malapit sa elevator wing na kasalukuyang under maintenance. Literal na walang ka-tao-tao, pe

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 23: Ang Marahas na Erik (SPG)

    Kora's POVNang sumara ang pinto ng conference room pagkaalis ng huling miyembro ng marketing team, hindi ko agad nagawang humakbang. Nanatili akong nakatayo sa tabi ng mahabang lamesa, hawak ang notebook ko habang pinakikinggan ang dahan-dahang pag-tahip ng dibdib ko. Ngunit bago ko pa man makuha ang bag ko para lumabas at takasan ang kaniyang presensya, muling bumukas ang pinto.Si Erik.Pumasok siya nang walang kahit anong ingay, ngunit ang kaniyang mga mata—ang nagbabagong kulay-abo niyang mga mata na tila may sumisilip na demonyo—ay nakatutok agad sa akin. Sa isang pamilyar ngunit mas dominanteng galaw, ini-lock niya ang pinto sa likod niya at pinindot ang switch sa tabi nito.Sa isang kurap ng mata, ang malalaking high-tech smart glass walls ng conference room ay naging frosted at opaque. Mula sa labas, wala nang makakakita sa amin. Pero mula sa loob, pakiramdam ko ay tuluyan na akong nakulong sa isang hawla kasama ang isang nagugutom na predator."S-Sir—"Hindi ko na natapos an

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status