/ Romance / Falling For The Wrong Mr. Villarreal / Chapter 3: Ang Matamis na Akala

공유

Chapter 3: Ang Matamis na Akala

작가: Writes Elocin
last update 게시일: 2026-07-05 20:07:02

Kora's POV

“Hala! Seryoso? Hindi nga?”

“Peke lang naman yata ’yan, eh! Baka kinurot mo lang ’yang leeg mo, ha!”

Iyan ang salubong na reaksyon ng mga kaibigan ko nang humarap ako sa kanila pagkauwi ko sa apartment. Ngumisi ako nang nakakaloko sabay baba ng kwelyo ng suot kong damit para mas makita nila nang malinaw ang naglalakihang pulang marka… mga hickeys na nagkalat sa leeg at dibdib ko. Dahil doon, dahan-dahan kong inilahad ang palad ko sa harap ng kanilang mga mukha.

Isang linggo bago ang birthday ni Leon, nagkaroon kami ng pustahan nina Bettina at Reina. Sabi nila, aabutin daw ako ng katandaan na nakatitig lang kay Leon mula sa malayo. Pero ngayon? Hindi ko na napigilang mapatawa nang nakakaloko sa sarili kong tagumpay.

Ngumiwi ang dalawa, sabay na bumuntong-hininga bago kinuha ang kani-kanilang mga wallet. Habang binibilang nila ang pera, ako naman ay lumulutang pa rin sa cloud nine. Sino ba namang hindi? Sumakto ang plano ko, pumasok ang swerte, at matapos ang limang taon na pagpapantasya, sa wakas ay nakasama ko na sa kama ang boss ko!

“Teka nga lang! What if hindi si Leon Villarreal ang naka-sex mo kagabi?” biglang tanong ni Reina, nakataas ang isang kilay habang inaabot ang pustang pera.

Agad na ngumiwi ang mukha ko sa sinabi niya. “Shut up! Ano ang akala mo sa akin, kaladkarin? Si Leon Villarreal nga! Iyong boss ko! Siya! Siya ang nakakuha ng unang gabi ko!”

"Wow... I must have really underestimated your craziness, Kora."

Umismid naman si Bettina, tila hindi pa rin kumbinsido. “Then where's your proof?”

Napahinto ako. Proof? Ano ang gusto nilang patunay, ang mga bakas na iniwan niya sa buong katawan ko habang magkapiling kami? Inis kong hinablot ang mga tig-isang libong piso mula sa mga kamay nilang dalawa. Napaaray pa ako nang bahagya at napangiwi dahil ramdam ko pa rin ang matinding panginginig at tamis ng sakit sa pagitan ng aking mga hita. Inirapan lang ako ng mga loka-loka bago nagsibalikan sa kani-kanilang ginagawa sa sala.

Kaming tatlo nina Bettina at Reina ay magkakasama na sa iisang bubong simula pa noong senior high school. Magkakapatid na kung ituring. Magkakaiba man kami ng ugali at trip sa buhay, may isang mapait na katotohanan na nagpabuklod sa amin nang husto: pare-pareho kaming hindi legitimate na anak ng aming mga magulang. Mga anak sa labas. Isang lihim na pagmamahalan na hindi pwedeng ipagmalaki. Kaya naman para sa interpreter na tulad ko, ang maangkin si Leon kagabi… isang lalaking legal, mayaman, at nasa itaas… ay isang malaking tagumpay. Isang patunay na kaya ko ring maging bahagi ng isang marangya at perpektong mundo.

Kinabukasan, masayang-masaya akong pumasok sa trabaho. Pakiramdam ko ay nagmamartsa ako sa ibabaw ng mga ulap. Lahat ng empleyadong nakakasalubong ko sa lobby at elevator, kahit hindi ko ka-close, ay binalingan ko ng isang matamis na magandang umaga, isang bagay na bihira ko namang yin gawin dahil kadalasan ay masungit at abala ako.

Napahinto ako nang makita at marinig sa kalayuan ang mga pinag-uusapan ng interns. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari sa gabi ng birthday ni Leon. Hindi ko mapigilang maki-chismis.

“Talaga? Sabi nga nila mas hot raw kesa kay Sir Leon!”

“Oo, ang lakas ng dating! Daddy na daddy! Bakit ba kasi ang late niyang dumating kagabi—”

“What's in here?” mataray kong tanong na siyang sumira sa kanilang circle at ngayon ay para silang nakalinya na nakaharap sa akin.

“Ah… Ms. Santos, wala po—”

“Meron akong narinig… It's about Mr. Villarreal.” tinaasan ko sila ng kilay at lahat sila ay napayuko.

Sa totoo talaga ay hindi ko dapat ito ginagawa pero… kinukumpara nila ang Leon ko sa ibang tao. Si Leon lang kaya ang pinakagwapong lalaki sa loob ng building na ‘to!

Tumikhim na lamang ako at nilampasan sila roon. Ayaw kong sirain ang magandang mood ko dahil lang sa kanila. Grabe kaya ang effort na nilagay ko sa pagpapaganda kaninang umaga para lang mas kuminis at mag-radiate ang balat ko para sa araw na ito.

Nang tumuntong ang eksaktong 8:00 AM, narinig ko ang pamilyar na tunog ng pagbuka ng elevator sa dulo ng pasilyo. Agad kong inayos ang pagkakatupi ng aking pencil skirt, hinawakan ang isang folder, at tumayan malapit sa pintuan ng kaniyang opisina. Nagkunwari akong may seryosong binabasa habang nakabantay sa gilid ng aking mga mata.

Ngumisi ako nang makitang palapit na ang matikas at pormal niyang bulto. Suot niya ang kaniyang mamahaling kulay abong suit, malinis ang gupit, at tulad ng dati, seryoso ang mukha. Ang bawat hakbang niya ay tila musika sa pandinig ko habang naaalala ko kung paano niya ako hinawakan sa kama dalawang gabi na ang nakararaan.

Nang tuluyan siyang makalapit sa p***o, humakbang ako pakuha sa kaniyang atensyon. Bubuksan ko na sana ang bibig ko para batiin siya ng isang mapaglaro at makahulugang bati, pero bago ko pa man maibuka ang aking mga labi ay bigla siyang huminto nang bahagya sa tapat ko.

"Morning, Kora." mababa at baritono nitong bati at humakbang papasok sa loob ng kaniyang opisina at isinarado ang p***o.

Naiwan akong nakatayo sa hallway, hawak ang folder sa aking dibdib habang ang puso ko ay tila aalis sa tindi ng kabog.

Pinansin niya ako! At hindi lang basta simpleng pansin—binati niya ako gamit ang kaniyang napakagwapo at napakalalim na boses! At ano ang tinawag niya sa akin?! Kora! At hindi Ms. Santos!

Gusto kong tumili! Gusto kong maglulundag sa sahig ng executive floor ngayon din! Tama nga ako! Kaya lang siya mukhang pormal at seryoso ngayon ay dahil alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya sa harap ng maraming tao sa opisina. Professional ang boss ko, siyempre ayaw niyang mahalata ng buong kumpanya na ang sekretarya niya ang kumuha ng buong atensyon niya nitong mga nakaraang gabi. Ang kaniyang pagtikhim at pagtawag sa pangalan ko?! Senyales iyon na nahihirapan siyang itago ang pananabik niya sa akin ngayon!

Habang nagpapakalunod ako sa sarili kong mundo ng kilig at matitinding hinala, bumukas muli ang elevator at iniluwa nito si Lance.

“Magandang umaga, Kora—”

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Agad kong hinila si Lance, ang personal secretary at kanang-kamay ni Leon. Napatigil naman siya kaagad at nanlaki ang mga mata dahil sa ginawa ko.

“Anong meron kay Mr. Villarreal?” mabilis at pabulong kong tanong.

Mabilis na umiling si Lance at ngumiti ng malapad, tila may alam na hindi ko alam. “Sa tingin mo makakangiti kaya ako ng ganito kung wala sa mood ang boss natin, ha?”

Napabilis ang pagkurap ko, mas lalong nakaramdam ng pananabik sa dibdib ko. “Kanina, nung binati niya ako, parang may kakaiba sa kaniya! Medyo pormal na ewan, pero tumitig siya sa akin!”

Tumawa ng malakas si Lance at dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko sa kaniyang braso, bago ako binigyan ng isang makahulugang tingin. “Alam mo, Kora… Ganyan talaga kaming mga lalaki kapag in-love sa isang babae. Minsan, pilit na nagpapakaseryoso sa harap ng iba para maitago ang totoo.” aniya, sabay kindat sa akin bago dumiretso na papasok sa loob ng opisina ni Leon.

Naiwan akong tulala sa aking pwesto, dahan-dahang lumitaw ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. Napahawak ako sa aking pisngi na nagsisimula nang mag-init.

In love… Si Leon?

Kung ganon, kanino pa ba? Siyempre, sa akin! Kaya pala ganoon katindi ang kaniyang pasyon sa kama noong gabing iyon, kaya pala hindi siya gumamit ng proteksyon dahil gusto niyang magkaroon na kami ng pamilya! In love sa akin ang boss ko, nagpapakipot lang siya ngayon dahil nasa opisina kami!

Tumunog ang intercom kaya agad ko itong sinagot.

“Kora, I need you right now.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 28: Ang Pagguho

    Erik's POVHindi man lang nag-abalang kumatok ang babae bago pinihit ang doorknob ng opisina ko. Ang marahas na pagbukas ng pinto ay sapat na para mag-angat ako ng tingin mula sa aking laptop.The moment she walked in, my expression hardened and my jaw tightened.Umupo siya sa swivel chair nang walang paanyaya, itinuod ang kaniyang mga siko sa mesa, at binigyan ako ng isang mapang-asar na ngiti."She'll never sign the papers, Erik," panimula niya, ang boses ay puno ng pang-uuyam. "She'll never let you go."Isang malalim at mabigat na hininga ang pinakawalan ko. Nakaramdam ako ng pamilyar na pagod at iritasyon na pilit kong ibinaba sa kaibuturan ng sistema ko. Ang walang katapusang pakikipagbuno sa mga legal papers… ay unti-unti nang sumasakal sa akin."Gawin mo ang trabaho mo," malamig kong sagot, hindi itinonod ang tingin sa kaniya. "I don't pay you millions just to hear her petty refusals."Natawa siya nang mahina, tila nag-e-enjoy sa bawat patak ng galit na sumisibol sa mukha ko. "

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 27: Ang Pagtitimpi

    Kora's POVGabi na pero ang buong executive floor, buhay na buhay pa rin ang mga computer screen pero patay na patay na ang mga kaluluwa ng mga empleyado. Umabot na ng alas-otso, alas-nuebe, at heto pa rin kami—nakalubog sa tambak na reports. Tahimik ang buong paligid, walang sinomang nagtatangkang mag-ingay dahil baka lalong humaba ang parusa.Nasa harap lang ako ng desktop ko, nagtitimpi habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa nakasarang glass wall ng opisina ni Erik. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko siyang tutok na tutok sa kaniyang laptop, seryoso ang mukha, at literal na hindi man lang lumingon sa direksyon ko buong gabi. Walang pilyong text, walang mapang-asar na sulyap. Pure, unadulterated cold boss energy.Nangangatog na naman ang phone ko sa ibabaw ng mesa. Si Lance. Kanina pa text nang text tungkol sa mga isusuot niyang suit at kung anong kulay ng kurbata ang babagay sa kaniya para sa kasal ng pinsan niya. Gusto ko sanang mag-reply at barahin siya, pero tuwing titingnan ko

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 26: Ang Pagseselos

    Kora's POV"Bwisit talaga," bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin ng elevator.Mabilis kong inayos ang bagsak ng buhok ko na medyo gulo-gulo, bago kinuha ang paborito kong pulang lipstick para hawakan ang gilid ng mga labi ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa paghinga ko, ramdam ko pa rin ang kaunting panginginig ng mga tuhod ko. Paano ba naman, bago kami tuluyang pumasok sa building, hinatak ba naman ako ng magaling kong boss sa pinakadulong bahagi ng VIP parking lot.Sa loob ng madilim at tinted na sasakyan niya, literal na wala siyang preno. Hindi na naman marunong magtimpi ang lalaking 'yon—walang pakialam kung may makadaan o kung may biglang sumilip sa bintana, basta makuha lang ang gusto niya sa katawan ko bago magsimula ang office hours.Napairap ako pero hindi ko napigilang mapangiti nang patago habang bumubukas ang pinto ng elevator sa executive floor. Pumasok ako na mas huli kaysa sa kaniyang karaniwang oras ng pagdating, sinusubukang m

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 25: Ang Pagbabago

    Kora's POV "Hoy... kanina ka pa ngumingisi riyan na parang tanga. Ano na namang kamunduhan 'yan?" Nabasag ang katahimikan sa sala nang marinig ko ang boses ni Reina mula sa kusina. Sabado ng umaga at kasalukuyan silang nagluluto ni Bettina ng brunch. Amoy sinangag at bacon na sa buong apartment, pero ang atensyon ko? Todo-tutok pa rin sa screen ng cellphone ko habang nakasalampak ako sa sofa at nakataas ang dalawang binti sa sandalan. Mabilis kong pinindot ang send button. Kasisend ko lang sa kaniya ng isang mapangahas na mirror selfie, naka-lace bra lang at magulo ang buhok. Seconds lang ang lumipas, nag-vibrate agad ang phone ko. *Erik: You evil.* Napabuga ako ng tawa at automatic na napakagat-labi. *Evil mo mukha mo, gusto mo naman.* Bago ko pa matapos i-type ang reply kong *“You love it, though,”* biglang may humablot sa unan sa tabi ko. "Who's that?" tanong ni Bettina. Ang lambot at ang amo talaga ng mukha ng isang 'to, pero ngayon ay pilit niyang pinapasingkit ang mga

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 24: Ang Mga Lihim na Puntos (SPG)

    Kora's POV Matapos ang pasabog na performance namin ni Erim sa conference room, official nang tinapon sa basurahan ang kung ano mang natitirang "professional boundaries" sa pagitan naming dalawa. I know ang landi ko… although I don't have choice on his indecent slash blackmail proposal I rejected it but yet here I am fooling with him around and definitely fucking enjoying it! Kung akala ko noong una ay laro lang 'to para sa ego ko, teh, nagkamali ako. Naging malalang adiksyon na siya. Isang endless loop ng habulan kung saan walang ligtas na space sa buong Villarreal Holdings. Naging master na kami sa paghahanap ng mga blind spot ng CCTV, mga patay na oras kung kailan busy ang lahat sa kanya-kanyang backlogs, at mga tagong sulok kung saan ang kaba na mahuli kami ang mismong pinaka-pampagana. Habang nag-a-audit ako ng files sa third floor. Nagkasalubong kami ni Erik sa hallway, doon sa dulo malapit sa elevator wing na kasalukuyang under maintenance. Literal na walang ka-tao-tao, pe

  • Falling For The Wrong Mr. Villarreal    Chapter 23: Ang Marahas na Erik (SPG)

    Kora's POVNang sumara ang pinto ng conference room pagkaalis ng huling miyembro ng marketing team, hindi ko agad nagawang humakbang. Nanatili akong nakatayo sa tabi ng mahabang lamesa, hawak ang notebook ko habang pinakikinggan ang dahan-dahang pag-tahip ng dibdib ko. Ngunit bago ko pa man makuha ang bag ko para lumabas at takasan ang kaniyang presensya, muling bumukas ang pinto.Si Erik.Pumasok siya nang walang kahit anong ingay, ngunit ang kaniyang mga mata—ang nagbabagong kulay-abo niyang mga mata na tila may sumisilip na demonyo—ay nakatutok agad sa akin. Sa isang pamilyar ngunit mas dominanteng galaw, ini-lock niya ang pinto sa likod niya at pinindot ang switch sa tabi nito.Sa isang kurap ng mata, ang malalaking high-tech smart glass walls ng conference room ay naging frosted at opaque. Mula sa labas, wala nang makakakita sa amin. Pero mula sa loob, pakiramdam ko ay tuluyan na akong nakulong sa isang hawla kasama ang isang nagugutom na predator."S-Sir—"Hindi ko na natapos an

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status