Share

CHAPTER 55

“Nasabihan mo na ba?” Tanong ng babae sa kabilang-linya.

“Opo, ma’am malamang magang-maga na ang mga mata ni Loisa sa kakaiyak po,” sagot naman ni Kimberly sa kausap.

“Good, nice to hear that,” sabi ng babae.

“Ipapadala ko ang bayad later sa account mo,” dagdag pa nito.

“Maraming salamat po ma’am,” natutuwang sabi ni Kimberly.

“O siya, tatawagan na lang kita ulit,” sabi ng malaarteng boses.

Hindi na narinig pa ni Crystal kung ano ang sagot ni Kimberly sapagkat bigla na niyang pinutol ang kanyang linya.

“Kulang pa ‘yang sakit na nararamdaman mo ngayon Loisa,” galit na sabi ni Crystal.

“Huwag kang mag-alala dudurugin kita ng paunti-unti pangako ‘yan,” dagdag pa nitong sabi.

Natigil si Crystal sa kakamuni ng biglang tumunog ang kanyang telepono.

Si Mrs. Monteclaro.

“Good morning po, tita kamusta po?” nakangiti niyang bati sa ina ni Steve.

“Good morning din sa iyo iha,” panimula ng ginang.

“Naku iha dapat masanay ka ng tawagin akong mama, dahil ilang buwan na lang din ay ikakasal na kayo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status