Mag-log inDAVE’S POVNang mag-uwian ay dumiretso na ako sa hospital para bisitahin si Neah. Bakit niya ba pinipilit ang sarili niya na magtrabaho? Natatakot ba siyang i-cancel ni Cassandra ang partnership nila? Hindi ko naman yun hahayaan na mangyari.Diretso lang akong nakatingin sa daanan ko. Sana ay wala si Liam sa kwarto niya para naman makausap ko ng maayos si Neah. Hindi ko siya magawang kausapin ng maayos kapag nakabantay ang Liam na yun. He’s a doctor pero halos si Neah na lang ang binabantayan niya. Wala ba yung ibang pasyente na kailangan niyang puntahan? Tsss.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa hospital at dumiretso na rin sa room ni Neah. Sana gising siya.Kumatok ako sa pintuan niya saka ko ito dahan-dahan na binuksan.“Who is it?” Boses ng isang bata ang sumalubong sa akin. Napatingin ako sa ibaba at nakita ko ang anak ni Neah. Habang nakatitig ako sa kaniya ay dahan-dahan na nagsasalubong ang mga kilay ko.Bakit bigla kong nakita sa batang ito ang sarili ko?“
DAVE’S POVNasa loob ako ng office ni Cassandra. Hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin siya. Hindi ko akalain na itutuloy pa rin niya ang launch gala kahit na hindi na maganda ang pakiramdam ni Neah. Bumisita ba talaga siya dun para kumustahin ang business partner niya o nagpunta siya dun para sabihan pa rin si Neah na itutuloy pa rin nila ang launch gala?Hinilot ko ang sintido ko. I need to talk to Cassandra.Nang bumukas ang pintuan ay pumasok naman si Cassandra.“Oh, Dave, you’re here pala. What are you doing?” nakangiti pa niyang tanong. Mukhang nakuha niya ang gusto niya mula kay Neah. Kita naman sa mukha niya.“Pinuntahan mo si Neah?” seryoso kong tanong.“Yes, binisita ko siya and she’s fine.”“Kaya gusto mong ituloy pa rin ang launch gala? Binisita mo ba siya para alamin kung kaya pa ni Neah na pumunta sa launch gala? Bakit hindi mo na lang i-reschedule ang launch gala at hayaan siyang makapagpahinga?” Sumeryoso na rin ang mukha ni Cassandra. Mukhang hindi niya nagustuhan a
NEAH’S POVNapangiti ako nang bigyan ako ni Liam ng pagkain.“Thank you,” usal ko sa kaniya. Simula nang dalhin ako ni Dave dito sa hospital kagabi, hindi niya na ako iniwan. Aalis man siya pero saglit lang.“Sa susunod mag-iingat ka na ha? Paano kung walang nakakita sayo na nasa loob ka pala ng Gemstone Vault? Bakit napapadalas yata ang nangyayari sayo these past few weeks? Natrap ka sa Hamptons ng tatlong araw tapos ngayon naman, natrap ka sa loob ng isang vault na wala ng air circulation.” Napabuntong hininga na lang ako dahil tama naman ang sinabi niya pero hindi ko naman kasalanan ang lahat ng yun. Hindi naman siguro ako tanga na ikukulong ko yung sarili ko sa isang vault na alam kong magkakasystem error.“Mabuti na lang din talaga at nakita ka ng boss mo dun. Hindi natin alam kung ano ng nangyari sayo kung hindi ka kaagad nailabas dun. Three hours? For heaven’s sake, Neah. Napakatagal nun.”“I know pero hindi ko naman ginusto yung nangyari diba? Hindi ko naman siguro kasalanan n
DAVE’S POVIsang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makauwi ako sa bahay. Pabagsak akong naupo sa sofa habang na kay Neah pa rin ang laman ng isip ko. Paano na lang kung hindi siya napuntahan at nalaman na nasa Gemston Vault siya? Ano na lang ang mangyayari sa kaniya? Imposibleng maabutan ko pa siyang buhay kung bukas pa mabubuksan ang vault.Hinilot ko ang sintido ko saka ko mariing ipinikit ang mga mata ko. Nang maramdaman ko ang mga yapak na papalapit sa akin ay iminulat ko na ang mga mata ko pero hindi ko siya tiningnan. I’m still mad at her. Gusto ko siyang paalisin sa bahay ko pero masyadong matigas ang ulo niya. Ayaw niyang makinig sa akin. Alam kong siya pa rin ang ina ko at hindi ko na mababago pero hindi ko pa siya kayang patawarin sa ginawa niya sa akin.“Anak, galit ka pa rin ba sa akin?” Malambing niyang tanong. Sumandal ako sa sofa at tumingala sa kisame. Magandang bahay, magandang buhay, magandang mga gamit, lahat ibinigay ko sa kaniya pero nagawa niya p
DAVE’S POVNakatitig lang ako sa kaniya nang mailipat siya sa kwarto niya. Kahit na dextrose lang ang kailangan niya at monitor, ayaw kong sa emergency room lang siya magstay. Kinuhanan ko siya ng sarili niyang kwarto.Stable naman na siya gaya ng sabi ng doctor. Heat exhaustion ang nangyari sa kaniya dahil ang alam ko nawawalan na ng air circulation ang loob ng Gemstone Vault pagsapit ng uwian.Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyun. Alam kong hindi ko na ito magagawa kapag gising siya. Araw-araw kitang namimiss, Neah. Araw-araw akong hinahabol ng konsensya ko dahil hindi man lang kita nasamahan noong mga panahon na mag-isa ka. Wala man lang ako sa tabi mo nang mamatay ang mga magulang mo. Hindi ko rin alam kung paanong nangyaring hindi ko nareceive ang mga messages mo. Alam kong hindi ko na mababago ang nangyari sa nakaraan pero gusto ko sanang ayusin ang lahat pero paano?Kung mahal mo na siya, ano pang laban ko sa kaniya?Alam kong nag-aalala na sayo ang anak mo pero I’m so
DAVE’S POVIsang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kanina pa uwian pero nasa loob pa rin ako ng office ko. Pinilit kong iwasan si Neah para sa ikasasaya nito, para hindi ko na magulo ang buhay niya pero nabigo pa rin ako. Hindi ko kayang iwasan siya. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko para sa kaniya. Gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa kaniya.Mahigpit kong hinawakan ang ballpen ko. May kung ano akong nararamdaman sa anak ni Neah. Posible ba talagang mabuntis siya kaagad pagkatapos naming maghiwalay? Hindi maalis sa isip ko, hindi ba talaga ako ang ama ng anak niya?Tatlong taon simula nang maghiwalay kaming dalawa. Nasa dalawang taon pa lang din ang edad ng anak niya. Of course, yung isang taon, sa pagbubuntis niya iyun. Napasabunot ako sa buhok ko. Paano kung posibleng ako ang ama ng anak niya? Paano kung nagsisinungaling lang siya sa akin para hindi ko na siya guluhin?Pero paano kung mali naman ako ng hinala?Muli akong napabuga
NEAH’S POVIsang linggo rin ang lumipas bago ako nakapunta sa office ni Cassandra Sy. Punong-puno ang schedule ko last week at kahit na gustuhin kong i-cancel hindi pwede dahil para rin yun sa business ko.Pinuntahan ko na kaagad ang branch ng kompanya nila dito sa New York.“Miss Villareal,” nakan
DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapa
NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na
DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na







