Share

Fated To Be In His Arms
Fated To Be In His Arms
Author: tinethoughts

Prologue

"Ginnie! Buti nakarating ka! Halika, maupo ka muna rito."

Katatapos lamang ng pagtuturo ko nang tumawag sa akin si Madam Rebecca. Isa siya sa mga naging amo ko noong panahon na kailangan kong magtrabaho. Kahit na may katandaan na, hindi niya pa rin ako nakakalimutang kumustahin.

"Ma'am, nagdala po ako ng pagkain para sa inyo. Kumusta na po kayo rito?" magiliw kong tanong. Magda-dalawang buwan na rin siguro akong hindi nakakadalaw rito pero kagaya noon, ganoon pa rin ang istilo ng kanilang bahay.

"Heto, nililibang na lang ang sarili sa mga alagang aso. Siya nga pala, I have something important to say kaya kita pinapunta rito..." she informed me. Tumayo siya at tumungo sa kaniyang office.

"Hija, come here," saad niya pa. Mabilis akong sumunod at pumasok sa office niya. Noong bago pa lamang akong naglilinis sa bahay niya, walang maaaring pumasok dito maliban sa kaniya at sa kaniyang asawa. Naiintindihan ko iyon dahil mahirap naman talagang ibigay ang tiwala sa taong kakikilala mo pa lamang.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Sertipiko, medalya, at mga tropeyo ang halos nakapaligid sa maliit na silid na ito. Hindi ko maiwasang mamangha sa rami ng mga iyon.

"Sa inyo po ang lahat ng ito?" namamangha ko pang tanong.

"Dito sa kanang side ang akin, ang nasa kaliwa ay sa mga apo ko." 

"Grabe, ang gagaling din po ng mga apo ninyo."

I was about to take a seat when I noticed a familiar face. I went straight to the photo's location. T-This is impossible!

"Oh, right! I forgot to introduce my grandchildren," she stated as she grabbed the frame I was looking.

"This is my eldest grandson, Phillip, Phille is my second one, and the youngest is Phoebe, my only granddaughter," she informed in a lively manner. She sounded like an impressed mother.

I'm unable to stop myself from swallowing. I was working to the mother of the man who had broken my heart throughout this time. 

"You mean, Phillip Añonuevo, Madam?" paglilinaw ko.

She nodded in response. "Yeah, so you know him already? Saan? Sa school ba?" sunod-sunod niyang tanong.

Wala siyang ideya kung ano ang mga nangyari between us. How I hate the Valentine's Day and confession now.

"He was my teacher back then. H-Hindi ko po alam na related kayo by blood..." ani ko pa. Of course, paano ko malalaman kung hindi naman ako nagtanong? All this time, ang dami ko na pa lang pagkakataon para makikilala nang lubusan si Sir Phillip, pero wala akong ginawa.

"Yeah, he chose to become a teacher. Noon pa lang, gustong-gusto niya na talaga ang pagtuturo. That's why patuloy niyang tinatanggihan ang offer ng Daddy niya na mag-lead sa business namin. But I think ngayon parang nagkaka-interest na siya? I heard he's planning to build a business. That's good for him." Tumango-tango pa siya na tila kausap niya ang kaniyang apo.

I smiled awkwardly. I was one of the people who helped him in that venture.

"Anyway, dahil napag-uusapan na rin naman natin si Phillip, so, this is my reason-"

"Madam, narito na po ang mga apo ninyo." My eyes widened when I heard what the maid said. Ibig sabihin ba, narito rin si Sir Phillip?

"Great! Let's go outside para maipakilala kita." Dali-dali naman akong sumunod sa kaniya. Simula nang huli naming pag-uusap ni Sir Phillip, naging formal na ulit ang turingan namin sa isa't-isa. Pinilit ko ang sarili ko na lumayo nang bahagya sa kaniya dahil alam kong nalalapit na rin ang kasal niya.

Nakabagsak ang mahaba kong buhok ngayon kaya iyon ang ginawa kong takip sa mukha ko. Sa bawat paghakbang ng mga paa ko ay siya rin pagtibok nang mabilis ng puso ko. 

"'La, sorry, we're late. Traffic po kasi," saad noong babae. Maputi ito at hindi ganoong katangkaran.

"No, that's okay. Ang Mommy at Daddy n'yo? Kailan sila pupunta rito?" tanong pa ni Madam. Nanatili lang akong tahimik dahil wala rin naman akong karapatang sumabat sa usapan nila.

"Ang sabi po nila kanina ay on the way na rin sila. Galing po kasi silang Batangas since lately doon po nagaganap ang meetings nila," paliwanag pa ng babae. Hindi ko alam pero pamilyar ang mukha niya sa akin. I think I saw her somewhere. Hindi ko lang matukoy kung saan.

"Oh, alam n'yo naman ang pag-uusapan natin ngayon, right? Siguro naman ay aware kayo? Especially you, Phillip," seryosong sabi ni Madam at saka nilingon si Sir Phillip. Dinapuan ko siya ng tingin at laking gulat ko nang magsalubong ang mga mata namin.

"You know I have a relationship right now, 'La," tamad niyang tugon.

Narinig kong bahagyang tumawa si Madam at saka hinilot ang kaniyang sentido. "At alam mong alam ko rin na she cheated on you, saan nga ba? Sa anak ng isang politician?"

Kung noon ay nakayuko ako habang nakikinig sa usapan nila, ngayon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para tumingin sa kanila. What? Nag-cheat si Ma'am Angelie? H-How?!

Natagalan pa bago nakasagot si Sir. Nahihirapan din siyang ipagtanggol si Ma'am Angelie dahil mali naman talaga ang cheating.

"She made a mistake. Pinagsisisihan niya na iyon-"

"So, hindi pa nakakarating sa 'yo ang balita? I heard she's pregnant," sabat naman noong Phille. Napansin ko kanina na naka-earphones siya kaya hindi ko inaasahan na nakikinig din siya sa usapan.

"What did you say?!" si Madam.

Pati ako ay kinabahan sa boses ngayon ni Madam. Tila makakapanakit siya ngayon sa kaniyang gulat at pagkagalit.

"N-No! She denied it!" buwelta pa ni Sir.

"Sinabi sa akin ni Cheska, kahapon lang daw nila na-confirm," walang emosyon na saad ni Phille.

Wala akong kilala sa mga sinasabi nila at ayaw ko na rin sanang mangialam pa sa problema nila. Pati ako na matagal nang kilala si Ma'am Angelie ay nagulat din.

"That girl! Wala siyang ginawa kung 'di bigyan ng kahihiyan ang pamilya niya. How could she do that?!"

Ilang minutong katahimikan ang pumalibot sa lugar. Nang magsimula silang umupo ay saka lamang ako lumapit kay Madam upang magpaalam. I think this is not the right time para magkumustahan kami.

"Madam, mukhang magiging busy po kayo ngayong araw. Babalik na lang po ako-"

"No, you stay there," saad niya nang hindi tumitingin sa akin. Nag-utos pa siya na ihanda na ang dining area para sa mga apo niya. Siguro p'wede na akong umalis kapag dumating na ang anak niya.

Tahimik akong umupo sa isang tabi, malayo kung saan nakaupo ang magkakapatid na Añonuevo. Nahagip ng mata ko si Sir Phillip na nakatingin sa gawi ko. Mabilis kong iniwas ang tingin ko upang hindi niya makita ang mukha ko.

Maya-maya pa'y dumating na ang mag-asawang Añonuevo. Mukha rin silang strict kagaya ni Madam. Nakayuko lamang ako habang dumadaan sila sa aking harapan. Nagkaroon lang ng kaunting pag-uusap at pagkatapos ay bumalik na ulit sa usapang kasalan.

"You're not young anymore, Phillip. Iyan ba ang gusto mo? Maikasal sa babaeng manloloko?" May diin ang bawat salitang sinasambit ni Madam na pati ako ay nasasaktan para kay Sir.

"Kung ayaw ninyo kay Angelie, then, kanino ako magpapakasal?"

Halos mahulog na ako sa aking kinauupuan nang bigla akong nilingon ni Madam. Napansin nila iyon kaya napunta rin ang atensyon nila sa akin.

"Why don't you try her? She's been doing good since the day we met."

"Isn't she the maid before?" tanong ng Mommy ni Sir. Oh, she knew me. Saan? Ngayon ko lang siya nakita kahit matagal din akong nag-trabaho rito.

"Uh... So, you all want me to have an arranged marriage? Ganoon ba?" Kung kanina ay malumanay pa ang boses ni Sir, ngayon ay ramdam mo na ang kakaibang tensyon sa kaniyang tono.

"This is not for the money, but for your future, hijo. Mabait siya at tingin ko ay magkakasundo kayo dahil parehas kayo ng profession," ani pa ni Madam.

"May I know who's this girl? Kung ipapakasal siya kay Kuya, then, we have to get close first." Lumapit sa akin si Phoebe kaya bahagya akong napaatras. I feel something isn't right. 

"Uh... H-Hindi ko po kaya ang pinapagawa ninyo. Pasensya na po..." I was about to leave when Madam grabbed my hands, causing me to come to a halt.

Sa paghawak ni Madam sa akin ay siya ring paghawi ni Phoebe sa buhok ko, causing my face to be exposed.

"Ginnie?"

Yumuko ako. "Sorry, hindi ko alam na related kayo, Sir Phillip."

Lumiwanag ang mukha ni Madam at hindi na napigilang mapa-palakpak. "I knew it! Alam kong sa una pa lang ay magkakasundo na kayo. Isn't it amazing? Magkakilala na agad kayo, madali na lang mabubuo ang feelings-"

"This is not fair, Mom! Saan siya galing na pamilya? Is her family in business so that our families can negotiate?" 

I was expecting this. These rich people just think about the money. Beyond that, wala na. I feel bad for Sir Phillip. Kailangan niyang isantabi ang nararamdaman para sa pera.

"Sorry, Ma'am. Wala na po akong pamilya kaya rin po ako naging maid dito for quite some time. Hindi ko na rin naman po ipipilit ang sarili ko." Hinanda ko na ang sarili ko para sa pag-alis nang magsalita si Sir.

"I-If she will be my bride, papayag na ako sa arranged marriage na gusto ninyo."

But w-what?! No, you can't do it. Sinaktan mo ako noon, at kahit gusto kong maramdaman mo rin ang naramdaman ko, this is not right.

"I-I don't agree with this, pasensya na po talaga." Mabilis kong kinuha ang gamit ko at saka umalis nang hindi nagpapalam nang maayos kay Madam.

This is too much. Itinuring ko na si Madam na parang tunay kong pamilya, but now, hindi ko matatanggap ang gusto niyang mangyari. 

I may be alone and have no family, but I don't want to marry someone who isn't genuine about his feelings for me. Arranged marriages are risky. It has an impact on the two people involved, and I despise it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status