Share

Chapter 1

“Miss Fajardo! I’ve been waiting for you for quite a while. Saan ka ba nanggaling?” A short man approached me and inquired.

“I’m sorry, Sir! May problema po kasi sa ipinasa naming project, inayos pa po namin sa library. Ano po ba ‘yong sasabihin ninyo sa akin?” With a sweaty face and a tangled mess of hair, I asked my professor.

Well, I know that he’s not paying attention to his students’ appearances when they appeared untidy and exhausted in front of him, as long as your reason is related to studies.

Sumilay ang ngiti sa labi niya. “They want you to organize a huge Valentine’s day event! That’s fantastic, isn’t it?”

For a short instant, I came to a halt. W-what did he say?

“An event po?” mahinang sambit ko.

“I know some students might find the plan boring, but since the faculty wanted to give all of the students some rest, they concurred to the plan. Ang kailangan mo lang gawin dito ay mag-isip ng p’wedeng gawin ng mga estudyante. It could be games and so forth, but make sure it is entertaining for them.”

Nanatili akong nakatayo sa harap niya, pinag-iisipang mabuti ang sinabi niya sa akin. I can organize an event as I’ve done it before. But now I’m stuck as I don’t think I can organize a romantic event. Ni hindi ko pa nararanasang makipag-date tapos ngayon, heto ako at nag-iisip ng event na may kinalaman dito.

“Sir, busy po kasi ako this week. P-P’wede po bang sa iba na lang i-assign ang event? Or kung gusto n’yo, kakausapin ko po si Melanie. I’m sure she will accept it!” masayang sabi ko pa.

After telling him what I was thinking, I feel a twinge of guilt for him and for the teachers who expected me to do it. Papanindigan ko ba ang pagtanggi ko?

He tapped me on the shoulder. “Pag-isipan mong mabuti, Ginnie. Remember, last year mo na ‘to sa school na ito. Don’t you want to be remembered as the first student to organize a large Valentine’s day event here?”

I was struck by his question. He was right. Kadalasan kasi sa mga ganitong pagkakataon, hindi na lamang nila pinapapasok ang mga estudyante. Minsan naman ay parang walang pagbabago, may klase pa rin. That’s why I was taken aback by their plan.

Nagpaalam na muna sa akin si Sir dahil may kailangan pa raw siyang ayusin sa office. Bumalik na lang muna ako sa classroom para ibalita ang tungkol sa ipinasa naming project.

“Ay, ikaw raw ang mag-aayos ng event? Ilang araw na lang ‘yon, ah?” tanong sa akin ni Sam na aking matalik na kaibigan.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa isa sa mga benches na matatagpuan sa gilid ng school field habang hawak ang aming ipinasang project last week. Buti na lamang at walang revision. Dagdag gawain pa ‘pag nagkataon.

“Hindi ko nga alam kung tatanggapin ko. Alam mo namang hindi ako marunong sa ganiyan. Wala pa kaya akong nagiging boyfriend,” natatawa ko pang sabi.

Makahulugan niya akong tiningnan. Tumango-tango pa siya habang pinagmamasdan ako.

“I have an idea!” she said excitedly. Kulang na nga lang ay tumalon siya sa harap ko.

“Kung ano man ‘yan, huwag mo nang ituloy at alam kong hindi maganda.”

She gave me a stern look as she dropped the folder beside her chair. “Sinasabi ko sa ‘yo, after that event, magkakaroon ka na ng boyfriend!”

“Tigilan mo nga ako, Sam-“ I abruptly stopped as I recognized someone.

“S-Si Sir Añonuevo ba ‘yon, Sam?” tanong ko pa para makasigurado.

“Huh? Saan ba?” Lumilinga-linga pa siya at saka lamang natigil nang makita niya na ang tinatanong ko.

“Speaking of him! Siya ang sinasabi ko-“

“Ssshh!” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at saka nilingon ang aming professor.

“H-Hi, Sir! Good afternoon po!” bati ko pa habang inaayos ang buhok ko at ang isang kamay ay nakatakip sa bibig ni Sam. Baka kung ano pa ang sabihin ng isang ‘to. Mahirap na.

“Oh, Miss Fajardo and Miss Fernandez! Anong nangyari sa inyo?” nagtataka pa niyang tanong. Tumigil siya sa tapat ko at inikot ang tingin sa mga dala namin.

Hilaw akong ngumiti sa kaniya. “Nagpapahinga lang po kami, Sir.”

“Oh, I see… by the way, project n’yo ba ‘yan? How was it?” patuloy niyang tanong. Isa ‘yan sa dahilan kung bakit sa dinami-raming professor dito, siya lang ang lagi kong inaabangan.

Umayos na sa pagkakatayo si Sam kaya napabitaw na rin ako sa pagkakahawak sa kaniya. Bigla tuloy akong nawalan ng sasabihin. Ano ba, Ginnie! Sinasayang mo ang pagkakataon!

“Sir, kami pa ba? Lagi kaya kaming mataas,” mayabang pang tugon ni Sam. Kailan pa sila naging close? Bakit hindi ko alam?

“That’s good! Kailangan ‘yan sa pagtupad n’yo ng inyong mga pangarap.”

“Mismo, Sir! ‘Eto nga pong si Ginnie, halos nasa kaniya na ang lahat. Maganda, matalino, masipag, madiskarte… basta nakarami! Ang kulang na nga lang siguro riyan ay boyfriend!”

“Naku, Sir! Huwag po kayong maniwala riyan. M-Mauuna na po kami-“

“You’re not young anymore kaya bakit hindi mo subukan? Besides, marami akong naririnig na marami raw nagkakagusto sa ‘yo rito.”

I noticed Sam trying to hide her smile. Nakakainis talaga ‘to!

“Baka maraming gustong mangopya, Sir!” bawi ko na lang. Kailangan ko na talagang itago ‘tong si Sam at napakadaldal. Talagang walang preno ang bibig.

“Oh sige, mauuna na ako sa inyong dalawa. Umuwi na agad kayo at aabutin pa kayo ng gabi riyan-“

“Sir, wait!” sigaw ni Sam at lumapit pa kay Sir. Lumapit na rin ako sa kanila at mukhang may sasabihin na naman na hindi maganda ‘tong babaeng ‘to.

“Yes, Miss Fernandez?”

“Hindi po ba kayo curious kung bakit sa dinami-raming umaamin kay Ginnie, wala pa rin siyang napipili?” tanong ni Sam.

Mabilis kong hinawakan ang braso niya. I was about to drag her away when our professor, Sir Phillip Añonuevo, intervened.

“Oh, right! Bakit nga ba? Ano bang reason ni Miss Fajardo?” Lumingon siya sa akin at saka ngumiti.

Kung nakakamatay lang ang ngiti, baka pinaglalamayan na ako ngayon! Grabe ka, Sir!

“Kasi may hinihintay po siya. In fact, ang lapit-lapit na nga ng taong ‘yon, pero hindi pa rin siya gumagawa ng move.”

Natawa si Sir sa sinabi ni Sam. “Ang babae ang pinaghihirapan, hindi siya ang humahabol sa lalaki. But it’s okay pa rin naman na maunang umamin siya, there’s nothing wrong about that. Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan.”

“’Yon na nga po. E, paano po kapag imposible na magkagusto sa kaniya ‘yong lalaki?”

“Well, ‘yan ang consequence ng pag-amin mo sa isang tao. Pero you should accept that kasi ang love, hindi dapat pinipilit. It should come naturally.”

That left me silent. Kakayanin ko ba ang rejection? Pero sa pagkakaalam ko, wala naman siyang girlfriend. At hindi naman malaki ang agwat ng edad namin. Hindi naman siguro masamang tingnan.

“Based on experience ba ‘yan, Sir?” pabirong tanong ni Sam.

“Ikaw talagang bata ka! Oh siya, umuwi na kayo at mukhang uulan na. Mahihirapan pa kayong umuwi.”

At dahil dumidilim na nga, wala na kaming nagawa at sinunod na lamang ang sinabi niya. Mahirap pa namang sumakay dito dahil wala masiyadong dumadaang taxi.

“Ikaw kasi Sam, kung hindi mo dinaldal si Sir, baka nasa trabaho na ako ngayon.”

Her gaze was drawn to me. “Pagkatapos mong kiligin diyan kanina, ako ang sisisihin mo ngayon?”

“Sino ba'ng may sabi na kinilig ako? E, kung p’wede ka ngang saktan kanina, ginawa ko na.” Akala niya yata ay nakalimutan ko na ang ginawa niya kanina. Pagod na nga lang ako kaya hindi ko na lang pinansin.

“Kunwari ka pa, aminin mo na kasi-“ Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Mabilis kaming sumilong sa sirang waiting shed. Dahil maliit lamang ang dala kong bag, wala akong choice kung ‘di yakapin ang project namin na dala-dala ko. Halos matumba pa kaming dalawa nang biglang humangin nang malakas.

“Wala pa bang dumadaan na sasakyan? Mukhang malabong tumigil ang ulan ngayon, Sam!” malakas kong sabi.

“Wala pa rin! Basa na rin ako rito!” reklamo niya pa.

Napailing na lang ako. Basang-basa na rin ang uniform ko, ang tanging inaalala ko na lang ngayon ay ang project namin. Siguradong ipapaulit ito sa amin, sana lang ay hindi bawasan ang grades namin…

“’Yan! May paparating! Paparahin ko na ‘to, saglit lang.”

“Get in!” sigaw ng isang lalaki. Kaagad kong inangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang tumigil sa harap namin.

“Sir?!” Halos sabay pa naming sambit ni Sam. Nag-unahan agad kaming pumasok sa kotse. Nang makapasok kami ay saka ko lamang naayos ang sarili ko.

“Buti pala at bumalik ako rito. Hindi pa pala kayo nakakasakay.”

It’s our first time riding in his car. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. The way he drives his car, lalo lamang akong nahuhulog. Kung siya ang magiging partner ko sa event, I would gladly accept it. But I know that’s impossible. He’s a teacher, and I’m just a student.

“Sir, alam n’yo po bang ‘yong pinaplanong event para sa Valentine’s day?” Sam asked randomly. Bigla rin tuloy akong na-curious. Kasama kaya sila?

“I heard about it. It sounds interesting. Why did you ask?”

“Si Ginnie po kasi ang mag-oorganize ng event. Gusto niya po sanang may isang teacher na mag-guide sa kaniya. P’wede po kaya kayo?” tanong ni Sam. Ni hindi ko nga sigurado kung magagawa ko ba ‘yon. Gusto ko sanang ibigay ‘yon sa iba, pero kung papaya si Sir, bakit hindi?

“Naku, I’m not sure about that. Bakit? Ikaw ba ang sinabihan, Miss Fajardo?” he asked as he looked at me.

“Y-Yes, sir. Kaso hindi ko rin po alam kung kaya ko,” I answered honestly. Hindi ko rin alam ang dahilan nila kung bakit ako pa ang pinili nila para roon. Marami namang iba na maaasahan din.

He took a deep breath. “Itatanong ko sa office at titingnan ko rin ang schedule ko, ha.”

Tumango na lamang ako kahit sa loob-loob ko ay gusto kong sumigaw. Ang ibig sabihin ba noon ay may tiyansa na makasama ko siya?

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay tumahimik na ulit ang paligid. Hindi na rin sumubok si Sam na magtanong, pagod na rin siguro. After some minutes, nakarating na kami sa village nina Sam. Nagpaalam na siya sa amin at makahulugan pa akong tiningnan.

“Are you alright?”

Halos manlamig ako nang marinig iyon mula kay Sir. Tinatanong niya ba talaga ako? Kung kaya ko lang sabunutan ngayon ang sarili ko, ginawa ko na! Ano’ng ginagawa mo sa akin, Sir?

“O-Okay lang po ako. Malapit na rin naman po ang amin…”

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lugar kung saan ako nakatira. Paniguradong laman na naman ako ng tsismis bukas dito sa amin.

“S-Sir, dito na lang po ako…” I tried to sound calm.

“H-Huh? Madilim dito saka wala namang mga bahay? Sigurado ka bang dito ang inyo?” tanong pa ni sir.

“Opo, lalakarin ko na lang po.”

Marahan akong bumaba sa kotse sa takot na makasira pa ako ng gamit niya. Malayo pa talaga ang bahay namin pero kaya na rin naman lakarin kahit mula rito.

“S-Salamat po-“

He smiled at me. “Babalitaan agad kita kapag free ako sa araw na iyon.”

Ngumiti na lamang din ako dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. Napakaraming nangyari ngayong araw! Hindi ko pa kayang i-proseso lahat!

I took a bath and change my clothes right away. Hindi ako p’wedeng magkasakit, marami pa akong kailangang gawin ngayong linggo.

Mabilis akong kumain ng hapunan para maiwasan ang mga tanong ng kasama ko sa bahay. Minsan nga, iniisip ko na rin ang pag-alis sa apartment na ito. Ilang beses na akong nawalan ng gamit dito at wala namang umaamin kung sino ang kumuha. Bukod pa roon, minsan ay hindi ako makatulog dahil palagi na lang silang may ganap. Hindi naman sila sumusunod kahit pakiusapan. Kung may pamilya lang sana ako, siguro hindi ganito ang kalalakihan ko. Hindi ko kailangang magtrabaho habang nag-aaral at lalong hindi ko kailangang tiisin ang mga tao rito.

“Uhm, Miss Fajardo?”

I quickly glance behind me to see who’s calling this morning. My eyes were caught off guard after seeing who was calling. I straightened myself as I approached him.

“Guess what, your plan was approved by the faculty! According to them, it is far preferable than having no one guiding you at all,” he informed.

“Really, Sir? Ibig sabihin po ba no’n, makakasama ko po kayo sa pag-aayos ng event?”

He nodded. “Definitely, Miss Fajardo. Buti nga at natapat na wala masiyadong gawain sa office.”

Just the thought of him and I working together to prepare for the event is insane! I don’t know what to say anymore! Is this my chance to get closer to him?

“Okay po, sir. Sana maging maganda po ang outcome…” I stated hesitantly.

“Of course, it will be successful. After all, you are involved in this project.” He smiled as soon as he said those words.

Bakit naman po kayo ganiyan makangiti sa akin, Sir? Hirap na hirap na akong magpanggap na kalmado!

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon, tila nag-fast forward na lang sa akin lahat ng mga sumunod na nangyari. Namamalayan ko na lang na mayroong quiz, tapos na ang klase, at uwian na.

“Ilang araw ka na riyan na tulala? Wala ka pa rin bang plano para sa event? Balita ko pa naman, si Sir Phillip ang in-assign na teacher para roon.” Lumapit sa akin si Sam. Hindi na ako magtataka na alam niya na agad ang tungkol doon, after all, siya naman ang may pakana ng lahat. Lahat ng nangyayari ngayon ay may kinalaman siya.

“May plano na ako. Kaso… nahihiya pa rin ako kay Sir. Kahit anong gawin kong pagp-practice, nauutal pa rin ako sa harap niya.”

Makahulugan niya akong tiningnan. “Don’t tell me… hindi lang paghanga ang nararamdaman mo para kay Sir?!” she exclaimed.

I remained silent. Hindi ko rin alam… Sinusubukan ko namang pigilan. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit hindi ko magawang ibaling sa iba ang nararamdaman ko.

I decided to fight my fear. Wala rin namang mangyayari kung magpapadala ako sa takot at hiya. Besides, it is my responsibility.

The plan is also nearing completion as the time passes. I am confident to say that it’s almost done. I just need the reactions of other students to achieve my desired result.

“Ginnie! This is beautiful! You made it just in time!”

I sighed as I gazed at Sir Phillip. “This would not be possible if you weren’t involved, so give yourself credit as well, Sir.”

As what I am expecting, people seem to enjoy it. They even compliment me on how well I did my part. I took photos with every student I saw participated in this event with Sam by my side. This will surely be a memorable experience for us.

“Happy Valentine’s Day!” Sabay-sabay naming sigaw at saka pinalipad ang hawak-hawak naming lobo na hugis puso.

“What did you wish?” Sam asked curiously.

“Na sana maging maganda ang kalabasan ng araw na ito…” mabilis kong sagot.

Natawa siya. “Hindi ka pa ba satisfied sa mga nakikita mo? Halos lahat dito hindi na maisara ang bibig. Kung hindi natutuwa, namamangha sila.”

“It’s not about that. I have another plan to do…” mahina kong sambit.

“What is it? May pa-surprise ka ba? Gusto mo tulungan kita i-set up?” masiglang tanong niya.

“I want to confess…” I said softly.

“Confess? Kanino?” she asked.

“Kay Sir Phillip.” Mabilis akong yumuko para hindi makita ang reaksyon niya.

Sa pag-amin kong iyon, nagkaroon din ako ng lakas ng loob na ituloy ang plano ko. Ang akala kong reaksyon ni Sam ay taliwas sa nakita ko kanina. Hindi ako nakarinig ng reklamo sa kaniya at tanging pagsuporta lamang. Umabot na nga sa punto na siya na ang gumawa ng paraan para magkalapit kami ni Sir.

“Uy, marriage booth daw! Si Sir Phillip at saka si Ma’am Angelie, dali!”

Nang marinig ko iyon ay hindi ko na namalayan na nabitawan ko na pala ang hawak kong mga papel. S-Si Ma’am Angelie?

Mabilis akong tumungo sa marriage booth area at hinanap si Sir. Sa gitna ay nakita ko siyang matamis ang ngiti kay Ma’am Angelie. Binibiro niya pa ang mga estudyanteng kinikilig sa kanila.

“Ginnie!”

“Sir Phillip!” I exclaimed. As what I expected, nasa akin na ang atensyon nilang lahat. Huminga ako nang malalim at saka tumungo sa gitna.

“S-Sir, will you marry me?” I asked as I knelt my knee. Nang marinig ang mga bulungan sa paligid ay kaagad akong pumikit.

“Miss Fajardo, what is the meaning of this?” mahina niyang tanong.

“I like you, Sir Phillip…” I revealed. Nanginginig na ang tuhod ko at hindi ko na alam kung kakayanin ko pang marinig ang sasabihin niya.

“No, this is wrong. Tumayo ka riyan.”

“Hindi po ako tatayo rito hangga’t hindi-“

“I have a girlfriend. I’m in a relationship, Miss Fajardo.” May diin ang bawat salitang binibigkas niya.

“Imposible po iyan. Wala po kayong sinasabi-“

“I am his girlfriend, Miss Fajardo,” ani ng isang tinig. Iisa lamang ang nasa likuran ko ngayon kaya kahit hindi ako lumingon ay batid ko na ang pagkakakilanlan niya.

“Sir, Ma’am, pasensiya na po kayo kay Ginnie. Nagbibiro lamang po siya-“

“No, Sam! This is true. This is genuine!” I exclaimed as I stood up and looked at him.

“I am sorry for hurting your feelings…”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status