Share

Chapter 2

"Ma'am Fajardo, may meeting daw po ang lahat ng teachers ngayon sa office."

"Uh yeah, thanks for reminding me." Mabilis kong niligpit ang aking mga gamit at nagpaalam na sa aking advisory.

"President, ikaw na muna ang bahala sa mga kaklase mo," I stated with authority. Panatag ako na iwan ang klase ko dahil alam kong hindi naman sila gagawa ng ikapapamahak din nila.

"Ma'am Ginnie!" Kaagad akong lumingon sa aking likuran.

"Ma'am Lily! Kumusta na kayo? Kababalik n'yo lang ba?" sunod-sunod na tanong ko. Matagal din siyang naka-leave dahil nagkaroon ng problema sa pamilya. I hope she's fine now.

"Kahapon lang ako bumalik. Pasensya na at hindi pa ako nagagawi sa room mo," saad niya.

"Ako nga pa 'tong dapat pumupunta sa inyo," nahihiya kong sabi.

Ilang minuto rin kaming nagkwentuhan tungkol sa aming mga buhay. Natatalo nga lang minsan ako kapag usapang lovelife na. Naputol na lamang ang aming pagkukwentuhan nang makarating kami sa office.

"Ma'am Lily!" halos sabay-sabay na sabi ng mga guro na narito sa office. Humiwalay na ako ng landas dahil mukhang matagal-tagal na kwentuhan din ang gagawin nila.

"Blooming ka yata ngayon, ah? Don't tell me, may papa ka na ngayon?" bulong sa akin ni Sam. Wala na talaga siyang ginawa kung 'di ang asarin ako.

"Huwag ka nga riyan. Kapag talaga kayo nag-break ni Matt, ako ang unang magsasaya," bawi ko. Well, that's the opposite. Baka nga ako pa ang unang mananakit kay Matt kapag nagkataon.

"Tss, ampalaya siguro ulam mo kanina, 'no?"

I just rolled my eyes. Umayos na ako nang dumating na ang iba pang mga guro. Sa pagkakaalam ko, pag-uusapan namin ngayon ang darating na seminar na gagawin sa ibang school. Wala pang nababanggit kung anong school iyon kaya baka ngayon pa lang sasabihin sa amin. 

"Saan mo gustong school?" tanong pa sa akin ni Sam. Tiningnan ko siya nang masama. Kahit kailan talaga!

Hindi ko na lamang pinansin ang panggugulo sa akin ni Sam at nag-focus na lamang sa ipinapaliwanag ngayon sa amin. Dalawang linggo rin pala ang itatagal ng seminar. Paniguradong gastos na naman iyon sa akin dahil kasama ko 'tong si Sam at iba pang guro.

"Sir, sa District 1 po gaganapin ang seminar?" tanong pa ni Sam. 

I was about to nod when I realized something. District 1?

"Yes, since under po tayo ng District 1. I think three to five hours lang naman po ang tagal ng isang meeting."

Bigla akong nanlamig. This isn't true!

"S-Sure na po ba 'yan?" I suddenly asked.

"Yes, naipadala na rin po ang sulat sa iba't-ibang school under District 1. Wala naman po kayong dapat ipag-alala, may mga station po ang bawat school kaya hindi po magiging magulo." 

After that meeting, tila nawala na rin ako sa aking sarili. Maybe he's not teaching anymore? Or pupwede rin namang lumipat siya sa ibang school. Right, Ginnie. Malaki ang possibility na hindi ko na siya makikita ulit. Besides, it's been years since the confession happened.

Days has passed. My days went normal as usual. Hindi ako ganoong kahigpit sa mga estudyante as long as they're doing their part as students. Minsan nga napapaisip ako, ano kaya ang ginagawa ko ngayon kung pinili ko ang tumigil sa pag-aaral bilang maging isang guro? Magiging masaya rin kaya ako?

"Sis! Kanina pa kita hinahanap!" Sam exclaimed as she ran towards my direction.

"Bakit na naman?" tanong ko pa. Nakalimutan niya na bang magkasama kami sa cafeteria kanina?

"Bukas na ang seminar natin, ah? Ready ka na ba?" nang-aasar niyang tanong. Alam niya talaga kung ano ang makakapagpasira ng araw ko.

"Sino ba'ng may gusto na maalala ang mga nangyari roon?" tanong ko. Alam kong matagal na iyon, marami na ang nangyari at sigurado akong ganoon din siya.

"Bukod doon sa inyo ni Sir Añonuevo, hindi ba't marami rin namang magagandang nangyari roon? Apat na taon din 'yon," saad niya pa.

Kung sa ibang tao, ang buhay highschool ang pinakagusto nilang parte sa buhay pag-aaral, sa akin naman ay ang college. Doon ko kasi napatunayan na kaya kong makapagtapos nang ako lamang. Dati natatakot akong malaman ng ibang tao ang kalagayan ko noon, pero ngayon, napagtanto ko na hindi dapat ikahiya ang pagiging ulila. Na kahit walang magulang na gumagabay sa isang tao, hindi dapat ito ikahiya.

"Of course, masaya 'yon. Pero alam mo naman na kahit marami kang ginawang tama, iyong mga mali pa rin ang mapapansin ng iba."

"Huwag ka na riyan mag-overthink. Kung naroon pa rin siya, edi umarte ka na lang na parang wala lang nangyari sa past. Sa gano'ng paraan, hindi kayo magkakailangan, 'di ba?" tanong niya na parang madali lang gawin iyon. 

I just let my mind rest for a while since kailangan ko rin ng lakas para sa mga susunod na araw. It will be tough for me, but it's part of life. In order for me to move, I have to take a risk.

"Ang ganda talaga rito, 'no? Pangarap ko rito mag-aral dati no'ng college, kaso ayaw naman ni Tatay." I was on my way to our station when I heard my co-teacher talking about this school.

Umupo na muna ako habang hinihintay ang iba pa na abala sa pag-aayos ng kanilang mga gamit. Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Marami na ang nagbago. Balita ko rin ay pinalaki pa ang library rito.

"Ginnie!" Kaagad akong lumingon sa tumatawag sa akin. Mula sa malayo ay kilalang-kilala ko na kung sino iyon.

I stood up and went to her. Ano na naman kayang gustong gawin nito?

"Why? Ikaw talaga, wala ka-"

"I saw him!" she exclaimed. Pinaghahampas niya pa ang braso ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Huh? Sino?" I asked curiously.

"Si Sir A! You know what I mean! Oh gosh! He smiled at me!" she added.

I know there's a big possibility that's he's still working here. Tinanggap ko na iyon pero kapag pala nandito na, hindi mo pa rin talaga masasabi.

"Miss Fajardo?"

Mabilis akong lumingon sa aking likuran at halos matumba ako sa aking kinatatayuan nang makita kung sino iyon.

It's been four years but I still carrying this pain until now. Ang daming trauma na binigay sa akin ng pangyayaring iyon na kung bibigyan ako ng pagkakataon na baguhin iyon ay gagawin ko.

"W-Wow... It's been a long time. How are you, guys?" pagpapatuloy niya. 

Umatras ako at bahagyang ngumiti. Is this right? Makakaya ko pa bang tratuhin siya na parang walang nangyari sa nakaraan?

"S-Sir, dito pa rin po pala kayo nagtuturo. Nandito po kami para sa seminar..." si Sam.

"Oo, I really love teaching here kaya heto at nagtuturo pa rin ako rito. Grabe, bigla ko tuloy naisip na ang tanda ko na pala. Kapwa-guro ko na rin ang dating makukulit kong estudyante," biro niya pa at lumingon sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at huminga nang malalim.

This isn't the time para maging duwag ka, Ginnie. Kung kaya niyang umarte na parang maayos lang ang lahat, dapat kaya mo rin.

"Buti naman po at nag-eenjoy pa rin kayo sa pagtuturo. Anyway, mauuna na po kami ni Sam at baka hinahanap na po kami roon," I stated. I didn't even try to look at him.

"G-Ginnie..."

"Yes?" I looked back.

"Can we talk?" he asked as he tried to catch my eyes.

Bumalik ang tingin ko kay Sam. She was about to nod but I held her hand.

"Kailangan na po kasi kami-"

"You can go, Ginnie. Sasabihin ko na lang sa iba kung bakit ka wala." Sam smiled at me.

What the fuck?!

"H-Huh? Pero-"

"Really, Sam? That would be great!" masayang sabi pa ni Sir. Nagpabalik-balik pa ako ng tingin sa kanilang dalawa bago tinanggap ang naging kinalabasan ng pag-uusap na ito.

Tahimik lamang kaming naglalakad ni Sir Añonuevo patungo sa cafeteria ng school. He offered na sa labas na lamang kami ngunit pinagpilitan ko na sa cafeteria na lamang.

"Ano po ba'ng pag-uusapan natin?" tanong ko kaagad. I never thought that this would happen. Never in my dreams.

"How are you?"

"Sir, kung 'yan lang po ang tatanungin n'yo, well, I am doing good. Is there anything you want to know?" diretsahan kong tanong. I just hope he won't waste my time.

"I heard you're living on your own now?"

"Sir, I need a point. Drop your real motive now." I straightened my back. Oh gosh! Kailangan ko na talagang pag-aralan na pakalmahin ang sarili ko.

"What do you mean?" nagtataka niyang tanong.

I sighed. "Don't act like you don't remember what really happened before. That was just a mistake. Bata pa ako noon at immature. If you're going to bring up the past, just stop."

"I-It's not about that, Miss Fajardo. I am going to make a business project and I just want to ask if you could help me."

Napatigil ako at tumingin sa kaniya. Did I hear it right? Gusto ko na lamang maglaho ngayon. Ano na namang ginawa mo, Ginnie?

"Uhm, well, c-can we talk about that later? I just don't feel good now..." I looked away. Nakakahiya!

 

"Y-Yeah..." He smiled. "You can have your coffee, it's free."

Nagpaalam na ako sa kaniya at mabilis na tumungo sa aming station. Ilang oras pa lamang ako rito tapos ganito na ang nangyari. 

Ginawa ko ang makakaya ko para makapagfocus sa seminar na ito. Dumaan ang mga araw, linggo, at naging maayos naman ang lahat. Patuloy pa rin akong kinakausap ni Sir Phillip para sa business na gusto niyang gawin. He asked me to do the layout of his business. At first, hindi ako naniwala. Wala akong karanasan sa paggagawa ng ganoon pero he still wants me to it. I just don't understand his reason.

"Sam, I need to go. Ikaw na muna ang bahala sa ginawa kong report, ha."

"Where are you going?" usisa niya.

"Kay Sir A," tamad na sagot ko.

"Mukhang iba na 'yan, ah? Trabaho pa ba 'yan?" nang-aasar niyang tanong.

"Tigilan mo na nga ang paghihinala sa akin. Marami na ang sumubok pero hindi nagtagumpay, okay? Kaya malabo ang sinasabi mo."

She burst out laughing. "Ikaw ang may sabi niyan."

Hindi ko na lamang siya pinansin at tumungo na sa sinabing lugar ni Sir Phillip. Sometimes, I feel like this is wrong. But I don't know... I still want to do this.

"Did you have your dinner? Let's eat somewhere."

Sa nagdaang mga linggo na pag-uusap namin, ni isang pagtatalo ay walang nangyari. He keeps treating me nicely.

"You know what, let's drink." Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Sir Phillip at dinala siya sa madalas kong tambayan na bar.

"No, you should go home. Delikado roon, baka kung anong mangyari pa sa iyo-"

"I'm used to it so don't mind me! At saka, we should celebrate! You said you got promoted!" I exclaimed.

"Yeah, but not in the bar-"

"Don't tell me, hindi ka umiinom, sir?!"

He didn't react. My eyes widened and gave a grating grin. 

"Huwag mong sayangin ang buhay mo, sir! Halika at tuturuan kita," natatawa ko pang sabi. 

Pagkarating namin ay mabilis akong nakahanap ng table dahil halos kakilala ko na rin ang mga empleyado rito.

"Ma'am! Nagawi po yata ulit kayo rito?" tanong sa akin ng isa sa mga waiter.

"Celebration," maikli kong sagot.

Kaagad akong umupo sa couch nang makitang bakante iyon. Hinatak ko naman agad si sir nang makitang may balak umupo sa tabi ko.

"This seat is taken," I declared.

Iniwan ko muna si sir sa couch para maka-order ako ng drinks namin. I even saw bunch of girls trying to approach him but he refused.

"Here," saad ko kasabay ng pag-abot ko ng shot glass sa kaniya.

"After this bottle, umuwi na tayo. Hindi magandang nakikita tayong dalawa rito," seryoso niyang sabi at saka mabilis na nilagok ang inumin.

I stayed silent for a while. Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako sa sinabi niya. Maybe, I'm just tired?

"Kuya, one more please!" I shouted. My vision was beginning to blur as I lay back on the couch.

"That's enough, umuwi na tayo-"

"No, m-maayos pa naman ako. Dito muna tayo..." saad ko ngunit taliwas sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng antok. Lasing na ba ako? But that's impossible.

"Let's go-"

"No!" I quickly removed his hand on my arm. "You enjoy ruining my life, don't you?" I asked harshly. 

"W-What do you mean?"

"First, my first love! And now, this night!" I said in a husky voice. 

"Please stop, Ginnie. Maraming tao..." bulong niya pa sa akin habang inaayos ang skirt ko.

"Why do you continue to think about others while ignoring my feelings? Why the fuck do I feel so badly right now? Ugh! I'm fucking exhausted!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status