Share

72

Author: Boraine
last update publish date: 2025-11-02 18:17:43

Pagkaalis ng doktor, naiwan si Jiro sa tabi ng kama. Tahimik siyang nakaupo habang pinagmamasdan ang maputlang mukha ni Chloe. Napabuntong-hininga siya, ramdam ang kirot sa dibdib. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at pinunasan ang mga natitirang luha sa gilid ng mga mata.

Kinahapunan, dahan-dahang dumilat si Chloe, mabigat pa ang pakiramdam ng ulo. Sa tabi niya, nakita niya si Jiro na nakatulog habang nakaupo. Magulo ang buhok nito, at ang mahinang hinga ay halatang pagod. May bahagyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   Unashamed Love

    BLURB:Anim na taon matapos mawala sa buhay niya si April, hindi inakala ni Cristanto na muli silang magkikita sa isang simpleng supermarket sa kanilang baryo. Habang si April ay bumalik bilang bagong village official na may mga sugat mula sa nakaraan, si Cristanto naman ay nanatiling naghihintay, tahimik na itinatago ang damdaming hindi kailanman nawala.Ngunit hindi sapat ang muling pagkikita para mabuo ang isang pag-ibig na matagal nang naantala. Habang hinaharap ni April ang bagong simula sa kanyang bayan at si Cristanto ang mga pagkakataong maaari na namang mawala siya, kailangan nilang sagutin ang tanong na matagal nang nakabitin sa pagitan nila:Paano kung ang taong hinihintay mo sa loob ng maraming taon ay hindi man lang alam na mahal mo siya?CHAPTER ONEAnim na taon nang hindi muling nakita ni Cristanto si April. Sa loob ng anim na taong iyon, hindi mabilang kung ilang beses niyang inisip kung paano sila muling magkikita. Marahil sa isang masayang okasyon, sa isang reunion,

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   WAKAS

    Magkatabi lang ang bahay nina Oliven at Alizee noong bata pa sila, pero imbes na maging malapit, kabaligtaran ang nangyari, parang aso’t pusa kung magbangayan.Panahong iyon, nagsisimula pa lang umangat ang career ni Samuel, kaya halos wala na itong oras sa anak. Tuwing summer o Christmas break, madalas mag-isa lang si Alizee sa bahay. Dahil sa sobrang inip, lagi siyang pumupunta sa kabila para guluhin si Oliven, at kadalasan, nauuwi iyon sa suntukan o asaran.Sa umpisa, bwisit na bwisit si Oliven sa kaniya. Para sa kaniya, iyakin na, mahina pa makipag-away, pero hilig mang-hamon.Ilang beses na silang nagbugbugan sa bakuran. Isang beses, pagkatapos ng ilang rounds, namamaga na ang pisngi ni Alizee, magulo ang buhok, at puro gasgas ang tuhod, pero ayaw pa ring magpatalo.Tumayo siya mula sa lupa, inayos ang buhok sa noo, at galit na galit na sumigaw:“Hintayin mo ‘ko! Isusumbong kita kina Mommy at Daddy, binully mo ‘ko!”Niyakap lang ni Oliven ang dibdib niya, nakayuko nang bahagya, m

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   98

    Unang beses na nakita ni Bluei si Jieyan sa isang maulang gabi.Katatapos lang noon ng show ni Jieyan. Suot niya ang puting camisole dress na may mahabang palda, basa pa nang bahagya ang dulo dahil sa ulan. Pagod na pagod siya galing sa sunod-sunod na trabaho, pero may usapan na sila ng kaibigan niyang magkikita sa bar, kaya dumiretso pa rin siya roon.Pagpasok niya, dumiretso siya sa booth at halos walang tigil na nagsalin ng alak sa sarili niyang baso.Gusto lang niyang makalimot kahit sandali.Sa kabilang side ng counter, abala si Bluei sa pagmi-mix ng inumin. Kakatapos lang niyang gawin ang bagong cocktail niya, “Rose’s Secret Diary.” Hindi niya akalaing sa gabing iyon, siya mismo ang magkakaroon ng sarili niyang “secret diary”… ng isang lihim na pag-ibig.Napako ang tingin niya kay Jieyan.Nakaupo ito sa booth, bahagyang nakatagilid ang mukha habang tinatamaan ng dim lights ng bar. Kalahati ng mukha niya nasa anino, kalahati nasa ilaw, at sa simpleng galaw niyang pag-ayos ng buho

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   97

    “Hello po, mga tito at tita. Ako si Ripley. Three years old na ako this year… at madalas kong iniisip, bakit nga ba Ripley ang tawag sa’kin?”Kung tutuusin, hindi naman niya talaga naiintindihan ang sagot, pero hindi rin iyon mahalaga.Ang mahalaga, gutom na siya.Sa loob ng studio room, abala si Alizee sa pagdo-drawing sa tablet niya. Mahigpit ang bilin ni Arion sa anak nila na huwag istorbohin ang mommy niya habang nagtatrabaho.Pero si Ripley, bata pa lang, alam na niya, kapag pagkain ang usapan, si Mommy lang ang makakaintindi ng gusto niya.Kaya habang hindi nakatingin si Arion, palihim siyang naglakad papunta sa studio. Halos hindi pa nga niya abot ang doorknob, pero pinilit niyang buksan ang pinto.Napatingin si Alizee nang maramdaman ang presensya sa may pintuan.“Ripley? Bakit nandito ka? Hindi ba sabi ko, play with Daddy muna?”Nakatayo roon ang maliit na bata, hawak ang doorknob, nakatingala sa kaniya gamit ang malalaki at bilog na mata, puno ng luha.Pagkakita pa lang sa

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   96

    Ngumiti si Alina, pinipigilan ang halakhak sa labi.“Well… you continue,” biro niya bago tuluyang tumalikod pabalik ng kusina.Nanlaki ang mata ni Alizee. ‘Continue… ano raw?’Parang gusto na niyang lamunin ng sofa sa hiya. Agad niyang ibinaon ang mukha sa unan, pilit kinukumbinsi ang sarili na walang nangyari kanina. Kaso, lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ulit ang boses ni Arion sa tabi niya.“Kain na.”Muffled ang boses niyang sumagot mula sa loob ng sofa. “Ayaw ko na… hindi ako gutom.”Mahinang natawa si Arion. Umupo ulit sa tabi niya, saka bahagyang yumuko para silipin siya.“Are you… shy?”Bigla siyang napabangon.“You did that on purpose, ’no?!” inis ngunit namumulang sabi niya, saka dinampot ang throw pillow at ibinato sa ulo nito.Tahimik lang na sinalo ni Arion ang unan, may ngiti pa rin sa labi.***Ayon sa naunang schedule, dumating sina Alizee at Arion sa isang sikat na photo studio na trending online para sa kanilang wedding photoshoot.Unang set pa

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   95

    Napansin ni Alizee na tulala pa rin si Arion at parang wala sa wisyo, kaya inabot niya ang leeg nito at kiniliti ang Adam’s apple niya, pilya ang ngiti, malambing ang boses.“Sinong engkanto ba ang nang-akit sa kaluluwa mo, ha?”Agad hinawakan ni Arion ang makulit niyang kamay bago pa ito makailag. Dahan-dahan niya iyong inilapit sa labi niya at hinalikan. May bahagyang kiliti na dumaloy sa palad ni Alizee, dahilan para mas lalo siyang mapangiti, iyong tipong alam niyang may epekto siya rito.Pagsapit ng alas-dose, tumunog ang hudyat ng bagong taon.Magkasabay silang umuwi sa bahay nina Alizee.Pagpasok pa lang, sinalubong na sila ng amoy ng nilulutong handa. Abala sina Samuel at Alina sa paghahanda, naghihiwa, nagmamasa, nag-aayos ng mga sangkap.Pinanood ni Alizee ang mga magulang niya, sweet pa rin, nagtutulungan, parang hindi tumatanda ang samahan.Napangiti siya. Mas lalo niyang na-realize kung gaano siya kaswerte.Samantala, umupo si Arion mag-isa sa sofa.Lumabas ng kusina si S

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   Chapter 10

    Pagkapasok ni Ulysses sa sala, mabilis niyang sinuyod ng tingin ang paligid. “Nasaan si Arion?” tanong niya, malamig pero magalang.Si Jayra, na abala sa pag-inom ng tsaa, naghintay pa ng ilang segundo bago sumagot nang parang walang pake, “Tumakas na ’yong long-legged boy.”Bahagyang kumunot ang n

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   Chapter 9

    Napayuko si Alizee, mahigpit na hawak ang paper bag ng gift box. ‘Kung may napahiya man, sarili ko ‘yon, not the boss,’ bulong niya sa isip.Napansin agad ni Jieyan ang pagkapahiya niya at agad lumapit, marahang inilapat ang kamay sa balikat niya. “Si Babe Arion, huwag mo na siyang seryosohin. He d

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   Chapter 8

    Bahagyang yumuko si Alizee para silipin ang driver, ngunit nanigas ang ngiti niya nang magtama ang mga mata nila. “Arion… I mean, Mr. Ramirez. S-Small world.”Nakasalubong niya ang malamig na ekspresyon ni Arion, matalim ang panga, parang may guhit ng yelo ang mukha. Hindi siya nagsalita. Hindi rin

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   Chapter 7

    Bumagsak nang malakas ang medicine box sa paanan ni Alizee, nagkalat ang laman sa sahig. Yumuko siya at pinulot iyon isa-isa, maingat na parang naparosahan. Pagkatapos, hindi pa rin niya nakalimutang magpasalamat.“Salamat.”Hindi sumagot si Arion. Nakapasok ang isang kamay sa bulsa ng pajamas niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status