LOGIN"PERO sinabi ni Patrick na ako lang ang nasa puso niya ngayon. Pasensya ka na, Ate, hindi ko maibibigay sa'yo si Patrick," malambing ngunit nakakairitang sagot ni Raquel.
Dati, akala ni Leticia ay mabait at cute lang ang kapatid niya. Ngayon, malinaw na sa kanya na isa pala itong plastik at malandi.
Yumuko si Leticia at nagkunwaring nahihirapan.
"Hindi ko rin kayang pakawalan si Patrick. Dalawang taon din kaming magkarelasyon. Kaya galingan mo ang pagbabantay sa kanya, baka agawin ko siya pabalik anumang oras," malamig ngunit may halong panunudyo niyang wika.
"Ate, ikaw—" Namula ang mukha ni Raquel sa matinding inis.
Hindi na siya hinintay na makatapos ni Leticia. Tumayo agad ito at bumalik sa sariling kuwarto.
ARAW ng Sabado.
Dahil hindi niya matanggihan ang paulit-ulit at nakakabinging sermon ng kanyang ina, pumayag na rin si Leticia na makpag-blind date.
Pumasok siya sa restaurant kung saan sila nagkasundong magkita at umupo sa gilid malapit sa bintana.
Pagkalipas ng limang minuto, isang may-edad na lalaki na may kalakihan ang tiyan, pandak at numinipis na ang buhok ang lumapit sa kanya. Hinila nito ang upuan sa tapat niya at mabilis na umupo.
Walang pakundangan nitong pinasadahan ng tingin si Leticia mula ulo hanggang paa.
Maputi ang balat at balingkinitan ang katawan ng dalaga, maganda ang mukha, bilugan ang mata, matangos ang ilong, manipis ang mapupulang labi at maputi ang ngipin. Bakas sa kanya ang kasariwaan at ganda.
Mas maganda pala ito sa personal kaysa sa larawan. Ang mga nakaraang blind date ng lalaki ay puro nadala lang sa matinding edit at filter.
"Ikaw ba si Miss Leticia Villaflor?" tanong ng lalaki habang nakangiti nang malapad, dahilan para mamukhang guhit na lang ang mga mata nito sa taba ng mukha.
Pilit na ngumiti si Leticia.
"No, you've mistaken me for someone else," malamig niyang sagot.
Ito pala ang lalaking ipinagmamalaki ng kanyang ina. Ang sinasabi nitong matagumpay sa buhay, sobrang talino, matured, at stable.
Lumalabas na ang ibig sabihin pala ng "sobrang talino" ay ang pagnipis ng buhok nito. Ang "matured at stable" naman ay tumutukoy pala sa edad nito.
Nang mapansin ng lalaki ang pagkadismaya sa mga mata ni Leticia, hindi ito nagalit. Tinawag nito ang waiter, umorder ng ilang pagkain, at nagsimulang magpakilala nang parang napakalapit na nila sa isa't isa.
"Leticia, ako si Wilfred Martinez, kwarenta'y dos anyos na ngayong taon. May sarili akong kotse at bahay, at may-ari rin ako ng ilang chain ng auto repair shop," pagmamayabang nito.
Nagsimula na itong magkwento tungkol sa kanyang negosyo at kung paano siya yumaman. Kumikinang ang makapal na gintong kwintas sa kanyang leeg, tila ipinapamalas sa lahat ang kanyang kayamanan.
Nagsalita ito hanggang sa manuyo ang lalamunan bago huminto para uminom ng tubig.
"Basta, Leticia, kapag sumama ka sa akin, sinisigurado kong hindi ka na mamomoblema sa pagkain o damit habambuhay," pagtatapos nito.
"Medyo may edad man ako, matured at stable naman," hirit pa nito. "Kahit divorced na ako at may mga anak, hindi ko naman sila kasama sa bahay."
"You’re still young. Pwede pa tayong magkaroon ng sarili nating anak. Hindi mo na kailangang magpakapagod sa trabaho. Mag-stay ka na lang sa bahay at mag-alaga ng anak natin, ako ang bubuhay sa'yo," sabi nito habang muling pinasadahan ng bastos na tingin ang katawan at mukha ng dalaga.
"Gustong-gusto ko ang ganda at katawan mo, at gustong-gusto rin ako ng mga magulang mo. Ano'ng tingin mo?" tanong ni Wilfred habang inilalaro ang susi ng kanyang BMW nang may halong yabang.
Laking kumpiyansa nitong hinihintay ang magiging sagot ng dalaga.
Pinigilan ni Leticia ang sarili na tumayo at umalis.
"Pasensya na, Mr. Martinez…pero hindi tayo bagay," seryoso ngunit pormal niyang wika.
Natigilan si Wilfred at napatigil din sa pagpapatunog ng susi. Agad na dumilim ang kanyang mukha.
"Diretsahan na, magte-trenta ka na. Sa edad mong 'yan, kapag nag-inarte ka pa rin e wala nang magkakagusto sa'yo," asik nito.
Biglang may isang lalaking mabilis na lumapit sa kanila nang may galit sa mukha. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Leticia.
"Leticia, ano'ng ginagawa mo rito?" balisang tanong nito.
Nakaramdam ng matinding pagkadiri si Leticia nang makita ang lalaking bigla na lang sumulpot. Mabilis niyang inagaw ang kanyang kamay.
"I'm on a blind date. Hindi mo ba nakikita?" malamig niyang sagot.
Hindi makapaniwalang itinuro ni Patrick ang may-edad na lalaki sa tapat nila.
"Leticia, hindi ka naman siguro makikipag-blind date sa pandak, mataba, at matandang mayaman na 'yan dahil lang galit ka sa akin, 'di ba?" galit na tanong ng binata.
Tumingin si Leticia sa kanyang ex-boyfriend.
"Patrick, wala ka nang pakialam kung kanino ako makikipag-blind date, 'di ba? Magiging bayaw na kita, hindi ba masyado ka namang pakialamero?" matabang niyang wika.
"Tsaka sa tingin ko, mas maayos pa ang lalaking 'to kaysa sa'yo na walang hiya at palaging naghahanap ng mas higit," patuloy pa ni Leticia.
Bakas ang hiya at pagkakasala sa mukha ni Patrick nang marinig ang mga binitiwang salita ng dalaga. Subalit sa sandaling iyon, hindi niya matanggap na makikipag-blind date si Leticia sa ibang lalaki. Hindi niya kayang isipin na may ibang makakasama ang dalaga.
Huminga siya nang malalim at pilit na nagpakalma.
"Leticia, sumama ka muna sa akin pauwi, tsaka natin pag-usapan 'to nang maayos, okay?" pakiusap nito.
Masyadong malakas ang gulo nila kaya ang mga tao sa paligid ay nagsimula nang tumingin at magmarites sa kanila.
Mula sa mga naririnig na salita, mabilis na naunawaan ng mga tao na ang lalaki pala ay pinagtaksilan ang kanyang girlfriend kasama ang sarili nitong nakababatang kapatid.
Ngayong nakikipag-blind date ang ate, tsaka naman lumalabas ang matinding pagmamay-ari ng lalaking ito?
Gusto pa yata nitong magkaroon ng dalawang asawa?
Puno ng pagkadiri ang tingin ng mga tao kay Patrick.
Sa hindi kalayuan sa loob ng restaurant, isang lalaki na may malamig na ekspresyon at marangal na tindig ang tahimik na nakatingin sa kanila.
Nang tumama ang kanyang paningin sa mukha ng dalaga, mabilis na nagbago ang expression sa kanyang mga mata. Napatitig siya sa mukha ni Leticia.
Iba't ibang emosyon ang pumuno sa kanyang puso, at bahagyang tumaas at bumaba ang kanyang dibdib dahil sa matinding pagkagulat.
Kamukhang-kamukha niya ito.
Ang kilay, ang mga mata, ang matangos na ilong, at ang malinaw at buhay na buhay na tingin at kamukhang-kamukha ito ni Mercedes noong bata pa ito.
Mayroon pa nga itong taling sa ilalim ng kaliwang mata.
Habang nakatitig sa mukha ng dalaga, naalaala pa ni Logan ang cute na paraan ng paghabol sa kanya ng bata noon para lang manghingi ng kendi.
Subalit alam niyang hindi ito ang batang iyon.
Dahil pagkatapos ng sunog na iyon, sampung taong gulang pa lamang siya nang buhatin niya ang walang buhay na katawan ng bata palabas ng gusali...
Sa patuloy na pangungulit ni Patrick, kinuha ni Leticia ang kanyang cellphone at nagpadala ng mensahe sa kanyang kapatid.
Bantayan mo 'yang lalaki mo. Nanggugulo sa blind date ko.
Nang kasunod na segundo, biglang tumunog ang cellphone ni Patrick. Nag-atubili pa si Patrick nang makita ang tawag ni Raquel, ngunit sinagot pa rin ito.
"Hello, Raquel?" tanong nito.
"Patrick, , I think I sprained my ankle. Aray... masakit talaga, pwede ka bang pumunta rito ngayon?" umiiyak at nahihirapang boses ni Raquel mula sa kabilang linya.
Napakahina at tila walang laban ng boses ng dalaga. Palaging nararamdaman ni Patrick na kailangan siya ni Raquel, kaya agad siyang nag-alala.
"Nasaan ka ngayon?" tanong niya.
"Nandito ako sa sports field ng school..." sagot nito.
"Sige, pupunta na ako diyan," mabilis na wika ng lalaki.
Ibinaba ni Patrick ang cellphone at mabilis na humarap kay Leticia.
"Raquel sprained her ankle. Pupuntahan ko muna siya doon. Tandaan mo, 'wag kang magpapaloko sa matandang 'yan!" paalala nito.
Muli na namang ginamit ang parehong estilo. Napasinghal si Leticia sa matinding inis at pait.
"Tsk, talagang true love mo pala si Raquel," buong pang-aasar niyang sabi.
Bahagyang nagalit si Patrick.
"Leticia, kapatid mo rin si Raquel. She sprained her ankle, hindi ka man lang ba nag-aalala?" giit nito.
Inikot ni Leticia ang kanyang mga mata.
"Hindi mo ba napapansin? Tuwing lalabas tayo nang dalawa lang, palaging masakit ang tiyan o ulo niya, at kung ano-anong dahilan ang ginagawa para tawagin ka paalis. Sa tingin mo ba dapat pa akong mag-alala?" tanong ni Leticia.
Masyado siyang naging kampante at walang pakialam noon. Ngayong iniisip niyang muli, napakalinaw ng lahat ng bakas ng kanilang kataksilan.
Agad na sumagot si Patrick upang ipagtanggol ang dalaga.
"Imposible. Hindi kailanman magsisinungaling si Raquel..." mabilis nitong depensa.
Paano magsisinungaling ang isang maganda, mabait, at inosenteng bata tulad ni Raquel?
Malamig na ngumisi si Leticia at hindi na muling nagsalita.Hindi na kailangang ipamukha pa sa lalaki ang lahat. Marahil ay gusto rin talaga ni Patrick ang pakiramdam na may dumadepende sa kanya.Bumulong si Patrick sa sarili ng "imposible" bago mabilis na tumalikod at umalis.Pupunta siya sa school ni Raquel upang tingnan kung talagang nasaktan ito o nagsisinungaling lang sa kanya.Kampante naman siya kay Leticia. Sa mataas na pamantayan ng dalaga, kailanman ay hindi ito magkakagusto sa matandang iyon.Pagkaalis na pagkaalis ni Patrick, si Wilfred na nakatitig sa buong pangyayari mula sa kabilang dako ay sa wakas bumalik ang lakas ng loob."Leticia, ex-boyfriend mo ba ang lalaking 'yon? Parang may relasyon din siya sa kapatid mo, 'di ba? Hindi mo kailangan ng babaerong katulad niya. Mas bagay sa'yo ang isang lalaking tapat at seryoso tulad ko..." wika ni Wilfred.Nanghihinayang at napahiya si Wilfred kanina matapos siyang tanggihan ni Leticia. Ngunit nang sumulpot ang walang hiyang e
"PERO sinabi ni Patrick na ako lang ang nasa puso niya ngayon. Pasensya ka na, Ate, hindi ko maibibigay sa'yo si Patrick," malambing ngunit nakakairitang sagot ni Raquel.Dati, akala ni Leticia ay mabait at cute lang ang kapatid niya. Ngayon, malinaw na sa kanya na isa pala itong plastik at malandi.Yumuko si Leticia at nagkunwaring nahihirapan."Hindi ko rin kayang pakawalan si Patrick. Dalawang taon din kaming magkarelasyon. Kaya galingan mo ang pagbabantay sa kanya, baka agawin ko siya pabalik anumang oras," malamig ngunit may halong panunudyo niyang wika."Ate, ikaw—" Namula ang mukha ni Raquel sa matinding inis.Hindi na siya hinintay na makatapos ni Leticia. Tumayo agad ito at bumalik sa sariling kuwarto.ARAW ng Sabado.Dahil hindi niya matanggihan ang paulit-ulit at nakakabinging sermon ng kanyang ina, pumayag na rin si Leticia na makpag-blind date.Pumasok siya sa restaurant kung saan sila nagkasundong magkita at umupo sa gilid malapit sa bintana.Pagkalipas ng limang minuto,
BUMAON ang mga kuko ni Leticia sa kanyang palad at nanlamig ang buo niyang katawan sa galit."Ma, ano'ng ibig niyong sabihin na nanghihimasok ako? Malinaw namang ang kapatid ko ang nang-agaw ng boyfriend ko!" sigaw ni Leticia.Umayos ng tayo si Carmen at inirapan siya."Ibig sabihin lang niyon, hindi kayo itinadhana para sa isa't isa ni Patrick. Kung talagang para sa'yo ang lalaki, walang makakakuha niyan..." walang kagatol-gatol na sagot ng ina.Kahit na naaawa si Ramil sa kanyang panganay na anak, napabuntong-hininga na lamang ito at umiling."Leticia, mali man ang kapatid mo pero wala na tayong magagawa. Huli na ang lahat. Break-an mo na lang si Patrick. Mahiya ka naman, kapag nalaman ng ibang tao na nag-aaway kayong magkapatid dahil lang sa isang lalaki, pagtatawanan tayo..." payo ng kanyang ama.Mabilis na sumang-ayon si Carmen."Ate ka, Leticia. Ikaw ang mas nakakaunawa kaya dapat ikaw na ang magbigay sa nakakabatang kapatid mo!" patuloy ng ina.Dumating din ang mga salitang iyo
LAGPAS alas-una na ng madaling araw.Nagising si Leticia dahil sa sunod-sunod na tunog ng kanyang cellphone. Isang mensahe mula sa kliyente ang agad na bumungad sa kanya pagkabukas ng screen.Pagkabasa niya sa mga unreasonable na hiling nito, biglang uminit ang kanyang ulo. Nawalan na siya nang tuluyang gana na matulog kaya nagpasya na lamang siyang bumangon para pumunta sa banyo.Luma at manipis ang dingding ng bahay kaya bawat galaw ay naririnig. Maingat ang bawat hakbang niya at dahan-dahan niyang inikot ang doorknob ng pinto, ayaw na ayaw niyang magising ang pamilya niya.Subalit pagdaan niya sa tapat ng kuwarto ng kanyang nakababatang kapatid, isang tunog ang narinig niya na agad na nagpaakyat ng dugo sa kanyang ulo."Kuya Patrick, be gentle..."Kasunod niyon ang mabigat at mababang paghinga ng isang lalaki."Raquel, don't moan so loudly. Baka marinig ka ng ate mo..."Nalapit at tila nagaalangan ang boses ng dalaga, pero may halo iyong panunudyo."Marinig man niya, eh ano naman?







