LOGINMalamig na ngumisi si Leticia at hindi na muling nagsalita.
Hindi na kailangang ipamukha pa sa lalaki ang lahat. Marahil ay gusto rin talaga ni Patrick ang pakiramdam na may dumadepende sa kanya.
Bumulong si Patrick sa sarili ng "imposible" bago mabilis na tumalikod at umalis.
Pupunta siya sa school ni Raquel upang tingnan kung talagang nasaktan ito o nagsisinungaling lang sa kanya.
Kampante naman siya kay Leticia. Sa mataas na pamantayan ng dalaga, kailanman ay hindi ito magkakagusto sa matandang iyon.
Pagkaalis na pagkaalis ni Patrick, si Wilfred na nakatitig sa buong pangyayari mula sa kabilang dako ay sa wakas bumalik ang lakas ng loob.
"Leticia, ex-boyfriend mo ba ang lalaking 'yon? Parang may relasyon din siya sa kapatid mo, 'di ba? Hindi mo kailangan ng babaerong katulad niya. Mas bagay sa'yo ang isang lalaking tapat at seryoso tulad ko..." wika ni Wilfred.
Nanghihinayang at napahiya si Wilfred kanina matapos siyang tanggihan ni Leticia. Ngunit nang sumulpot ang walang hiyang ex-boyfriend ng dalaga, mabilis na bumalik ang kanyang kapal ng mukha.
“Mabubuhay ka ba sa batang gwapo lang? Hindi ba't puro pambabae at kataksilan lang ang alam ng mga 'yan? Mas maaasahan pa rin ang isang matured at stable na lalaking tulad ko.”
Habang nagsasalita ito, pilit na dumapo ang kamay ng matanda sa maiksing balat sa likod ng kamay ni Leticia.
Kaya naman pala palaging nahuhumaling ang mga lalaki sa mga batang babae. Napakakinis at napakalambot ng balat nito, talagang nakakaakit.
Nang maramdaman ang bastos na paghawak sa kanya, mabilis na inagaw ni Leticia ang kanyang kamay habang nakatitig nang malamig.
"Mr. Martinez, magkaroon naman kayo ng kaunting hiya sa sarili niyo," matigas niyang wika.
"Pasensya na, hanggang dito na lang ang blind date na 'to. Hindi tayo bagay," dagdag pa niya.
Nang makitang tumatayo na si Leticia para umalis, nag-panic si Wilfred.
Paano niya hahayaang makawala ang masarap na pagkain na nasa harap na niya?
"Hindi ka pwedeng umalis! Kinuha na ng nanay mo ang dalawampung libong piso na paunang bayad ko, kaya akin ka na ngayon!" sigaw ni Wilfred.
Nang makita pa lang ni Wilfred ang larawan ni Leticia noon, agad na siyang nahumaling dito. Sinabi niya sa ina ng dalaga na handa siyang magbigay ng limang daang libong piso bilang dote.
Dahil sa takot na magbago ang isip ni Wilfred, ngumiti si Carmen at mabilis na nagsalita.
"Mr. Martinez, hindi lang maganda ang anak ko, napakasipag at napakagaling pa sa bahay. Ang makakapangasawa sa kanya ay napakaswerte! Marami akong inayos na blind date para sa kanya. Kung hindi ka magpapakita ng kaunting katapatan, hindi ko maipapangakong sa'yo siya mapupunta, 'di ba?" pananakot ng ina.
Naniwala naman si Wilfred kaya agad siyang nagpasa ng limang libong piso kay Carmen bilang paunang bayad.
Lumalapad ang ngiti ni Carmen habang halos mawala ang mga mata sa taba ng mukha, at agad nitong ipinangakong hindi na hahanapan ng iba pang blind date si Leticia.
Nang marinig ni Leticia na ibinenta pala siya ng kanyang sariling magulang sa halagang iyon, sa matinding galit ay pakiramdam niya ay masusuka siya sa pagkadiri.
"Ang kumuha ng pera mo ay ang nanay ko. Sa kanya mo kunin!" asik ni Leticia.
Kinuha niya ang kanyang bag at tumalikod para umalis. Ngunit mabilis na itinapat ni Wilfred ang makapal nitong kamay at madiing hinawakan ang kanyang hubad na balikat.
"Susubukan mong umalis? Nakuha niyo na ang pera ko kaya akin ka na ngayon..." galit na wika nito.
Hinalahos ng magagaspang nitong daliri ang makinis na balat sa ilalim ng kanyang kamay, habang ang bastos nitong tingin ay bumaba sa katawan ni Leticia.
"Bitawan mo ako!" Namula ang mukha ni Leticia sa matinding galit habang nakabaon ang kamay ng matanda sa kanyang balikat.
Ang lagkit ng hawak nito at ang bastos nitong titig ay nagdulot sa kanya ng matinding pagkahilo at pagkadiri.
Hindi niya inakalang maglalakas-loob ang bastos na matandang ito na hawakan siya nang ganito sa gitna ng maraming tao.
Nang kasunod na segundo, ang kamay ni Wilfred na nakahawak sa kanyang balikat ay biglang pinalipit ng isang malaking kamay. Narinig ang isang malakas na tunog ng nabaling buto.
Agad na napasigaw sa matinding sakit si Wilfred.
"Aray! Sino ba ang walang hiya na nanggugulo rito?" sigaw ng matanda.
Tumingin ito sa itaas at isang matangkad at malamig ang mukhang lalaki ang humarap sa kanya.
Matutulis ang mga kilay ng lalaki at naglalabas ito ng napakatinding galit at lakas na agad na pumuno sa buong paligid.
Nanginig ang boses ni Wilfred sa matinding takot.
"Sino... sino ka ba?" tanong nito.
Hindi malakas ang boses ni Logan, ngunit mayroon itong napakabigat na kapangyarihan.
"Get out!" malamig nitong utos.
Mukhang hindi pwedeng banggain ang lalaking ito. Alam ng matanda na talo siya, kaya habang hawak ang nabali niyang braso at namimilipit sa sakit, mabilis na lumabas si Wilfred.
Nakatayo pa rin si Leticia na parang natutulala habang nakatitig sa lalaking nagligtas sa kanya.
"Salamat sa tulong mo kanina," mahina niyang wika.
Ang matinding galit sa mukha ng lalaki ay mabilis na nawala, napalitan ng isang banayad at mainit na ekspresyon.
"I just witnessed your blind date and felt sorry for you for meeting the wrong person. I also happen to be pressured by my family to get married recently, so I hope you can consider me," pormal nitong sabi.
Walang bakas ng kabastusan o kayabangan sa boses ng lalaki, puro katapatan at seryosong intensyon lamang.
Natauhan si Leticia at dahan-dahang tumango.
"Sige," sagot niya.
Kaninang umaga lang, narinig niyang sinabi ng kanyang ina na kung hindi magtatagumpay ang pakikipagkita kay Wilfred, patuloy pa rin itong maghahanap ng iba pang blind date para sa kanya.
She didn't want to see those ugly men anymore.
Ang lalaki sa harap niya ay hindi mukhang tao na makikita lang sa karaniwang dating setup.
The man was tall and upright, estimated to be nearly 6’2 tall, with broad shoulders, a narrow waist, and well-defined features. His jawline was so prominent that it looked as if it had been meticulously sculpted.
Ibang-iba ito sa panot at may kalakihang tiyan na matanda kanina.
Hindi lang gwapo ang lalaking ito, napakaganda rin ng asal.
Dahil nang hawakan siya nang bastos ng matanda kanina, ang mga tao sa paligid ay nanonood lamang at walang sinuman ang tumayo para tulungan siya.
Ang lalaking ito lamang ang nagtangkang iligtas siya.
The man's ruthless and decisive move just now was so cool that she was almost stunned.
Seryosong sinimulan ni Leticia ang pakikipag-usap.
"Let me introduce myself first. I am Leticia Villaflor, 27 years old this year. Nagtatrabaho ako sa isang planning company. Katamtaman lang ang katayuan ng pamilya ko. May dalawa akong nakababatang kapatid, at ang tatay ko ay paralisado at nakaupo na lang sa wheelchair..." pahayag ni Leticia.
Pagkatapos magsalita ni Leticia, kinakabahan siyang tumingin sa lalaki sa kanyang tapat.
Ang kanyang sitwasyon ay hindi masyadong kaakit-akit para sa isang shutgon wedding. Karamihan sa mga tao ay mag-aalala sa estado ng kanyang pamilya.
Subalit hindi man lang nagbago ang mukha ng lalaki. Tumango lamang ito at nagsimulang magpakilala sa sarili.
"I’m Logan, 29 years old. Nagtatrabaho ako sa SV Atelier & Co., at may sarili akong kotse at bahay," simula nito.
"Minamamadali na rin ako ng pamilya ko na magpakasal. Kung pumapayag ka, pwede tayong pumunta sa Judge’s office ngayon din para kumuha ng marriage certificate," pormal niyang alok.
Dahil magpapakasal din naman siya, mas gusto niyang pakasalan ang babaeng kamukha ng taong nasa alaala niya.
SV Atelier & Co.?
Iyon ang malaking kumpanya na pinangarap ng maraming kabataan na mapasukan.
Ang makapagtrabaho sa SV Atelier & Co. ay sapat nang patunay na magaling ang lalaki at may maayos na kita.
Gwapo ito at maganda ang trabaho, kaya nitong makuha ang kahit sinong babaeng gusto nito.
“So, bakit ka magpapakasal sa taong ngayon mo pa lang nakilala?”
Iyon ang tumatakbo sa isip ni Leticia, pero bago pa man niya mapigilan ang sarili ay naisatinig na niya ito.
"Because I felt an instant connection with you," kalmadong sabi ng lalaki.
Sabi nito ay may naramdaman itong instant connection sa kanya, pero nanatiling seryoso at walang emosyon ang mukha nito.
Pero dahil din doon kaya medyo nakahinga nang maluwag si Leticia.
Doon lang siya naniwalang hindi ito masamang tao. Katulad lang din niya ito na ginigipit na ng pamilya na magpakasal kaya kailangan na kailangan na ng mapapakasalan.
Kung tratuhin siya nito gaya ng ginawa ni Wilfred ay siguradong lalayo siya rito.
Tumango si Leticia. "Okay, magpakasal na tayo ngayon."
Malamig na ngumisi si Leticia at hindi na muling nagsalita.Hindi na kailangang ipamukha pa sa lalaki ang lahat. Marahil ay gusto rin talaga ni Patrick ang pakiramdam na may dumadepende sa kanya.Bumulong si Patrick sa sarili ng "imposible" bago mabilis na tumalikod at umalis.Pupunta siya sa school ni Raquel upang tingnan kung talagang nasaktan ito o nagsisinungaling lang sa kanya.Kampante naman siya kay Leticia. Sa mataas na pamantayan ng dalaga, kailanman ay hindi ito magkakagusto sa matandang iyon.Pagkaalis na pagkaalis ni Patrick, si Wilfred na nakatitig sa buong pangyayari mula sa kabilang dako ay sa wakas bumalik ang lakas ng loob."Leticia, ex-boyfriend mo ba ang lalaking 'yon? Parang may relasyon din siya sa kapatid mo, 'di ba? Hindi mo kailangan ng babaerong katulad niya. Mas bagay sa'yo ang isang lalaking tapat at seryoso tulad ko..." wika ni Wilfred.Nanghihinayang at napahiya si Wilfred kanina matapos siyang tanggihan ni Leticia. Ngunit nang sumulpot ang walang hiyang e
"PERO sinabi ni Patrick na ako lang ang nasa puso niya ngayon. Pasensya ka na, Ate, hindi ko maibibigay sa'yo si Patrick," malambing ngunit nakakairitang sagot ni Raquel.Dati, akala ni Leticia ay mabait at cute lang ang kapatid niya. Ngayon, malinaw na sa kanya na isa pala itong plastik at malandi.Yumuko si Leticia at nagkunwaring nahihirapan."Hindi ko rin kayang pakawalan si Patrick. Dalawang taon din kaming magkarelasyon. Kaya galingan mo ang pagbabantay sa kanya, baka agawin ko siya pabalik anumang oras," malamig ngunit may halong panunudyo niyang wika."Ate, ikaw—" Namula ang mukha ni Raquel sa matinding inis.Hindi na siya hinintay na makatapos ni Leticia. Tumayo agad ito at bumalik sa sariling kuwarto.ARAW ng Sabado.Dahil hindi niya matanggihan ang paulit-ulit at nakakabinging sermon ng kanyang ina, pumayag na rin si Leticia na makpag-blind date.Pumasok siya sa restaurant kung saan sila nagkasundong magkita at umupo sa gilid malapit sa bintana.Pagkalipas ng limang minuto,
BUMAON ang mga kuko ni Leticia sa kanyang palad at nanlamig ang buo niyang katawan sa galit."Ma, ano'ng ibig niyong sabihin na nanghihimasok ako? Malinaw namang ang kapatid ko ang nang-agaw ng boyfriend ko!" sigaw ni Leticia.Umayos ng tayo si Carmen at inirapan siya."Ibig sabihin lang niyon, hindi kayo itinadhana para sa isa't isa ni Patrick. Kung talagang para sa'yo ang lalaki, walang makakakuha niyan..." walang kagatol-gatol na sagot ng ina.Kahit na naaawa si Ramil sa kanyang panganay na anak, napabuntong-hininga na lamang ito at umiling."Leticia, mali man ang kapatid mo pero wala na tayong magagawa. Huli na ang lahat. Break-an mo na lang si Patrick. Mahiya ka naman, kapag nalaman ng ibang tao na nag-aaway kayong magkapatid dahil lang sa isang lalaki, pagtatawanan tayo..." payo ng kanyang ama.Mabilis na sumang-ayon si Carmen."Ate ka, Leticia. Ikaw ang mas nakakaunawa kaya dapat ikaw na ang magbigay sa nakakabatang kapatid mo!" patuloy ng ina.Dumating din ang mga salitang iyo
LAGPAS alas-una na ng madaling araw.Nagising si Leticia dahil sa sunod-sunod na tunog ng kanyang cellphone. Isang mensahe mula sa kliyente ang agad na bumungad sa kanya pagkabukas ng screen.Pagkabasa niya sa mga unreasonable na hiling nito, biglang uminit ang kanyang ulo. Nawalan na siya nang tuluyang gana na matulog kaya nagpasya na lamang siyang bumangon para pumunta sa banyo.Luma at manipis ang dingding ng bahay kaya bawat galaw ay naririnig. Maingat ang bawat hakbang niya at dahan-dahan niyang inikot ang doorknob ng pinto, ayaw na ayaw niyang magising ang pamilya niya.Subalit pagdaan niya sa tapat ng kuwarto ng kanyang nakababatang kapatid, isang tunog ang narinig niya na agad na nagpaakyat ng dugo sa kanyang ulo."Kuya Patrick, be gentle..."Kasunod niyon ang mabigat at mababang paghinga ng isang lalaki."Raquel, don't moan so loudly. Baka marinig ka ng ate mo..."Nalapit at tila nagaalangan ang boses ng dalaga, pero may halo iyong panunudyo."Marinig man niya, eh ano naman?







