Share

Flash Marriage with the Hidden Billionaire
Flash Marriage with the Hidden Billionaire
Author: SyntaxMaria

Chapter 1

Author: SyntaxMaria
last update publish date: 2026-10-29 09:29:55

LAGPAS alas-una na ng madaling araw.

Nagising si Leticia dahil sa sunod-sunod na tunog ng kanyang cellphone. Isang mensahe mula sa kliyente ang agad na bumungad sa kanya pagkabukas ng screen.

Pagkabasa niya sa mga unreasonable na hiling nito, biglang uminit ang kanyang ulo. Nawalan na siya nang tuluyang gana na matulog kaya nagpasya na lamang siyang bumangon para pumunta sa banyo.

Luma at manipis ang dingding ng bahay kaya bawat galaw ay naririnig. Maingat ang bawat hakbang niya at dahan-dahan niyang inikot ang doorknob ng p***o, ayaw na ayaw niyang magising ang pamilya niya.

Subalit pagdaan niya sa tapat ng kuwarto ng kanyang nakababatang kapatid, isang tunog ang narinig niya na agad na nagpaakyat ng dugo sa kanyang ulo.

"Kuya Patrick, be gentle..."

Kasunod niyon ang mabigat at mababang paghinga ng isang lalaki.

"Raquel, don't moan so loudly. Baka marinig ka ng ate mo..."

Nalapit at tila nagaalangan ang boses ng dalaga, pero may halo iyong panunudyo.

"Marinig man niya, eh ano naman? Kuya Patrick, akin ka lang..."

Sa sandaling iyon, tila natuyuan ng dugo si Leticia. Nanginig ang kanyang mga kamay habang nakatayo sa madilim na pasilyo.

Hindi siya makapaniwala. Ang kanyang boyfriend na kilala niyang matino, matured, at sobrang maalaga, ay may pagnanasa pala sa sarili niyang kapatid!

Laking-layaw si Raquel at bata pa lang ay nasanay nang ibinibigay ang lahat ng gusto nito. Dahil siya ang panganay, malawak ang pasensya ni Leticia sa kapatid.

Hindi naman sa hindi niya napapansin ang labis na pagiging malapit at pagdepende ni Raquel kay Patrick. Minsan ay lumalagpas na iyon sa hangganan ng pagiging magbayaw.

Ilang beses niya ring pasimpleng pinaalalahanan si Patrick na maglagay ng distansya.

Ngunit tinatawanan lang siya ng lalaki at sinasabing nag-iisip lang siya ng masama.

"Leticia, ano bang iniisip mo? Nakabata pa ni Raquel. I just treat her like a little sister. After all, kapatid mo siya kaya kapatid na rin ang turing ko sa kaniya..." paniniguro sa kanya ni Patrick noon.

Dahil sa mga salitang iyon, pinagsabihan pa ni Leticia ang sarili. Inisip niyang masyado lang siyang mababaw at selosa para paghinalaan ang sariling boyfriend dahil lang sa pagiging mabait nito sa pamilya niya.

Maling-mali pala siya. Matalas talaga ang pakiramdam ng isang babae.

Habang patuloy na umalingawngaw ang bastos na tunog mula sa loob ng silid, hindi na nakapagpigil si Leticia. Agad niyang itinulak nang malakas at sinipa ang p***o.

Bumukas ang ilaw sa isang mabilis na pagpindot niya sa switch. Liwanag ang sumambulat sa silid, kasabay ng dalawang hubad na katawan na magkadikit sa ibabaw ng kama.

Masyadong masakit sa mata ang eksenang iyon. Nakakadiri!

Hindi nag-hysterical si Leticia. Malamig siyang ngumisi, dahan-dahang itinaas ang mga kamay, at pumalakpak.

"A scumbag and a bitch. You two are truly a match made in heaven," malamig niyang wika.

"Ah!" tili ng dalaga sa kama.

Mabilis nitong hinila ang kumot para takpan ang sarili bago galit na humarap sa kanya.

"Ate! Bakit hindi ka man lang kumatok bago buksan ang pintuan ng kwarto ko?" sigaw ni Raquel.

Sira ang latch ng p***o ng lumang bahay na iyon kaya madali lang talaga iyong maibukas mula sa labas.

Nang makita ni Leticia ang pagpapasikat at pag-arte ng kapatid na para bang ito pa ang biktima, napatawa na lang siya sa sobrang inis.

"Sorry, ha? Masyado kasi kayong maingay at naabala niyo ang tulog ko," sagot ni Leticia habang nakatitig sa kanila.

"What are you pretending for? Isinisigaw mo talaga nang malakas para magising ako at panoorin kayo, 'di ba?" dagdag pa niya.

Mabilis na nagpalinga-linga ang mga mata ni Raquel bago namula ang mga pisngi nito sa kunwaring kahiyaan.

"Ate, hindi mo naiintindihan. Hindi ko mapigilan, eh. Malakas si Kuya Patrick..." pabebe nitong sagot.

Sinadya talaga niyang lakasan ang boses ngayong gabi para magising ang kanyang ate.

Ayaw na niyang maging tago ang relasyon nila at maging kabit lang na nakakulong sa dilim.

Gusto na niyang angkinin nang tuluyan ang lalaking sa tingin niya ay para sa kanya.

Dali-daling tumayo si Patrick at nagmamadaling isinuot ang kanyang pantalon, halata ang matinding hiya at pagkabalisa sa mukha.

"Leticia, I'm sorry… naparami ang inom ko ng alak hindi ko alam ang nangyayari, so..." utal-utal nitong paliwanag.

Ngunit agad na lumapit si Raquel habang nakasuot ng nightgown at yumakap sa likod ng lalaki.

"Kuya Patrick, bakit ka pa ba nagpapaliwanag sa kaniya? Alam nating pareho na gusto mo ako. It's better if Ate knows na," malambing nitong hirit.

Bata pa lang sila, ibinibigay na ng kanyang ate ang lahat ng magustuhan niya.

Inisip ni Raquel na hindi naiiba ang mga lalaki sa mga laruang natatanggap niya noon.

Noong una, akala ni Leticia ay spoiled at medyo pilya lang ang kanyang kapatid pero hindi ito masamang tao.

Sino bang mag-aakala na ganoon na kabaluktot ang pag-iisip nito para agawin ang boyfriend ng sariling ate at magmalaki pa?

Natigilan si Patrick at hindi makagalaw. Mabilis na gumagana ang utak niya.

Alam niyang dumating na ang oras para pumili sa pagitan ng dalawang magkapatid.

Dalawang taon na silang magkarelasyon ni Leticia kaya natural lang na may nararamdaman siya rito.

Ngunit ibang-iba ang ibinibigay sa kanya ni Raquel.

Dependent si Raquel sa kanya bilang prospective brother-in-law at palaging naglalambing sa kanya.

Gusto ng lalaki ang pakiramdam na pinapahalagahan at hinahangaan siya ng mas batang babae.

Si Leticia naman ay masyadong independent. Kaya nitong gawin ang lahat nang mag-isa at kailanman ay hindi humihingi ng tulong sa kanya.

Masyado rin itong kontrolado at boring. Sa loob ng dalawang taon nilang relasyon, hindi man lang siya pinayagang galawin ito.

Sa kabilang banda, masunurin si Raquel at masarap kasama sa kama, bagay na kinagiligan niya nang husto.

Anim na buwan na nilang ginagawa ang kataksilang ito nang patago.

Ngayon lang talaga ito natuklasan ni Leticia.

"Kuya Patrick, tell her. Sabihin mo sa kanya na ako ang gusto mo!" pang-uudyok ni Raquel.

Pabalik-balik ang tingin ni Patrick sa dalawang magkapatid, bakas ang matinding pag-aalinlangan sa kanyang mukha.

Nakikita ni Leticia ang lahat ng takbo ng utak ng lalaki.

Ha, nagustuhan niya pala ang ganitong setup?

Dahil sa lakas ng ingay nila, nagising ang mga magulang ni Leticia.

Pagdating nila sa pintuan ng silid, agad silang natulala sa napagmasdan.

"Ano 'to? Patrick, nagkamali ka ba ng pasok ng kuwarto?" hindi makapaniwalang tanong ni Carmen.

"Ma, mahal ako ni kuya Patrick," umiyak si Raquel habang namumula ang mga mata. "Patrick and I are truly in love. Sa relasyong ito, ang ate lang ang hindiniya minamahal kaya siya ang kabet..."

"Patrick, ano ba talagang nangyayari dito?" galit na tanong ni Ramil.

Sa harap ng matitinding titig ng mga magulang ni Leticia, napayuko si Patrick sa hiya. Boyfriend siya ng panganay pero pumatol siya sa bunso.

Wala na siyang ibang magagawa kundi ang magpakapal ng mukha.

"Tita, Tito, ang totoong mahal ko po ay si Raquel. Don't worry, I will definitely take responsibility for her," pilit nitong wika.

Malamig lang na nakatitig si Leticia.

Ha! A pair of truly loving lovers.

Kaya ano siya rito?

Isang ekstra lang sa drama nilang dalawa?

Mula noon pa man ay palaging paborito ng kanyang mga magulang ang bunsong kapatid, kaya hindi na nagtaka si Leticia nang agad na magsalita ang kanyang ina.

"Leticia, nakita mo naman siguro. Since Patrick and your sister are so in love, huwag ka nang manghimasok pa sa relasyon nila..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Hidden Billionaire   Chapter 4

    Malamig na ngumisi si Leticia at hindi na muling nagsalita.Hindi na kailangang ipamukha pa sa lalaki ang lahat. Marahil ay gusto rin talaga ni Patrick ang pakiramdam na may dumadepende sa kanya.Bumulong si Patrick sa sarili ng "imposible" bago mabilis na tumalikod at umalis.Pupunta siya sa school ni Raquel upang tingnan kung talagang nasaktan ito o nagsisinungaling lang sa kanya.Kampante naman siya kay Leticia. Sa mataas na pamantayan ng dalaga, kailanman ay hindi ito magkakagusto sa matandang iyon.Pagkaalis na pagkaalis ni Patrick, si Wilfred na nakatitig sa buong pangyayari mula sa kabilang dako ay sa wakas bumalik ang lakas ng loob."Leticia, ex-boyfriend mo ba ang lalaking 'yon? Parang may relasyon din siya sa kapatid mo, 'di ba? Hindi mo kailangan ng babaerong katulad niya. Mas bagay sa'yo ang isang lalaking tapat at seryoso tulad ko..." wika ni Wilfred.Nanghihinayang at napahiya si Wilfred kanina matapos siyang tanggihan ni Leticia. Ngunit nang sumulpot ang walang hiyang e

  • Flash Marriage with the Hidden Billionaire   Chapter 3

    "PERO sinabi ni Patrick na ako lang ang nasa puso niya ngayon. Pasensya ka na, Ate, hindi ko maibibigay sa'yo si Patrick," malambing ngunit nakakairitang sagot ni Raquel.Dati, akala ni Leticia ay mabait at cute lang ang kapatid niya. Ngayon, malinaw na sa kanya na isa pala itong plastik at malandi.Yumuko si Leticia at nagkunwaring nahihirapan."Hindi ko rin kayang pakawalan si Patrick. Dalawang taon din kaming magkarelasyon. Kaya galingan mo ang pagbabantay sa kanya, baka agawin ko siya pabalik anumang oras," malamig ngunit may halong panunudyo niyang wika."Ate, ikaw—" Namula ang mukha ni Raquel sa matinding inis.Hindi na siya hinintay na makatapos ni Leticia. Tumayo agad ito at bumalik sa sariling kuwarto.ARAW ng Sabado.Dahil hindi niya matanggihan ang paulit-ulit at nakakabinging sermon ng kanyang ina, pumayag na rin si Leticia na makpag-blind date.Pumasok siya sa restaurant kung saan sila nagkasundong magkita at umupo sa gilid malapit sa bintana.Pagkalipas ng limang minuto,

  • Flash Marriage with the Hidden Billionaire   Chapter 2

    BUMAON ang mga kuko ni Leticia sa kanyang palad at nanlamig ang buo niyang katawan sa galit."Ma, ano'ng ibig niyong sabihin na nanghihimasok ako? Malinaw namang ang kapatid ko ang nang-agaw ng boyfriend ko!" sigaw ni Leticia.Umayos ng tayo si Carmen at inirapan siya."Ibig sabihin lang niyon, hindi kayo itinadhana para sa isa't isa ni Patrick. Kung talagang para sa'yo ang lalaki, walang makakakuha niyan..." walang kagatol-gatol na sagot ng ina.Kahit na naaawa si Ramil sa kanyang panganay na anak, napabuntong-hininga na lamang ito at umiling."Leticia, mali man ang kapatid mo pero wala na tayong magagawa. Huli na ang lahat. Break-an mo na lang si Patrick. Mahiya ka naman, kapag nalaman ng ibang tao na nag-aaway kayong magkapatid dahil lang sa isang lalaki, pagtatawanan tayo..." payo ng kanyang ama.Mabilis na sumang-ayon si Carmen."Ate ka, Leticia. Ikaw ang mas nakakaunawa kaya dapat ikaw na ang magbigay sa nakakabatang kapatid mo!" patuloy ng ina.Dumating din ang mga salitang iyo

  • Flash Marriage with the Hidden Billionaire   Chapter 1

    LAGPAS alas-una na ng madaling araw.Nagising si Leticia dahil sa sunod-sunod na tunog ng kanyang cellphone. Isang mensahe mula sa kliyente ang agad na bumungad sa kanya pagkabukas ng screen.Pagkabasa niya sa mga unreasonable na hiling nito, biglang uminit ang kanyang ulo. Nawalan na siya nang tuluyang gana na matulog kaya nagpasya na lamang siyang bumangon para pumunta sa banyo.Luma at manipis ang dingding ng bahay kaya bawat galaw ay naririnig. Maingat ang bawat hakbang niya at dahan-dahan niyang inikot ang doorknob ng pinto, ayaw na ayaw niyang magising ang pamilya niya.Subalit pagdaan niya sa tapat ng kuwarto ng kanyang nakababatang kapatid, isang tunog ang narinig niya na agad na nagpaakyat ng dugo sa kanyang ulo."Kuya Patrick, be gentle..."Kasunod niyon ang mabigat at mababang paghinga ng isang lalaki."Raquel, don't moan so loudly. Baka marinig ka ng ate mo..."Nalapit at tila nagaalangan ang boses ng dalaga, pero may halo iyong panunudyo."Marinig man niya, eh ano naman?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status