Share

Chapter 2

Author: SyntaxMaria
last update publish date: 2026-10-29 09:30:28

BUMAON ang mga kuko ni Leticia sa kanyang palad at nanlamig ang buo niyang katawan sa galit.

"Ma, ano'ng ibig niyong sabihin na nanghihimasok ako? Malinaw namang ang kapatid ko ang nang-agaw ng boyfriend ko!" sigaw ni Leticia.

Umayos ng tayo si Carmen at inirapan siya.

"Ibig sabihin lang niyon, hindi kayo itinadhana para sa isa't isa ni Patrick. Kung talagang para sa'yo ang lalaki, walang makakakuha niyan..." walang kagatol-gatol na sagot ng ina.

Kahit na naaawa si Ramil sa kanyang panganay na anak, napabuntong-hininga na lamang ito at umiling.

"Leticia, mali man ang kapatid mo pero wala na tayong magagawa. Huli na ang lahat. Break-an mo na lang si Patrick. Mahiya ka naman, kapag nalaman ng ibang tao na nag-aaway kayong magkapatid dahil lang sa isang lalaki, pagtatawanan tayo..." payo ng kanyang ama.

Mabilis na sumang-ayon si Carmen.

"Ate ka, Leticia. Ikaw ang mas nakakaunawa kaya dapat ikaw na ang magbigay sa nakakabatang kapatid mo!" patuloy ng ina.

Dumating din ang mga salitang iyon. Ang mga salitang paulit-paulit na ipinamumukha sa kanya mula pa noong bata siya.

Iyon naman ang palagi niyang ginagawa. Ang magparaya.

Lumabas na rin mula sa kuwarto si Hendrix, ang kaisa-isa nilang kapatid na lalalki na naalimpungatan dahil sa ingay. Kinukuskos pa nito ang mga mata habang naiirita ang mukha.

"Ano ba 'yan? Ang ingay-ingay niyo naman! Tagal na kaya nina Patrick at Raquel. Ate, hindi ka na nga gusto ni Patrick, 'wag mo na ipilit ang sarili mo..." reklamo ni Hendrix.

Kambal sina Hendrix at Raquel, parehong bente anyos ngayong taon.

Hindi nakapasok sa kolehiyo si Hendrix at palaging nakatambay lang sa bahay.

Madalas itong magpuyat sa paglalaro ng computer kaya matagal na nitong alam ang lihim na relasyon nina Raquel at Patrick.

Ngunit dahil palagi siyang binibigyan ni Patrick ng pera pambili ng mga gamit sa online games, pinili na lang nitong manahimik at magbulag-bulagan.

Mas naiintindihan pa nga ni Hendrix si Patrick.

Matapang at masyadong seryoso ang ate niya, di-tulad ni Raquel na malambing, cute, at mas madaling magustuhan ng mga lalaki.

Nang makita ni Leticia na kahit ang sariling kapatid ay hindi man lang tumayo sa tabi niya, napatawa siya nang mapait.

Ito ang mga kapatid na inalagaan at minahal niya nang buong puso. Ito ang pamilyang inialay niya ang buong buhay.

Naging kasing-lamig ng yelo ang kanyang mga mata habang nakatitig sa dalawang taong nakaupo pa rin sa kama.

"Don't worry, I won't bother him anymore. Kahit aso, mandidiri sa lalaking tulad niya. Sa'yo na siya, Raquel. Bagay na bagay kayo," malamig na wika ni Leticia.

Tinitigan niya nang matalim sina Patrick at Raquel.

"Sana magsama kayo habambuhay para wala na kayong ibang mabiktima pa!" dagdag pa niya.

Mabilis na tumalikod si Leticia at naglakad palabas. Pakiramdam niya ay masusuka siya kung mananatili pa siya roon kahit isang segundo lang.

Naiwang nakatitig si Patrick sa likod ng dalaga habang mabilis na tumitibok ang kanyang dibdib sa kaba.

Inaasahan na niyang malalaman din ni Leticia ang tungkol sa kanila ni Raquel balang araw.

Mas gusto pa nga niyang malaman na agad para hindi na siya nagtatago at nakakaramdam ng takot.

Subalit wala ang kaginhawaang inakala niyang mararamdaman niya.

Sa halip, pakiramdam niya ay may isang napakahalagang bagay na nawala sa kanya nang tuluyan.

Pinunas ni Raquel ang kanyang mga luha habang nakahawak sa braso ng lalaki.

"Ma, totoo ba 'yung sinabi ni Ate? I think she can't let go of Patrick..." umiiyak nitong tanong.

Gwapo, maalaga, at mayaman si Patrick. Hindi naniniwala si Raquel na ganoon na lang kadaling isusuko ng ate niya ang lalaki.

Hinaplos ni Carmen ang ulo ng bunso at ngumiti nang banayad.

"Hayaan mo na ang ate mo. Matanda na 'yan, ano pa bang maipagmamalaki niya laban sa'yo? Huwag ka mag-alala, hahanapan ko siya ng blind date sa mga susunod na araw..." aliw ng ina.

Matanda na ang panganay niyang anak. Kapag hindi pa ito nakapag-asawa agad, baka wala nang magkagusto rito.

Ngayong hiwalay na sila ni Patrick, kailangan na nitong makahanap ng iba.

Nang marinig ni Patrick na ipagkakasundo ng ina si Leticia sa ibang lalaki, biglang sumikip ang kanyang dibdib.

Hindi niya matanggap ang isipang may ibang lalaking hahawak o makakasama ni Leticia.

Subalit agad ding pumanatag ang kanyang loob.

Nakasama na ni Leticia ang isang lalaking tulad niya na may maipagmamalaki. Siguradong hindi na ito magkakagusto sa ibang ordinaryong lalaki lang.

Sa maliit na silid sa attic, nakahiga si Leticia sa kanyang kama habang nakatitig sa kisame, gising na gising ang kanyang diwa.

Mukha man siyang kalmado kanina habang nahuhuli ang dalawa, sa totoo lang ay sobrang sakit at sikip ng kanyang dibdib.

Ang isa ay ang boyfriend na inakala niyang tapat sa kanya.

Ang isa naman ay ang nakababatang kapatid na inalagaan niya mula bata pa.

Pinagtaksilan siya ng dalawang taong pinagkatiwalaan niya.

Inisip niyang muli ang dalawang taong relasyon nila ni Patrick. Hindi naman pala talagang walang bakas ng kataksilan.

Bawat date nila, palaging nakabuntot si Raquel na parang bayani.

Hindi lang sa hindi tumatanggi si Patrick, kundi ito pa mismo ang nag-aaya sa kapatid niya tuwing lalabas sila.

Kapag kumakain sila sa labas, kabisado ni Patrick ang lahat ng paboritong pagkain ni Raquel.

Ngunit kailanman ay hindi nito naaalalang may allergy si Leticia sa seafood.

Masyado lang siyang naging tanga at mabagal makaramdam.

Subalit mas masakit kaysa sa kataksilan sa pag-ibig ang malamig na trato ng sarili niyang pamilya.

Walang ni isa sa kanila ang tumayo para ipagtanggol siya ngayong gabi.

***

SA MANSYON ng mga Sevilla.

Sa opisina sa ikalawang palapag, ang minimalist at abuhing disenyo ng kuwarto ay nag-iiwan ng malalim na anino sa lalaking nakaupo sa ilalim ng ilaw.

Nakasandal si Logan sa leather na sofa habang nakakrus ang kanyang mahahabang binti. Lalong lumilitaw ang maganda niyang pangangatawan dahil sa itim at pasadyang suit na suot nito.

Bakas sa gwapo niyang mukha ang lamig at kawalan ng pasensya.

"Logan, it's time for you to fulfill our engagement with the Pangilinan," wika ni Brando, ang ama ni Logan, habang nakaupo sa likod ng malaking mesa.

Maituturing na pautos at walang kayabang-yabang ang boses ng matanda.

"Matagal nang magkasosyo ang mga Sevilla at Pangilinan. A strong alliance is the best choice," dagdag pa nito.

Inangat ng binata ang kanyang mga mata. Walang bakas ng emosyon sa kanyang malalim na paningin habang nakatitig sa ama. Madiin ang pagkakakapit ng kanyang manipis na labi.

"Hindi ang ampon ng mga Pangilinan ang nakatakda kong pakasalan," malamig niyang sagot.

My fiancée is Mercedes.

Nang maalala ng binata ang maliit na batang babae sa kanyang alaala, lumambot ang matigas niyang mukha at napalitan ng matinding pangungulila ang kanyang mga mata.

Nagalit nang husto si Brando.

"Twenty years ago pa namatay ang batang 'yon sa sunog! Alam kong sabay kayong lumaki at malapit kayo sa isa't isa, pero matagal nang wala ang tao. You have to move on, Logan!" sigaw ng ama.

Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy.

"Gustong-gusto ka ni Micaela, 'yung ampon ng mga Pangilinan. Gusto rin ng pamilya niya na matuloy ang kasal niyo," sabi pa nito.

Nang maalala ni Logan ang spoiled at maarteng tagapagmana ng mga Pangilinan, bakas ang pagkadiri sa kanyang mga mata.

"Hindi ko siya papakasalan, Papa!" mabilis niyang putol.

"So ano'ng gusto mong mangyari?" napabuntong-hininga na lang si Brando at sumuko sa matigas na ulo ng anak.

"Fine. Kung ayaw mo kay Micaela, hahanapan kita ng mga blind date ngayong weekend. Tingnan natin kung may magustuhan ka..." huling hirit ng matanda.

"Mag-set ka na lang ng schedule sa assistant ko," walang gana niyang sagot habang tinitingnan ang kanyang relo bago tumayo.

"I have a video conference to attend," dagdag pa niya bago mabilis na naglakad palabas.

Napailing na lang si Brando habang pinagmamasdan ang paalis na anak.

Kapag ganito nang ganito, kailan pa siya magkakaroon ng apo?

Gabi ng Biyernes.

Pagkauwi pa lang ni Leticia mula sa trabaho, agad na siyang hinila ni Carmen para paupuin sa sopa.

Wala ang karaniwang galit sa boses nito. Sa halip, bakas ang pilit na lambing at pag-aalala habang nagpapatuloy sa pagsasalita.

"Leticia, alam kong masama ang loob mo, pero hindi mo pwedeng pilitin ang love. Kasi kung ayaw na sa'yo ni Patrick, ayaw ko namang makitang magpakasal ka sa lalaking hindi ka mahal, 'di ba?" panimula ng ina.

Tinitigan siya nang pabalang ni Leticia habang may pait sa kanyang mga labi.

"Naririnig mo ba sinasabi mo, Ma?" tanong ni Leticia.

"Kung ibang babae ang kinama ni Patrick, baka ginawa niyo na ang lahat para lang pilitin akong makipagbalikan sa lalaking 'yon!" tahasan niyang dagdag.

Sa mata kasi ng ina niya, si Patrick ang pinakamagandang mapangasawa na pwedeng makuha ng isang babae.

Natigilan si Carmen at namula ang mukha sa kahiyaan bago mabilis na nakabawi.

"Leticia, bilang ina mo, siyempre gusto kong maging masaya kayong dalawa ng kapatid mo. Ngayong magkasama na sina Raquel at Patrick, ikaw na lang ang inaalala ko," giit nito.

Tumingin ito sa kaniya at hinawakan ang kamay.

"Hindi ka na pabata. Mag-aalala ako kapag hindi ka pa nag-asawa. Bukas ay weekend, ipinagkasundo kita sa isang blind date. Maganda ang status niya sa buhay. Pumunta ka at makipagkilala ha... Tutal, katatapos lang ng relasyon niyo ni Patrick, kailangan mo ng bagong relasyon para makapag-move on, 'di ba?" sunod-sunod nitong paliwanag.

Natawa na lang si Leticia sa kanyang isip.

Ginawa pa talaga nitong dahilan ang pag-move on para lang maikasal siya sa iba.

Takot na takot lang ba silang agawin niya uli ang lalaki ng paborito nilang anak?

"I don't need healing at hindi ko rin kailangang mag-move on. I'm perfectly fine," malamig niyang sagot habang tumatayo para pumunta sa kanyang silid.

"Tumigil ka diyan!" Nang makitang hindi madaam sa pakiusap ang anak, agad na lumabas ang tunay na kulay ni Carmen.

"Twenty-seven years old ka na! Kapag hindi ka pa nag-asawa, tatanda kang dalaga! Kapag nagkakaedad ang babae, nababawasan ang mga lalaking nagkakagusto sa kanila! Mas gusto ng mga lalaki ang mga bata at magaganda!" sigaw ng ina.

Dahan-dahang lumabas si Raquel mula sa kanyang silid. Malaki ang kanyang mga mata na parang may luhang nagbabadyang pumatak, mukhang kawawa at walang kasalanan.

"Ate, ayaw mong makipag-blind date... aksi naiisip mo pa rin si Patrick?" tanong ni Raquel habang nakatitig sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Hidden Billionaire   Chapter 4

    Malamig na ngumisi si Leticia at hindi na muling nagsalita.Hindi na kailangang ipamukha pa sa lalaki ang lahat. Marahil ay gusto rin talaga ni Patrick ang pakiramdam na may dumadepende sa kanya.Bumulong si Patrick sa sarili ng "imposible" bago mabilis na tumalikod at umalis.Pupunta siya sa school ni Raquel upang tingnan kung talagang nasaktan ito o nagsisinungaling lang sa kanya.Kampante naman siya kay Leticia. Sa mataas na pamantayan ng dalaga, kailanman ay hindi ito magkakagusto sa matandang iyon.Pagkaalis na pagkaalis ni Patrick, si Wilfred na nakatitig sa buong pangyayari mula sa kabilang dako ay sa wakas bumalik ang lakas ng loob."Leticia, ex-boyfriend mo ba ang lalaking 'yon? Parang may relasyon din siya sa kapatid mo, 'di ba? Hindi mo kailangan ng babaerong katulad niya. Mas bagay sa'yo ang isang lalaking tapat at seryoso tulad ko..." wika ni Wilfred.Nanghihinayang at napahiya si Wilfred kanina matapos siyang tanggihan ni Leticia. Ngunit nang sumulpot ang walang hiyang e

  • Flash Marriage with the Hidden Billionaire   Chapter 3

    "PERO sinabi ni Patrick na ako lang ang nasa puso niya ngayon. Pasensya ka na, Ate, hindi ko maibibigay sa'yo si Patrick," malambing ngunit nakakairitang sagot ni Raquel.Dati, akala ni Leticia ay mabait at cute lang ang kapatid niya. Ngayon, malinaw na sa kanya na isa pala itong plastik at malandi.Yumuko si Leticia at nagkunwaring nahihirapan."Hindi ko rin kayang pakawalan si Patrick. Dalawang taon din kaming magkarelasyon. Kaya galingan mo ang pagbabantay sa kanya, baka agawin ko siya pabalik anumang oras," malamig ngunit may halong panunudyo niyang wika."Ate, ikaw—" Namula ang mukha ni Raquel sa matinding inis.Hindi na siya hinintay na makatapos ni Leticia. Tumayo agad ito at bumalik sa sariling kuwarto.ARAW ng Sabado.Dahil hindi niya matanggihan ang paulit-ulit at nakakabinging sermon ng kanyang ina, pumayag na rin si Leticia na makpag-blind date.Pumasok siya sa restaurant kung saan sila nagkasundong magkita at umupo sa gilid malapit sa bintana.Pagkalipas ng limang minuto,

  • Flash Marriage with the Hidden Billionaire   Chapter 2

    BUMAON ang mga kuko ni Leticia sa kanyang palad at nanlamig ang buo niyang katawan sa galit."Ma, ano'ng ibig niyong sabihin na nanghihimasok ako? Malinaw namang ang kapatid ko ang nang-agaw ng boyfriend ko!" sigaw ni Leticia.Umayos ng tayo si Carmen at inirapan siya."Ibig sabihin lang niyon, hindi kayo itinadhana para sa isa't isa ni Patrick. Kung talagang para sa'yo ang lalaki, walang makakakuha niyan..." walang kagatol-gatol na sagot ng ina.Kahit na naaawa si Ramil sa kanyang panganay na anak, napabuntong-hininga na lamang ito at umiling."Leticia, mali man ang kapatid mo pero wala na tayong magagawa. Huli na ang lahat. Break-an mo na lang si Patrick. Mahiya ka naman, kapag nalaman ng ibang tao na nag-aaway kayong magkapatid dahil lang sa isang lalaki, pagtatawanan tayo..." payo ng kanyang ama.Mabilis na sumang-ayon si Carmen."Ate ka, Leticia. Ikaw ang mas nakakaunawa kaya dapat ikaw na ang magbigay sa nakakabatang kapatid mo!" patuloy ng ina.Dumating din ang mga salitang iyo

  • Flash Marriage with the Hidden Billionaire   Chapter 1

    LAGPAS alas-una na ng madaling araw.Nagising si Leticia dahil sa sunod-sunod na tunog ng kanyang cellphone. Isang mensahe mula sa kliyente ang agad na bumungad sa kanya pagkabukas ng screen.Pagkabasa niya sa mga unreasonable na hiling nito, biglang uminit ang kanyang ulo. Nawalan na siya nang tuluyang gana na matulog kaya nagpasya na lamang siyang bumangon para pumunta sa banyo.Luma at manipis ang dingding ng bahay kaya bawat galaw ay naririnig. Maingat ang bawat hakbang niya at dahan-dahan niyang inikot ang doorknob ng pinto, ayaw na ayaw niyang magising ang pamilya niya.Subalit pagdaan niya sa tapat ng kuwarto ng kanyang nakababatang kapatid, isang tunog ang narinig niya na agad na nagpaakyat ng dugo sa kanyang ulo."Kuya Patrick, be gentle..."Kasunod niyon ang mabigat at mababang paghinga ng isang lalaki."Raquel, don't moan so loudly. Baka marinig ka ng ate mo..."Nalapit at tila nagaalangan ang boses ng dalaga, pero may halo iyong panunudyo."Marinig man niya, eh ano naman?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status