Abala ang mga tauhan ni Ricardo sa pagtatayo ng mga tent at paghahanda ng ihawan para sa barbecue.Kamakailan ay sunod-sunod ang pag-ulan ng niyebe, kaya’t binalot ng makapal at puting-puting yelo ang kabundukan.Pagdating ni Luna, agad siyang sinalubong ni Samantha. Masigla nitong hinila ang kanyang kamay at sabik na nagsabing gusto nitong gumawa sila ng snowman nang magkasama.Noon, si Luna ay sanay nang gumawa ng snowman kasama si Aria.Hindi mahirap para sa kanya ang paggawa nito, kaya’t makalipas lamang ang kaunting sandali, nakabuo na sila ni Samantha ng isang maliit na snowman.Dinalhan pa ni Samantha ng espesyal na iskarf ang snowman. Matapos itong mabuo, agad siyang tumakbo para utusan ang mga kasambahay na hanapan siya ng carrots.Lumapit naman si Ricardo kay Luna.Tahimik lamang si Luna nang makita niya ito. Wala siyang sinabi.Marahang lumuhod si Ricardo sa tabi niya at nagsabing, "Nagtrabaho ka na pala Annex?" aniya.Patuloy pa rin si Luna sa paggawa ng snowman at hindi t
Pagkaalis nila sa Novaley at pagpasok palang sa sasakyan, halatang galit pa rin si Jeriko.Naalala niya ang isang bagay kaya agad niyang tinanong si Luna, "Uy, sino nga pala yung babaeng nakasuot ng business suit na nasa likod ni Regina kanina? Parang ang sama ng tingin niya sa’yo. Kilala mo ba siya?" anito."Ah, siya ba? Pinsan iyon ni Regina." malamig na sagot ni Luna.Si Jeriko ay napailing na may halong inis: "Si Eduardo, hindi lang si Regina ang pinapasok sa Novaley, pati pamilya nito kinukupkop pa? Sa ganyang asal niya, hindi na ako magugulat kung balang araw Novaley na mismo ang magpalit ng apelyido, maging Saison." matigas niyang usal.Tahimik lang si Luna, pero sa isip niya, pareho lamang sila ng iniisip.Sumagot si Luna, "Oo, mukhang ganon na nga." Sa tindi ba naman ng pagmamahal ni Eduardo kay Regina, hindi na siya magugulat kahit ibigay pa nito ang buong Novaley sa babae.Ano pa nga ba ang malaking bagay kung pinapasok rin niya ang pamilya Salvador sa Novaley? Ramdam ni
Hindi lamang si Eduardo ang mag-isang pumunta, kundi kasama niya sina Ricardo at Apollo.Nang makarating sila doon, kapwa nagulat ang dalawa nang makita nila si Luna, hindi nila inakalang naroon rin siya.Napatingin sila sa kanya nang may pagtataka.Si Luna naman, walang gaanong ipinakitang emosyon. Sandali lang siyang tumingin sa kanila, pagkatapos ay inilingon na ang paningin.Lumapit si Eduardo sa kanila at magalang na bumati, "Salamat sa inyong pagsisikap." aniya.Sabi naman ni Francisco, "Heneral Eduardo, maaari na po ba tayong magsimula…" “Sandali lang,” sagot ni Eduardo habang inaangat ang kamay upang tingnan ang relo. "May hinihintay pa tayong isa. Aakyat muna ako para silipin. Pakiusap, maghintay muna kayo sandali."Pagkakatapos niyang magsalita, agad din siyang umalis.Wala namang balak si Luna na mag-isip pa tungkol dito.Pero alam niyang ang sinabing hinihintay nang lalaki ay walang iba kundi ang pinakamamahal niyang si Regina.Ibig sabihin, hindi pa sila puwedeng magsimul
Kinabukasan, pagsapit ng tanghali.Agad na nagmaneho si Luna para puntahan ang villa ni Mateo upang sunduin ito.Pagkasakay ni Mateo sa sasakyan, maayos na nagtanong si Luna, "Guro, saan po tayo pupunta?"Ibinigay lamang ni Mateo ang isang address bilang sagot.Makalipas ang kalahating oras, nang makarating sila sa isang restawran ay agad silang inihatid ni Mateo sa isang pribadong silid-kainan.Pagbukas nila ng pinto, dalawang lalaki na nasa gitnang edad na ang naroon na, kapwa may matitinding presensya at karismang kapansin-pansin.Pagkakita palang sa kanilang pagpasok, agad tumayo ang dalawang lalaki. "Andito na sila." bulalas nito.Ipinakilala sila ni Mateo nang may malamig na tono, "Mr. Angelo Muad, Mr. Rain Agudo. Ang estudyante ko si Luna." Ngunit kahit batid ni Luna na ang isa ay may mataas na posisyon sa militar at ang isa naman ay kilalang personalidad sa mundo ng pulitika, nanatili pa rin ang magaan nilang pakikitungo sa kanya.Ngunit nang makita nila ang mahinahong kilos
Pagkababa ng telepono, bumalik si Luna sa trabaho.Bandang alas-nwebe ng gabi, matapos mapuno ng kaalaman ang kanyang isipan, ay mas gumaan na rin ang kanyang pakiramdam.Sa mga oras na iyon, si Jeriko naman ang tumawag sa kanya."Nais mo bang lumabas at maglibang?" anyaya ni Jeriko.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Luna sa isang bar.Sinalubong siya ni Jeriko sa pintuan at magiliw na nagtanong, "Iinom ka ba?"Saglit pang tumigil si Luna, saka mahinahong tumugon, "Sige, inom tayo ng kaunti." aniya.Yumuko nang bahagya si Jeriko at tiningnan siya: "Mukhang masama ang loob mo?""Mas maayos na ngayon," sagot ni Luna.Hindi na siya tinanong pa ni Jeriko. Sa halip, nag-order ito para sa kanya ng isang asul na cocktail na may katamtaman at di-kalakasang alcohol content.Tahimik na nakaupo si Luna, hawak ang kanyang baso habang marahang humihigop ng alak. Sa paligid niya, masaya ang kuwentuhan nina Jeriko at ng mga kaibigan nito, ngunit nanatili siyang tahimik, nakikinig lamang.Wa
Pagkapasok sa banyo, mahigpit na binigti ni Luna ang kanyang mga kamao.Halos wala na siyang nararamdaman sa tuwing naririnig niya ang kabaitan ni Eduardo kay Regina.Mas lalo pa nang marinig niyang sinusuyo ni Eduardo ang ina ni Regina, hindi pa rin niya napigilan ang sarili sa pagkabigo.Nang mga sandaling 'yon, bigla nalang narinig niya mula sa labas ng pintuan ang boses ng isa sa mga tauhan sa sales office: "Magaling si Mr. Eduardo pumili, ang ganda ng nobya niya." anito."Oo, elegante rin ang nanay ng nobya niya at maganda ang tindig. Ang mahalaga pa, hinahayaan siya ng asawa at biyenan niyang gawin ang gusto niya, lahat ay ayon sa kagustuhan niya, sobrang spoiled siya. Tignan mo sila, tapos ikumpara mo sa asawa at biyenan ko, nakakainis talaga!" sambit ng isa pa."Hindi ba? Ang suwerte talaga ng nobya ni Mr. Eduardo. Hindi pa nga sila kasal, pero binilhan na niya ito ng villa na mahigit anim na daang milyon ang pamilya nito. Hay, pareho lang namang babae, pero ang nobya ni Mr. E