Share

2 - Welcome to the Trap

Author: Li Ashrienne
last update Last Updated: 2025-08-26 15:01:11

Nang araw na iyon, dumating siya kasama ang kaniyang ama sa mansyon ng mga Masterson. Hindi si Gideon ang sumalubong kundi ang mga magulang nito. si Doña Wilma at Don Philip Masterson. Kita agad sa mga mukha ng dalawa ang gaan ng loob nang marinig na handa na siyang magpakasal.

Pero may kondisyon si Mariette: Wala nang kasalan. Wala nang engrandeng seremonya. Irehistro agad ang kasal.

Hindi nagdalawang-isip ang mga Masterson. Agad na pumayag ang mga ito at isang tawag lang ang ginawa ni Don Philip. Sa loob ng kalahating oras, dumating na ang opisyal mula sa Local Civil Registrar, dala ang mga papel, notaryo, at dalawang saksi mula mismo sa staff ng pamilya.

Wala nang bulaklak, wala nang imbitasyon. Isang pirma sa marriage contract, tatlong kopya ng dokumento, at isang simpleng basbas mula sa opisyal… at Mrs. Gideon Masterson na siya.

Doon lang niya tuluyang nakita si Gideon, hindi pa sa personal kundi sa larawan na iniabot sa kanya ni Doña Wilma.

Matikas ang pangangatawan ng lalaki. Matangos ang ilong. Para itong Greek God kung titingnan. Napaismid siya. Kung wala sigurong sakit ang lalaki, malamang ni hindi siya magkakaroon ng tsansa na makasal dito.

Saka bigla siyang napaisip… alam kaya ni Gideon na ibinenta ito ng sarili nitong mga magulang?

“Mariette, hija… para sa’yo.” Nakangiting iniabot ni Doña Wilma ang isang bank card. Regalo raw nito bilang pagsalubong sa pamilya.

“Salamat po.” Tinanggap niya iyon agad na walang pag-aalinlangan.

***

“MARAMING ibinigay sa’yo ang mga Masterson, ah?” sabi ng ama niya habang palabas sila ng gate. Kita ang tuwa sa mukha nito.

“Baka sa’yo, mas malaki ang binigay.”

Nanigas ang mukha ng kaniyang ama. “Ano bang sinasabi mo?”

“Huwag ka nang magkunwari.” Huminto siya sa paglakad at tinitigan ito nang diretso. “Kung wala kang makukuha, hindi mo ako ipipilit dito.”

Natigilan ang kaniyang ama. “Mariette, anak—”

Agad niyang tinaas ang kamay. “Stop. Itabi mo na lang ‘yang mga linya mo.” Saka siya muling naglakad, “Simula ngayon, ito na ang huli. Huwag na huwag mo na akong tatawaging anak.”

***

HALOS mabaliw naman si Flora nang malaman nitong kasal na siya kay Gideon.

“Totoo ba ‘to? Diyos ko, Mariette Isabelle Delos Reyes, tinulak ka mismo ng ama mo sa apoy! Alam niyang hukay ‘yon pero isinabak ka pa rin. At ikaw… pumirma agad ng papeles! Kung hindi mo muna ni-register, pwede ka sanang umatras kung lumala ang sitwasyon. Pero ngayon? Wala na. Bitag ka na. At kung sakaling saktan ka, ni batas hindi ka na kayang ipagtanggol! Bruha ka talaga.”

Ngumiti si Mariette sa sinabi ng kaibigan. “Oo, pumirma ako. Pero wala pa akong balak magpakita sa kaniya.”

Nanlaki ang mga mata ni Flora. “ANO?!”

“Hindi ba sabi mo, hindi na siya aabot ng Pebrero? Tatlong buwan na lang. Magtatago muna ako, mawawala sa eksena. Kapag halos hindi na siya makatayo, tsaka ako babalik. Tapos agad! O, ‘di ba ang ganda ng plano ko?”

Napailing na lang si Flora. “Bahala ka sa buhay mo.”

Pero hindi pala gano’n kasimple. Dahil makalipas lang ang ilang araw, may kumatok sa pintuan niya… mga lalaking nakaitim.

“Mrs. Masterson,” magalang ang boses ng isa habang nakayuko. “Gusto raw kayong makilala ng asawa ninyo.”

***

SAKAY si Mariette ng kotse papunta sa Masterson mansion, pero halos maligo siya sa pawis.

“Grabe… sobrang init,” bulong niya sa sarili, kahit bukas ang aircon ng sasakyan. Parang nanunuot pa rin ang init sa balat niya.

Kakaplano pa lang niya na hindi siya magpapakita ng tatlong buwan, at ngayon, mismong si Gideon na ang naghanap sa kanya.

Huminga siya nang malalim, saka mabilis na nag-type ng mensahe kay Flora:

‘Wag kang kabahan. Ayos lang ako.

Mabilis ang sagot ni Flora: Kaya mo ‘yan. Baliw ka eh.

Napangiti siya sa text ng kaibigan, pero agad ding nanlamig nang huminto ang sasakyan. Napatitig siya sa malaking gusali sa harap niya; isa sa pinakamalaking private club sa buong Pilipinas.

Napakunot ang noo niya. Akala niya ba, sa mansion ng Masterson siya dadalhin?

Bakit dito?

Kaagad na binuksan ng driver ang pinto para sa kaniya, saka siya bumaba. Ito na rin mismo ang nagdala ng kaniyang iisang maleta na dalawang pares lang ang laman.

Naglakad sila sa mahabang pasilyo hanggang sa huminto sa tapat ng malaking pinto. Bumukas iyon na parang bibig ng isang halimaw na handang lumamon.

“Señorito,” sabi ng driver, “narito na po ang asawa ninyo.”

Kinuyom ni Mariette ang mga palad at kinagat ang labi. Huli na para umatras. Huminga siya nang malalim, pinilit igalaw ang mga paa, at pumasok. Kaagad na sumara ang pinto sa kaniyang likuran, dahilan para muntikan siyang mapatalon sa gulat.

Agad niyang naramdaman ang bigat ng hangin sa loob. Makapal, mabigat, halos hindi siya makahinga.

“Relax, Mariette. Malapit na rin siyang mamaalam sa mundo… tiis-tiis mo na lang.” Mahinang bulong niya sa sarili.

Doon lang niya napansin ang isang lalaki, nakaupo sa leather na sofa. Si Gideon. Nakadekwatro at kampanteng naninigarilyo.

Napaubo siya sa kapal at baho ng usok.

“Come here.”

Dahan-dahan siyang lumapit sa kinauupuan ng asawa. Asawa sa papel.

At nang tuluyan siyang makalapit, doon niya lang napansin kung gaano ito kaiba sa mga sinabi ni Flora. Ibang-iba sa kwento ng sakit at nalalapit na kamatayan. Dahil ang lalaking nasa harap niya ngayon ay higit pang gwapo kaysa sa litrato. Kung hindi siya nagkakamali, kulay berde ang mga mata nito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Para sa isang sinasabing naghihingalo, nakakagulat kung gaano ito kabuhay.

At doon niya lang din napansin ang hawak nito ay isang papel.

Shit!

Biglang umikot ang kaniyang sikmura.

Ang marriage certificate nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   11 - Huwag na Huwag Mahuhulog!

    Pero kinaumagahan, nagising siya na sobrang sakit ng kaniyang ulo at parang mabibiyak. At hindi lang ‘yon, nahihilo rin siya at sinisipon. Mukhang nilagnat siya sa pagpapaulan niya kagabi. Mabilis siyang nagsuot ng jacket at pumara ng taxi sa labas papuntang ospital. Kaagad naman siyang inasikaso ng mga nurse at nilagyan ng dextrose. Kinuha niya ang cellphone para sana itext si Flora pero baka mag-aalala lang ito kaya mas pinili niyang ipikit ang mata at huwag na lang.Mayamaya’y napatingin siya sa paligid… lahat sa mga pasyente, may bantay—may pamilya, may kaibigan. Samantalang siya? Mag-isa lang.Napakagat siya ng pang-ibabang labi at lihim na napabuntong-hininga. Gustuhin man niyang ‘wag sakupin ng lungkot pero—hayop! Kinakain siya ng lungkot ngayon. Ganito ata talaga kapag may sakit ‘yong tao.Pansin din niya ang mabagal na paglipas ng mga oras at kahit gustuhin niyang matulog... Parang may sariling utak ang mga mata niya. Ayaw ng mga ito ng umidlip man lang. Hanggang sa may nah

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   10 - Get Out

    Kaagad siyang natigilan at napalingon sa bintana. “Nandito ka?”“Malamang,” matabang na sagot nito.Napanguso siya sa naging sagot nito. Gusto niya tuloy tanungin ito kung may period ba ito today at masyadong mainitin ang ulo pero gano'n pa man, masaya siya dahil dumating ito para iligtas siya sa nakakailang sitwasyon.Kung ‘di lang kabastusan, baka nga kanina pa siya umalis pero siyempre… hindi siya gano’n.Binaba niya ang tawag at humarap sa mga kasama. “Um, guys, nandito na ang asawa ko… Aalis na ako.”“Samahan ka na lang namin palabas,” alok ng isa.Kimi siyang ngumiti at umiling. Natatandaan niya ang kasunduan nila ni Gideon na ayaw na ayaw nitong makilala ito sa labas na mag-asawa sila, kaya nakakapagtaka na sinundo siya nito.Napansin niyang mas lumakas lalo ang ulan kaya mabilis siyang lumabas at doon niya nakita ang isang itim na Maybach ang nakaparada sa gilid, at naka-hazard lights. Biglang naningkit ang kaniyang mga mata at nag-isip kung kay Gideon ba ang sasakyan na ‘yon

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   9 - May Asawa Na Ako

    Halos matawa si Mariette nang maaalala iyon. Ang pinakamahalagang rule ni Gideon? Ay huwag siyang mahulog dito kundi may napakabatang parusa. Kapag nalabag niya iyon, kailangan niyang mag-squat at mag-hop sa city square habang tumatahol na parang aso. Nakakatawa, oo, pero sobrang linaw kung gaano siya kinasusuklaman ni Gideon. Matapos siyang idrop ng driver sa lokasyon, nagpaalam muna siya kay Flora at pabirong inirapan ang kaibigan saka ito umalis.Huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa restaurant. Narinig pa niya ang malakas na tawanan mula sa private room, at agad siyang kinawayan ng isa. “Mariette, dito! Kanina ka pa namin hinihintay!”Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa kanya. Kaya napilitan siyang ngumiti. “Pasensya na, inabot ako ng antok, may sakit pa kasi.”“Ayos ka lang?” agad na tanong ni Kelvin. Kulang na lang sabihin nito ay gusto mo ibili kita ng gamot.“Sipon lang ito, maliit na bagay. Hindi pa naman siguro nakakamatay,” pabirong sagot niya.Nagsitawanan nam

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   8 - Kasunduan

    Kaagad namula ang magkabilang teynga ni Gideon at iniwas ang tingin. Napangiti naman si Mariette sa cute na reaksyon nito. Bigla tuloy siyang nagkaro’n ng intrusive thoughts na hilain ito at hagkan. Shet naman!“Isang titig pa at papalayasin na kita.”“Oo na, hindi na nakatingin.”Mabilis na sinuotan siya ni Gideon ng undies at pantalon. Kung kahihiyan lang ang pag-uusapan, lubog na lubog na siya kaya bahala na lang si Lord. Tutal, asawa naman niya ito.Matapos nitong maisuot sa kaniya ang lahat-lahat, biglang may kumatok sa pintuan. Mabilis na binalot ni Gideon ang kumot sa kaniya.“Come in,” anito.Biglang bumukas ang pintuan at bumungad do’n ang Personal doctor ng Masterson at kasunod nito ay ang Donya. Kaagad na lumapit ang doctor sa kaniya.“Nadulas siya sa banyo,” kaagad na sabi ni Gideon, “Tingnan mo kung malala.”Sinuri naman siya ng doktor. Pisil dito at pisil doon bago tumango. “Pilay lang 'to, Señorito. Mabilis lang ‘to gagaling. Hindi naman delikado at wala pang sinusugo

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   7 - Ang Pechay ko!

    Sinundan siya ng malamig na tingin ni Gideon habang papalayo siya at paika-ikang pumasok sa banyo. Pero sa ilalim ng titig nito, nakita niya ang gulat. Siguro iniisip nito na aatras siya agad nang hindi siya nito pinatabi sa kama at hinayaang sa sahig matulog.Inisa-isa niyang tinanggal ang kaniyang mga saplot at sinimulan buksan ang shower. Mabuti na lang at may heater kaya medyo kumalma ang kaniyang puso at utak.“Kuuh! Kung hindi ko lang habol ang perang ibabayad ng mga Masterson, at hindi ka lang gwapo… hinding hindi ako—ay!” Hindi niya namalayang may sabon pala sa sahig. Naapakan niya ito at bigla siyang nadulas.“Aray!” napangiwi siya.Bakit naman ganito, Lord?Pinilit niyang bumangon pero hindi niya magawang igalaw ang katawan. Kung minalas nga naman, mukhang nabalian pa nga siya ngayon.Gusto niyang umiyak.“Are you okay there?” Si Gideon.“K-kung okay ang pagbabasihan ng tanong mo, of course hindi!”“Dalian mo diyan maligo at nang makaalis ka na.” Malamig naman nitong sagot.

  • Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir   6 - Magsama

    Biglang hinila ni Gideon ang braso niya papasok. At bago pa siya makasigaw, isinara nito agad ang pinto at isinandal siya nang malakas sa pader. Nagkalat tuloy ang ilan sa mga ubas sa sahig.“G-Gideon!”Agad niyang naramdaman ang kamay nitong pumilipit sa kaniyang leeg at parang wala itong pakialam kung nasasaktan ba siya o hindi.“Why are you going through all this trouble? Anong binabalak mo?” malamig nitong tanong.Napaigik siya sa sakit. Siraulo ba ‘to?! Gusto niyang isigaw iyon kay Gideon, pero ang nagawa na lang niya ay pilit itong itnutulak papalayo habang nag-uunahan ang luha sa kaniyang mga mata.Nang makita ni Gideon ang mga luha sa kaniyang mga mata, bigla itong kumalas. Awtomatiko siyang napaubo nang sunod-sunod, at hingal na hingal.Nanginginig ang kamay niya nang iabot ang plato ng prutas, buti na lang at may natira pang dalawang ubas. “S-sabi ng mama mo… kumain ka raw ng prutas.”“I don’t need that shit!” Tinapon nito ang mangkok.“Bakit ba ganiyan ka?!” Kahit gusto na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status