Share

Kabanata 44

RUI's POV

“H-Hello?” namamaos kong sagot.

“Rui, may sakit ka?” Bakas sa boses ni Amay ang pag-aalala. Umiling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. “Ba’t ganyan boses mo?”

Napalunok ako ng laway. Yakap ko pa rin ng mahigpit ang unan. Parang babagsak ang mata ko sa sobrang bigat. “Kakagising ko lang.”

“Ay, sorry nagising kita. ‘Di mo kasi sinasagot kanina pa.” Humina ang boses niya at natahimik. 

Tinignan ko ang screen ng cellphone ko pero ongoing pa rin iyong tawag. “H-Hello, Amay?”

“Yung totoo, Rui. Anong problema?” Ipinikit ko ang mata. “Nag-away ba kayo ni Yohann? Tinatawagan ko, ‘di na rin sumasagot. Ang sabi niya pupuntahan ka raw niya diyan. ‘Di ba kayo nagkita? O nandiyan siya?”

“Wala.” iyon lang ang nasabi ko sa maraming tanong niya. Tumahimik ulit ang kabila. Para bang tinitimbang niya ang naging sagot ko o saan sa mga tanong niya ang sinagot ko. Hanggang sa narin

Lunallilly

Thank you for reading.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status