Share

Kabanata 2

NAAWANG ANG kaniyang mga labi habang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang natunghayan. Mula pa sa Davao hanggang ngayong nasa Maynila na siya ay hindi niya maiwasang sambahin ang matatayog na mga gusali.

"Ito na ba ang Maynila?" tanong niya.

"Oo, Miss Aiha! Nandito na po tayo sa Maynila!" Kanina pa niya ito naririnig mula sa kasama niya.

Hanggang ngayong nagt-taxi sila papunta sa bahay ng kaniyang tiyahin ay iisa lang ang tanong niya. 'Ito na ba ang Maynila?' Ilang milya na rin ang layo nila mula sa airport subalit parehong tanong pa rin ang binubungat ng kaniyang bibig.

"Kurutin mo nga ho ako, manong!" utos niya pa sa sundo niya.

Tumingin sa kaniyang gawi ang ginoo at napailing na lang ito. "Miss Aiha, kahit na hindi po kita kurutin. Totoo po ang nakikita mo! Nasa Maynila na tayo," anang ginoo.

Tumigil ang kaniyang sulyap sa isang matayog at napakalaking gusali. Bagay na bagay sa gusali ang pangalang nakaukit sa taas na bahagi nito. 

Mabuti na lang at medyo traffic kaya'y kaniyang napagmasdan ang gusali. 

"Ang ganda pala talaga ng gusaling ito! Sa TV at dyaryo ko lang nakikita ang kompanyang M-Pire, manong! Grabe talaga ang ganda niya! Hindi ko inakala na makikita ko ito sa personal! Ang expensive tingnan!" pag-puri niya sa gusali.

Tumawa ang kasama niya dahil natutuwa ito sa kaniya. Hindi kasi maikaila ni Aiha kung gaano siya ka-saya na mamasdan sa personal ang mga bagay na akala niya'y hanggang sa panaginig niya na lang makikita.

"Pinaghirapan ng may-ari ang kompanya. Kilala mo naman yata kung sino ang may-ari niyan e. Bihira lang ang hindi nakakikilala sa isang Amina Baltazar-Fortalejo. Bagong kasal nga sila ni Sir Nigoel Fortalejo. Ikatatlong kasal na nila sa loob ng isang taon.  Ang una, west wedding. Pangalawa, garden wedding. Ang nangyari kahapon ay ang church wedding nila sa Basilica of Santa Maria del Mar," kuwento ng lalaki.

"Hindi ba si Sir Nigoel Fortalejo ang CEO ng Andromeda noon? So, siya ang boss ko!?" usisa ng lalaki.

"Tama ka na siya ang dating CEO ng Andromea, eneng. Kaso hindi siya ang boss mo," tugon ng lalaki.

"Po!?" gulat na tanong ni Aiha.

Tumango ang lalaki. "Hindi mo ba alam na si Sir Lorden Weiss Fortalejo na ang CEO ng kompanya?"

Napa-awang ang bibig niya nang marinig ang sinabi ng lalaki. Talaga? Si Lorden Weiss Fortalejo ang magiging amo niya?

"K-Kapatid iyan ni Sir Nigoel, hindi ba?" namumula niyang tanong.  "Manong, super crush ko po si Sir Weiss! Kahit na pumunta po kayo sa bukid at tingnan ang kuwarto ko. Puro litrato niya ang nakadikit sa ding-ding!" aniya.

Tawang-tawa ang ginoo sa rekasiyon ni Aiha. Sino ba kasi ang hindi makagugusto sa binata? Bukod sa makisig na katawan at guwapong mukha ay isa siya sa mga tanyag na bachelor sa bansa at sa ibayo. Kahit na isang taon pa lang na nilipat sa kaniyang pangalan ang pagiging CEO ng kompanya ay nagawa niya ng maayos ang kaniyang trabaho. Kung iba siguro ay nahirapan na sila sapagkat hindi siya namalagi sa bansa. Kaso para sa isang Lorden Weiss Fortalejo ay sisiw lang ang trabaho niya.

"Hindi na bago sa akin ang makarinig ng ganiyan sa mga kababaihan, Aiha. Siya si Lorden Weiss Fortalejo! Pangarap na minimithi ng mga kababaihan!" anang lalaki.

"Close ba kayo sa mga Fortalejo, manong?"

"Kay Sir Nigoel at sa Matandang Fortalejo lamang. Hindi ko pa naman nakikita sa personal si Sir Weiss at hindi ko pa siya nakahahalubilo. Pero balita ko ay metikuluso iyon," pabulong na sabi ng lalaki.

"Paanong metikuluso ba, manong? Maselan sa lahat? Iyong maarte? Perfectionist? Mataas ang tingin sa sarili? Firm?" sunod-sunod na ani Aiha.

"Lahat ng nabanggit mo! Sobra pa nga raw riyan e! Kaya kung ako sa iyo ay sundin mo lahat ng gusto niya," anang lalaki.

Sarkastikang tumawa si Aiha. "Easy lang naman iyon, manong! Tandaan mo na ako ang makapagpabago kay Lorden Weiss Fortalejo! Tingnan natin saan aabot ang pagka-metikuluso niya," banta niya.

"Huwag kang pakasiguro, Aiha!"

"Pero, manong, totoo ba?"

"Na metikuluso siya!? Mas mabuti na kilalahin mo na lang ang amo mo, Aiha. Palagi naman kayong mag-kakasama niyan sa bahay at opisina," anang lalaki.

Huminga ng malalim si Aiha. "Manong, naman! Kinabahan na tuloy ako! Pero susubukan ko pa rin lahat ng makakaya ko para baguhin ang ka-artehan ng lalaking iyon!"

"Hays, eneng! Ikaw talaga!" anang lalaki. Sumilip ang lalaki sa bintana na nasa gawi nito. "Halika, Aiha. Masdan mo ang Andromeda!" ani'to.

Lumapit si Aiha. Napahawak siya sa kaniyang labi. "Ginataang talbos ng kamote! Ang gara naman ng Andromeda! Grabe naman si Ma'am Mina ano? May malaki na nga siyang kompanya tapos ang napangasawa pa niya ay isa sa mga nagmamay-ari ng Andromeda!"

Parang hindi kayang waglitin ni Aiha sa mga mata niya ang gusali ng Andromeda.

"Ang ganda ano?"

"Sinabi mo pa, manong! Diyan ako magt-trabaho hindi po ba?" masaya niyang tanong.

"Oo, Aiha! At ang crush mo pa ang magiging amo mo!"

"Ang suwerte ko talaga!" kaniyang tili nang bumalik na siya sa kaniyang puwesto.

Nang natapos na ang traffic ay halos liparin na ng taxing sinasakyan nila ang kalsada.

"Eneng? Miss Aiha?"

Nakaramdam ng marahang pagyugyog si Aiha kung kaya'y pilit niyang minulat ang kaniyang mga mata. Inabot sila ng gabi sa biyahe. Umunat si Aiha at kinusot niya ang kaniyang mga mata.

"Nasaan na po tayo?" tanong niya sa lalaki.

"Nandito na tayo sa tapat ng bahay ng Tiya Sabel mo," tugon ng lalaki.

Bumuntong hininga si Aiha at sumilip siya sa bintana. Nakita niya ang kaniyang Tiya Sabel na nakatayo sa tapat ng sasakyan. Napangiti siya marahil ay hawig ang kaniyang tiya at ang kaniyang Mamang.

Binuksan ng ginoo ang pintuan ng taxi at una itong lumabas dala ang mga bag ni Aiha. Tinulungan nito si Aiha na buksan ang pintuan upang makalabas na ang dalaga.

Lumapit sa kaniya ang Tiya Sabel niya. Mabilis na humakbang si Aiha upang salubungin ang naka-bukas bisig niyang tiyahin. Isang mahigpit na yakap ang inalay ng mag-tiya sa isa't isa.

Naluha ang kaniyang tiya matapos ang kanilang mahigpit na yakapan.

"Eneng, namin! Ang ganda-ganda mo! Bigla ko tuloy namiss ang Mamang Kanda mo! Alam mo naman na dalawa na lang kaming naiwan at nagkalayo pa talaga!" anang tiya niya.

Ngumiti si Sabel. "Matagal-tagal na panahon na po noong huli kitang nakita, tiya. Wala pong kupas ang iyong ganda! Mabuti ka pa po dahil wala kang puting-buhok. Samantalang si Mamang ay parang ang itim na buhok niya na po ang mabilang!"

"Ikaw talaga, Aiha! Alangan naman! Alam mo naman na ang iyong Mamang ay banat na banat sa pagtatrabaho sa bukid e!" Tumingin ang kaniyang tiya sa lalaking nakasama niya sa biyahe. "Kanor, maraming salamat at naihatid mo rito ng ligtas ang aking pamangkin! Ikaw rin sana ang siyang susundo rito kay Aiha. Wala akong tiwala sa ibang tauhan ng amo mo!"

Tumango ang lalaki. "Sige po, Manang Sabel! Magp-prisenta akong susundo kay Aiha." Tumingin sa gawi niya si Manong Kanor. "Aiha, bukas nang umaga kita susunduin ha? Gumising ka ng umaga marahil ang amo mo'y mas nauuna pang magising sa tandang!" ani Kanor.

"Oo po! Maraming salamat po ulit sa masaya't ligtas na paghahatid, Manong Kanor!" aniya.

"Sige na! Mauuna na ako at baka nasa mansion na si Sir Weiss. Kailangan ko pa maligo at magsabon ng mabuti baka mapagsabihan tayo ng amoy daga nang metikulusong iyon," patawa-tawang sabi ng lalaki. "Paano? Mauna na ako! Manang Sabel, mauuna na ako!  Bukas nang maaga ha!?" paalam niya't ulit pa niyang paalala kay Aiha.

"Mag-iingat ka po, Manong Kanor!" ani Aiha bago makapasok sa taxi ang lalaki.

Nang maiwan sila ng kaniyang tiyahin ay halos na sabay silang napadighay. Tumitig saila sa isa't isa at sabay na tumawa. Ang sarap sa pakiramdam na makita ni Aiha ang kaniyang tiyahin. Kahit na papaano ay may kakilala siya sa Maynila.

Nakapag-asawa kasi sa Maynila ang kaniyang Tiya Sabel. Sa kasamaang palad ay namatay ang asawa nito. Gumuho kasi ang gusali na pinagkokonstruksiyon ng asawa ng tiya niya na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Kahit na wala na ang asawa ng tiya niya'y nakitaan pa rin niya ng tatag ng loob ang tiyahin. Solong magulang kasi ito at nakapagpatapos na ng limang mga anak sa kolehiyo at lahat sila ay nasa ibang bansa na.

May-ari ng boardinghouse ang kaniyang tiya. Sa simula ay gusto nitong paaralin si Aiha. Si Aiha lang ang may ayaw marahil hindi niya maiwan ang kaniyang mga magulang. Mabuti ngayon ay naisipan ni Aiha na tanggapin ang tulong ng kaniyang tiya na ipasok siya sa Andromeda bilang iskolar ng kompanya.

"Ang ganda naman ng bago mong renter, Aling Sabel! Baka puwede hingiin ang numero o hindi kaya'y F******k account niyan," anang lalaki na walang damit pantaas at humihithit ng sigarilyo. Isa ito sa mga rumerenta ng kuwarto sa kaniyang Tiya Sabel.

"Sapak, Nato, gusto mo?" insultong tugon ng tiya niya sa lalaki.

"Grabe ka naman, Aling Sabel!" muktal ng lalaki.

"Bakit, Nato, may angal ka? Ako kaya ang humingi ng bayad sa iyo. Tatlong buwan ka nang hindi nakapagbabayad sa renta mo!" inis na sabi ng Tiya Sabel niya. "H'wag mo mapagtitripan ang pamangkin ko, Nato! Mataas pa ang pangarap namin para sa kaniya!" anas pa nito kaya'y nabahag ang buntot ni Nato.

Matapos silang maglakad ay nakaabot na sila sa bahay ng kaniyang tiyahin. Ilang metro lang ang distansiya ng boarding house ng tiya niya sa bahay nito.  Nang makapasok sila ay nilapag na ni Aiha ang kaniyang mga bag sa mahabang sofa.

Simple lamang ang bahay ng kaniyang tiya. Subalit masasabi ni Aiha na nakaraos na nga sa hirap ang tiyahin niya.

"Dumiretso na tayo sa kusina't alam kong ikaw ay gutom na gutom na," anang tiya niya.

Dumiretso nga sila sa kusina at biglang natakam si Aiha sa mga putaheng nakahain sa lamesa ng kaniyang tiya.

"Kumain na tayo," alok ng tiya niya. "Kapag ano ang nangyari sa mansyon ay dapat malaman ko agad ha, eneng," sabi nito habang pinagsasandukan ng kanin at lechon manok ang plato ni Aiha. "Sige na kumain ka na, Aiha, nang sa ganoon ay makapagpahinga ka na."

"Salamat po, Tiya Sabel," ani Aiha.

"Kahit na ano ang sabihin nila sa iyo, dapat na magpakumbaba ka lang. Tanggapin mo lahat ng sabi at diskriminasyon hindi lamang sa mansyon kung hindi ng buong Maynila," payo ng kaniyang tiya.

Sabay silang kumain ng kaniyang tiyahin. Habang kumakain ay naiisip ni Aiha kung ano ang maging posibleng buhay niya sa mansyon. Sana ay mali ang sabi ng ibang tao tungkol sa amo niya.

THE GATE was widely open for his coming. Alam ng mga tauhan sa mansyon nila na darating s'ya sa araw na ito. It's almost afternoon but the sun still hitting his skin. Pakiramdam niya'y mapapaso na siya dahil sa sinag ng araw.

Sinimulan niya na ang paglalakad sa gitna ng mga katulong at butlers niya. Nasa kanan ang mga katulong at nasa kaliwa naman ang mga butlers niya. Si Mang Kanor ang head butler, wala pa siya rito marahil siya ang sumundo sa iskolar ng Andromeda at si Aling Belen naman ang head ng mga maid, ito ang nagrefer sa Andromeda ng magiging iskolar nila.

Tahimik lamang sa pag-yuko ang mga tauhan niya. Hindi na nila ito binati pa. Alam naman nilang magagalit lamang siya kapag ginawa nila ang bagay na iyon.

Pumalakpak ng tatlong beses si Aling Belen kaya naman ay agad na umalis ang mga kasamahan niya't pumunta na sa kanilang mga trabahong naputol buhat nang dumating siya.

"Where's my room?" tanong niya.

"Doon po sa tabi ng Amina Scents, sir," tugon ni Aling Belen. "Ito po ang daan," anang katulong at nilahad nito ang kamay upang ituro ang daan patungo sa kuwarto niya. "Sasamahan ko--"

"Don't bother, Aling Belen,  kaya ko na ang sarili ko." Ngumiti si Weiss sa ginang. Tinuring pamilya ni Weiss ang lahat ng sakop niya sa bahay. Alam niya kasi na tapat ang paninilbihan ng mga ito sa kaniyang kuya noong nasa Pilipinas pa iyon. 

Pangako ni Weiss na kapag pamilya at kaibigan ang turin sa kaniya ay susuklian niya ito ng nararapat na sukli. Ang hindi niya talaga magawang itrato ng tama ay ang mga taong ginagawa siya ng puhunan at ginagamit sa pansariling interes ang koneksiyon sa Andromeda.

Tinungo ni Weiss mag-isa ang kaniyang silid. Humingal siya nang makarating siya sa tapat ng silid niya. Ang haba kasi ng nilakad niya. Sinulyapan niya ang mga tao sa baba. Naisipan niyang magpagawa na lang ng elevator para hindi siya mahirapan.

Tinulak niya ang pinto papasok sa kaniyang silid. Napatango na lamang siya dahil sa gara at linis ng silid niya.

Kumuha siya ng tissue sa kahong nakalapag sa ibabaw ng study table niya sa kuwarto niya at tiningnan kung may alikabok ba sa bawat sulok ng kaniyang silid.

Huminga siya ng matiwasay matapos niyang suriin ang kuwarto at ang banyo. Mabuti na lamang at malinis ang buong kuwarto. Pansin niya rin na ang buong mansyon ay ubod ng kintab.

"Salamat sa Diyos!" aniya at humiga sa kama niyang malambot.

Lumipas ang ilang minuto ay tumayo siya upang alisin sa katawan ang mga saplot. Tanging ang puting pantaas at itim na boxer ang natira sa mga suot niya matapos siyang humubo't humubad.

Napasulyap siya sa kaniyang alaga. Sumilip kasi ang ulo nito dahil may kaiksian ang kaniyang boxer. Huminga na lang siya ng malalim at umiling. Umupo siya sa kaniyang swivel chair at saglit na tumitig sa magandang kisami ng kaniyang silid.

Bigla niyang naalala ang iskolar ng Andromeda kaya'y inabot niya ang telepono at tumawag siya sa baba.

"Sir?" anang Aling Belen.

"Pakisabi kay Mang Kanor na iforward sa akin ang profile ng iskolar. I need to study her profile," aniya.

"Sige po, Sir Weiss!"

Nang binaba niya ang tawag ay inayos niya ang kaniyang pag-upo. Ilang saglit lamang ang lumipas ay tumunog ang kaniyang smartphone. Dumating na ang email mula kay Mang Kanor.

Minadali niyang ini-on ang laptop niya at ni-refresh ito ng ilang beses. Mas gusto niya kasi bumasa ng emails sa laptop kumpara sa smartphone. Nanliliit kasi siya sa screen. Binuksan niya ang email mula kay Mang Kanor at namangha siya sa nakita.

"Wow, she's gorgeous!" aniya nang makita ang litrato ng kaniyang iskolar. "Kaihannah Kaguran?" patanong niyang pag-basa sa pangalan ni Aiha.

Inaral niya ng mabuti ang profile ng babae. Hindi niya alam bakit bigla siyang nagka-interes sa babae. Base kasi sa profile  ng babae ay matalino at puro 1' ang grado nito.

"What!? She works as farmer together with her parents? Sayang maganda sana at matalino. Sana hindi siya magdadala ng putik rito," aniya.

Nawala na lamang ang interes niya nang malaman niyang  nagsasaka ang babae. Iniisip niya pa lang ang mga putik ay nanghihina na ang katawan niya.

"She's a province girl and province people need to be taught about city!" anas niya habng hinimaa ang kaniyang batok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status