LOGINMabilis ding lumabas ang sagot sa kanyang screen, galing pa rin kay “Slim Waist Connoisseur”:“Boss, nagbibiro ka ba? Hindi kasing‑laki ng makukuha nila sa pagnanakaw sa bangko kung ikaw ang pagkakakitaan.” anito.Bahagya namang gumalaw ang gilid ng labi ni Cailyn, sandali rin siyang natigilan at hindi makasagot.Totoo nga naman. Kahit saan at kahit anong bangko ay may tiyak na halaga lamang ang mga laman nito. Ngunit ang mga pambihirang materyales na kailangan niya ay mahigpit na binabantayan ng bawat bansa. Bagama’t may mga daanan sa black market, napakalihim ng mga nagbebenta roon, at kailangang sumunod sa kanilang mga patakaran kung nais makabili ng mga ito.Kailangan pa naman ang mga bagay na iyon para sa spine ni Tito Omeng, lalo na para sa paggamot ng mga binti ng batang iniingatan niya.Sandaling nag-isip si Cailyn bago sumagot."Sabihin mo sa kanila na ipagpatuloy lang ang pakikipag-usap. Mag‑alok pa kayo ng mas malaking halaga, pero kung magmamatigas pa rin sila ay subukan
Ibinaba ni Jace ang ang tingin niya sa sahig, tila kalmado at payapa pa ang anyo nito. Hindi naman namalayan ni Cailyn ang matinding galit na nakatago sa kaibuturan ng kanyang mga mata nang muling magsalita ang binata.“Mabuti na lang talaga at gasgas lang ang nakuha mo ngayon. Dahil kunb tinamaan ka nang tuluyan ng mga bakal na nahulog doon, hindi na ito magiging kasing‑dali at kasing-simple gaya ngayon.” ani Jace. Hindi naman umimik si Cailyn. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Jace.Ganoon ba talaga ang tinatawag nilang pag‑aalala ng isang kuya?Pakiramdam kasi niya ay naiiba iyon sa ipinapakita ni Kian, ngunit hindi rin naman niya maipaliwanag kung saan nanggagaling ang pagkakaiba na iyon.Iba lang talaga ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon. Nang makita siyang nakakunot ang noo at tahimik pa rin, inakala ni Jace na nag‑aalala pa rin ito na lalo pang lalaki ang isyu.Nanliit ang kanyang mga mata.“Muntik ka nang mapahamak sa loob ng Science High. Hindi ito pwedeng p
Halos pagpawisan naman si Drei habang nakaupo sa driver's seat dahil sa nararamdamang kaba para kay Cailyn.Boss Jace, parang wala naman pong saysay ang logic niyo, e. Pero nagagawa niyo pa rin talagang gawing parang tama at makatwiran ang lahat, ano? Napakuyom ang labi ni Cailyn, namumutla ito dahil sa pagkawala ng dugo, pagkatapos ay kumunot ang noo nito. Matalim ngunit may halong inis ang mga mata niya bago muling sumagot.“Kahit naman nasugatan ang kamay ko, hindi naman nito naaapektuhan ang paglalakad ko, 'no! Kaya kaya kong maglakad palabas nang mag‑isa!” ani Cailyn. Ilan nga ba sa mga estudyante ang nakakita sa tunay na anyo at kapangyarihan ni Jace kanina? Dahil tuloy sa ginawa nito ay siguradong sigurado si Cailyn na magkakalat ng iba’t ibang kwento at haka‑haka ang mga estudyante na iyon kapag bumalik na siya sa eskwelahan.Hindi naman niya pinahahalagahan ang sasabihin ng ibang tao, at hindi rin niya iniisip yung mga bulung‑bulungan ng mga tao kapag nakatalikod siya. Per
Ibig sabihin lang niyon ay dapat siguraduhin ng mga ito para masuri at malaman din ng lahat ang buong katotohanan hanggang sa huli!Napakunot-noo naman ang principal sa tinuran ni Jace. Alam kasi nito na sa oras na pinalalim pa ang pagtatanong ay masisira lamang ang magandang pangalan ng eskwelahan, ngunit sa harap ng taong ganoon kalakas at makapangyarihan ay mayroon pa ba siyang karapatang tumanggi?“Mr. Figueroa, tungkol po sa bagay na iyan…” sinubukan pa niyang makiusap, nagnanais pang iligtas ang dangal ng eskwelahan sa huling pagkakataon.Ngunit narinig niya ang boses ng lalaki. “Hindi naman ho ako masamang tao, masama lang ho talaga ang ugali ko. At tandaan niyo na ang mga taong itinuturing kong akin, ako lang ang may karapatang maging mahigpit o makipaglaro sa kanila. At sa oras na may ibang nang-api o sumakit sa kanila, at hindi ko nahanap ang salarin… mapipilitan akong dumiretso at humingi ng sagot mismo dito sa paaralan.” may halong babala ang mababang boses na sabi ni Jac
Mula nang banggitin ni Cailyn ang sulat ay naging tulala na si Nissy, hindi na nito malaman kung paano iyon nalaman ni Cailyn. Bumalik lamang ito sa kaniyang ulirat nang sikuhin siya ni Harry. Lumabas ang ekspresyon na mas masakit pa sa pag‑iyak nito kanina.“A-ah.… i-itinapon ko na ang sulat, e.” saad nito. Nadismaya sina teacher Almira pati na rin si Renzo.Tanging sina Fayra at Aina naman na nasa labas lang ang nakahinga nang maluwag.Humakbang si Fayra paharap, kitang‑kita ang ganda niya sa gitna ng mga tao. “Principal, teacher Almira, baka naman po misunderstanding lang ito. At dahil ayos naman na po sina Cailyn at Nissy, baka aksidente lang naman po talaga. Hindi na po siguro natin kailangan pang palakihin ito.” mahina ang boses na sabi ni Fayra. “Oo nga naman po, ayos naman na po sila, e. Bakit pa po natin ikakabahala ang buong eskwelahan?” mabilis na sang-ayon ni Aina. Samantalang si Cailyn naman na hindi pa sigurado kung sino ang nasa likod ng pangyayari na iyon ay nakit
Lumapit si Harry at dahan‑dahang inalis ang mga kamay ni Nissy na nakatakip pa rin sa mukha. “Bakit ka ba umiiyak? Ang pangit ng itsura mo diyan, oh. Ayos lang naman si Cailyn, ‘di ba?” mahinahon niyang payo kay Nissy.Sobrang bigat ng loob ni Nissy na hindi niya magawa pang tumingin sa iba.“Kasalanan ko ang lahat e.” aniya habang humihikbi.Kung hindi lang sana niya pinaniwalaan ang sulat na iyon, at kung hindi niya lang sana sinubukang alamin kung sino ang nagpadala sa kaniya niyon ay hindi sana nasugatan si Cailyn doon.Halos matunaw na siya sa sobrang pagsisisi sa sarili. Ayaw na niyang itaas ang mukha niya habang tuloy‑tuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata.Inunat ni Harry ang kamay para pinunasan ang luha sa pisngi ni Nissy. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nakipagtalo sa dalaga. “Sige na, tama na 'yang pag‑iyak mo diyan. Lalo lang sasakit ang ulo ni Cailyn sa’yo, e.” malambot ang boses na sabi niya rito.“Gusto mo bang lumapit pa siya sa 'yo para damayan ka diyan gayong ma
Ilang saglit pang napaisip si Cailyn bago sumunod.Napakalaki at napakalawak ng Pavillion, tila alam na alam rin ng lalaking kasama niya ang pasikot-sikot sa lugar. Na matangkad at may mahahabang mga binti. At kahit na mukha itong mabilis maglakad ay pinanatili pa rin nito ang kalahating pulgada l
SINO NGA BA naman ang aayaw sa magagandang tao at kahit mga bagay man? Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kian at lumapit kay Cailyn para tulungan ito sa bitbit nitong mga gamit. “Cailyn, ‘di ba? Ako si Kian, ‘yong pinsan mo. Pwede mo rin akong tawaging kuya.” pinangunahan na ni Kian ang pagbati. T
“Isara mo ‘yang bintana!” kaagad na utos ng lalaking may mababa at magaspang na boses mula sa back seat.Mababaw lang ang boses ng lalaki, may bahid din iyon ng talim, ngunit may kasamang tapang na hindi madaling balewalain.Mabilis na lumingon si Kian sa back seat nang marinig ang boses na iyon. M
“Heto ang sampung libo,” aniya at saka bumuntong hininga. Inilapag niya ang isang bungkos ng tag-iisang libo sa palad ni Cailyn. “Heto! Bumalik ka na…. Sa tahanan ng mga magulang mo at magpakabait ka. Itabi mo ang pera na ‘to pambili ng mga damit mo. Maaari mo rin itong magamit para sa pag-aaral mo







