Game of Love
" Kanino galing 'tong invitation? " Tanong ni Mint habang hawak 'yong invitation card.
" Basahin mo kaya para malaman mo. Hindi 'yong tanong ka nang tanong d'yan, " sabi ni Nychaa.
" Birthday party ni Charlene? Talaga lang huh, nagbi-birthday pa pala 'yon? " sagot ni Mint matapos mabasa ang nakasulat sa invitation card.
" Sabi ni Kim, pupunta raw tayo eh. Sa kanya 'yang invitation, sabit lang tayo. "
" Bakit pa natin kailangang pumunta? Ano makikipag plastikan tayo? "
" Alam mo naman 'yong Daddy ni Charlene, family friend ng Kugimiya, hindi ba? So siyempre required talaga silang um-attend kahit ayaw nila at siyempre kaibigan tayo ni Kim kaya kailangan natin silang suportahan. Hindi natin pwede iwanan 'yon baka gumawa pa ng eksena sa party. "
" Eh, si Yumi ba sasama? "
" I don't know pero kasGame of Love" Nakita n'yo ba si Mario? " tanong ni Mint sa kanila habang nagbibihis. Papunta kasi sila sa birthday party ni Charlene tulad ng napag-usapan." Kahapon ko pa kasi hindi nakikita, " dugtong pa n'ya." Si Barry ba, nakita n'yo? " tanong naman ni Yumi pagkalabas mula sa kwarto n'ya. Nakasuot s'ya ng red dress na hapit sa katawan, buti na nga lang ay hindi pa gano'n kalaki ang tiyan n'ya." Wow, Yumi, ang ganda mo super, " halos sabay na sabi nila Mint at Nychaa pagkakita nila kay Yumi." Ang sabi ko kung nakita n'yo ba si Barry? " ulit na tanong ni Yumi." Nasa main house nila pati si Kim nando'n. Bilin nila sa 'min sabay-sabay na raw tayo pumunta kila Charlene. Saka Yumi, huwag kang hihiwalay sa 'min huh pagdating natin do'n, alam mo naman etchusera 'yong Charlene na 'yon, " sabi ni Mint. Tumango naman si Yumi.
Game of LoveDinala muna ni Mario si Yumi sa rest house n'ya para magpahinga. Ang balak n'ya kasi puntahan si Barry at magpaliwanag. Hindi s'ya mapapakali hangga't hindi ito nakakausap." Mario, magpahinga ka na rin muna. Hindi ka ba napapagod, napakaraming nangyari sa buong maghapon. "" Ikaw ang magpahinga, huwag mong pagurin ang sarili mo lalo na sa kakaisip. Makakasama sa bata, sa sinapupunan mo. Ako na ang bahala pupuntahan ko si Barry at ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. "" Mario, ipagpabukas mo na lang. Masyado pang mainit at magulo ang lahat, hindi ka n'ya pakikinggan. Galit pa s'ya, hayaan na muna nating humupa ang galit nila. "" Okay, sige. Bukas ko na pupuntahan si Barry. " Tumayo si Mario at inihatid ito sa kwarto n'ya.*****Chad headquarter..." So, what is our next plan? " tanong
Game of LoveNaglakas loob si Mario para puntahan si Mint. Ang balak n'ya sana ay puntahan si Barry pero hindi n'ya matagpuan ito kaya naman si Mint na lang ang pinuntahan n'ya sa apartment nila.Napatulala 'yong tatlo nang makita si Mario na nakatayo sa tapat ng pinto nila." Anong ginagawa mo rito? Ang lakas din naman ng loob mo na magpakita pa matapos ng ginawa n'yo!" sigaw ni Kim sa kanya. Lumapit si Nychaa at hinawakan s'ya. Si Mint naman pinagmamasdan lang sila." Mint, mag-usap naman tayo, pakinggan mo naman ang paliwanag ko! "" Para saan? Alam ko namang magsisinungaling ka lang eh. Hindi ba sinabi ko na sa 'yo! Ayaw ko na, tapos na tayo! Magsama kayo ni Yumi! Mga manloloko kayo! "" Mint ... "Lumapit si Mario sa kanya. Lumuhod sa harapan n'ya at niyakap s'ya." Pakinggan mo muna ako Mint, parang awa mo na. Wala
Game of LoveMinabuti ni Mario na sumaglit muna sa rest house n'ya. May kukunin kasi s'ya para pamprotekta sa sarili n'ya. Nagkalkal s'ya sa drawer, kinuha ang baril at isinuksok sa tagiliran n'ya." Ano ang nangyayari, bakit ka may baril? " nag-aalalang tanong ni Tatay Arman nang makita s'ya nito." Tay, maiwan na lang po kayo rito, kailangan ko pong puntahan si Yumi. "" Sabihin mo nga! Nasaan ba talaga ang Anak ko! " tanong ni Tatay Arman. Lumapit si Mario sa kanya at yumuko sa harapan n'ya." Huwag po kayong mabibigla pero kasi Tay... Dinukot po s'ya. "" D-dinukot? " gulat na sambit ni Tatay Arman. Dahil sa gulat ay nanghina ang tuhod n'ya at napaupo sa sofa." Tay, okay lang po ba kayo? "" N-nasaan ang Anak ko! "" Huwag po kayong mag-alala, nanghingi na po ako ng tulong sa pulis."
Game of LoveNaiuwi na ni Mario si Yumi sa rest house para magpahinga kahit paano naman ay nahimasmasan na ito, medyo tulala pa rin pero nakakausap na naman n'ya. At s'ya naman, lahat ginagawa n'ya para maging maayos ang lahat. Para bumalik sa dati ang samahan nila. Kahit anong paliwanag n'ya kasi sa mga ito sarado na ang puso at isip nila, pinanindigan nila ang pagkakamaling hindi naman nila ginawa ni Yumi." Yumi, dito ka lang muna huh, may aasikasuhin lang ako, " sabi ni Mario. Tinapik n'ya sa braso si Yumi at umalis na. Gusto n'ya kasing makasiguro na kasamang namatay si Chad at ang mga tauhan nito sa pagsabog ng headquarter n'ya at kung maaari pa bang makuha ang bangkay ng Tatay ni Yumi.Naiwang nakatulala si Yumi habang iniisip pa rin ang mga nangyari. Hanggang ngayon, hindi pa rin s'ya makapaniwala kung panaginip lang ang lahat ng ito, gusto na n'yang magising sa katotohanan kung panaginip nga lang ba ang laha
Game of LoveTumakbo kaagad si Mario sa abortion ward pagkatapos ituro ng isang nurse. Sumunod na rin si Kevin kahit hindi n'ya maintindihan ang nangyayari. Ang tanging nasa isip n'ya lang ngayon ay pigilan si Mayumi dahil hindi n'ya naman alam na buntis pala ito, konsensya n'ya pa kung sakali.Pagdating ni Mario sa pinto, tinadyakan n'ya ito. Wala na s'yang pakeilam kung makuha n'ya man ang atensyon ng iba, pagtadyak n'ya ng pinto pumasok kaagad s'ya. Nakita n'ya si Yumi na nakahiga habang nakatingin sa monitor." Yumi! Ano ba ang kalokohan ang pumasok d'yan sa isip mo! Mali ito! Maling-mali! "" Doc! Hindi na n'ya po itutuloy ito. "Umupo si Yumi at yumakap sa kanya nang mahigpit." I'm sorry, hindi ko na alam ang gagawin ko. " Ginantihan s'ya ng yakap ni Mario." Hindi naman ito ang paraan eh. Pangako, tutulungan kita sa operasyon ni N
Game of LovePagkatapos ikwento ni Mario ang buong katotohanan kila Kim at Mark, hilam ang mga luha nilang tumingin sa kanya." B-bakit? Bakit ngayon mo lang lahat sinabi sa 'min ang katotohanan?" emosyonal na sabi ni Kim habang hindi mapigilan na hindi tumulo ang mga luha." Ang tagal na panahon Mario. Lahat kami sobrang sama ng tingin sa inyong dalawa! "" Kim, baka nakakalimutan mo! Lahat na ginawa namin ni Yumi para magpaliwanag sa inyo! Pero anong ginawa n'yo! Pinagtabuyan n'yo kami na para bang mga hayop. Lumuhod ako sa inyo at nagmakaawa lalo na kay Barry! Anong sabi n'ya wala s'yang pakeilam kahit na anong mangyari kay Yumi! Huwag na huwag n'yong isisisi sa 'min kung bakit ngayon n'yo lang nalaman ang katotohanan." Tumayo si Mario at pumunta sa tabi ng bintana, tumingin sa labas." Hindi n'yo alam kung anong hirap ang dinanas ni Yumi bago s'ya ma
Game of LoveAng sarap ng unat ni Yumi pagkagising n'ya. Kinakapa pa n'ya ang eyeglasses sa tabi ng lampshade n'ya pero hindi n'ya makita. Kaya naman kakahanap n'ya nalaglag s'ya sa kama at tuluyang nagising." Aray ko! " sabi n'ya sabay kamot sa parteng tumama sa sahig. Gumapang s'ya hanggang sa makapa ang dingding, ito ang ginamit n'ya para makatayo. Hindi naman gano'n kalabo ang mata n'ya kaso blurd ang paningin n'ya lalo na kapag medyo malayo, hindi s'ya makaaninag ng maayos.Muli s'yang napakamot sa ulo. Para kasing sobrang gaan na ng pakiramdam n'ya. Parang kagabi lang naramdaman n'yang mabigat ang pakiramdam n'ya at ang taas ng lagnat, hilong-hilo pa s'ya. Hindi na nga n'ya ginising si Kim dahil ang sarap ng tulog nito saka nahihiya s'ya kaya naman tiniis n'ya na lang ang bigat ng pakiramdam n'ya." Oo nga, nasaan pala Kim? " bulong n'ya. Pilit n'yang inaaninag ang daan para hanapin ang mga tao sa b