"Boss importante 'to, " sabi ni Blue sa kabilang linya. 'kung hindi lang ito importante hindi ko tatawagan ang demonyong tulad mo! " Blue thought to himself bago niya tinutukan ng baril ang kalaban bago ito pinaputukan. "Siguraduhin mo lang dahil pasasabugin ko ang bungo mo. " pagbabanta nito sa kawawang si Blue. Ngunit dahil na rin sa mga kalaban ay hindi agad nakasagot si Blue na mas lalong kinagalit ni Hendrix. "Bullshit! answer me idiot! " madiing sigaw ni Hendrix sa tauhan na siyang nagpamura dito ng magkakasunod-sunod. Kung hindi lang siya na sa panganib ay hindi niya ito kailanmn tatawagan, ngunit tagilid sila ngayln dahil sa dami ng kalaban na kailangan niyang patumbahin. Gusto ni Hendrix na pagbabarilin ang tangang tauhan niya dahil sa angkang katangahan nito dahil rinig na rinig niya ang pakikipagbarilan nito. Alam ni Hendrix na nasa tagilid na sitwasyon ang tauhan ngunit hindi niya maiwan si Cassandra dahil nangako ito na hindi niya ito iiwanan ngayon. "Boss kailangan
"Patayin silang lahat at walang maiiwan na buhay. " malamig na sambit ni Hendrix. Gustong magmura ng paulit-ulit ni Gray dahil sa binigkas ng lalake dahil maliban sa kanilang tatlo ay wala ng natitirang buhay, isa lang ang ibig sabihin nito at patayin din ang mga mahal sa buhay ng mga taong 'to at walang matitirang buhay ni isa. Wala ni isa ang kumibo sa kanilang dalawa ay nagtinginan lang. Damay na ang pamilya ng mga gago kahit bata pa 'yan o matanda wala silang magagawa kung di ubusin ang mga 'yon. "Susundin ba natin siya? " tanong nito sa kakambal. Hindi nila alam kung kaya ba nilang gawin ang pinapaggawa nito. Nasa benteng katao ang napatay niya ibig sabihin ay kailangan din iligpit ang bawat pamilya nila. Pwede na talagang palitan ni Hendrix si satanas sa impyerno, mas masahol pa ito kay satanas baka nga pati satanas ay lumuhod sa kaniya kapag nagkit silang dalawa. "We don't have a choice, tayo ang mamatay pag hindi natin siya sinunod. " ani ni Blue sa kakambal. Si Gray nalan
Pagkauwi ni Hendrix nakita niya ang mga tauhan niyang nag-iinuman na kinainit ng ulo niya. "Fvck! Mga tarantado! hindi ko kayo pinapalamon at pinapasweldo ng malaki para lamang mag-inom sa oras ng trabaho niyo! Hindi niyo alam na may nakapasok sa kuta ko na mga kaaway dahil sa ginagawa niyo! papatayin ko kayo kapag hindi niyo nahanap ang mga taong 'yon! " nagulat ang mga bantay sa mansyon ng dumagundong ang boses nito sa tabi nila. Nawala ang kalasingan nila dahil sa pagbabanta nito hindi nila malaman kung paanong nakapasok ang mga taong 'yun kung mahigpit naman ang pagbabatay nila kahit umiinom sila. Naisip nina Blue at Gray na tahimik lamang na nakasunod sa demonyong nagwawala na ngayon. Nag-aalala si Hendrix sa babae kaya inuna niyang tinungo ang silid kung nasaan ito ngunit ganoon na lamang ang paninigas niya ng marinig ang usapan ng kung sino sa loob ng silid niya. Kinasa niya ang hawak na baril na kanina pa niya hawak. Inireserba niya ang mga bala na 'yon sa mga pangahas na p
Hindi alam ni Pink kung ilang basong alak na ang nainom niya dahil sa sobrang nerbyos na nararamdaman. Pabalik-balik din ang paglalakad na ginagawa dahil sobrang takot at pag-iisip kung ano nga ba ang dapat niyang sabihin kay Hendrix. Tulala lamang ito at hindi kumikibo, makailang ulit yapang niyugyog ang dalaga ngunit wala pa rin itong reaksyon. Hindi niya alam kung kailan lalabas ang lalake, wala din siyang marinig na ingay mula sa loob ng silid na 'yon. Ang silid na iyon ay ginawa sa ganitong klaseng pagpaparusa. Hindi niya din magawang pumasok dito dahil sa takot na nararamdaman.Hindi niya napansin ang pagkapudpod ng kuko niya dahil sa pagkagat niya na naging dahilan ng pagdudugo. Malnarism na ito ng babae sa tuwing takot o ninenerbyos sila. Ilang sandali pa ng lumabas ang lalake sa silid na iyon, kasunod nito ang dalawang kuya niya. Tulad ng inaasahan niya ay madilim at puno ng galit ang mukha nito. Napaatras siya ng magtama ang mga mata nila, hindi niya magawang titigan ang mga
Paglipas ng mahigit tatlong oras muling pinuntahan ni Hendrix at ang tatlong tauhan niya kung na saan si Cassandra. Hindi na ito tulad kanina na tulala bagkus tahimik lamang ito ngunit makikita sa mukha nito na muli na ngang nakabalik ang dating Cassandra. Aaminin nilang tatlo pati si Hendrix ma gusto nila ang childish na Cassandra kaysa sa babaeng kaharap nila sa mga oras na 'to. Mahinhin ito, tahimik at mahiyain hindi katulad ng Cassandra noon na bibo, masayahin at walang kahihiyan kung ano man ang ipaggaw sa kanila. Pinanitili ni Hendrix ang blankong mukha kahit sa loob-loob nito ay ang labis na kalungkutan. Naupo siya sa isang mahabang sofa habang pinagmamasdan niya ang babae na seryosong kausap si Pink. Nakasunod lamang ang tingin ni Hendrix sa kahit anong galaw ng babae tila ba anumang oras ay mawawala iyon sa kaniya. Pinahigpit niya rin ang mga nagbabantay sa maaaring lusutan ng babae kapag nagtangka itong tumakas. Kahit magmakaawa pa sa kaniya ito o kahit kamuhian pa siya, hi
know, to your office?'------Fbuddy. Hendrix recieved an anonymous letter to his office, ilang empleyado na nga ang nasibak niya dahil sa pagiging tanga ng mga ito. Hinayaan nilang magpapasok ng letter sa loob ng opisina niya na hindi naman nila alam kung anong laman. Gusto niyang pilipitin ang mga leeg nito dahil sa pagiging bobo nila, sa tagal na nilang nagtatrabaho sa kaniya ay hindi pa rin nila alam ang rules na paulit-ulit niyang sinasabi. Kung hindi lang nagkaproblema ang iilan sa mga business niya ay hindi nito iiwan ang reyna niya. Ngunit kailangan niya itong asikasuhin dahil sa mga tangang tauhang hinayaan niyang humawak dito. Nag-iinit ang ulo niya dahil sa babaeng p*ta na nagpadala ng letter sa kaniya. Nanginig ang laman niya dahil sa sobrang galit, paano kung makita ito ng dalaga. Paano kung iwanan o magalit ito sa kaniya? hindi niya hahayaan 'yun kaya bago pa ulit makagulo ang babaeng 'yon ay kailangan na niya itong ligpitin. Lalo pang nakadagdag sa init ng ulo niya ng
Dalawang oras bago siya nakauwi sa mansyon niya bugnot na bugnot siya dahil sa pesteng traffic sa edsa. Ang bulaklak na kanina na fesh ngayon ay hindi na at ang ice cream at tsokolate na parang naging tubig na. ''A-nong nangyare?'' nag-aalalang tanong ni Cassandra ng makitang papasok ang binata. Sinalubong niya ito kahit na may hiya siyang nararamdaman dahil pakiramdam niya ay sobrang normal na lang sa kaniya ang lahat. Nakita ni Henderix ang dalaga na papalapit sa kaniya. "Hendrix," Ani ng dalaga sa kaniya. Mabilis niya itong nilapitan at binigyan ng isang halik sa noo. "How are you, baby?" malambing nitong tanong. Nahihiya man ay inabot nito ang bulaklak at ang lusaw ng tsokolate at ice cream. Nakita pa niya kung paano nagulat ang dalaga at masaya iyong tinanggap. "S-salamat, " simpleng pasasalamat ngunit nagbigay ng matinding ligaya sa binata. "Wala bang kapalit diyan?" tanong ni Hendrix na nagpatigil kay Cassandra sa pagtingin sa mga bulaklak na nasa bisig niya. Nagtataka siy
"Saan ba tayo pupunta, Hendrix? " hindi alam ni Cassandra kung pang ilang beses na niya itong naitanong sa binata na tahimik lamang sa tabi niya. Hindi siya sinasagot nito na lalong kinaiinit ng ulo niya, ang madalas na paghaplos at paghalik sa kaniya ang inaatupag nito. Nasanay na siya sa binata, hindi na bago sa kaniya kung bigla na lamang siyang halikan nito. Wala talaga siyang ideya kung saan sila pupunta pero kung pagbabasehan sa mga suot nila ay siguro sa mall lang ang punta nilang dalawa. "Malls, " simpleng sagot ni Henddrix at muling bumalik sa paghalik sa namumulang pisngi na ngayon ng dalaga. Nakukuntento na lamang ang binata sa simpleng halik sa pisngi at labi nito, gusto man niyang mas gawan ng higit pa roon ngunit hindi niya magawa dahil na rin sa kundisyon ng babae. Ngunit sa oras na gumaling na ito ay sisiguraduhin niyang hindi na ito makakatayo sa gagawin niya. Gustong magmura ni Hendrix dahil sa isiping iyon, hindi iyon nakatulong bagkus mas lalong uminit ang pakira