LOGINHuminga ako nang malalim bago humakbang papalapit sa mesa. Ang bawat kalansing ng aking sapatos sa marmol na sahig ay tila tunog ng kadena sa isang bilangguan. Isa akong preso sa magandang palasyo na ito at isipin ko palang ‘yon ay nagpupuyos na ang loob ko. Hindi ko siya sinagot. Sa halip, naupo ako sa tapat niya—sa parehong upuan kung saan ako nanginginig sa takot labinlimang taon na ang nakararaan.
“Hindi mo ba ako babatiin, Lyara?” pagpapatuloy niya. Ibinaba niya ang dyaryo at tinitigan ako nang diretso. Mas lalong tumalas ang kanyang anyo; ang bente-anyos na lalaki noon ay isa nang ganap na ginoo ngayon. Ngunit ang aura niya—ang pakiramdam na para kang isang biktima sa harap ng isang predator—ay hindi nagbago.
“Good morning, Sir Death,” matabang kong sagot, pilit na pinapatatag ang aking boses sa kabila ng panlalamig ng aking mga kamay sa ilalim ng mesa.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo, at isang mapait na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. “Sir? Pagkatapos ng labinlimang taon na ako ang nagpapaaral at bumubuhay sa iyo sa London, ‘Sir’ pa rin ang tawag mo sa akin?”
“Ano ang gusto mong itawag ko sa iyo? Papa? Tulad ng gusto ni Mommy?” tanong ko nang may halong pait. “Alam nating dalawa na hindi tayo pamilya. I am just a property you decided to keep in ‘pristine condition,’ remember? ‘Yan ang sabi mo noon.”
Nabitawan niya ang kanyang kutsara. Ang tunog n’on sa porselanang pinggan ay naging sanhi ng biglaang pananahimik ng mga katulong sa paligid. Tumayo si Death at dahan-dahang lumapit sa akin. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging sampung taong gulang—maliit, mahina, at walang kalaban-laban.
Tumigil siya sa likuran ko, eksakto sa posisyon sa aking panaginip. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na niya kailangang yumuko nang husto para maabot ako dahil dalaga na ako na ako ngayon at hindi na ang batang ‘yon. Ang takot na takot na batang ‘yon. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat. Ang init ng kanyang palad ay tumagos sa manipis na tela ng aking itim na dress.
“You haven’t lost your spirit. I like that,” bulong niya sa aking tainga, ang kanyang baritonong boses ay nagdulot ng kilabot sa aking batok. “But don’t forget, Lyara. The bird may fly to the other side of the world, but the cage remains here. And now, you are back inside it.”
“Bakit mo ako pinabalik? Patay na si Mommy. Wala na ang kaisa-isang dahilan kung bakit may koneksyon ka sa pamilyang ito,” matapang kong hinarap ang kanyang tingin nang lumingon ako nang bahagya.
Hinawakan niya ang aking baba, pinilit akong tumingin sa kanyang asul na mga mata na tila nagliliyab sa ilalim ng malamig nitong anyo.
“Because the fifteen years of waiting is over, Lyara,” marahan niyang sabi habang hinahaplos ng kanyang hinlalaki ang aking ibabang labi. Isang haplos na hindi para sa isang anak, kundi para sa isang pag-aari na matagal nang inaasam. “The flower has finally bloomed. And I don’t let anyone else pick what is mine.”
Binitawan niya ako at bumalik sa kanyang upuan na tila ba wala siyang sinabing nakakakilabot. “Mag-almusal ka na. Pagkatapos nito, may pupuntahan tayo.”
“Saan?”
“Sa garden,” sagot niya nang hindi na tumitingin. “Gusto kong makita kung natatandaan mo pa ang pangako ko sayo noong bata ka pa.”
Hindi na ako kumibo o sinagot pa ng isang tanong ang sinabi niya dahil ayaw ko ng humaba pa ang usapan namin. Kung maaari nga ay gusto ko ng umalis at pumunta sa silid ko maiwasan ko lamang siya.
Pagkatapos ng almusal namin dalawa na halos wala akong malasahan sa pagkaing halos kalahating oras ko ng nginunguya ay sumunod na ako sa kanya. Lumabas kami patungo sa likuran ng mansyon. Huminto ang mundo ko nang makita ang garden, ngayon ko lamang ito nakita ng malapitan.
Hindi na ito ang simpleng garden na kinalakihan ko. Ngayon, ito ay isang malawak na labyrinth ng mga asul na rosas, gumamela, at mga bihirang halaman na tila nagmula pa sa ibang bansa. Sa gitna nito ay may isang glass pavilion—isang estruktura na gawa sa kristal at bakal, kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw.
“Naalala mo ba?” tanong ni Death habang nakapamulsa. “Sabi ko noon, gagawan kita ng pinakamalaking garden sa bansa. I kept my word, Lyara.”
“Bakit?” tanong ko, habang nakatingin sa mga pulang rosas. “Bakit ka nag-aksaya ng panahon at pera para sa isang batang hindi mo naman kaano-ano?”
Lumingon siya sa akin. Sa pagkakataong ito, wala ang mapanuyang ngisi sa labi niya. Seryoso ang kanyang mukha, at ang hangin sa pagitan namin ay biglang naging mabigat. “Dahil noong unang beses kitang nakita sa hagdan na iyon, suot ang puting dress at ang mga matang puno ng takot pero may kasamang tapang... alam ko na agad. You weren't just a child to be babysat. You were an investment. An obsession.”
Napa-atras ako. “Obsession? Death, sampung taon lang ako noon! Anong klaseng tao ka?”
Humakbang siya papalapit sa akin samantalang ako ay umatras nang umatras, hanggang sa maramdaman ko ang likod ko sa malamig na salamin ng pavilion. “Isang tao na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Binili ko ang mansyong ito hindi dahil sa nanay mo. Binili ko ito dahil sa iyo. I saved your mother’s reputation, paid your grandfather’s debts, and sent you to the best schools in London—all for this moment.”
“Anong moment?” nanginginig kong tanong.
“The moment you realize that you don’t have a choice but to stay,” sagot niya. May kinuha siyang isang itim na folder mula sa mesa sa loob ng pavilion. “Basahin mo ito.”
Nanginginig ang aking mga kamay habang binubuksan ang folder. Doon, nakita ko ang pirma ni Mommy. Isang kasunduan. Isang Last Will and Testament na may mga kondisyong hindi ko kailanman inakala.
“In exchange for the full financial support of Lyara Castellano and the preservation of the Castellano estate, I, Elena Castellano, hereby grant full guardianship and the right of marriage to Death Roosevelt over my daughter, Lyara, upon her return to the Philippines after her 25th birthday.”
Nanlalabo ang aking paningin. Ang mga letra ay tila hindi ko mabasa ng maayos o hindi ko lamang matanggap ang mga nakasulat rito. “Ibinenta ako ni Mommy... ibinenta niya ako sa iyo.”
“Hindi ka niya ibinenta, Lyara. Iniligtas ka niya,” malumanay niyang sabi, pero ang boses niya ay tila lason, lason na maaaring pumatay sa akin. “Kung hindi dahil sa akin, wala na kayong pangalan. Maghihirap kayo. Ginawa niya ang sa tingin niya ay tama para sa kinabukasan mo.”
“Kasal? Death, hindi mo ako pwedeng pakasalan! This is the 21st century! Hindi na uso ang mga arranged marriage!” sigaw ko, itinatapon ang folder sa paanan niya.
Isang malamig na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. Lumapit siya at hinawakan ang aking magkabilang braso, dahan-dahang idiniin ako sa salamin. “Sa mundong ginagalawan ko, Lyara, ang batas ay ako. I waited fifteen years. Do you think I’ll let you walk away now just because you’re shouting about your rights?”
Tumingala ako sa kanya, ang mga luha ay tuluyan nang umagos sa mga mata ko. “Bakit ako? Maraming babae diyan. Mas maganda, mas matalino, mas bagay sa iyo! Bakit kailangang ako ang sirain mo?”
Biglang lumambot ang kanyang hawak, pero nanatiling malapit ang kanyang mukha sa akin. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking noo at idinampi ito nang matagal. “Dahil ikaw lang ang nakakita sa akin sa totoong ako, na tao pa ako at hindi lang basta bagay na gagamitin basta usapang pera.”
Huminto siya at tumingin nang diretso sa aking mga mata. “And since you’ve already seen the monster, you might as well live with him.”
Mariing umiling ako, pilit na kumakawala sa kanyang pagkakahawak. Ang katuwiran niya ay hindi ko maintindihan at isang kabaliwan. “Nababaliw ka na,” angil ko. “Paano? Paano mo ako mapapakasalan? Death, asawa ka ni Mommy! Alam ng lahat—ng buong lipunan, ng mga negosyante, ng mga katulong sa bahay na ito—na ikaw ang asawa ni Elena Castellano! Ang mommy ko! Nababaliw kana ba ah!”
Hindi siya natinag. Nanatili siyang nakatitig sa akin na tila ba isang simpleng problema lamang sa matematika ang sinasabi ko.
“Anong kalokohan ang testamentong iyan? You were her husband!” sigaw ko muli, itinaturo ang mansyong naging saksi sa kanilang pagsasama. “Gusto mo bang maging usap-usapan ang pamilyang ito? Na ang ampon o anak-anakan mo ay pakakasalan mo? It’s sick! It’s scandalous! Hindi iyon papayagan ng batas o ng kahit na sino!”
Dahan-dahang binitawan ni Death ang aking braso. Sa halip na magalit, kumuha siya ng isang sigarilyo at sinindihan ito, ang usok ay dahan-dahang humalo sa malamig na hangin ng garden.
“Asawa?” maikling tugon niya, may bahid ng pangungutya. “Iyon ang akala niyo. Iyon ang akala ng mundo.”
“Anong ibig mong sabihin?”
Humakbang siya patungo sa glass table at kinuha ang isa pang dokumento mula sa ilalim ng folder na itinapon ko. Inabot niya ito sa akin. “Basahin mo ang huling pahina, Lyara. Ang Marriage Contract nina Death Roosevelt at Elena Castellano.”
Kinuha ko ang papel nang nanginginig ang mga kamay. Binasa ko ang bawat linya, bawat pirma. Doon, sa bahagi ng petsa at selyo, ay may nakasulat na malalaking pulang letra: VOID.
“Hindi kailanman naging legal ang kasal namin ng nanay mo,” seryosong pahayag niya. “It was a contract of convenience. Isang palabas para protektahan ang pangalan niya mula sa iskandalo ng iyong tunay na ama at para mabawi ang mga ari-ariang kinuha sa inyo. Binayaran ko ang huwad na huwes. Walang record ang kasal na iyon sa kahit saang ahensya ng gobyerno.”
Nanlumo ako. Napakapit ako sa dulo ng mesa para hindi tuluyang matumba. Ang buong buhay ko—ang labinlimang taon na kinamuhian ko siya dahil sa pag-agaw niya sa atensyon ni Mommy, ang labinlimang taon na itinuring ko siyang ‘stepfather’—ay isang malaking kasinungalingan.
“So... lahat ng ito ay plano niyo na?” tanong ko, halos pabulong. “Mula noong sampung taon ako, hinayaan niyo akong maniwala na mag-asawa kayo para lang... para lang pagdating ng araw na ito, wala akong kawala?”
“Hindi siya ang nagplano, Lyara. Ako,” pagtatama niya, habang dahan-dahang lumalapit muli sa akin, tila isang anino na hindi ko matakasan. “Si Elena ay isang biktima ng pagkakataon, at ako ang kanyang tagapagligtas. Ang tanging hiling ko lang sa kanya ay ikaw. At tinanggap niya iyon dahil alam niyang sa piling ko, hindi ka lang magiging ligtas—magiging reyna ka.”
“Reyna sa isang hawla!” bulyaw ko sa kanya. “Hindi mo ako mahal, Death. Ang tawag dito ay pag-aari. I am not a person to you, I am a trophy!”
Hindi siya sumagot. Sa halip, hinawakan niya ang isang asul na rosas at pinitas ito, dinurog ang mga talulot sa pagitan ng kanyang mga daliri.
“Maniwala ka sa gusto mong paniwalaan,” ang huli niyang sabi bago tumalikod. “Pero ihanda mo na ang sarili mo. Sa susunod na buwan, ang apelyidong Castellano ay mabubura na sa pangalan mo. You will be Lyara Roosevelt. At walang batas, walang iskandalo, at walang sinuman ang makakapigil sa akin.”
Iniwan niya akong mag-isa sa gitna ng marangyang garden wala akong magawa kundi ang panoorin ang bulto ng katawan niya papaalis. Paano ba nangyari sa akin ito? Ano ba ang nagawa kong kasalanan upang parusahan ng ganito? Bakit ako pa? Sabihin mo sa akin, mommy! Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito! Mahinang bulong ko na puno ng galit, umaasang may sasagot sa akin kahit alam ko na sa mundong ito ay wala na akong kakampi. Tanging ako na lamang.
Ang tunog ng katok sa pintuan ay parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa aming dalawa. Doon ako nagising sa kahibangan ko, doon ako natauhan na nagawa ni Death na pasunurin ako.Huminto si Death. Ang kanyang katawan ay nanigas sa ibabaw ko. Ang kanyang paghinga ay mabigat at mabilis din dahil marahil sa pagpipigil. Ramdam na ramdam ko rin ang matigas at mahabang bagay na ‘yon sa hita ko, hindi ko napigilan na hindi pamulahan ng mukha. “Sir Death?” ang boses ni Yaya Celia ay nanginginig mula sa labas. “Pasensya na po sa pag-istorbo, pero... may bisita po kayo sa ibaba. Napaka-importante raw po. Ang mga kasosyo niyo mula sa Singapore, kararating lang.”Mariing nagmura si Death, ang kanyang ulo ay isinubsob niya sa aking leeg habang pilit na kinakalma ang kanyang sarili. Ang kanyang mga kamay, na kanina ay mapangahas, ay mariing nakakapit na ngayon sa mga unan sa gilid ng aking ulo.Huminga siya nang malalim. Dahan-dahan siyang lumayo sa akin, ngunit bago siya tuluyang tumayo, tinit
Ang bawat hakbang ko pabalik sa mansion ko ay tila napakabigat ng mga paa ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa isipan ko ang sinabi ni Death, ang gusto niyang mangyari. Ang daming pagbabago sa buhay ko at hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin kong ayusin. Hindi ako makakapayag sa gusto ni Death na isang kasal? Kasal saan? Pakasalan ako matapos niyang pakasalan si mommy? Isang malaking kahihiyan ‘yon para sa pamilya ko at sa akin mismo na anak ni mommy. Pakakasalan ko ang ex-husband niya? Isang malaking kalokohan.Ang boses ni Death ay paulit-ulit na dumadaloy sa aking isipan: “The flower has finally bloomed. And I don’t let anyone else pick what is mine.” Fuck! Para akong baboy na pinataba muna at ngayong mataba na at pwede ng katayin.Mabilis akong pumasok sa silid ko, dumiretso ako sa banyo, hinubad ko ang lahat ng saplot ko sa katawan bago nagtungo sa ilalim ng shower. Kailangan kong makapag-isip ng maayos, kung paano ako makakatakas sa impyernong mansion na ito.Mabili
Huminga ako nang malalim bago humakbang papalapit sa mesa. Ang bawat kalansing ng aking sapatos sa marmol na sahig ay tila tunog ng kadena sa isang bilangguan. Isa akong preso sa magandang palasyo na ito at isipin ko palang ‘yon ay nagpupuyos na ang loob ko. Hindi ko siya sinagot. Sa halip, naupo ako sa tapat niya—sa parehong upuan kung saan ako nanginginig sa takot labinlimang taon na ang nakararaan.“Hindi mo ba ako babatiin, Lyara?” pagpapatuloy niya. Ibinaba niya ang dyaryo at tinitigan ako nang diretso. Mas lalong tumalas ang kanyang anyo; ang bente-anyos na lalaki noon ay isa nang ganap na ginoo ngayon. Ngunit ang aura niya—ang pakiramdam na para kang isang biktima sa harap ng isang predator—ay hindi nagbago.“Good morning, Sir Death,” matabang kong sagot, pilit na pinapatatag ang aking boses sa kabila ng panlalamig ng aking mga kamay sa ilalim ng mesa.Bahagyang kumunot ang kanyang noo, at isang mapait na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. “Sir? Pagkatapos ng labinlimang taon n
“Siya na ang bago mong daddy ngayon, Lyara! Bigyan mo siya ng respeto dahil mahal siya ni mommy!”“Paano mo po nasasabi na mahal mo siya? Dalawang buwan palang po simula ng mamatay si daddy, mommy! Paano mo napalitan ang daddy ko ng gan’on lamang!” hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko ng mga oras na ‘yon. Ang mga luha ko ay nagsimula ng magpatakan habang madiin na nakahawak sa tinidor ko.Ngunit hindi nagalit si Death. Sa halip, dahan-dahan siyang sumandal sa kanyang upuan, ang mga daliri ay magkakasalabid habang pinagmamasdan ako. May isang mapanganib na kislap sa kanyang mga asul na mata—hindi galit, kundi pagka-aliw.“Let her be, Elena,” utos niya kay Mommy nang hindi man lang ito nililingon. “I like her spirit. Defiance is such a rare quality in a child. It makes the process of... breaking them... more satisfying.”Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin sa 'breaking them,' pero kinilabutan ako. Tumayo si Death at dahan-dahang lumapit sa aking pwesto. Ang bawat yab
Sampung taon gulang pa lamang ako noon. Ang tanging mundo ko ay ang malawak at luntiang garden ng mansion ng mga Castellano. Hawak ko ang aking luma at medyo punit na teddy bear habang nakaupo sa damuhan, pinapanood ang mga paru-paro na naglalaro sa mga bulaklak ng gumamela.“Lyara, anak, huwag kang masyadong malayo sa silong. Baka matuyuan ka ng pawis,” tawag sa akin ni Yaya Celia. Nakaupo siya sa hindi kalayuang bench, abala sa pagtatahi ng ilan sa mga damit ko.“Yaya, tignan mo ang paru-paro, kulay asul! Parang langit,” masigla kong sagot habang itinuturo ang insekto.Ngunit bago pa makasagot si Yaya Celia, napukaw ang atensyon namin ng mga ingay ng sasakyan. Narinig namin ang sunod-sunod na busina ng sasakyan sa tapat ng malaking gate. Maya-maya pa, ang mga katulong na dati ay dahan-dahan lang kung kumilos ay biglang naging-aligaga. May mga tumatakbo bitbit ang mga bagong tabas na bulaklak, ang iba naman ay may dalang mga panlinis na tila ba may darating na bisita.“Yaya, anong me
LYARA’S POINT OF VIEWSampung taon pa lang ako noon, pero ang alaala ng araw na iyon ay parang isang sariwang sugat na hindi kailanman naghilom. I was standing at the top of the grand staircase of the Castellano mansion, clutching my tattered teddy bear, watching the world I knew crumble beneath the weight of a single announcement.The mansion was suffocating. Every corner was draped in expensive white roses, their scent so cloying it made my stomach churn. My mother, Elena Castellano, was glowing. For the first time since my father died, she looked alive—but it was a frantic, desperate kind of life.“Lyara, baby, come down here! Don't be shy!” her voice trilled, echoing against the marble walls.Dahan-dahan akong bumaba sa mahabang hagdan, my small shoes clicking rhythmically. At the bottom of the staircase isang lalaki na may asul na mga mata ang taimtim na nakatitig sa akin."Lyara, I want you to meet someone very special,” my mother said, her hand trembling as she reached for the







