INICIAR SESIÓNBiglang tumunog ang monitor sa pader kaya mabilis na lumayo sa akin si Death. Napatingin ako doon at halos tumigil ang tibok ng puso ko. Nakita ko si Yaya Celia sa isang madilim na bodega, nakagapos at umiiyak.“Isang maling galaw mo, Lyara, at magpapaalam ka na sa tanging taong nag-alaga sa iyo,” banta niya habang nakatingin din sa monitor. “Kaya kung ako sa iyo, matututo kang sumunod. Maliwanag?”“Seryoso ka ba dito? Sasaktan mo si Yaya Celia dahil lamang sa nagsabi siya sa akin nga mga katarantaduhan mong ginawa? Kailangan ba talaga na umabot sa ganito?” “Hindi ito aabot sa ganito, Lyara kung sumunod ka lang sa gusto kong mangyari,” “At iyon ang pakasalan ka?” “Iyon lamang ang gusto ko at kapag ginawa mo matatapos ang lahat ng problemang ito. Kailangan mo akong pakasalan, kailangan mo akong mahalin at kailangan mo akong bigyan ng anak.” “Pakasalan ka nga hirap na ako tapos gusto mo pa ng anak?” Subalit hindi na muling nakasagot pa si Death ng makita ko kung paano siya may pini
Nanigas ang buong katawan ko nang maramdaman ang malamig na daliri ni Death na humahaplos sa aking pisngi. Ang bawat dampi nito ay tila nag-iiwan ng pasong hindi kayang pawiin ng anumang luha. Ang bango ng mamahaling alak at ang matapang na amoy ng kanyang perfume ay tila lason na dahan-dahang lumulunod sa aking katinuan.“Dahil nalaman mo na kung gaano karami na ang kinitil ng mga kamay ko para lang mapunta ka sa akin... sa tingin mo ba ay hahayaan pa kitang makaalis dito?”Ang bulong ni Death ay siyang nagbigay ng matinding kilabot sa buong katawan ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong dumura sa mukha niya, pero tila nawalan ako ng lakas lalo na nang maramdaman ko ang haplos niya sa mga hita ko. “Hayop ka, Death...” nanginginig ang boses ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa nag-aalab na poot. “Ang mommy ko... pinatay mo siya. Ginamit mo siya para makuha ang kumpanya ni Daddy, at ngayon, pati ako ay gusto mong itulad sa kanya?” Isang mapait na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi.
Ang tunog ng katok sa pintuan ay parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa aming dalawa. Doon ako nagising sa kahibangan ko, doon ako natauhan na nagawa ni Death na pasunurin ako.Huminto si Death. Ang kanyang katawan ay nanigas sa ibabaw ko. Ang kanyang paghinga ay mabigat at mabilis din dahil marahil sa pagpipigil. Ramdam na ramdam ko rin ang matigas at mahabang bagay na ‘yon sa hita ko, hindi ko napigilan na hindi pamulahan ng mukha. “Sir Death?” ang boses ni Yaya Celia ay nanginginig mula sa labas. “Pasensya na po sa pag-istorbo, pero... may bisita po kayo sa ibaba. Napaka-importante raw po. Ang mga kasosyo niyo mula sa Singapore, kararating lang.”Mariing nagmura si Death, ang kanyang ulo ay isinubsob niya sa aking leeg habang pilit na kinakalma ang kanyang sarili. Ang kanyang mga kamay, na kanina ay mapangahas, ay mariing nakakapit na ngayon sa mga unan sa gilid ng aking ulo.Huminga siya nang malalim. Dahan-dahan siyang lumayo sa akin, ngunit bago siya tuluyang tumayo, tinit
Ang bawat hakbang ko pabalik sa mansion ko ay tila napakabigat ng mga paa ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa isipan ko ang sinabi ni Death, ang gusto niyang mangyari. Ang daming pagbabago sa buhay ko at hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin kong ayusin. Hindi ako makakapayag sa gusto ni Death na isang kasal? Kasal saan? Pakasalan ako matapos niyang pakasalan si mommy? Isang malaking kahihiyan ‘yon para sa pamilya ko at sa akin mismo na anak ni mommy. Pakakasalan ko ang ex-husband niya? Isang malaking kalokohan.Ang boses ni Death ay paulit-ulit na dumadaloy sa aking isipan: “The flower has finally bloomed. And I don’t let anyone else pick what is mine.” Fuck! Para akong baboy na pinataba muna at ngayong mataba na at pwede ng katayin.Mabilis akong pumasok sa silid ko, dumiretso ako sa banyo, hinubad ko ang lahat ng saplot ko sa katawan bago nagtungo sa ilalim ng shower. Kailangan kong makapag-isip ng maayos, kung paano ako makakatakas sa impyernong mansion na ito.Mabili
Huminga ako nang malalim bago humakbang papalapit sa mesa. Ang bawat kalansing ng aking sapatos sa marmol na sahig ay tila tunog ng kadena sa isang bilangguan. Isa akong preso sa magandang palasyo na ito at isipin ko palang ‘yon ay nagpupuyos na ang loob ko. Hindi ko siya sinagot. Sa halip, naupo ako sa tapat niya—sa parehong upuan kung saan ako nanginginig sa takot labinlimang taon na ang nakararaan.“Hindi mo ba ako babatiin, Lyara?” pagpapatuloy niya. Ibinaba niya ang dyaryo at tinitigan ako nang diretso. Mas lalong tumalas ang kanyang anyo; ang bente-anyos na lalaki noon ay isa nang ganap na ginoo ngayon. Ngunit ang aura niya—ang pakiramdam na para kang isang biktima sa harap ng isang predator—ay hindi nagbago.“Good morning, Sir Death,” matabang kong sagot, pilit na pinapatatag ang aking boses sa kabila ng panlalamig ng aking mga kamay sa ilalim ng mesa.Bahagyang kumunot ang kanyang noo, at isang mapait na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. “Sir? Pagkatapos ng labinlimang taon n
“Siya na ang bago mong daddy ngayon, Lyara! Bigyan mo siya ng respeto dahil mahal siya ni mommy!”“Paano mo po nasasabi na mahal mo siya? Dalawang buwan palang po simula ng mamatay si daddy, mommy! Paano mo napalitan ang daddy ko ng gan’on lamang!” hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko ng mga oras na ‘yon. Ang mga luha ko ay nagsimula ng magpatakan habang madiin na nakahawak sa tinidor ko.Ngunit hindi nagalit si Death. Sa halip, dahan-dahan siyang sumandal sa kanyang upuan, ang mga daliri ay magkakasalabid habang pinagmamasdan ako. May isang mapanganib na kislap sa kanyang mga asul na mata—hindi galit, kundi pagka-aliw.“Let her be, Elena,” utos niya kay Mommy nang hindi man lang ito nililingon. “I like her spirit. Defiance is such a rare quality in a child. It makes the process of... breaking them... more satisfying.”Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin sa 'breaking them,' pero kinilabutan ako. Tumayo si Death at dahan-dahang lumapit sa aking pwesto. Ang bawat yab







