INICIAR SESIÓNNanigas ang buong katawan ko nang maramdaman ang malamig na daliri ni Death na humahaplos sa aking pisngi. Ang bawat dampi nito ay tila nag-iiwan ng pasong hindi kayang pawiin ng anumang luha. Ang bango ng mamahaling alak at ang matapang na amoy ng kanyang perfume ay tila lason na dahan-dahang lumulunod sa aking katinuan.
“Dahil nalaman mo na kung gaano karami na ang kinitil ng mga kamay ko para lang mapunta ka sa akin... sa tingin mo ba ay hahayaan pa kitang makaalis dito?”
Ang bulong ni Death ay siyang nagbigay ng matinding kilabot sa buong katawan ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong dumura sa mukha niya, pero tila nawalan ako ng lakas lalo na nang maramdaman ko ang haplos niya sa mga hita ko.
“Hayop ka, Death...” nanginginig ang boses ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa nag-aalab na poot. “Ang mommy ko... pinatay mo siya. Ginamit mo siya para makuha ang kumpanya ni Daddy, at ngayon, pati ako ay gusto mong itulad sa kanya?”
Isang mapait na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. Binitiwan niya ang aking mukha at lumakad patungo sa bintana, tila ninanamnam ang dilim ng gabi sa labas ng mansyong ito. “Ang mommy mo ay isang mahinang babae, Lyara. Namatay siya sa sarili niyang mga bisyo. Hindi ko kasalanan kung mas pinili niyang lunurin ang sarili sa droga kaysa harapin ang katotohanang kailanman ay hindi ko siya minahal,” malamig niyang saad nang hindi man lang lumingon sa direksyon ko.
Si Yaya Celia na nakayuko ngayon habang nakaluhod sa malamig na sahig habang nakatutok sa kanya dalawang baril na hawak ng mga tauhan ni Mikael. Nanginginig ako sa takot dahil hindi ko alam kung ano pa ba ang kaya niyang gawin sa amin ni Yaya,
Humarap siya sa akin, at sa ilalim ng liwanag ng chandelier, ang kanyang asul na mga mata ay tila nagniningas. “But you... you are different. You have your father’s fire and your mother’s face. Isang perpektong kombinasyon para sa isang koleksyong hinding-hindi ko pagsasawaan.”
“Hindi mo ako pag-aari!” sigaw ko. Susugod sana ako sa kanya pero bago pa ako makahakbang, mabilis akong nahawakan sa magkabilang braso ng dalawa niyang tauhan. “Bitawan niyo ako! Death, pakawalan mo si Yaya Celia! Wala siyang kinalaman dito!”
“Hijo, maaawa ka sa kanya, hindi mo maaaring angkinin ang isang tao dahil hindi ito isang bagay na pwede mong itago o gustuhin,”
“Wala kang kinalaman dito, Celia. Gagawin ko rin ang gusto kong gawin at wala kang magagawa roon. Dalhin niyo siya sa basement.” utos ni Mikael bago sumenyas sa mga tauhan niya bago ito kinaladkad na palabas ng silid ang nagpupumiglas na si Yaya Celia. Ang huling narinig ko ay ang pagmamakaawa ng matanda bago tuluyang sumara ang pinto. Nanlambat ang tuhod ko. Si Yaya na lang ang meron ako, at ngayon, ginagamit niya ito laban sa akin.
Lumapit sa akin si Death, dahan-dahan, dahil sa matinding takot ay siya din paghakbang ko palayo. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang malamig na pader sa likuran ko. Noon pa man bata ako sa tuwing nakikita ko ang asul at walang buhay niyang mga mata ay kinikilabutan na ako. Ngayon pang alam ko kung ano ang mga kaya niyang gawin? Isang dangkal ang layo namin sa isa’t isa bago siya nagsalita kung saan amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya.
“Ngayon, Lyara... pag-usapan natin ang mga patakaran sa bahay na ito,” aniya bago hinawakan ang baba ko at sapilitang itinitingala upang magtagpo ang aming mga mata. “Rule number one: Never, ever try to investigate things that don’t concern you. Rule number two: Every word I say is law. And rule number three...”
Idiniin niya ang pagkakahawak sa akin, sapat para masaktan ako. Subalit hindi ko pinakita iyon bagkus mas lalo kong pinakatitigan siya sa mga mata. “You will call me ‘Daddy’ or ‘Sir Death’ with respect. At sa bawat pagkakamaling gagawin mo, may katumbas na parusa.”
“Hinding-hindi ko gagawin iyon,” pagmamatigas ko. Hinding-hindi ko bibigyan ng respeto ang pumatay sa ama ko at sumira ng pamilya ko.
Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Gusto ko ang katapangan mo. Pero tignan natin kung hanggang saan ang itatagal niyan.”
Sa isang iglap, binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas. Nagpumiglas ako, pinaghahampas ang kanyang likod, pero tila bakal ang kanyang pangangatawan. Dinala niya ako sa isang silid na malayo sa dati kong kwarto—isang silid na walang bintana, tanging isang malaking kama at isang monitor sa pader ang laman.
Ibinagsak niya ako sa kama at mabilis na pumatong sa ibabaw ko. Ikinulong niya ang mga kamay ko sa itaas ng aking ulo gamit ang isa lamang niyang kamay. Ang bigat ng kanyang katawan ay tila sumasakal sa akin.
“B-Bitawan mo ako! Ano ba!” malakas kong sigaw at pilit na binabawi ang mga kamay ko pero hindi ko magawa. Ang lakas niya ni hindi ko siya magawang maitulak.
“Ano ba! Demonyo ka! Pakawalan mo ako sabi!”
“Huwag mo na akong labanan pa, Lyara. Dahil alam naman natin na wala kang magagawa dahil ako pa rin ang guardian mo. May kasunduan din kami ng mommy mo at magpapakasal tayong dalawa.”
Mas lalo akong nanggalaiti sa galit dahil sa sinabi niya. Kasal? Matapos niyang pakasalan ang mommy ko kahit na sabihin nating peke lamang iyon subalit minahal siya ni mommy. Nakikita ko iyon sa mga mata niya noon. “Wala kana ba ni katiting na konsensya? Pakakasalan mo ako? Pakakasalan kita? Ni hindi nga kita matagalan na makasama sa iisang lugar eh!” singhal ko.
“Hindi mahalaga sa akin ang opinion o gusto mo, Lyara. Ang gusto ko ay mamatay ka ng hayop ka!” gigil kong sigaw. Pero ang demonyo ay ngumiti lang na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
Binitawan niya ako pagkuwan at mabilis na tumayo, siya ring pagtayo ko agad at mabilis na isiniksik ang katawan ko sa sulok ng kama. Inayos pa niya ang suot niyang kurbata bago muling bumaling sa akin.
“Dito ka mananatili. Walang telepono, walang internet, walang Yaya Celia. Ako lang ang makikita mo, at ako lang ang kakausapin mo,” mariin niyang sabi.
“Bakit mo ito ginagawa? Bakit kailangang ganito?” humahagulgol na ako. Hindi ko na napigilan pa ang galit na nararamdaman ko. Sa dami ng masasamang tao sa mundi bakit ako? Bakit pa ako?
“Dahil labinlimang taon akong naghintay, Lyara. Labinlimang taon kong tiniis ang kawalan mo habang pinapanood kita mula sa malayo. Inakala mo ba na sa London ay malaya ka? Bawat kilos mo, bawat lalakeng lumalapit sa iyo, alam ko. At ngayon na nandito ka na sa buhay ko, sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala pa.”
Isang matinding kilabot ang gumapang sa buong katawan ko. Ang obsesyon niya ay higit pa sa inaakala ko. Hindi lang pala ito tungkol sa yaman ni Daddy o sa kapangyarihan na sinasabi ni Yaya Celia. May mas malalim pa at hindi tao ang makakaya ang ginagawa niya.
“You’re insane...” bulong ko.
Muli siyang bumalik kung nasaan ako alerto akong umatras subalit wala na akong a-atrasan dahil nakorner na niya ako. Napapikit pa ako ng lumapit ang ulo niya sa gilid ng leeg ko. Para akong sinilaban ng maramdaman ang mainit-init niyang hininga roon.
“Insane for you? Perhaps,” sagot niya bago idiniin ang kanyang mga labi sa leeg ko. “Ano ba!” muli kong pagpupumiglas ng maramdaman ang mariin niyang kagat roon. Halos napapikit ako sa pandidiri at sakit. Ramdam ko ang kanyang pagmamarka, isang paalala na siya ang may-ari sa akin ngayon.
Biglang tumunog ang monitor sa pader kaya mabilis na lumayo sa akin si Death. Napatingin ako doon at halos tumigil ang tibok ng puso ko. Nakita ko si Yaya Celia sa isang madilim na bodega, nakagapos at umiiyak.“Isang maling galaw mo, Lyara, at magpapaalam ka na sa tanging taong nag-alaga sa iyo,” banta niya habang nakatingin din sa monitor. “Kaya kung ako sa iyo, matututo kang sumunod. Maliwanag?”“Seryoso ka ba dito? Sasaktan mo si Yaya Celia dahil lamang sa nagsabi siya sa akin nga mga katarantaduhan mong ginawa? Kailangan ba talaga na umabot sa ganito?” “Hindi ito aabot sa ganito, Lyara kung sumunod ka lang sa gusto kong mangyari,” “At iyon ang pakasalan ka?” “Iyon lamang ang gusto ko at kapag ginawa mo matatapos ang lahat ng problemang ito. Kailangan mo akong pakasalan, kailangan mo akong mahalin at kailangan mo akong bigyan ng anak.” “Pakasalan ka nga hirap na ako tapos gusto mo pa ng anak?” Subalit hindi na muling nakasagot pa si Death ng makita ko kung paano siya may pini
Nanigas ang buong katawan ko nang maramdaman ang malamig na daliri ni Death na humahaplos sa aking pisngi. Ang bawat dampi nito ay tila nag-iiwan ng pasong hindi kayang pawiin ng anumang luha. Ang bango ng mamahaling alak at ang matapang na amoy ng kanyang perfume ay tila lason na dahan-dahang lumulunod sa aking katinuan.“Dahil nalaman mo na kung gaano karami na ang kinitil ng mga kamay ko para lang mapunta ka sa akin... sa tingin mo ba ay hahayaan pa kitang makaalis dito?”Ang bulong ni Death ay siyang nagbigay ng matinding kilabot sa buong katawan ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong dumura sa mukha niya, pero tila nawalan ako ng lakas lalo na nang maramdaman ko ang haplos niya sa mga hita ko. “Hayop ka, Death...” nanginginig ang boses ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa nag-aalab na poot. “Ang mommy ko... pinatay mo siya. Ginamit mo siya para makuha ang kumpanya ni Daddy, at ngayon, pati ako ay gusto mong itulad sa kanya?” Isang mapait na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi.
Ang tunog ng katok sa pintuan ay parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa aming dalawa. Doon ako nagising sa kahibangan ko, doon ako natauhan na nagawa ni Death na pasunurin ako.Huminto si Death. Ang kanyang katawan ay nanigas sa ibabaw ko. Ang kanyang paghinga ay mabigat at mabilis din dahil marahil sa pagpipigil. Ramdam na ramdam ko rin ang matigas at mahabang bagay na ‘yon sa hita ko, hindi ko napigilan na hindi pamulahan ng mukha. “Sir Death?” ang boses ni Yaya Celia ay nanginginig mula sa labas. “Pasensya na po sa pag-istorbo, pero... may bisita po kayo sa ibaba. Napaka-importante raw po. Ang mga kasosyo niyo mula sa Singapore, kararating lang.”Mariing nagmura si Death, ang kanyang ulo ay isinubsob niya sa aking leeg habang pilit na kinakalma ang kanyang sarili. Ang kanyang mga kamay, na kanina ay mapangahas, ay mariing nakakapit na ngayon sa mga unan sa gilid ng aking ulo.Huminga siya nang malalim. Dahan-dahan siyang lumayo sa akin, ngunit bago siya tuluyang tumayo, tinit
Ang bawat hakbang ko pabalik sa mansion ko ay tila napakabigat ng mga paa ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa isipan ko ang sinabi ni Death, ang gusto niyang mangyari. Ang daming pagbabago sa buhay ko at hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin kong ayusin. Hindi ako makakapayag sa gusto ni Death na isang kasal? Kasal saan? Pakasalan ako matapos niyang pakasalan si mommy? Isang malaking kahihiyan ‘yon para sa pamilya ko at sa akin mismo na anak ni mommy. Pakakasalan ko ang ex-husband niya? Isang malaking kalokohan.Ang boses ni Death ay paulit-ulit na dumadaloy sa aking isipan: “The flower has finally bloomed. And I don’t let anyone else pick what is mine.” Fuck! Para akong baboy na pinataba muna at ngayong mataba na at pwede ng katayin.Mabilis akong pumasok sa silid ko, dumiretso ako sa banyo, hinubad ko ang lahat ng saplot ko sa katawan bago nagtungo sa ilalim ng shower. Kailangan kong makapag-isip ng maayos, kung paano ako makakatakas sa impyernong mansion na ito.Mabili
Huminga ako nang malalim bago humakbang papalapit sa mesa. Ang bawat kalansing ng aking sapatos sa marmol na sahig ay tila tunog ng kadena sa isang bilangguan. Isa akong preso sa magandang palasyo na ito at isipin ko palang ‘yon ay nagpupuyos na ang loob ko. Hindi ko siya sinagot. Sa halip, naupo ako sa tapat niya—sa parehong upuan kung saan ako nanginginig sa takot labinlimang taon na ang nakararaan.“Hindi mo ba ako babatiin, Lyara?” pagpapatuloy niya. Ibinaba niya ang dyaryo at tinitigan ako nang diretso. Mas lalong tumalas ang kanyang anyo; ang bente-anyos na lalaki noon ay isa nang ganap na ginoo ngayon. Ngunit ang aura niya—ang pakiramdam na para kang isang biktima sa harap ng isang predator—ay hindi nagbago.“Good morning, Sir Death,” matabang kong sagot, pilit na pinapatatag ang aking boses sa kabila ng panlalamig ng aking mga kamay sa ilalim ng mesa.Bahagyang kumunot ang kanyang noo, at isang mapait na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. “Sir? Pagkatapos ng labinlimang taon n
“Siya na ang bago mong daddy ngayon, Lyara! Bigyan mo siya ng respeto dahil mahal siya ni mommy!”“Paano mo po nasasabi na mahal mo siya? Dalawang buwan palang po simula ng mamatay si daddy, mommy! Paano mo napalitan ang daddy ko ng gan’on lamang!” hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko ng mga oras na ‘yon. Ang mga luha ko ay nagsimula ng magpatakan habang madiin na nakahawak sa tinidor ko.Ngunit hindi nagalit si Death. Sa halip, dahan-dahan siyang sumandal sa kanyang upuan, ang mga daliri ay magkakasalabid habang pinagmamasdan ako. May isang mapanganib na kislap sa kanyang mga asul na mata—hindi galit, kundi pagka-aliw.“Let her be, Elena,” utos niya kay Mommy nang hindi man lang ito nililingon. “I like her spirit. Defiance is such a rare quality in a child. It makes the process of... breaking them... more satisfying.”Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin sa 'breaking them,' pero kinilabutan ako. Tumayo si Death at dahan-dahang lumapit sa aking pwesto. Ang bawat yab







