"Ano naman ang pakialam mo?" masungit na sabi ko.
He chuckled. "I can help you." Dumaan ang roaming waiter at umabot ng dalawang goblet si Eleur. Inabot nito ang isa sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay. "Come on, Thara. Kahit ngayon lang. H'wag mo akong pagsungitan." Napabuga ako ng hangin bago tinanggap ang goblet. "Jaric is already married," he said. Umangat ang kilay ko dito. Ano bang gusto nitong iparating? "I know he's married. Sinabi niya sa akin," malamig kong sabi. He shrugged. "Just trying to warn you, so that you'll not fall in to trap." Napairap ako. Kailan pa ito nagkaroon ng pakialam? Sa halip na patulan ito. My eyes searched for Ireem, ngunit iba ang nahagip ng mata ko. At dahil ilang dipa lamang ang layo nito sa kinatatayuan namin ni Eleur. Kitang-kita ko kung paano dumilim ang mga mata nito sa pagkatitig sa akin lalo na kay Eleur. Anong ginagawa niya dito? Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Naapektuhan ako sa tingin niya. At may hinala akong sinusundan nito ang bawat kilos ko. Kumunot ang noo ko nang may magandang babaeng lumapit dito. She looks at him with tenderness. Kumuyom ang kamao ko. Iniwas ko ang tingin dito at inisang lagok ko ang laman ng hawak kong goblet. Ang lakas ng loob niyang lumandi sa iba, talagang ipapakita niya pa sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong ni Eleur nang magsimula na akong lumakad paalis. "Uuwi na." "Wait, Thara..." Hindi ko na ito pinansin patuloy ako sa paglalakad papalayo dito. Ayaw kong makita si Rozein. Dumaan ako sa mga tao habang hinahanap si Lowie at Ireem. Gusto ko ng umuwi. It was almost one o'clock in the morning. Nasa labas na ako at patungo sa lanai. Akala ko makikita ko ang isa sa kanila dito pero walang tao kahit ni isa. Lumakad ako sa kabilang entrance door para pumasok ulit sa loob. Sinalubong ako ni Shannon nang makita niya ako at pinakilala ako sa kasamang niyang lalaki. A man in his early forties. "Thara..." hinila niya ako papalapit sa kanya. "I want you to meet Governor Rodriguez." Agad na naglahad ng kamay ang Governor. Hindi ko ito tinanggap. Nang mapansin 'yon ni Shannon. Bumulong siya sa akin. "Be a good girl, Thara. H'wag mo akong ipahiya." Huminga ako nang malalim bago tinanggap ang kamay ng Governor. "Tama nga ang sinabi mo, hija. Napakagandang dalaga nitong pinsan mo." I smiled obligingly. Marahang hinila ko ang kamay dito nang mapansing walang balak bitiwan nito ang kamay ko. "It's a pleasure meeting you, Gov," sabi ko. I heard he's one of the wealthiest in the country and no one knows his net worth but that isn't my busines. Saglit na nagpaalam si Shannon dahil may kakausapin siyang kakilala. Dumaan ang roaming waiter malapit sa amin. Kumuha ng dalawang goblet si Governor at inabot sa akin ang isa. Nag-aalangan akong kunin 'yon. Hindi ko gustong malasing ngayong gabi ngunit hindi ko pwedeng tanggihan ang Governor. I took a little sip from my glass. Habang nagkukwento ang Governor, I was bored but managed to show it. Matindi ang pagpigil ko na hindi humikab. Puro pagyayabang lamang sa mga ari-arian ang sinabi nito kaya mas lalo akong inaantok. Nang makita nitong wala ng laman ang goblet ko ay umalis ito at kumuha ng panibago. Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong nilapitan nito si Shannon. Kumunot ang noo ko nang ilapit nito ang bibig sa tenga ng pinsan ko. Bakit kailangan magbulungan? Kahit naman mapalakas ang boses nila walang makakarinig dahil maingay ang paligid. Lumingon si Shannon sa akin at bahagyang nagulat nang makitang nakatingin ako sa kanila. Mukhang hindi niya inasahan 'yon. Isang alanganing ngiti ang ibinigay nito sa akin. Hindi ako makangiti pabalik. Para may kung anong umahon sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. "You're not enjoying, hija. Nakikita kong gusto mo nang umalis," nakangiting sabi ng Governor na hindi ko namalayang nakatayo na sa harapan ko. "I'm sorry, medyo inaantok na ako," nahihiyang pag-amin ko. Natawa ito. "I think you need more glass of champagne." "I had two shots already, Gov." "Wala namang pinagkaiba kung iinom ka pa ng isang shot, Thara," he urged. Napilitan akong tanggapin ang goblet at dinala sa aking bibig. Sumimsim ako ng kaunti, at bago ko pa maibaba may lumapit ng mag-asawang kakilala ng Governor. Napunta ang atensyon nito sa dalawa kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yon para itapon ang ibang laman ng goblet sa ilalim ng mesang nasa tabi ko. Lumipas ang ilang sandali umalis din ang mag-asawa. I covered my mouth with my hand and yawned. Mas lumala yata ang antok ko ngayon. "Sleepy?" nakangiting tanong ng Governor. Tumango ako biglang sagot. "No problem, darling. Maraming available na suite sa hotel na ito. Maaaring kitang samahan papunta doon." Suite? Gumapang ang kaba sa aking dibdib. Nangyari na ang ganito sa akin six years na ang nakalipas. Graduation namin sa college kaya nagkayayaan kaming mag-bar. Nag-offer si Shannon na ihahatid ako sa guest room nang makitang inaantok. Sinama niya ang kaibigang lalaki para may umalalay sa akin. Doon ko lamang napagtanto na may inilagay sa inumin ko kaya hindi ko maintindihan ang katawan ko. Buti na lamang nando'n si Lowie. Agad niya akong inuwi sa bahay bago pa may mangyari sa akin na hindi maganda. Wala akong ibang masisi dahil wala akong ideya kung sino ang naglagay niyon sa inumin ko. And now it was happening again. Pinipilit kong labanan ang antok. Nagtaka ako dahil sobrang antok na ang nararamdaman ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Paano kung nilagyan ng pagpatulog ang goblet na ininom ko? "Hija, kaya mo pa bang maglakad?" Umatras ako nang hawakan nito ang braso ko. "N-no! Hindi ako s-sasama," I said, panic rose in my throat. My eyes searched for Shannon. Ngunit wala na ito sa lugar kung saan ito nakaupo kanina. Kahit umiikot na ang aking paningin pinilit kong makalabas sa hotel. Wala akong pakialam kahit tinatawag ako ng Governor. Tumakbo ako papalayo sa reception area. Huminto lang ako nang maramdamang natutumba ako. sinubukan kung humanap ng maaaring makatulong ngunit walang katao-tao sa lugar na kinaroroonan ko. "Help me, please..." mahinang bulong ko bago dumilim ang paningin ko.Chapter 17"Whoever helped you escape is in big trouble," banta niya."Mag-isa akong tumakas kaya ako lang ang mananagot," sabi ko at lumapit sa kanyang mesa. "Bakit hindi mo naisipang tumakas?" nagtatakang tanong niya."Well," I paused, giving him a small smile. "Hindi ko gustong takasan ang kasalanan ko, at ayaw ko ring may madamay na iba dahil sa kagagawan ko."Naniningkit ang mga matang tinignan niya ako. Para bang binabasa ang laman ng utak ko kung nagsasabi ba ako ng totoo.Tumapat ako sa kanya at umupo, crossing my arms. “Hindi ka ba manghihingi ng sorry? I was actually expecting you to feel guilty for what you did to me last night.”“Kasalanan mo rin 'yon, hinayaan mo ako,” he replied without even glancing at me.“Whatever…" umirap ako sa kawalan. “Actually, I came to ask you something.”Hindi ko maintindihan kung bakit, pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko."I'm not answering any questions from you," aniya habang inaabot ang office line. “
Chapter 16Hindi ako bumalik sa silid ni Mr. Montefiore kagabi. Pinagkasya ko ang sarili sa sofa sa living room. Kahit anong pilit ng mga katulong na papasukin ako sa loob ng silid, nagmamatigas ako. Maaga namang umalis si Mr. Montefiore. Mas mabutin na rin 'yon na hindi ko siya makikita ngayon. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niya. Last night was different from every other nights I've spent here.Hindi ako nakatulog ng maayos. Si Mr. Montefiore lang ang laman ng isip ko. Gusto kong malaman kung bakit gano’n ang naging reaksyon niya sa akin kagabi . Sigurado akong may mali, may iba pang dahilan. May isang bagay akong hindi alam. Ang galit sa pagitan nila ni Rogue, pakiramdam ko, hindi lang dahil sa pagkakamali ng mga magulang nila. Tingin ko ay may mas malalim pang dahilan, at ang 'yon ang gusto kong alamin. Kailangan kong makakuha ng sagot. Kung hindi niya sasabihin sa akin. Ako ang maghahanap ng paraan para makakuha ng sagot. Sino ang babaeng tinutukoy nilang dalawa ng k
Chapter 15 Ang mga malalambot niyang labi ay marahang gumapang pababa sa leeg ko hanggang sa aking collarbone. Napasinghap ako sa sarap, his fingers traced my skin, causing goosebumps to rise all over my body.Ito 'yung matagal ko nang hinahangad the feeling of intimate pleasure.Iniangat niya ang ulo para mahalikan ako. Napangiting sinuklian ko ang mainit niyang halik. Nang lumalim pa ang aming halikan napasabunot ako sa makapal at malambot niyang buhok.Naramdaman ko ang marahan niyang pag-sipsip sa leeg ko, at sigurado akong magigising ako bukas na may mga kiss mark. Ito ang buhay na gusto ko, ang buhay na kasama siya. "Ohhh... Zein..." halinghing ko.Nanigas ang katawan niya nang banggitin ko ang pangalan. Napakunot ako at iminulat ang mga mata ko, gustong kong tanungin kung bakit siya tumigil. Pero nang makita ko ang mukha ng lalaking nasa aking ibabaw. Napasigaw ako. Basa ng pawis ang noo ko nang bigla akong bumangon sa kama, habol-hininga at hindi makapaniwala sa panaginip k
Chapter 14 Gusto kong tumawa sa reaksyon ni Mr. Montefiore pero pinigilan ko. Baka mamaya mahalata niya ang dahilan kung bakit nandito ako sa kanyang office. Gusto kong gumanti sa mga ginawa niya. Hindi ako magpapatalo.Napansin kong tutok na tutok siya sa screen sa kanyang harapan, halatang pinipilit niyang hindi akong pansinin. Pero hindi ko rin maiwasang mapansin ‘yung bahagyang paniningkit ng kanyang mga mata na biglang tumingin sa direksyon ko, para bang may laser beams na gusto akong paalisin. All I did was smile innocently at him before I continued humming. “Would you please stop!” pigil niyang sigaw.Tumingin ako sa kanya. “Ano bang ginawa ko?”“You know what you’re doing! Tigilan mo na, hirap na hirap na akong mag-concentrate dito.”“Okay, whatever you say,” sagot ko sabay ngiti.Tumayo ako at naglakad-lakad sa loob ng opisina niya. Dumiretso ako sa bookshelf at naghanap ng pwedeng basahin. Sinulyapan ko siya ng may pilyang ngiti.“Why are you staring at me?” tanong ko.He
Chapter 13Kapwa kami napatingin nang may kumatok sa pinto. Bumukas 'yon at pumasok ang isang babaeng may maikling buhok. "Good morning, sir Rozein," magalang na bati nito. Nakaupo pa rin ako sa sahig kaya siguro hindi ako nito napansin. Pero nang mapunta ang tingin nito sa akin, kaagad nanlaki ang mga mata ng babae. Napatayo naman ako kahit nananakit pa ang pwetan ko. "Thara?" Mr. Montefiore called out my name in full and as usual, my stomach acted funny."Yes?" malamig kong sagot."Lumabas ka muna. I want to discuss something with my secretary." He ordered.Hindi ako sumagot. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago tinignan ang kanyang secretary at ngumiti. Inilahad ko ang kamay dito at nagpakilala.“Hi, I'm Thara Guanzon. Hostage ako ng Boss mo,” nakangiting kong pagpapakilala.Bahagyang nagulat ang babae sa sinabi ko pero kaagad ding nakabawi. Muntikan pa ito matawa.Mr. Montefiore made a sound of annoyance at the back of his throat, pero hindi ko na siya pinansin. Tinanggap ng s
Chapter 12 Maghahating-gabi na nang bumalik sa silid si Mr. Montefiore kagabi. Kung saan man siya galing ay hindi ko alam. Nagkunwari akong tulog, at tahimik na pinakinggan ang kilos niya. Nang hindi makatiis, dumilat ako at tinignan siya. Mula sa bintana, natanaw ko siyang nakatitig sa madilim na karagatan. Kumunot ang noo ko nang mapansing may suot na siyang damit. Saan naman kaya siya kumuha niyon? Pinagmasdan ko siya. Mukhang malalim ang kanyang iniisip. Pero umaasang akong tungkol ‘yon sa pagbalik niya sa akin sa El Allegres. Dalawang araw na simula nang mawala ako, sigurado akong alalang-alala na ngayon ang mga pinsan ko. Makalipas ang ilang sandali lumakad siya papalapit sa kama. Agad na sumikdo ang dibdib ko. Akala ko tatabi siya pero nagkamali ako. Naglatag siya ng kumot sa sahig at kinuha ang unan na inilagay ko sa gitna ng kama. Kalahating oras ang hinintay bago siya nakatulog. Ang sinabi niya sa akin nang magkasagutan kami ay nanatiling laman ng utak ko. Anong