Share

Bestfriend

Tahimik ang kuwarto ng magising ako. Ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa hita. Binalewala ko ito sa isip, dahil naalala ang unan na nakaharang sa gitna. Humikab ako. Ang buhok ay nakaharang sa aking mukha. Napasarap ako ng tulog.

'Anong oras na kaya?'

Nakakatamad namang bumangon, parang ang sarap matulog buong maghapon. Niyakap ko pa ng husto ang unang nakaharang. Inamoy pa ito at sininghot. Napamulat ako ng mga mata. Parang may nag-iba. Alalang-alala ko pa ang kalambutan ng unan, ba't biglang tumigas ito? Katulad ng kulay ng punda puti rin ang  telang nakita.. pero teka, hindi na yata unan ang kayakap ko?!

Bumalikwas ako ng bangon medyo hingal dahil sa gulat. Tama ako ng hinala! Tao na ang kayakap ko at ang unan na nakaharang ay nasa paanan ko na!

Nakita ko pa kung paano siya nakadagan sa aking hita, ang mga braso niya'y nakapulot pa sa baywang!

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status