Share

HOTTEST MISTAKE SERIES: UNSTOPPABLE LUST
HOTTEST MISTAKE SERIES: UNSTOPPABLE LUST
Author: Madame Marites

CHAPTER 1. BLIND DATE GOES WRONG

Iba talaga ang nararamdaman ko kapag nakikita si Piolo Pascual sa telebisyon. Siya ang ideal man ko at walang makakapantay sa kanya. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend balang araw sana kagaya din niya na gwapo at matipuno ang katawan. 'Yun bang titigan mo lang parang malalabasan kana kahit hindi ka naman niroromansa.

Napakagat labi ako sa aking bibig ng makita kong hinubad nito ang kanyang damit.

"Erin! Nandiyan kana naman at nakatunganga kay Piolo. Hindi ba sinabi ko sa'yo na maghanap kana kasi ng lalaki para may maglalaro diyan sa ano mo!" ani ni Shanella sa akin at malakas na tumawa.

Binato ko naman siya ng popcorn na kinakain ko. "Eh, ikaw naman ang may gusto na manood tayo ng hot movie ni Piolo eh!" sabi ko naman sa kanya.

Tumayo ako sa couch at pinatay ang tv. Basta nakikita ko si Piolo nagiging bastos na rin ang kaisipan ko. Wala pa naman akong experience sa mga kabastusan na bagay, no boyfriend since birth kasi ako. Wala pa sa bukabolaryo ko ang mainlove dahil focus muna ako sa trabaho ko at gusto ko maging mayaman balang araw. Pero syempre kunwari lang 'yun, talagang walang nanliligaw sa akin ngayon. Baka totoo nga na isinumpa ako pagdating sa pag-ibig. Nakakatakot din kasing magmahal dahil baka maloko at masaktan lang ako. Nakikita ko kasi si Shanella na palagi nalang umiiyak dahil sa lintek na pag-ibig na 'yan.

Napatingin naman ako kay Shanella na busy sa kanyang telepono. Malamang si Lino na naman ang kachat niya buong magdamag.

"Nakakakilig talaga 'tong bago ko!" aniya habang nakangiti pa sabay pikit na akala mo hinihimas ang tinggil niya.

"Bago?! Matagal na kayo ni Lino hindi ba? May 1 month na ba?" tanong ko naman sa kanya.

Napangiwi siya nang mabanggit ko ang pangalan ni Lino.

"Inday, wala na kami ni Lino nagbreak na kami noong nakaraang araw lang," aniya sabay tinaasan ako ng kilay.

Hindi na naman bago sa akin na marinig iyon. Sanay na naman kasi siyang magpalit-palit ng lalaki. Ganyan talaga ang ugali ni Shanella, hindi mo masabi kung ano nga ba ang gusto niya pagdating sa pag-ibig.

"Sino ang nagbreak?" tanong ko naman sa kanya.

"Sino pa ba edi siya!" aniya.

Humalakhak ako sa tawa. "Alam ko naman 'yun eh! Plibhasa kasi hindi ka makuntento sa isang lalaki lang!" sabi ko naman.

"Wow! Hindi naman kasi ako katulad mo eh, kita mo ang tanda mo na single kapa rin! Walang nagmamahal sa'yo!" aniya.

Hindi naman ako umimik at napailing nalang. Alam ko na broken hearted na naman siya ngayon pero ayaw niya lang ipahalata sa akin.

"You know what Erin, bakit hindi ka makipag blind date nang sa ganoon ay magkaroon kana ng prince charming. Oh, ito may ipapakilala ako sa'yo!" Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya at may nakita akong picture ng lalaki doon. Pogi naman ang lalaking iyon mukha siyang taga Turkish.

"Single ito at naghahanap rin ng true love kagaya mo kaya baka naman bumagay kayo sa isa't-isa," ani ni Shanella sa akin habang nakangisi pa.

"Shanella, wala akong tiwala sa mga ganyan. Baka naman poser 'yan 'no! Iyon bang ang pogi sa picture pero sa personal ang jologs naman!" sabi ko sabay kamot sa batok ko.

"Ano kaba susubukan mo lang naman!" Hinila niya ako papunta sa closet niya. Nandito kasi kami ngayon sa room niya at dito ako matutulog because she ask me. Matatakotin kasi si Shanella kaya mas gusto niyang palagi kaming magkasama.

May kinuha siyang pulang red fitted dress at pilit niyang isinusukat iyon sa akin.

Sa sobrang kakulitan niya ay hinayaan ko nalang siya. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko na makipag blind date total single naman ako. Kahit wala pa naman sa akin na magkaroon ng kasintahan pero sasakyan ko nalang ang gusto ni Shanella.

"Oh ayan naman pala eh! Sobrang ganda at bagay sa'yo ang damit kong 'yan! Lumalabas talaga ang kaseksihan at kaputian mo Erin. Tiyak na kapag makikita ka ni Elon siguradong maiinlove sa'yo 'yun!" aniya.

"Elon?" nakakunot-noong tanong ko naman.

"Oo, Elon ang pangalan ng lalaking ka blind date mo ngayon! Maupo kana nga at aayusan kita!" aniya.

Sinunos ko naman siya. Nilagyan niya ng make up ang mukha ko at kaunting lipstick para maging kissable naman ang bibig ko.

"Sa wakas day, baka si Elon na makakadilig sa'yo. Ang swerte naman niya kapag nagkataon dahil virgin kapa!" sabi pa niya sa akin. "Pero ang mahalaga naka condom lang ha!" dagdag pa nito.

"Condom?! My God, sa buong buhay ko hindi pa ako nakakita ng condom Shanella. Alam mo ikaw talaga ang bastos nang utak mo. Tsk!" sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Joke lang! Ito naman hindi mabiro alam ko naman na may pagka Maria Clara ka eh! Kaya hindi nakakapagtaka na hanggang ngayon virgin kapa rin," sabi niya sa akin.

Hindi na ako sumagot sa kanya kaya naman hinila niya ako palabas ng room niya. Nagbantay kami ng taxi sa labas para pumunta sa restaurant kung saan kami magkikita nang Elon na iyon. Habang nasa byahi palang kinakabahan na ako.

"Shanella, baka naman manyak ang Elon na 'yun ha!" sabi ko sa kanya habang nagbabyahi.

"Erin, mabait si Elon maniwala ka sa akin. Kami ang palaging nag-uusap kaya alam ko!" sabi naman nito.

Hindi mawala ang mga ngiti ni Shanella habang papunta kami kay Elon na 'yun. Hindi na ako umimik pa hanggang sa nakarating na kami sa restaurant.

"Day, hihintayin nalang kita dito sa labas ha. Call mo lang ako kung mag one night stand na kayo!" aniya.

"Loka loka ka talaga ano!" inis na sabi ko naman at dumiretso na sa loob ng restaurant.

Ang sabi niya kay Shanella naka checkered siya at naka pantalon kaya inikot ko ang aking mga mata sa loob ng restaurant. Isang lalaking nakatalikod ang nakita ko. Hindi na ako maaring magkamali ito na 'yung sinasabi ni Shanella na si Elon.

Naka checkered siya at tiningnan ko ang pang ibaba niya at nakita ko rin na nakapantalon.

Dahan-dahan aking lumapit sa kanya kahit na kinakabahan ako.

"H-Hi!" utal na bati ko sa kanya.

Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Parang 'yung sa movie lang ni Piolo Pascual na slow motion.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang totoong itsura ng Elon na 'yun.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at parang naiihi ako sa sobrang hiya.

"Hi, ikaw ba 'yung sinasabi ni Shanella na kaibigan niyang si Erin?" tanong naman nito sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung magsasabi ba ako ng oo o hindi.

Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin. "I am Elon," aniya at ngumiti.

Parang naduling ang mga mata ko nang ngumiti siya. Hindi ito ang inaasahan ko.

"Maupo ka!" aniya sabay hila sa isang upuan na nasa kanyang harapan.

"N-Naku, h-hindi na kasi aalis naman ako kaagad. Pumunta lang ako para magkakilala tayo!" sabi ko naman.

Nakakaloka talaga ang buong akala ko ay taga Turkey siya dahil sa itsura nito sa kanyang profile.

Napangiwi ako nang minasdan ko ang kanyang itsura at porma. Naka checkered nga siya pero iyon bang maluwag tapos ang pantalon niya may designe pa na butas butas pero hindi naman bagay sa kanya. Naka sapatos siya nang Nike pero kulay pink din. Talagang hindi ito ang inaasahan ko, higit pa siya sa jologs.

"Erin, mag-usap muna tayo sayang naman at nakapag order na ako ng pagkain," aniya na parang nalulungkot pa.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pero nang makarating ang kanyang mata sa legs ko nakita ko siyang napakagat labi.

"S-Sige alis na ako Elon!" Sinubukan kong tumakbo palabas ng restauran pero malakas niya akong hinila.

"Wait lang naman oh! Alam ko na nadissappoint kita dahil hindi ako 'yung nasa profile ko! Pero hindi ka naman makikipag kita sa akin kung nalaman mo kaagad na ito ang itsura ko hindi ba?!" aniya.

"At talagang ako pa ang sinisi mo? Sisihin mo 'yang sarili mo dahil nagsinungaling ka. Kaya lang naman ako nakipag kita sa'yo dahil excited ako makakita ng gwapong lalaki na parang taga Turkey pero ito lang pala ang madadatnan ko?! Diyos ko! Hindi sa nilalait kita ha pero it's all your fault because you lied to us!" sabi ko sabay bilis na tumakbo palabas ng restaurant.

Nang makarating ako sa kinaroroonan ni Shanella kaagad ko siyang hinila.

"Day, anong nangyari?!" takang tanong naman nito. Napatingin siya sa bandang likod ko. "Sino ang unggoy na 'yan na humahabol sa'yo?!" dagdag pa niya.

"S-Siya si E-Elon!" Hingal na hingal ko pang sabi.

"Ano?!" gulat naman niyang sagot sabay hila sa akin palayo sa lugar na 'yun. Para kaming hinahabol nang Baranggay sa bilis ng pagkakatakbo namin. Mabuti nalang at may napadaan na taxi kaya kaagad namin itong pinara. Nang makasakay na kami pakiramdam ko pareho kaming nakahinga ni Shanella ng maluwag. Nagtinginan kaming dalawa at sabay na nagtawanan.

"Di'ba tama ako na poser lang 'yun?!" sabi ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot at tumatawa lang siya ng malakas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status