Share

Chapter 8.

Author: Ecrivain
last update Last Updated: 2025-08-25 13:51:58

STABLE NA ang lagay ni Renoche. Mabuti na lang at walang organ ang natamaan ng patalim. Iyon nga lang ay kinailangan niyang salinan ng dugo dahil sa dami ng nawala sa kanya. Lahat sila ay nag-iisip at hindi malaman kung ano ang gagawin.

Si Razel ay nagpalakad-lakad sa gilid ng kama ng kapatid habang si Radney at Raikko ay tahimik na nakatayo sa kabilang gilid.

“Paano natin sasabihin kila mom at dad ang nangyari kay Noc? Hindi na kayo makakapagsinungaling sa kanila dahil may nasaktan na,” ani Rad.

“Hindi kami, tayo. Kasama ka na rin dito, Rad,” si Razel.

“Anak naman ng teteng, o. Idinamay niyo pa ako imbes na nagsasaya ako sa club,” palatak nito.

“Pwede bang tigilan mo ang pagmamaktol mo? Bakla ka ba?” pakli niya. Natahimik naman ito at napakamot na lang sa ulo.

“Kailangan nating umisip ng paraan para itago ito kila mommy,” ani Razel na tumigil na sa paglalakad at hinarap sila.

“Paano? Malapit nang lumiwanag at hindi tayo agad makakabalik sa bahay dahil sinasalinan pa si Noc ng dugo,”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 22. Do You Like Me

    MATAPOS ang almusal ay nagtungo na si Raikko sa loob ng bahay. Ang ina ay dumiretso sa kusina para magluto naman ng panangahalian. Paakyat na siya sa hagdanan nang matanaw niya si Rose. Nakatalikod ito sa gawi niya at tila nagpupunas ng mga display na figurine sa kahoy na estante. Napakunot noo siya nang maulinigan na tila may sinasabi ito. Dala ng kuryosidad ay naglakad siya palapit rito. “Sino naman ang nobya niya? Wala naman siyang ipinapakilala sa ‘min,” tila sarili nito ang kinakausap. “Teka ako ba ang tinutukoy niya?” sa isip-isip na tanong niya. Imbes na gambalainn ito ay tila nalibang pa ang binata na pakinggan at panoorin ito. Wala namang alikabok ang mga display pero tila ba galit na galit ito sa pagpupunas. Raikko rested his chin in his hand and stayed behind her. Akala niya ay may sasabihin pa ito pero bigla itong humarap. Napasinghap ito nang makita siyang prenteng nakatayo roon. “K-Kanina ka pa ba r-riyan?” nauutal na tanong nito. Imbes na sagutin ito ay naglakad s

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 21. Indirect Questions

    MATAPOS ang nangyaring pista sa bayan ng Unisan ay nagsimula rin ang pag-usbong ng closeness sa pagitan nila Raikko at Rose. Tila nawala ang pader na humaharang sa pagitan nila. Naging komportable sila sa isa’t isa at sa araw-araw na kasama niya ito sa isang bubong ay nalaman niyang hindi ito mahirap pakitunguhan.Simple lang si Rose. Masayahin, mahinhin ngunit nakikita niya ang malakas na dating nito. Sa halos isang buwan na pananatili nito sa kanila ay malapit na ito sa lahat ng miyembro ng kanilang pamilya lalo na sa kaniyang ina.Sa katauhan nito ay tila nagkaroon ng anak na babae ang kanyang ina at gusto niya ang nakikitang kasiyahan sa huli. Gaya na lang ng araw na ‘yon na nadatnan niya sa garden ang ina at ang dalaga na magkasamang dinidiligan ang mga tanim na bulaklak.“O, hijo, nariyan ka pala. Ang aga mo yatang nagpunta sa farm?” tanong ni Rio nang makita siya. Bago pa lamang sumisikat ang araw at kagagaling niya lang sa sagingan.Humalik siya sa pisngi ng ina at nginitian

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 20. Threat

    “ANONG sabi mo?!” Nagngangalit ang mga bagang na tanong ni Lucio kay Leon ng ipagbigay alam nito sa kanya ang kinaroroonan ni Ursula.Nasa tinitirahan niya siyang kubo at kararating lang nila Leon mula sa kapatagan. Agad na sumalubong sa kanya ang balita na nakita na ang nag-iisa niyang anak. Kalat na ang dilim sa labas at tanging huni na lang ng mga kuliglig ang naririnig nila.“Tama kayo ng narinig, amo. Tinakasan ako ni Ursula para sumama sa lalaking haciendero na ‘yon,” tila nagpapaawa pa si Leon nang sabihin ‘yon.Humigpit ang kapit ni Lucio sa ulo ng kwarenta y singko na nakasuksok sa tagiliran niya. Labis ang pag-aalalang nararamdaman niya iyon pala ay ligtas naman ang kanyang anak. Ang hindi lang niya lubos maisip ay kung paano nitong nagawang hindi magpaalam sa kanya. Bagay na hindi nito ginagawa. Hindi naglilihim si Ursula sa kanya. Maging ang tahasan nitong pagtutol sa pagpapakasal kay Leon ay alam niya. Ngunit wala siyang magawa dahil may utang na loob siya sa kanang kamay

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 19. Danger

    “SINO BA ang babaeng ‘yan at parang tuwang-tuwa sa kanya ang mga De Mario?” tanong ng isang babae mula sa crowd habang masamang nakatingin sa dalagang kasayaw ngayon ni Raikko.“Nakakainggit naman siya. Kanina pa siya pinag-aagawan ng magkakapatid,” turan naman ng isa pa na tila nangangarap habang nanonood.“Anong nakakainggit diyan e, hindi naman siya maganda,” mataray na turan ng isa pa.“Saan ba nanggaling ‘yan? Mukhang hindi naman ‘yan tagarito,”Natigil sa paglalakad ang grupo ni Leon nang matanawan ang mga nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran. Partikular na sa babae’t lalaki na magkadikit habang marahang sumasayaw.Humithit siya sa yosi at basta na lang iyong ibinuga sa mga kababaihang nasa harapan niya.“Ano ba ‘yan ang sakit naman sa ilong ng usok,” palatak ng isa sa mga ito at lumipat ng pwesto.Nakakaloko siyang ngumisi dahil iyon ang nais niya, ang umalis ang mga sagabal sa daan niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid, hinahanap ang babaeng matagal na niyang hinahana

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 18. Dancing with the De Mario's

    NAGKAKASAYAHAN ang lahat sa buong hacienda. Kalat na ang dilim pero buhay na buhay pa rin ang paligid dahil sa maliwanag na ilaw na nagmumula sa bawat poste, pati na rin sa malakas na disco music na nagmumula sa malalaking sound system.Ang mga matatanda ay tuwang-tuwa na nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran ng mga De Mario habang ang mga kadalagahan naman ay tila naghihintay na lapitan sila ng mga kabinataan. Pero sa tingin ni Ursula ang talagang hinihintay ng mga ito ay ang mga binatang De Mario na sa tingin niya ay wala namang hilig sa mga ganitong pagtitipon. Well, maliban sa isa, si Radney na kanina pang nakikipagsayawan sa kung sino-sinong babae.Kahanay niya sa isang mahabang mesa ang mag-asawang Rio at Rocco, kabilang sina Ric na nasa kaliwa niya at sa kanan naman si Raikko na tahimik lang na nanonood. Katabi pa nito si Razel na kahit papaano ay pumapalakpak sa saliw ng musika.“Mga anak bakit hindi kayo maghanap ng maisasayaw na dalaga? Maaga pa, ‘wag niyong sayangin ang

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 17. Safe and Secure

    NAGISING si Ursula sa mararahang katok mula sa pintuan ng silid niya. Pupungas-pungas siyang bumangon at kinusot-kusot pa ang mga mata. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya si Razel na nakatayo roon. Nakabihis ito ng black buttoned-down shirt, khaki shorts, at slip on shoes. Ang buhok nito ay naka-brush on na lalong nagpalakas ng appeal nito.“Wow, ang gwapo mo ngayon a? May date ka bang kasama?” tanong niya at nginitian ito.Ngumiti ito at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Salamat. Wala akong date pero siguradong itutulak na naman ako ni mommy mamaya sa mga kadalagahan na pupunta,” tugon nito na napapakamot pa sa batok. “Siya nga pala pinapatawag ka na ni mommy para sa maikling panalangin,” anito.“Oo nga pala. M-MAliligo lang ako ng mabilis at bababa na rin ako. Pakisabi kay Tita bigyan ako ng twenty minutes ha?” isinara niya ang pintuan para lang muling buksan iyon. “Salamat,” pahabol na sabi niya sa binata na muling napalingon pagkaraan ay tuluyan na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status