"Bye, lolo. Bye, papa," masayang paalam ni Hara sa kaniyang lolo at ama.
"Sigurado bang hindi kayo sasama? Aba, gusto rin kayong makita ni kumpadre." Ang tinutukoy ng lolo ni Hara ay ang matalik na kaibigan nitong nasa Bulacan.
"Ayaw kong makita ang mayabang mong kaibigan," nakasimangot na sagot ng Lola Candida ni Hara.
"Matagal na iyang away n'yo. Isa pa, minahal ka rin niya dati." Malumanay ANG pagkakasabi noon ng lolo ni Hara pero lalong sumimangot ang Lola Candida niya.
"Sige na, umalis na kayo at mahaba pa ang byahe ninyo. Kung ano-ano pa ang mga sinasabi mo diyan. Kunwari ka pang hindi nagseselos. Halos ayaw mo ngang nilalapitan ako noon." Pagtataboy ng ginang sa matandang Del Puedo.
Namilog ang mata ng labing-limang taong gulang na si Hara dahil sa mga naririnig niya. Kinikilig siya sa usapan ng kaniyang lolo at lola. Inilagay pa niya ang mga kamay sa kaniyang pisngi at iginalaw-galaw ang katawan habang nakabuka ang kaniyang bibig.
Hindi lingid sa mga Del Puedo na dating niligawan ng matalik na magkaibigang sina Felecedario Santillano at Ernesto Del Puedo ang kanilang Lola Candida. Ngunit mas pinili ng lola nila si Ernesto.
Noong una ay nagkaroon ng alitan ang dalawang magkaibigan. Hangggang sa tuluyang lumipat ng Bulacan ang mga Santillano pero paglipas ng panahon ay muling nagtagpo ang dalawa. Nagkapatawaran sila at kinalimutan ang nakaraan.
Matagumpay na may ari ng isang malaking farm ang mga Santillano sa Bulacan. May isang anak si Felecedario sa kaniyang napangasawa at meron lamang isang apo. Ang alam ng lolo nila ay sa America na naninirahan ang mga ito at si Felecedario na lamang ang nasa Pilipinas. Hindi sumama ng matandang Santillano sa anak dahil ayaw raw nitong iwan ang namayapang asawa.
Dahil maayos na ulit ang relasyon ng magkaibigan kaya napapadalas ang pagbisita nina Ernesto sa Bulacan dahil sa mga imbitasyon ni Felecedario. Katulad ng araw na iyon, pupunta na naman ulit ang lolo ni Hara doon.
"Mag-iingat kayo rito ha. Hindi yata uuwi sina Fausto. Marami raw kailangang tapusin si Mia sa paaralan. Sa ospital na gustong manirahan ng isang iyon. Mabuti pa itong si Fernando, malaking tulong sa hacienda." Paalala ng lolo ni Hara.
"Sige na, kami na ang bahala rito. Dumaan kayo ng Manila at kumustahin n'yo si Marcela at ang apo natin doon." Ang tinutukoy ng kaniyang lola ay ang bunsong anak nito at ang apong si Klein na noon ay bata binatilyo na rin.
"Oh, s'ya sige. Paroroon na kami," paalam ng kaniyang lolo at papa. Masaya pang kumaway si Don Ernesto at Fernando sa noon ay to flying kiss na si Hara.
Buong maghapon ay naging abala si Hara sa pagbabasa ng pocketbooks. Hinayaan lang naman siya ng kaniyang ina na busy naman sa kusina. Sabado kaya walang pasok sa paaralan. Paminsan-minsan ay lumalabas sa silid niya ang dalaga upang kumuha ng pagkain sa kusina. Hindi kasi nasanay ang dalaga na nag-uutos sa mga katulong dahil gusto ng mama niya na matuto siyang huwag laging nakaasa sa iba.
Ang lola niya ay sumaglit sa taniman ng mga gulayin at tiningnan kung may maaani na ba mula roon. Dumaan na rin ito sa kaibigang si Aling Martha na isa rin sa mga trabahador. Nagbilin pa ang donya sa anak ng kaibigan niya na dalhan sila ng mga gulayin sa mansiyon.
Hapon na, walang takot si Hara na tumambay sa labas ng mansiyon. Malayo ito sa kabahayan ng mga tauhan nila pero ligtas naman sila rito kaya walang pakialam ang dalaga. Dala-dala pa rin niya ang pockebook na hindi niya binitawan hanggang sa hindi iyon natapos basahin. Pagbasa ang isa sa mga hilig niya kaya naman madalas ay napapagalitan siya ng kaniyang mama dahil hindi na raw niya minsan nagagawa ang ibang gawain sa paaralan.
"Hara, bago magdilim pumasok ka na ha. Iisang katulong lang ang meron tayo ngayon kaya tumulong ka sa kusina," sabi ng ina ng dalaga.
"Hmmp! Bakit po kasi mama pinauuwi n'yo pa sa bahay nila ang mga katulong tuwing gabi? Kahit isang lalaki wala man lang tayong kasama ngayon."
"May pamilya rin sila Hara. Kailangan rin sila ng mga anak at asawa nila."
"Mga dalaga na lang kaya ang kunin natin para hindi na sila uuwi pa sa gabi para kapag ganitong tayo lang nina lola ay may makakasama tayo."
"Itong batang ito ang daming alam. Tama ng andiyan si Manang Ester. Isa pa,ano bang ikinatatakot mo?" Ang tinutukoy ng mama niya ay ang mayordoma. Matandang dalaga ito kaya hindi umuuwi sa bahay ng mga kamag-anak.
"Hindi naman po ako takot. Hindi lang ako sanay na tayo lang ang naiiwan rito. Nakakainis naman kasi si Mia, hindi man lang pinayagan ni Tito Fausto,." Ngunit nalungkot ang dalaga ng maalala ang pinsan niya. May kirot sa puso niya na hindi niya masabi sa mama niya.
"Hayaan mo na iyon, alam mo namang mahigpit ang tito mo." Hindi kumibo si Hara. Totoo ang sinabi ng kaniyang ina kaya naiintindihan niya si Mia kung sakali mang may ginawa itong mali dahil naghahanap ito ng pagmamahal.
Maya-maya pa ay naghapunan na sila. Pagkatapos tumulong ng dalaga sa paghuhugas ng pinggan ay umakyat na siya sa kaniyang silid. Iniwan niya ang kaniyang lola at mama na nagkwekwentuhan pa sa sala. Mag-alas otso pa lang ng gabi kaya tiyak ng dalagang mamaya pa aakyat ang mga ito.
Naligo muna si Hara bago binuksan ang radyo. Gusto niyang makinig ng musika habang umiiyak. Buong maghapon ay ginugol niya sa pagbabasa para mawaglit sa isipan niya ang sakit na kaniyang nadarama. Kabubukas pa lamang niya ng Radyo ng biglang...
Bang! Bang! Bang!
Halos nawala ang kaluluwa ni Hara sa narinig. Tunog ng baril ang nagpabangon sa noo'y kahihiga lang na dalaga. Mabilis ang naging paghakbang ng mga paa niya pababa ng hagdan.
"Mama! Lola!" malakas na tawag niya.
Ngunit mabilis siyang hinawakan ni Manang Ester sa bibig niya. Nagpumiglas si Hara dahil hindi niya ito kaagad nakilala.
"Huwag kang maingay anak. Halika rito." Hinila siya ng matanda sa isang silid. "Magtago ka riyan. Kahit anong mangyari ay huwag kang magpapakita sa kanila."
"Ano pong nangyayari, manang?" humihikbing tanong ng dalaga. Ang ininga niya ay parang nasa leeg na lamang niya. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib ay nakabibingi
"Pinasaok yata tayo ng mga bandido. Magtago ka lang ha, huwag kang lalabas rito. Titinganan ko lang ang lola at mama mo."
"Natatakot po ako Manang Ester. Sasama na lang po ako sa inyo."
"Hindi pwede, anak. Diyan ka lang. Huwag kang matakot. Magdasal ka lang." Iniwan ng katulong ang noo'y nangnginig na dalaga.
Bang! Bang! Bang!
Nasundan ng malalakas na tawanan at nakakadurog-pusong palahaw ng kaniyang lola at mama ang mga putok na iyon.
"Manang Ester! Manang Ester…" narinig ng dalagang sigaw ng kaniyang mama.
Umalis si Hara sa kaniyang pinagtataguan. Gusto niyang silipin sa sala ang kaniyang lola at mama. Buong ingat na tumawid ang dalaga mula sa kwartong pinagtataguan niya papunta sa isang malaking kwarto. Dito ay malaya niyang nasisilip ang mga kaganapan sa sala dahil ang kwartong ito sa ikalawang palapag ay tanaw ang kinaroroonan ng mga ito.
"Manang Ester, bakit…" bulong ng dalaga. Nakahandusay ang katulong nila sa hagdanan at unti-unting nawawalan na ng hininga.
"A-anong k-kailangan n'yo sa a-amin? P-pera ba?" tanong ng lola ni Hara.
"Pera? Sinong may ayaw sa pera? Buhay n'yo ang gusto namin!" Tumawa ng ubod lakas ang isa sa tatlong lalaki. Mga nakamaskara ang mga ito kaya hindi makita ni Hara ang mukha ng kahit sino sa kanila.
"M-maawa k-kayo, k-kunin n'yo na ang lahat. H-huwag n-n'yo lang kami babarilin." Kitang-kita ni Hara na takot na takot ang mama niya. Gusto niyang lapitan ang mga ito ngunit alam niyang hindi tama iyon. Patagong pinanonood lang ng dalaga ang lahat ng kaganapan sa sala.
Nakaupo pa rin ang lola at mama niya sa sofa kung saan sila nakaupo bago umakyat ang dalaga kanina. Nilapitan ng parang pinuno ang ina niya. Hinawi nito ang buhok na nakatabing sa mukha ng ginang.
"Hmmm… totoo nga! Ang ganda ng asawa ni Fernando Del Puedo." Hinalikan nito sa pisngi ang mama niya kaya agad itong nasampal ng babae.
Hinablot ng lalaki ang buhok sa may batok ng ng ginang at ubod lakas itong sinabunutan. Napatingala ang babae. Tumutulo ang mga luha nito sa mata.
"May kapalit ang sampal na iyan! Paligayahin mo dapat ako para hindi ko kitlin kaagad ang buhay mo!" Tumawa pa ito ng ubod lakas at hinimas-himas ang mukha ng mama niya.
"Oh, mga 'tol, ako muna ha, pagkatapos ko pwede na kayo!"
Sabay hinalikan nito sa labi ang ina ng dalaga. Napapikit na lamang si Hara habang walang kakilos-kilos sa pinagtataguan niya. Hindi niya gusto ang nakikita. Mabuti na lang at binitawan ng lalaki ang mama niya.
"Ilan kayong lahat dito? Balita namin ay walang mga lalaki rito ngayon. Magagawa namin ang lahat ng gusto namin." Malakas na tawanan ng tatlong lalaki ang sumunod sa tanong na iyon. Mga tawang nagpapabangon ng galit sa puso ng dalagang nakatago.
Tagaktak ang pawis ni Xandro habang ginigising ang umuungol na dalaga. Pakiwari ng binata ay nauubusan ng hininga si Hara dahil namumutla na ito. Ang dibdib ng dalaga ay panay ang taas baba.
"Hara! Hara! Gumising ka!" Naririnig ng dalaga ang boses ni Xandro ngunit wala siyang lakas para bumangon.
"Hmmm…" pilit na ibinubukas ng dalaga ang mabigat na talukap ng kaniyang mga mata.
"Hara, kanina ka pa binabangungot. Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Pilit na pina-upo ng lalaki ang dalaga ng sa wakas ay nagmulat ito at humawak ng mahigpit sa braso n'ya.
Nang mahimasmasan ay biglang yumakap si Hara sa binata at ubod lakas na umiyak. Gusto niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya, lahat ng galit na nararamdaman. Galit na inipon n'ya sa mahabang panahon at pilit pinagtatakpan ng mga aral na natutunan niya sa kumbento.
"Ang sakit, ang sakit-sakit," patuloy na iyak ng dalaga. Mabuti at ginising siya ni Xandro. Pakiramdam kasi ng dalaga ay mamamatay siya ng mga oras na iyon.
"Bumabalik na unti-unti ang ala-ala ko. Hindi pwedeng may makaalam nito dahil hindi ko tiyak kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Ikaw, Xandro matutulungan mo kaya ako?" mga salitang naglalaro sa isip niya.
Hinaplos ni Xandro ang likod ng dalagang umiiyak sa balikat niya. Mabuti at narinig niya ang malakas na ungol nito. Pasalamat din siyang hindi nito isinara ang pintuan dahil doon hindi siya nahirapang pasukin ang kwarto ng dalaga dahil doon.
Mula sa bukas na pinto ay nakatayo si Mia habang nakahalukipkip ang mga braso nito. Malaya niyang pinanonood ang eksenang nakikita niya sa loob ng kwarto ng pinsan niya. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nitong nakatitig sa dalawang magkayakap.
Nakatulala si Hara habang nakatingin sa kabaong na nasa pavilion ng Hacienda Del Puedo. Tradisyon na ng pamilya na rito iburol ang sino mang kamag-anak na namatay. Malungkot niyang tinitingnan ang mga bulaklak na maayos na nakahilera sa loob. "Hindi talaga maganda ang paghihiganti," wika ni Klein sa kaniyang tabi. "Oo nga, Klein. Hindi ko talaga inakala na ampon pala si Kuya Ryan." "Maraming lihim ang pamilya natin. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala." "Oh, bawal ma-stress ang asawa ko ha. Kabuwanan mo na," wika ni Xandro na niyakap ang asawa niya mula sa likuran. "Oy, huwag kayong mag-PDA diyan kasi naiinggit ako," pabirong wika ni Mia. "Iniisip ko lang naman ang asawa ko kaya nagpapaalala ako. Baka maglupasay na naman ito katulad ng nangyari sa ospital sa Makilala. Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, ayun g
Isang nanghihinang James ang pumasok sa kweba pagkatapos ng sunod-sunod na putok na narinig ng lahat. Nakangisi ito habang nakatingin kay Ryan na noon ay nakadapa sa lupa."Tang-*na, sino ang nagpatakas sa iyo?" namimilipit sa sakit na tanong ni Ryan."Ang sakit ng tiyan ko," iyak ni Mia. "Tulungan n'yo ako, please.""Xandro, Xandro, please, lumaban ka," pagmamakaawa naman ni Hara sa kasintahang kalong-kalong niya. "Huwag mong hayaang lumaki ang anak nating walang ama. Please, lumaban ka. Mahal kita. Hindi ko kakayaning mawala ka."Mahigpit na hinawakan ni Xandro ang kamay ni Hara na punong-puno ng kaniyang dugo. Pinipilit niyang pakalmahin ang babae dahil baka makasama ang pag-aalala sa baby nila ngunit walang salitang lumalabas sa bibig niya."Tulong! Parang awa n'yo na, tulungan n'yo kami!" Ubod lakas na sigaw ni Hara. Pilit tinatakpan ng dalaga ang dibdib ng binatang pa
Parang batang naglalaro si Ryan habang pinahihirapan si James."Ah, f*ck you! Hayop ka talaga Ryan!! Papatayin kita kapag…""Kapag nakatakas ka?" humalakhak si Ryan. "Malabong mangyari iyon, James, kasi papatayin na kita ngayong araw na ito.""Do it faster! Puro ka salita, puro ka angas, wala ka namang buto!""Oh-oh, will you please wait?! I'm still enjoying the show!" Mala-demonyong sabi ni Ryan at pinukpok nito ng baril ang mga ulo ni James.Matinding sakit ang nadama ng binata. Pilit niyang pinaglalaban ang tindi ng kirot at sa isip niya ay bumabalik ang masayang alaala nila ni Hara. Habang unti-unting nawawalan siya ng malay ay bumabalik ang isip niya sa mga naganap noon."Bata, ikaw ba si James Santillano?" wika ng isang lalaki sa noo'y binatilyo pa lamang na si James."Opo, bakit po? Paano n'yo po akon
Kinuha ni James ang papel sa mga kamay ni Xandro. Nang mabasa ng binata ang laman noon ay agad na nagdilim ang mukha nito."Fuck! It's him again!" Sinuntok pa ni James ang bintana ng kotse na dapat ay sasakyan ni Xandro paalis. Nanginginig ang buong katawan nito ngunit hindi dahil sa sugat sa mga kamay kung hindi sa tindi ng emosyon na nararamdaman."May idea ba kayo, sir, kung sino ang may kagagawan nito?" tanong ng mga pulis."Sino ang may gawa nito 'tol?" segundang tanong ni Xandro.Lahat ng nalalaman ni James ay ibinahagi n'ya sa mga alagad ng batas. Sinasabi niya sa sarili na panahon na para bunutin ang tinik sa kaniyang dibdib. Handa siyang makulong kung kinakailangan pero ng mga panahong iyon ay ang kaligtasan ni Hara ang nasa isip niya.Matagal na nawalan ng kibo si Xandro. Hindi n'ya alam kung paano tanggapin ng pamilya Del Puedo ang lahat ng mga sinabi ni Ja
Masayang naghanda si Xandro. Aalis siya ng Hacienda Del Puedo upang sundan si Hara sa Baguio. Nasasabik siyang muling makita ang dalaga lalo pa at nalaman niyang may anak na sila."Mag-iingat ka 'tol. I am so happy na magiging maayos na rin ang lahat ngayon," wika ni James. "Galingan mo ha. Dapat pag-uwi mo sa atin, kasama mo na ang mag-ina mo."Salamat, James. The best ka talaga kapatid ko." Masayang tinapik ng dalawang binata ang balikat ng isa't-isa.Samantala, magaan ang loob ni Mia habang tinitingnan ang larawan nila ni Hara noong maliliit pa lamang sila. Muling nanariwa sa kaniyang isipan ang mga masasayang araw noong kabataan nila."Sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko. Hindi ko alam pero kinain ako ng selos at inggit sa iyo. Nang nagpa-ubaya ka para sa kaligayahan ko ay lubos kong naunawaan na mahal mo nga ako kaysa sa sarili mo."Hinawakan ng matandang Del Puedo
Isang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring maibigay na magandang report ang private investigator na kinuha ni James. Nauubusan na ng pasensya si Hara. Gusto na niyang matapos ang kaso dahil nais niya munang lumayo para maghilom ang sugat sa kan'yang puso. Si Mia ay abala na sa nalalapit nilang kasal ni Xandro. Mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit na detalye ay pinakikialaman niya. Ang binata naman ay walang pakialam. Madalas ay nakatanaw lang ito kay Hara mula sa malayo. At dahil sa bagal ng mga imbistigador kaya minabuti ng dalaga na gumawa ng isang hakbang kung saan ay magiging maayos ang lahat. Lalayo muna siya pansamantala. Makapaghihintay pa naman ang katarungan para sa lola at mama niya ngunit ang puso niyang wasak ay malapit ng bumigay. "Papa, magpapaalam ako. Iyong bahay na ipinagawa n'yo ni mama doon sa Baguio, pwede bang doon muna ako tumira?" "Mapanganib iyon,
Sa ika-21st birthday ni Hara ay puno ng katahimikan ang mansyon. Ang dapat sana'y masayang araw na iyon ay napalitan ng kalungkutan. Nagluto pa rin naman ang mga katulong pero walang simpleng salo-salo ang naganap dahil halos hindi lumabas ng kaniyang silid ang dalaga.Nag-aalala man ay hindi magawang lapitan ni Xandro ang babaeng mahal niya. Si Mia ay nakapulupot palagi sa kaniya buong maghapon. Ipinamamalita nito sa lahat ang nalalapit nilang kasal. Kahit panay ang iwas ni Xandro sa dalaga ay para itong linta na hindi mapuknat sa kaniya. Minsan mas gusto pa ni Xandro ang nakakulong sa kwarto ngunit nahihiya siya kay Don Ernesto."James, bantayan mong mabuti si Hara." Pakiusap niya sa kapatid ng makawala siya kay Mia. May trabaho ang babae sa opisina nito kaya kahit paano ay nakahinga si Xandro sa pangungulit ng babae."Grabe si Mia, Kuya. Parang gusto ka yatang bakuran palagi. Good luck sa'yo. Sana kayanin
Isang araw bago ang kaarawan ni Hara ay may isang sorpresa na dumating sa Hacienda Del Puedo. Iyon ay ang biglaang pagdating ni Felecedario. Parang hari itong bumaba ng sasakyan niya."Oh kumpadre, napadalaw ka yata. Bakit biglaan naman?" tanong ni Don Ernesto sa kaniyang panauhin. "Sana nagsabi ka ng maaga para naipaghanda kita.""Paano akong hindi susugod dito eh nakita ko sa mga balita na ibinuwis ng mga apo ko ang mga buhay nila para diyan sa apo mo!""Hindi ko sila pinilit na bantayan si Hara. Ikaw mismo ang nagpumilit na magpadala ng security personnels dito mula sa J. Santillano Security Agency.""Si James lang ang pinag-usapan natin! Hindi kasama si Jeric! Asan ang mga apo ko? Paanong napunta rit
Inusisa ni Hara ang buong pamilya sa pagsisinungaling ng mga ito na gusto niyang mag madre kaya siya matagal na namalagi sa eksklusibong school na pagmamay-ari ng mga ito. Kaniya-kaniyang paliwanag ang bawat isa at inaarok ng dalaga ang bigat ng bawat eksplinasyong natatanggap niya."Ginawa namin iyon para magustuhan mo ang manirahan doon dahil alam naming ligtas ka sa loob," paliwanag ni Don Ernesto."Anak, mahal kita. Alam mong wala akong ibang hangad kundi ang kaligtasan mo. Huwag mo sana kaming pagdudahan, Hara."Matamang pinakinggan ni Hara ang bawat isa. Ang papa at lolo niya ay pilit siyang pinapaniwala na nagsasabi sila ng totoo.Dahil sa kapani-paniwala ang mga eksplinasyon ng mga kamag-anak ng dalaga kaya minabuti niyang paniwalaan ang mga ito. Ang dalawa kasi ang pinaka pinagkakatiwalaan ng dalaga.Sa kabila ng banta sa buhay ni Hara ay naging masaya sina Xandro