تسجيل الدخولArabella Celestine’s POV
SIMULA
“Celestine, are you even listening to me?”
Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Isabella mula sa pagkakatitig ko sa repleksiyon ng sarili ko sa salamin ng limousine tapos mabilis akong napalingon sa kanya.
“Of course, I am,” sagot ko.
Geez! Kanina pa ba niya ako kinakausap? Lihim akong napangiwi sa aking isip.
Masyado kasing okupado ang isip ko sa gown na suot ko. Ganito talaga ako kapag nasusuot ko na ang sarili kong disenyo, lalo na ngayong gabi. Charity gala ang dadaluhan namin, at alam kong maraming kilalang personalidad, modelo, at fashion designers ang naroon. Isa iyon sa mga pagkakataong maaari kong maipakita ang sarili kong disenyo, at ako mismo ang modelo ng sarili kong gawa.
Kaya naman hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat detalye ng suot kong champagne-colored gown. Gusto kong matiyak na maayos at perpekto ang gawa at ayos ko, higit sa lahat, gusto kong mapansin nila ang gown ko. Events like this don't happen often for me, where nearly every influential figure in the world of fashion is expected to attend.
Tumaas ang isang kilay ni Isabella. Katabi ko siya sa limousine habang si Alessandra naman ay nakaupo sa kabilang side. Sila ang kasama ko sa gabing ito, ang mga bestfriend ko.
“Then tell me what I just said.”
Napahinto ako.
Oh, crap. Ano ba ang mga sinabi niya kanina? May tinatanong ba siya sa akin? May ikinukuwento? O may pinag-uusapan ba sila ni Alessandra na hindi ko man lang napansin?
Come on, Celestine. Think!
Napatingin ako kay Isabella at maingat na nag-isip ng isasagot. Pero dahil wala talaga akong maalala sa mga sinabi niya, alanganin akong ngumiti.
“You said I look gorgeous tonight?”
Napapikit siya saglit dahil sa aking sinagot bago muling nagsalita.
“Ang dami kong sinasabi at tanong sa’yo kanina, tapos hindi ka pala nakikinig? Seriously, Celestine?”
Alanganin akong ngumiti sa kanya.
Natawa naman si Alessandra bago sumingit sa usapan.
“Hayaan mo na siya, Isa. You know Celestine. When she's wearing one of her own creations, that's all she can focus on. She's too busy checking whether everything is in place, and most importantly, whether the gown is absolutely perfect. When it comes to fashion, she's always lost in her own little world. Hindi ka pa ba nasanay sa kaibigan natin?”
“Exactly! That's right, that's right!” mabilis kong sagot.
Pareho silang napalingon sa akin tapos sabay na napailing.
“What?” inosente kong tanong.
“See?” natatawang sabi ni Alessandra. “I told you, Isa.”
“Yeah, yeah, I get it.” Napailing si Isabella bago muling tumingin sa akin. “Well, ngayong nasa amin na ulit ang atensyon mo, ang mga sinasabi ko kanina ay tungkol sa mga taong posibleng makasalubong natin ngayong gabi sa charity gala. Like the designers who were invited to attend, and kung sino-sino pang bigatin na tao ang inaasahan nating makikita sa event.”
Mahaba niyang paliwanag, kaya naman sunod-sunod akong tumango.
That's why pinaghandaan ko talaga ang gabing ito. Kahit alam kong mapapagalitan na naman ako ni Daddy kapag nalaman niyang dumiretso ako rito sa charity gala matapos kong pumunta sa kumpanya kanina at gawin ang mga ipinapagawa niya.
Higit sa lahat, ayoko munang umuwi dahil mapapagod na naman ang tenga ko sa walang katapusang mga tanong at bilin ni Daddy tungkol sa negosyo, sa kumpanya, at sa pagiging isang Valderama.
Kanina nga ay halos maubos na ang pasensya ko sa boardroom ng Valderama Enterprises.
Wala talaga akong balak na patakbuhin ang kumpanya namin. Hindi iyon ang gusto ko. I had always dreamed of becoming a fashion designer.
Isang pangarap na sa tuwing binabanggit ko sa bahay ay puro sermon ang inaabot ko kay Daddy. Para sa aking ama, walang kabuluhan ang pangarap ko. Nagsasayang lang daw ako ng oras at dapat ay mag-focus na lamang ako sa pagpapatakbo ng kumpanya.
Pero hindi naman iyon ang gusto ko. I can't see myself spending my entire life devoted to a business I never chose for myself in the first place. May sarili akong pangarap, at kahit ilang beses pa akong pagsabihan ni Daddy, hindi ko iyon basta-bastang isusuko.
Ngayong gabi, gusto ko munang kalimutan ang lahat ng iyon. Ayokong isipin ang kumpanya, ang mga responsibilidad ko, o ang mga bagay na inaasahan sa akin ng pamilya ko.
Not tonight.
Tonight was mine.
Gusto kong maging masaya kahit ilang oras lang. Gusto kong magkaroon ng pagkakataong makawala muna sa mga obligasyong nakatali sa apelyido ko, at gawin ang bagay na talagang gusto ko.
“Yeah, that's why hindi ko talaga papalampasin ang gabing ito. This is my chance,” sambit ko halata ang pagiging determinado saka saglit na sumulyap sa aking handbag.
“Wait, wait.. Don't tell me you brought those sketchbooks again in that structured designer handbag of yours?!”
Ngumiti ako ng malapad saka tumango. Ang talas talaga ng mata ng kaibigan kong ‘to.
“Goodness! Kaya pala nagtataka ako kung bakit ganyan ang dala mong bag! Girl! You actually brought them to a charity gala?”
“Why not?” takang tanong ko.
“Because this is a charity gala, duh? I thought you were just going to model your own creation tonight, but apparently, you have something else in mind. Kahit sabihin nating maraming dadalo na mga designer, girl, paano mo naman maipapakita ang mga design mo?”
“I know. Gusto ko lang subukan. Wala namang mawawala kung dinala ko ang sketchbook ko. And we never know. What if one of the designers notices me? I mean, 'yung gown na suot ko? Then they ask about my design, edi may maipapakita agad ako sa kanila. That's why I went out of my way to attend this charity gala. I thought I might get lucky and finally have my chance, even if attending meant having to pay a price for it.”
Napabuntong-hininga si Isabella saka napailing-iling.
“Sometimes, you're the bravest person I know and sometimes the most stubborn.”
“Both,” mabilis kong sagot.
“Definitely both,” singit ni Alessandra. “Walang makapipigil sa isang Arabella Celestine kapag pangarap na niya ang pinag-uusapan.”
“Yeah. I agree,” sagot naman ni Isabella.
Hindi na ako umimik. Sa halip, binalingan ko ang bag kung nasaan ang sketchbook ko na ilang buwan kong pinaghirapan.
Hindi iyon mga basta-bastang sketch or Illustration lang.
Bawat gown ay pinag-isipan kong mabuti at may kahulugan para sa akin. May mga pagkakataong ilang beses kong binabago ang detalye dahil pakiramdam ko ay may kulang pa, at hindi ako tumitigil hangga't hindi ako nasisiyahan sa kalalabasan na resulta.
I wanted my designs to speak for themselves.
Hindi ko alam kung magkakaroon ako ng pagkakataong maipakita ang mga iyon ngayong gabi. But one thing I've learned is that opportunities don't simply come to those who wait.
Sometimes, you have to take the first step, create your own opportunities, and chase after the dreams you long for.
Unti-unting bumagal ang limousine habang papalapit kami sa entrance ng hotel. Sa labas, nakahanay ang mga mamahaling sasakyan, at isa-isang bumababa ang mga bisita mula sa kani-kanilang sasakyan.
Sa di-kalayuan, may mga photographer na nakapuwesto, hawak ang kani-kanilang camera habang naghihintay sa susunod na bisita na darating.
The hotel entrance was illuminated by bright lights, while every arriving guest was greeted by a series of camera flashes.
“Ready, girls?” tanong ni Alessandra.
Huminga ako nang malalim at inayos ang pagkakaupo ko.
“Ready,” sabay naming sagot ni Isabella.
Bumukas ang p***o ng limousine, at agad kaming sinalubong ng sunod-sunod na flash mula sa mga camera. Maririnig ang mga photographer na nagtatawag ng pangalan ng mga bisita habang maayos namang inaasikaso ng mga staff ng hotel ang mga dumarating.
Sa likuran nila, tanaw ang malalaking glass doors ng five-star hotel, na nagbibigay tanaw sa marangyang interior nito.
Pagkababa ko, bahagya kong hinawakan ang laylayan ng aking gown upang hindi ito sumayad sa sahig. Pagkatapos, ngumiti ako sa direksiyon ng mga camera nang marinig kong tawagin ng isang photographer ang pangalan ko.
Yes, kilala nila ako bilang anak ni Gabriel Valderama, isang sikat na businessman.
“Arabella Celestine Valderama! Miss Valderama, this way, please!”
Humarap ako sa kanila at bahagyang itinagilid ang mukha ko.
Sanay na ako sa ganitong eksena.
Mula pagkabata, sinanay ko na ang sarili ko kung paano ngumiti sa harap ng camera at kung paano tumayo ng maayos. Alam ko kung kailan dapat humarap, kung paano magbigay ng magandang anggulo.
Napangiti ako habang nakaharap sa mga camera.
This was the world I wanted to be part of.
*****************
Pagpasok namin sa Grand Function Hall, agad na bumungad sa amin ang napakalaking chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame, nagbibigay-liwanag sa buong hall. Napapalibutan ang lugar ng mga eleganteng dekorasyon, at sa gitnang bahagi ng hall ay may maliit na stage kung saan nakalagay ang pangalan ng charity foundation na pangunahing beneficiary ng event.
Sa paligid, abala sa pakikipag-usap ang mga bisita habang hawak ang kani-kanilang champagne glass. Ang mga babae ay nakasuot ng mga nag-gagandahang gown, samantalang ang mga lalaki naman ay karamihang nakasuot ng tailored suits, maayos ang buhok at elegante ang tindig.
Para sa ibang tao, isa lamang itong marangyang gabi na puno ng mahahalagang personalidad at mga taong kabilang sa matataas na antas ng lipunan.
But to me, this was an opportunity to get a closer look at the world I've long dreamed of being a part of.
At nang makita ko ang ilang pamilyar na mukha sa kabilang dulo ng Grand Function Hall, bumilis ang tibok ng puso ko. I couldn't quite put my feelings into words at that moment. I was overwhelmed by a mix of happiness and excitement.
Naroon kasi ang mga iniidolo ko na sina Aaliyah Eunice Dela Cerna, Markisha Ivy Martinez, at Vivien Dawn Montenegro—mga babaeng matagal ko nang hinahangaan pagdating sa fashion at modeling.
Hindi lamang sila basta mga kilalang pangalan. They were women who had built their own careers through talent, hard work, and a unique artistic vision. Every collection they released carried a distinct identity of its own.
At iyon mismo ang gusto kong makamit.
Hindi ko gustong sumikat dahil lamang sa apelyido ko. Gusto kong magkaroon ng sariling pangalan dahil sa sarili kong talento at gawa. Gusto kong dumating ang araw na kapag narinig ng mga tao ang pangalang Arabella Celestine Valderama, hindi ang kumpanya ni Daddy ang una nilang maaalala, kundi ang mga disenyong nagmula sa sarili kong imahinasyon.
“Celestine, breathe,” bulong ni Isabella nang mapansin ang pagtitig ko sa kabilang bahagi ng hall.
“I am breathing,” wala sa sarili kong sagot, habang nananatili ang tingin sa aking mga idolo.
“Uh-huh? Girl, relax. Nawawala ka na sa postura mo dahil nakikita mo ngayon ang mga idol mo.”
Napalingon ako sa kanya at alanganing napangiti.
“Sorry, I can't help it. I just can't believe they're all here.”
“Then go talk to them,” sabi ni Alessandra.
Gulat akong napalingon sa kanya.
“What? Sa tingin mo, sis, papansinin nila ako? Kakausapin?”
“Why not? Like you said, wala namang mawawala kung susubukan mo. Kung hindi mo naman sila kayang lapitan agad, pwede kang gumawa ng paraan para mapansin ka nila at magkaroon kayo ng pagkakataong mag-usap.”
“Alessandra is right. You need to find a way to stand out, catch their attention, and give them a reason to come talk to you. That's exactly why you brought your sketchbook with you in the first place.”
Napahigpit ang hawak ko sa bag na dala ko.
Yeah, kaya ko talaga dinala ang sketchbook ko ngayong gabi.
Pero kahit gaano ako katapang kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, ibang usapan na kapag kaharap ko na ang mga taong matagal ko nang hinahangaan.
What if I actually get the chance to talk to them, but they don't like my designs? What if they laugh at me? What if they tell me that I'm not good enough?
Sandaling naglaro sa isip ko ang mga posibilidad na iyon, pero agad ko ring itinaboy ang mga ito. Hindi dapat ako mag-isip ng negatibo. This is my chance. Bihira sa akin ang ganitong oportunidad. Higit sa lahat, paano ko malalaman kung hindi ko susubukan?
“Fine,” sabi ko habang bahagyang inaayos ang pagkakahawak sa bag ko. “I'm going to look around first.”
“That's our girl! Go, go! Dito lang kami. Hihintayin ka namin,” masiglang sagot ni Isabella.
“Yeah, take your time. I hope things work out well for you tonight. Just come back to us when you're done,” nakangiting sabi naman ni Alessandra.
Binigyan ko sila ng isang ngiti bago ako nagsimulang maglakad sa paligid ng hall, dala ang bag na naglalaman ng mga sketch na ilang buwan kong pinagtrabahuhan at pinagpuyatan.
Habang naglalakad ako, nagningning ang mga mata ko nang makita ko sa isang gilid ang mga naka-display na gown.
Wow. Hindi ko inaasahang makikita ko nang personal ang mga gawa ng mga sikat na designer. Hindi ko rin akalaing ididisplay nila ang mga designer gown sa charity gala na ito.
I couldn't help but admire every design. Some gowns were made of delicate silk, while others featured intricate embroidery and exquisite details that looked as though they had taken weeks of painstaking work to complete.
Napahinto ako sa harap ng isang eleganteng evening dress.
Napakaganda ng pagkakagawa sa bodice nito. Malambot ang tela at tila natural na susunod sa bawat galaw ng sinumang magsusuot nito. Simple lamang ang disenyo, pero taglay nito ang isang elegante at sopistikadong dating na hindi nangangailangan ng maraming palamuti para mapansin.
Napangiti ako ng hindi namamalayan.
Balang araw, gusto kong makita ang sarili kong mga disenyo na naka-display sa mga ganitong lugar, o kahit sa mas malalaking fashion events. Gusto kong maranasan na may mga taong hihinto sa harap ng isang gown na ako mismo ang gumawa, pagmamasdan at hahangaan ang bawat detalye nito, at magtatanong kung sino ang designer sa likod ng magandang likhang iyon.
Hindi ko alam kung kailan mangyayari iyon, pero gusto kong manatiling positibo.
“Beautiful, isn't it?”
Bahagya akong nagulat saka napalingon sa isang babaeng nakatayo sa tabi ko.
*************
Tumigil kami sa isang burol. Maingat akong ibinaba ni Lorenzo mula sa kabayo.In fairness, gentleman siya ngayon, ah? Kahit hindi naman siya masyadong nagsasalita mula kanina.Napangiti ako ng bahagya bago nilibot ang tingin sa paligid.“Wow, ang ganda,” mahina kong sambit.Kung kanina ay sobrang ganda na ng tanawing nakita ko, mas lalo pa itong gumanda ngayong nasa tuktok na kami ng burol. Mula sa kinatatayuan ko, halos buong Hacienda Monteverde ay tanaw na tanaw. Makikita ang malawak na pastulan, ang mga bakod na yari sa kahoy, ang naglalakihang puno, at ang mga kabayong maliliit na lamang tingnan mula sa taas. Sa di-kalayuan, tanaw rin ang kabundukang tila nakapalibot sa buong lupain.Napangiti ako habang patuloy na pinagmamasdan ang paligid.What a breathtaking view.Samantala, itinali naman ni Lorenzo ang kabayo sa ilalim ng isang malaking puno bago naupo roon. Sa tingin ko, alaga niya ang kabayong iyon dahil kahapon ay iyon din ang kabayong sinasakyan niya.Tahimik lamang siyan
Kinabukasan, maaga akong nagising. Sakto namang tumila na ang ulan.Matapos mag-almusal at mag-ayos ng mga gamit, sinabi ko sa mga katulong na handa na akong umalis papunta sa Villa Aurelia. Wala si Doña Beatriz dahil napakaaga raw nitong umalis patungo sa bayan. Kaya hindi ko na nagawang makapag-paalam. Si Lorenzo naman, hindi ko nakita. Hindi ko alam kung nasaan ang lalaking bossy na iyon. Pero kahit hindi kami nagkasundo ni Lorenzo kagabi, maayos naman ang naging pagtanggap sa akin ni Doña Beatriz at ng mga tauhan niya. Si Manang Rose pa nga ang nag-asikaso upang matiyak na maayos kaming makakarating sa villa.Nang makarating ako sa Villa Aurelia, agad kong nilibot ang tingin sa paligid. Wow, Sobrang ganda ng lugar! Napakagaan sa pakiramdam ng atmospera. Malawak ang bakuran, napapalibutan ng matatayog na puno, sari-saring halaman at mga bulaklak. May ilang katiwala ring nag-aasikaso sa bahay, gaya ng sinabi ni Daddy.Pagod pa rin ako mula sa biyahe kahapon kaya mas pinili ko m
Hindi gaanong nagsasalita si Lorenzo. Nakikinig lamang siya sa pinag-uusapan namin ng kaniyang Tita. Yes, nalaman kong tita pala niya ang donya.Sa totoo lang, ang dami naming napag-usapan ni Doña Beatriz. Nakakatuwa siyang ka-kuwentuhan. Tinatanong niya ako tungkol sa mga disenyo ko at sa plano kong mag-aral sa Paris. Kapag may oras ako bukas, dadalhin ko sa kanya ang sketchbooks ko para maipakita ang mga fashion illustration ko.Masaya akong may nakakausap na interesado sa pangarap ko. Doon kasi sa Manila, sina Isabella lang ang matiyagang nakikinig sa akin at nakakausap ko tungkol sa fashion.“Sigurado akong marami kang magagandang ideya, hija,” sabi ni Doña Beatriz habang inilalapag ang kaniyang kubyertos.“Marami pa po akong kailangang matutunan.”“Ganoon naman talaga. Walang nagsisimula na eksperto na agad. Lahat, pinag-aaralan munang mabuti.”Ngumiti ako.“Tama po kayo.”“Kapag may natapos kang disenyo ng mga dress, ipakita mo sa akin. Gusto kong makita ang mga magagawa mo hab
Hindi na ako nakipagtalo pa sa lalaki. Sa halip, tahimik akong bumalik sa loob ng SUV at isinara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang awtoridad sa boses niya.Mula sa bintana, pinanood ko siyang makalayo hanggang sa tuluyan siyang nawala sa aking paningin.Napabuntong-hininga ako. Sana talaga ay matulungan niya kami. Ayokong abutan kami ng gabi dito sa gilid ng kalsada. Isa pa, gusto ko na ring magpahinga dahil sobrang nakakapagod ang biyahe. Higit sa lahat gusto ko na rin magpalit ng damit. Basang-basa ako at nilalamig na. Ilang minuto na ang lumipas. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinilip ang cellphone ko, umaasang magkaroon man lang ng signal. Pero wala pa rin.Nasaan na kaya ang lalaki? Malayo ba ang bahay niya o kung saan man siya humingi ng tulong?Gusto ko na sanang lumabas ulit ng sasakyan nang may marinig akong ingay na papalapit mula sa direksyong pinuntahan ng lalaki kanina.Muli akong tumingin sa bintana.Sa gitna ng malakas na ulan, nakita
Hindi ko akalaing ganito kahaba ang magiging biyahe ko patungong Bukidnon.Mula sa Manila, sumakay muna ako ng eroplano patungong Cagayan de Oro. Pagdating ko roon, isang itim na SUV na ipinahanda ni Daddy ang naghihintay na sa akin. Isang driver ang nakatalaga para ihatid ako sa San Ildefonso, kung saan matatagpuan ang Hacienda Monteverde.Sa unang bahagi ng biyahe, halos hindi ko na inalis ang tingin sa bintana.Sanay akong makakita ng matataas na gusali, malalawak na kalsada, mamahaling sasakyan, at mga taong laging nagmamadali sa bawat sulok ng Manila. Pero habang lumalayo kami sa lungsod at pumapasok sa mga bayan ng Bukidnon, unti-unting nagbabago ang tanawin.Napalitan ng malalawak na bukirin ang magkakatabing gusali. Naging mas kaunti ang mga sasakyan sa kalsada, at sa halip na matataas na building, mga puno at kabundukan na ang makikita ko sa magkabilang panig.May mga bahay na magkakahiwalay ang pagitan. May maliliit na tindahan sa gilid ng kalsada, mga batang naglalaro sa ba
Kinabukasan, eksaktong alas-otso ng umaga, nasa labas na ako ng opisina ni Daddy, gaya ng sinabi niya kagabi.Sa totoo lang, maaga akong nagising dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kondisyong ibinigay ni Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala na kapalit ng kalayaan ko ay kailangan kong manloko ng isang tao.Hindi ko man gusto, wala na akong magawa dahil iyon na ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay para makalaya sa poder ni Daddy. Alam kong hindi sapat na dahilan ang kagustuhan kong maging malaya para manloko ng ibang tao, pero wala na akong ibang pagpipilian. Sa ngayon, mas mahalaga sa akin ang kalayaan ko. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha ang lupang gusto ni Daddy. Isasantabi ko muna ang guilt na nararamdaman ko.Marahan akong kumatok.“Come in.”Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka pumasok. Nadatnan ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa. May ilang dokumentong nakalatag sa harapan niya habang abala siya sa pagbabasa ng







