로그인Kinabukasan, maaga akong nagising. Sakto namang tumila na ang ulan.Matapos mag-almusal at mag-ayos ng mga gamit, sinabi ko sa mga katulong na handa na akong umalis papunta sa Villa Aurelia. Wala si Doña Beatriz dahil napakaaga raw nitong umalis patungo sa bayan. Kaya hindi ko na nagawang makapag-paalam. Si Lorenzo naman, hindi ko nakita. Hindi ko alam kung nasaan ang lalaking bossy na iyon. Pero kahit hindi kami nagkasundo ni Lorenzo kagabi, maayos naman ang naging pagtanggap sa akin ni Doña Beatriz at ng mga tauhan niya. Si Manang Rose pa nga ang nag-asikaso upang matiyak na maayos kaming makakarating sa villa.Nang makarating ako sa Villa Aurelia, agad kong nilibot ang tingin sa paligid. Wow, Sobrang ganda ng lugar! Napakagaan sa pakiramdam ng atmospera. Malawak ang bakuran, napapalibutan ng matatayog na puno, sari-saring halaman at mga bulaklak. May ilang katiwala ring nag-aasikaso sa bahay, gaya ng sinabi ni Daddy.Pagod pa rin ako mula sa biyahe kahapon kaya mas pinili ko m
Hindi gaanong nagsasalita si Lorenzo. Nakikinig lamang siya sa pinag-uusapan namin ng kaniyang Tita. Yes, nalaman kong tita pala niya ang donya.Sa totoo lang, ang dami naming napag-usapan ni Doña Beatriz. Nakakatuwa siyang ka-kuwentuhan. Tinatanong niya ako tungkol sa mga disenyo ko at sa plano kong mag-aral sa Paris. Kapag may oras ako bukas, dadalhin ko sa kanya ang sketchbooks ko para maipakita ang mga fashion illustration ko.Masaya akong may nakakausap na interesado sa pangarap ko. Doon kasi sa Manila, sina Isabella lang ang matiyagang nakikinig sa akin at nakakausap ko tungkol sa fashion.“Sigurado akong marami kang magagandang ideya, hija,” sabi ni Doña Beatriz habang inilalapag ang kaniyang kubyertos.“Marami pa po akong kailangang matutunan.”“Ganoon naman talaga. Walang nagsisimula na eksperto na agad. Lahat, pinag-aaralan munang mabuti.”Ngumiti ako.“Tama po kayo.”“Kapag may natapos kang disenyo ng mga dress, ipakita mo sa akin. Gusto kong makita ang mga magagawa mo hab
Hindi na ako nakipagtalo pa sa lalaki. Sa halip, tahimik akong bumalik sa loob ng SUV at isinara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang awtoridad sa boses niya.Mula sa bintana, pinanood ko siyang makalayo hanggang sa tuluyan siyang nawala sa aking paningin.Napabuntong-hininga ako. Sana talaga ay matulungan niya kami. Ayokong abutan kami ng gabi dito sa gilid ng kalsada. Isa pa, gusto ko na ring magpahinga dahil sobrang nakakapagod ang biyahe. Higit sa lahat gusto ko na rin magpalit ng damit. Basang-basa ako at nilalamig na. Ilang minuto na ang lumipas. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinilip ang cellphone ko, umaasang magkaroon man lang ng signal. Pero wala pa rin.Nasaan na kaya ang lalaki? Malayo ba ang bahay niya o kung saan man siya humingi ng tulong?Gusto ko na sanang lumabas ulit ng sasakyan nang may marinig akong ingay na papalapit mula sa direksyong pinuntahan ng lalaki kanina.Muli akong tumingin sa bintana.Sa gitna ng malakas na ulan, nakita
Hindi ko akalaing ganito kahaba ang magiging biyahe ko patungong Bukidnon.Mula sa Manila, sumakay muna ako ng eroplano patungong Cagayan de Oro. Pagdating ko roon, isang itim na SUV na ipinahanda ni Daddy ang naghihintay na sa akin. Isang driver ang nakatalaga para ihatid ako sa San Ildefonso, kung saan matatagpuan ang Hacienda Monteverde.Sa unang bahagi ng biyahe, halos hindi ko na inalis ang tingin sa bintana.Sanay akong makakita ng matataas na gusali, malalawak na kalsada, mamahaling sasakyan, at mga taong laging nagmamadali sa bawat sulok ng Manila. Pero habang lumalayo kami sa lungsod at pumapasok sa mga bayan ng Bukidnon, unti-unting nagbabago ang tanawin.Napalitan ng malalawak na bukirin ang magkakatabing gusali. Naging mas kaunti ang mga sasakyan sa kalsada, at sa halip na matataas na building, mga puno at kabundukan na ang makikita ko sa magkabilang panig.May mga bahay na magkakahiwalay ang pagitan. May maliliit na tindahan sa gilid ng kalsada, mga batang naglalaro sa ba
Kinabukasan, eksaktong alas-otso ng umaga, nasa labas na ako ng opisina ni Daddy, gaya ng sinabi niya kagabi.Sa totoo lang, maaga akong nagising dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kondisyong ibinigay ni Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala na kapalit ng kalayaan ko ay kailangan kong manloko ng isang tao.Hindi ko man gusto, wala na akong magawa dahil iyon na ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay para makalaya sa poder ni Daddy. Alam kong hindi sapat na dahilan ang kagustuhan kong maging malaya para manloko ng ibang tao, pero wala na akong ibang pagpipilian. Sa ngayon, mas mahalaga sa akin ang kalayaan ko. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha ang lupang gusto ni Daddy. Isasantabi ko muna ang guilt na nararamdaman ko.Marahan akong kumatok.“Come in.”Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka pumasok. Nadatnan ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa. May ilang dokumentong nakalatag sa harapan niya habang abala siya sa pagbabasa ng
Bahagya akong napakunot-noo.“What do you mean, Dad?”Hindi agad siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang isang folder mula sa center table at iniabot iyon sa akin.“There's a property in San Ildefonso, Bukidnon. It's a piece of land that Valderama Enterprises needs for its next major project. Unfortunately, the owner refuses to sell.”Napatingin ako sa folder na hawak ko bago muling ibinalik ang tingin kay Daddy.“And what does that have to do with me?” nagtataka kong tanong.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daddy, Napalitan iyon ng seryosong tingin.“Your job is to get close to him. Earn his trust and convince him to agree to the deal. By any means necessary.”Napakurap ako.“Daddy, what do you mean by any—”“Make that man fall in love with you, Celestine. And once you have his heart, make sure you get the land.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko.For a moment, I thought I had misunderstood him.“What?”Nanginig ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa folder. Dahan-dahan ko itong ibinaba







