แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: Seera Mei
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-05 03:18:50

Arabella Celestine’s POV

Tingin ko, nasa late forties  na ang edad niya. Elegante ang dating niya, mula sa maayos niyang pananamit hanggang sa kumpiyansang kilos. Simple lamang ang suot niyang itim na gown, pero halatang pinag-isipan ang bawat detalye nito. Hindi man ito punong-puno ng palamuti, sapat na ang ganda ng pagkakagawa para mapansin ang husay ng designer sa likod nito.

At nang mapansin ko ang maliit na name card na nakakabit sa kanyang mamahaling pouch, muntik na akong mapatili.

Oh my God.

Isa siya sa mga designer na hinahangaan ko. Hindi ko lang agad siya namukhaan dahil nakatagilid siya sa akin at hindi ko pa masyadong napagmamasdan ang kanyang mukha.

“Very beautiful,” sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Kalma, Celestine. Act like a professional.

Ayokong maging pangit ang first impression niya sa akin. And this is my opportunity.

“I love how the fabric moves. It doesn't look stiff, but it still keeps the shape of the design,” muli kong sambit.

Bahagyang tumaas ang kilay niya, na para bang nagulat siya sa sagot ko.

“You know fashion?”

Napangiti ako.

“I'm learning.”

“Are you a designer or a model?”

Umiling ako.

“No. I'm not a model, but I want to become a fashion designer.”

I don't know why, but somehow, it felt easier to say those things in front of her. Maybe because, for the first time, I was standing face-to-face with someone I had long admired, someone who was part of the world I had always dreamed of being in.

“That's an ambitious dream,” sabi niya.

“I know,” nakangiti kong sagot.

“And what have you designed so far?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

This is it.

Ito na ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong nasa harapan ko na.

Maingat kong inilabas ang sketchbook mula sa bag ko.

“I brought some of my designs with me. If you don't mind, would you be willing to take a look?”

Tiningnan niya ang sketchbook bago ibinalik ang tingin sa akin.

Sa isang maikling sandali, nakaramdam ako ng takot na baka tanggihan niya ako. Baka sabihin niyang wala siyang oras o masyado siyang abala para tingnan ang gawa ng isang babaeng katulad ko.

Pero sa halip na tumanggi, inilahad niya ang kamay niya.

“Let's see.”

Halos hindi ako makahinga habang binubuksan ko ang sketchbook at iniabot iyon sa kanya.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga pahina.

Hindi siya agad nagsalita, at sa bawat segundong lumilipas ay lalo akong kinakabahan. Sinubukan kong basahin ang ekspresyon ng kanyang mukha, ngunit mahirap hulaan kung ano ang nasa isip niya habang pinagmamasdan ang mga disenyo ko.

Ilang sandali niyang pinagmasdan ang illustration ng red gown na ginawa ko. It featured a fitted bodice that hugged the waist, paired with a flowing skirt and soft pleats that gave it an elegant, graceful silhouette.

Pagkatapos, lumipat ang tingin niya sa isang evening dress na may mga detalyeng ginaya sa hugis ng mga petals ng sampaguita.

Tahimik akong naghihintay habang maingat niyang binubuklat ang bawat pahina. Pero grabe ang kabog ng dibdib ko.

Sa huling design, huminto siya sandali saka nag-angat ng tingin sa akin.

“Did you design all of these?”

“Yes.”

“By yourself?”

“Yes.”

Muli niyang pinagmasdan ang illustration sa harap niya bago bahagyang tumango.

“There's potential here.”

Napatitig ako sa kanya.

“Really?”

Bahagya siyang ngumiti.

“You still have a lot to learn. Your proportions need work, and you have to understand how different fabrics behave when they're actually sewn. But you have ideas, and that's a good place to start.”

 Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong maiyak sa simpleng mga salitang iyon.

Potential. 

Good ideas.

Good place to start.

For the first time, someone other than my best friends had noticed my potential.

“Thank you,” sabi ko, hindi ko naitago ang saya sa boses ko. “I'll work harder.”

“Do that. And don't be afraid to show people your work.”

Tumango ako.

“I won't.”

Nag-usap pa kami, at marami siyang ipinayo sa akin bago siya tinawag ng isa sa kanyang mga kasama. Maingat niyang isinara ang sketchbook at ibinalik iyon sa akin bago kami nagpaalam sa isa't isa.

Nang makaalis siya, napayakap ako sa sketchbook ko.

I could do this.

Sa simpleng gabing ito, sapat na muna iyon para sa akin. At least, may kinahinatnan ang pagpunta ko rito.

Masaya akong bumalik sa lugar kung saan ko iniwan ang mga kaibigan ko, pero wala sila roon. Kaya naman napalingon-lingon ako habang hinahanap sila.

“Celestine!”

Napalingon ako at nakita kong kumakaway si Isabella mula sa hindi kalayuan. Nakaupo na sila sa sariling mesa, kaya mabilis akong lumapit sa kanila.

“Sakto ang balik mo. Magsisimula na ang program,” sambit ni Isabella.

“Girl, your face is glowing,” bungad ni Alessandra nang makaupo ako.

Napangiti ako.

“I talked to one of the designers,” masaya kong sabi. Hindi ko talaga maitatago ang saya ko dahil ibang experience iyon para sa akin.

“Really? So, how did it go? What did you talk about?” tanong ni Isabella.

“She looked at my illustrations.”

“And?” excited na tanong ni Isabella, halatang naghihintay sa susunod kong sasabihin.

“She said there's potential, and told me not to be afraid to show people my work. Binigyan din niya ako ng mga payo at tips.”

Napangiti naman silang dalawa.

“Oh my God. I'm so proud of you!”

“Bringing your sketchbook here wasn't a waste after all. All your efforts finally paid off.”

Mas napangiti ako saka ilang beses na tumango.

“Yeah, ang sarap sa pakiramdam.”

For a little while, I allowed myself to imagine a future where I could finally live the life I wanted.

A future where I wouldn't have to hide my designs.

A future where my dreams wouldn't be treated like a childish hobby.

Gusto ko lang namnamin ang pakiramdam na ito.

Nagsisimula pa lamang ang programa ng nararamdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bag. Bigla akong kinabahan habang kinukuha iyon. Nang makita ko ang pangalan sa screen, mabilis na nawala ang masayang pakiramdam ko. Biglang bumigat ang dibdib ko.

DADDY CALLING...

Sinilip ni Isabella kung sino ang tumatawag saka napasinghap.

“Uh-oh. Your dad is calling.”

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.

“Celestine, he doesn't know you came straight here after leaving the company earlier. I'm sure he's already looking for you,” ani Alessandra. Halata sa boses niya ang pag-aalala.

Hindi ako umimik. Patuloy pa rin sa pag-vibrate ang cellphone ko.

Here we go again.

Napabuntong-hininga ako bago kinakabahang sinagot ang tawag.

“Hello, Daddy?”

“WHERE ARE YOU?”

Napapikit ako.

I knew that tone.

It was the same tone he always used whenever he disapproved of something I did, whenever I made a mistake, or whenever he was angry with me.

“At the charity gala, Daddy.”

“WHAT!?”

“Daddy, I—”

“I told you to go home after your visit to the company. I did not give you permission to attend another event!”

Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa cellphone.

“I only wanted to attend for a little while. There are designers here, and I thought I could—”

“I DON'T FVCKING CARE ABOUT YOUR DESIGNERS!”

Napatigil ako.

Sa kabilang linya, narinig ko ang malalim niyang paghinga, na para bang napakalaki ng kasalanang nagawa ko.

“You will leave that place immediately, Arabella Celestine. Do you understand me?”

“But, Daddy—”

“No buts! I want you home. Now!”

Natapos ang tawag nang hindi man lang niya ako hinayaang magpaliwanag.

Napatitig ako sa cellphone ko.

Ilang segundo akong hindi gumalaw. Hindi ko akalaing ganoon kabilis mapapalitan ang saya na nararamdaman ko kanina. Sa isang iglap, napalitan iyon ng bigat sa dibdib. Ngayon, kailangan ko na namang harapin ang galit ng ama ko.

Kanina, pakiramdam ko ay may posibilidad na talagang matupad ang pangarap ko. May isang designer na tumingin sa mga gawa ko at nagbigay sa akin ng dahilan upang mas maniwala sa sarili ko.

Pero isang tawag lamang ni Daddy ang kinailangan upang muling ipaalala sa akin kung gaano kaliit ang kalayaang mayroon ako.

“Celestine…” mahinang tawag ni Alessandra.

Ngumiti ako ng tipid.

“It's okay.”

But it wasn't.

Maingat kong ibinalik sa bag ang sketchbook ko.

“Do you want us to come with you?” tanong ni Isabella.

Umiling ako.

“No. I'll be fine.”

“Are you sure?”

“Yeah.”

Niyakap ko silang dalawa bago tuluyang nagpaalam.

Habang naglalakad ako palabas ng Grand Function Hall, hindi ko maiwasang lingunin ang mga display na gown na kanina lang ay tinitignan ko.

Napakaganda ng mga iyon.

Napakaganda ng mundong gusto kong maging bahagi.

Just moments ago, as I admired those gowns, I was imagining how wonderful it would be to see my own designs displayed in a place like this someday. But now, I had to turn my back on another opportunity to get one step closer to that dream.

Pagdating ko sa labas, agad akong nag-book ng masasakyan. Hindi na ako nag-abalang magpahatid gamit ang limousine na sinakyan namin kanina dahil kailangan ko nang makauwi agad.

***********

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 9

    Kinabukasan, maaga akong nagising. Sakto namang tumila na ang ulan.Matapos mag-almusal at mag-ayos ng mga gamit, sinabi ko sa mga katulong na handa na akong umalis papunta sa Villa Aurelia. Wala si Doña Beatriz dahil napakaaga raw nitong umalis patungo sa bayan. Kaya hindi ko na nagawang makapag-paalam. Si Lorenzo naman, hindi ko nakita. Hindi ko alam kung nasaan ang lalaking bossy na iyon. Pero kahit hindi kami nagkasundo ni Lorenzo kagabi, maayos naman ang naging pagtanggap sa akin ni Doña Beatriz at ng mga tauhan niya. Si Manang Rose pa nga ang nag-asikaso upang matiyak na maayos kaming makakarating sa villa.Nang makarating ako sa Villa Aurelia, agad kong nilibot ang tingin sa paligid. Wow, Sobrang ganda ng lugar! Napakagaan sa pakiramdam ng atmospera. Malawak ang bakuran, napapalibutan ng matatayog na puno, sari-saring halaman at mga bulaklak. May ilang katiwala ring nag-aasikaso sa bahay, gaya ng sinabi ni Daddy.Pagod pa rin ako mula sa biyahe kahapon kaya mas pinili ko m

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 8

    Hindi gaanong nagsasalita si Lorenzo. Nakikinig lamang siya sa pinag-uusapan namin ng kaniyang Tita. Yes, nalaman kong tita pala niya ang donya.Sa totoo lang, ang dami naming napag-usapan ni Doña Beatriz. Nakakatuwa siyang ka-kuwentuhan. Tinatanong niya ako tungkol sa mga disenyo ko at sa plano kong mag-aral sa Paris. Kapag may oras ako bukas, dadalhin ko sa kanya ang sketchbooks ko para maipakita ang mga fashion illustration ko.Masaya akong may nakakausap na interesado sa pangarap ko. Doon kasi sa Manila, sina Isabella lang ang matiyagang nakikinig sa akin at nakakausap ko tungkol sa fashion.“Sigurado akong marami kang magagandang ideya, hija,” sabi ni Doña Beatriz habang inilalapag ang kaniyang kubyertos.“Marami pa po akong kailangang matutunan.”“Ganoon naman talaga. Walang nagsisimula na eksperto na agad. Lahat, pinag-aaralan munang mabuti.”Ngumiti ako.“Tama po kayo.”“Kapag may natapos kang disenyo ng mga dress, ipakita mo sa akin. Gusto kong makita ang mga magagawa mo hab

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 7

    Hindi na ako nakipagtalo pa sa lalaki. Sa halip, tahimik akong bumalik sa loob ng SUV at isinara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang awtoridad sa boses niya.Mula sa bintana, pinanood ko siyang makalayo hanggang sa tuluyan siyang nawala sa aking paningin.Napabuntong-hininga ako. Sana talaga ay matulungan niya kami. Ayokong abutan kami ng gabi dito sa gilid ng kalsada. Isa pa, gusto ko na ring magpahinga dahil sobrang nakakapagod ang biyahe. Higit sa lahat gusto ko na rin magpalit ng damit. Basang-basa ako at nilalamig na. Ilang minuto na ang lumipas. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinilip ang cellphone ko, umaasang magkaroon man lang ng signal. Pero wala pa rin.Nasaan na kaya ang lalaki? Malayo ba ang bahay niya o kung saan man siya humingi ng tulong?Gusto ko na sanang lumabas ulit ng sasakyan nang may marinig akong ingay na papalapit mula sa direksyong pinuntahan ng lalaki kanina.Muli akong tumingin sa bintana.Sa gitna ng malakas na ulan, nakita

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 6

    Hindi ko akalaing ganito kahaba ang magiging biyahe ko patungong Bukidnon.Mula sa Manila, sumakay muna ako ng eroplano patungong Cagayan de Oro. Pagdating ko roon, isang itim na SUV na ipinahanda ni Daddy ang naghihintay na sa akin. Isang driver ang nakatalaga para ihatid ako sa San Ildefonso, kung saan matatagpuan ang Hacienda Monteverde.Sa unang bahagi ng biyahe, halos hindi ko na inalis ang tingin sa bintana.Sanay akong makakita ng matataas na gusali, malalawak na kalsada, mamahaling sasakyan, at mga taong laging nagmamadali sa bawat sulok ng Manila. Pero habang lumalayo kami sa lungsod at pumapasok sa mga bayan ng Bukidnon, unti-unting nagbabago ang tanawin.Napalitan ng malalawak na bukirin ang magkakatabing gusali. Naging mas kaunti ang mga sasakyan sa kalsada, at sa halip na matataas na building, mga puno at kabundukan na ang makikita ko sa magkabilang panig.May mga bahay na magkakahiwalay ang pagitan. May maliliit na tindahan sa gilid ng kalsada, mga batang naglalaro sa ba

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 5

    Kinabukasan, eksaktong alas-otso ng umaga, nasa labas na ako ng opisina ni Daddy, gaya ng sinabi niya kagabi.Sa totoo lang, maaga akong nagising dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kondisyong ibinigay ni Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala na kapalit ng kalayaan ko ay kailangan kong manloko ng isang tao.Hindi ko man gusto, wala na akong magawa dahil iyon na ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay para makalaya sa poder ni Daddy. Alam kong hindi sapat na dahilan ang kagustuhan kong maging malaya para manloko ng ibang tao, pero wala na akong ibang pagpipilian. Sa ngayon, mas mahalaga sa akin ang kalayaan ko. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha ang lupang gusto ni Daddy. Isasantabi ko muna ang guilt na nararamdaman ko.Marahan akong kumatok.“Come in.”Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka pumasok. Nadatnan ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa. May ilang dokumentong nakalatag sa harapan niya habang abala siya sa pagbabasa ng

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 4

    Bahagya akong napakunot-noo.“What do you mean, Dad?”Hindi agad siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang isang folder mula sa center table at iniabot iyon sa akin.“There's a property in San Ildefonso, Bukidnon. It's a piece of land that Valderama Enterprises needs for its next major project. Unfortunately, the owner refuses to sell.”Napatingin ako sa folder na hawak ko bago muling ibinalik ang tingin kay Daddy.“And what does that have to do with me?” nagtataka kong tanong.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daddy, Napalitan iyon ng seryosong tingin.“Your job is to get close to him. Earn his trust and convince him to agree to the deal. By any means necessary.”Napakurap ako.“Daddy, what do you mean by any—”“Make that man fall in love with you, Celestine. And once you have his heart, make sure you get the land.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko.For a moment, I thought I had misunderstood him.“What?”Nanginig ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa folder. Dahan-dahan ko itong ibinaba

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status