Arabella Celestine’s POV SIMULA“Celestine, are you even listening to me?”Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Isabella mula sa pagkakatitig ko sa repleksiyon ng sarili ko sa salamin ng limousine tapos mabilis akong napalingon sa kanya.“Of course, I am,” sagot ko.Geez! Kanina pa ba niya ako kinakausap? Lihim akong napangiwi sa aking isip.Masyado kasing okupado ang isip ko sa gown na suot ko. Ganito talaga ako kapag nasusuot ko na ang sarili kong disenyo, lalo na ngayong gabi. Charity gala ang dadaluhan namin, at alam kong maraming kilalang personalidad, modelo, at fashion designers ang naroon. Isa iyon sa mga pagkakataong maaari kong maipakita ang sarili kong disenyo, at ako mismo ang modelo ng sarili kong gawa.Kaya naman hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat detalye ng suot kong champagne-colored gown. Gusto kong matiyak na maayos at perpekto ang gawa at ayos ko, higit sa lahat, gusto kong mapansin nila ang gown ko. Events like this don't happen often for me, where
최신 업데이트 : 2026-11-05 더 보기