Share

Chapter 4

Author: Seera Mei
last update publish date: 2026-11-06 20:40:56

Bahagya akong napakunot-noo.

“What do you mean, Dad?”

Hindi agad siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang isang folder mula sa center table at iniabot iyon sa akin.

“There's a property in San Ildefonso, Bukidnon. It's a piece of land that Valderama Enterprises needs for its next major project. Unfortunately, the owner refuses to sell.”

Napatingin ako sa folder na hawak ko bago muling ibinalik ang tingin kay Daddy.

“And what does that have to do with me?” nagtataka kong tanong.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daddy, Napalitan iyon ng seryosong tingin.

“Your job is to get close to him. Earn his trust and convince him to agree to the deal. By any means necessary.”

Napakurap ako.

“Daddy, what do you mean by any—”

“Make that man fall in love with you, Celestine. And once you have his heart, make sure you get the land.”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

For a moment, I thought I had misunderstood him.

“What?”

Nanginig ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa folder. Dahan-dahan ko itong ibinaba sa mesa, para bang bigla itong bumigat dahil sa mga salitang narinig ko.

“Did you just ask me to make a man fall in love with me just so we can get his land?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko inaasahang sa sarili ko pang ama manggagaling ang ganoong klaseng salita.

“That's exactly what I said.”

“Daddy, that's not a business negotiation,” tutol ko.

“Call it whatever you want. I need that property, and you're going to help me get it.”

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabigla—ang mismong utos niya o ang katotohanang handa niyang gamitin ang sarili niyang anak para lamang makuha ang lupang gusto niya.

“Why me?” mahinang tanong ko. “Why can't you send someone else?”

“Because I've already tried every possible way. The legal department has done its part, and our negotiations have gone nowhere. The owner won't listen to anyone from our company. I need someone I trust and who can get close to him without making him feel like we're only after his property.”

“And you think I can do that?”

Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi.

“I know you can. You're my daughter, after all.”

Napailing ako.

Damn. Tama ba talaga ang naririnig ko? Sa dami ng maaaring ipagawa sa akin ni Daddy, ito pa talaga ang naisip niyang paraan?

“You keep saying you want to make your own decisions and build a future for yourself. Then prove you can take on a real responsibility. Show me that you can do it.”

Napatiim-bagang ako.

So, ito pala ang ibig niyang sabihin sa pagkakataong ibibigay niya sa akin. Hindi pala sapat na patunayan kong kaya kong abutin ang pangarap ko. Kailangan ko rin munang patunayan na kaya kong gawin ang isang bagay na gusto niya.

“So, if I do what you said, will you finally let me go? Will you give me my freedom and let me go to Paris?”

Tumingin siya sa akin nang matagal, para bang pinag-aaralan kung gaano kahalaga sa akin ang pangarap na matagal ko nang ipinaglalaban.

“Complete what I'm asking you to do, and I'll give you the freedom you've been asking for,” he said at last. “Earn the landowner's trust and secure the property we need. If you can do that, I'll give you what you've always wanted.”

Napahinto ako.

“You want to pursue fashion, build your own career, and go to Paris? Fine. I'll let you do all of that. No more arguments about your future. No more forcing you to stay where you don't want to be. And no more responsibilities to this family or the company.”

Hindi agad ako nakasagot.

Iyon ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig mula sa kaniya. Ilang taon ko nang hinihintay na kahit minsan ay maintindihan at suportahan niya ako. Na payagan niya akong tuparin ang pangarap na matagal ko nang hinahangad.

Pero bakit kailangan pang may kapalit?

“Are you serious, Dad?” maingat kong tanong. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya.

“Do I look like I'm joking?”

Napayuko ako at muling tiningnan ang folder sa harapan ko.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. May bahagi sa akin na gustong tanggihan ang alok niya dahil hindi madali ang ipinapagawa niya sa akin. Higit sa lahat, alam kong mali ang hinihingi niya. 

Hindi ko kayang gamitin ang isang tao para lamang makuha ang lupang gusto ng ama ko. Paano kung tuluyan siyang mahulog sa akin? Paano kung maniwala siyang totoo ang lahat ng ipapakita ko sa kanya, gayong alam kong may ibang dahilan ang paglapit ko sa kanya? Hindi ko maiwasang isipin kung gaano kasakit iyon para sa taong walang kamalay-malay na bahagi lamang siya ng plano ng pamilya ko.

“Daddy, you're asking me to deceive someone.”

“I'm asking you to do what needs to be done for this family. We've tried negotiating with him, and it hasn't worked. If he refuses to cooperate, then we'll have to find another way. And don't overthink it. He's just another person you need to convince.”

“But—”

“You said you wanted freedom, Arabella Celestine. I'm giving you a chance to earn it. Or are you going to tell me that your dreams aren't important enough for you to fight for?”

Napatingin ako sa kaniya.

Alam na alam ng ama ko kung paano niya ako mapapasunod. Inilalagay niya ako sa sitwasyong mahirap tanggihan dahil alam niyang gustong-gusto kong makamit ang pangarap ko at ang kalayaang matagal ko nang hinihiling.

Kung tatanggihan ko ang kondisyon niya, mananatili akong nakakulong sa buhay na pinili niya para sa akin. Patuloy akong magiging sunod-sunuran sa mga desisyon niya, kahit alam kong hindi iyon ang buhay na gusto ko.

Samantalang kung tatanggapin ko, magkakaroon ako ng pagkakataong makuha ang kalayaang matagal ko nang ipinaglalaban.

“Can I at least know how long this job will take?” tanong ko.

“We'll discuss the details tomorrow. My office. Eight in the morning.”

“Daddy, I still don't know if I can do this.”

“Then think about it tonight. But remember, Celestine, this is your chance. Don't waste it.”

Muli akong napatingin sa folder.

Nandoon ang pangalan ng lalaking kailangan kong paibigin, ang lokasyon ng lupang kailangang makuha ng kumpanya, at ang proyektong maaaring maging kapalit ng pangarap ko.

Hindi ko alam kung anong klaseng tao si Lorenzo Mateo Monteverde. Hindi ko alam kung paano ko siya makukumbinsi, lalo na kung kailangan kong makuha ang tiwala niya.

Pero alam ko kung ano ang gusto ko.

Gusto kong makalaya.

Gusto kong makapunta sa Paris. Gusto kong magkaroon ng sarili kong buhay, ng sarili kong pangalan sa mundo ng fashion, at ng pagkakataong patunayan na kaya kong maging higit pa sa isang tagapagmana ng Valderama family.

And if that was the price I had to pay for that opportunity, then I needed to consider whether I was willing to face the consequences of my decision.

“Fine,” mahina kong sabi.

Bahagyang tumaas ang kilay ni Daddy.

“Does that mean you'll do it?”

Huminga ako nang malalim bago tumingin sa kaniya.

“Yes. I'll do it.”

“Good.”

“But I want us to be clear about one thing, Daddy.” Pinilit kong panatilihing matatag ang boses ko. “If I succeed, you'll keep your promise. You'll let me go to Paris, and you won't interfere with my dream anymore.”

Sandali niya akong tinitigan bago tuluyang tumango.

“You have my word.”

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi tuluyang nawala ang bigat sa dibdib ko nang marinig iyon.

Tumango na lamang ako.

“This conversation is over,” sabi niya bago tumalikod at naglakad patungo sa hagdan.

Sumunod sa kaniya si Isadora matapos akong bigyan ng isang maikling ngising hindi ko maintindihan kung para saan 'yon. 

Naiwan kaming dalawa ni Camilla sa sala. Ilang sandali siyang nakatingin sa akin bago siya nagsalita.

“Good luck, Ate,” nakangisi  din niyang sabi bago tumayo at sumunod kina Daddy.

Naiwan akong mag-isa sa sala. Muli kong binalingan ang folder at matagal na pinagmasdan muli ang pangalang nakasulat sa ibabaw nito.

Lorenzo Mateo Monteverde.

Mahigpit kong hinawakan ang folder, saka marahang napapikit.

I'm sorry, Mr. Monteverde.

Wala rin pala akong ipinagkaiba kay Daddy. Pumayag akong manloko ng isang tao para lamang makuha ang kalayaang matagal ko nang hinahangad.

**********

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Seera Mei
May nagbabasa po ba?
goodnovel comment avatar
Seera Mei
Hello, please support me again sa aking bagong story!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 9

    Kinabukasan, maaga akong nagising. Sakto namang tumila na ang ulan.Matapos mag-almusal at mag-ayos ng mga gamit, sinabi ko sa mga katulong na handa na akong umalis papunta sa Villa Aurelia. Wala si Doña Beatriz dahil napakaaga raw nitong umalis patungo sa bayan. Kaya hindi ko na nagawang makapag-paalam. Si Lorenzo naman, hindi ko nakita. Hindi ko alam kung nasaan ang lalaking bossy na iyon. Pero kahit hindi kami nagkasundo ni Lorenzo kagabi, maayos naman ang naging pagtanggap sa akin ni Doña Beatriz at ng mga tauhan niya. Si Manang Rose pa nga ang nag-asikaso upang matiyak na maayos kaming makakarating sa villa.Nang makarating ako sa Villa Aurelia, agad kong nilibot ang tingin sa paligid. Wow, Sobrang ganda ng lugar! Napakagaan sa pakiramdam ng atmospera. Malawak ang bakuran, napapalibutan ng matatayog na puno, sari-saring halaman at mga bulaklak. May ilang katiwala ring nag-aasikaso sa bahay, gaya ng sinabi ni Daddy.Pagod pa rin ako mula sa biyahe kahapon kaya mas pinili ko m

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 8

    Hindi gaanong nagsasalita si Lorenzo. Nakikinig lamang siya sa pinag-uusapan namin ng kaniyang Tita. Yes, nalaman kong tita pala niya ang donya.Sa totoo lang, ang dami naming napag-usapan ni Doña Beatriz. Nakakatuwa siyang ka-kuwentuhan. Tinatanong niya ako tungkol sa mga disenyo ko at sa plano kong mag-aral sa Paris. Kapag may oras ako bukas, dadalhin ko sa kanya ang sketchbooks ko para maipakita ang mga fashion illustration ko.Masaya akong may nakakausap na interesado sa pangarap ko. Doon kasi sa Manila, sina Isabella lang ang matiyagang nakikinig sa akin at nakakausap ko tungkol sa fashion.“Sigurado akong marami kang magagandang ideya, hija,” sabi ni Doña Beatriz habang inilalapag ang kaniyang kubyertos.“Marami pa po akong kailangang matutunan.”“Ganoon naman talaga. Walang nagsisimula na eksperto na agad. Lahat, pinag-aaralan munang mabuti.”Ngumiti ako.“Tama po kayo.”“Kapag may natapos kang disenyo ng mga dress, ipakita mo sa akin. Gusto kong makita ang mga magagawa mo hab

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 7

    Hindi na ako nakipagtalo pa sa lalaki. Sa halip, tahimik akong bumalik sa loob ng SUV at isinara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang awtoridad sa boses niya.Mula sa bintana, pinanood ko siyang makalayo hanggang sa tuluyan siyang nawala sa aking paningin.Napabuntong-hininga ako. Sana talaga ay matulungan niya kami. Ayokong abutan kami ng gabi dito sa gilid ng kalsada. Isa pa, gusto ko na ring magpahinga dahil sobrang nakakapagod ang biyahe. Higit sa lahat gusto ko na rin magpalit ng damit. Basang-basa ako at nilalamig na. Ilang minuto na ang lumipas. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinilip ang cellphone ko, umaasang magkaroon man lang ng signal. Pero wala pa rin.Nasaan na kaya ang lalaki? Malayo ba ang bahay niya o kung saan man siya humingi ng tulong?Gusto ko na sanang lumabas ulit ng sasakyan nang may marinig akong ingay na papalapit mula sa direksyong pinuntahan ng lalaki kanina.Muli akong tumingin sa bintana.Sa gitna ng malakas na ulan, nakita

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 6

    Hindi ko akalaing ganito kahaba ang magiging biyahe ko patungong Bukidnon.Mula sa Manila, sumakay muna ako ng eroplano patungong Cagayan de Oro. Pagdating ko roon, isang itim na SUV na ipinahanda ni Daddy ang naghihintay na sa akin. Isang driver ang nakatalaga para ihatid ako sa San Ildefonso, kung saan matatagpuan ang Hacienda Monteverde.Sa unang bahagi ng biyahe, halos hindi ko na inalis ang tingin sa bintana.Sanay akong makakita ng matataas na gusali, malalawak na kalsada, mamahaling sasakyan, at mga taong laging nagmamadali sa bawat sulok ng Manila. Pero habang lumalayo kami sa lungsod at pumapasok sa mga bayan ng Bukidnon, unti-unting nagbabago ang tanawin.Napalitan ng malalawak na bukirin ang magkakatabing gusali. Naging mas kaunti ang mga sasakyan sa kalsada, at sa halip na matataas na building, mga puno at kabundukan na ang makikita ko sa magkabilang panig.May mga bahay na magkakahiwalay ang pagitan. May maliliit na tindahan sa gilid ng kalsada, mga batang naglalaro sa ba

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 5

    Kinabukasan, eksaktong alas-otso ng umaga, nasa labas na ako ng opisina ni Daddy, gaya ng sinabi niya kagabi.Sa totoo lang, maaga akong nagising dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kondisyong ibinigay ni Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala na kapalit ng kalayaan ko ay kailangan kong manloko ng isang tao.Hindi ko man gusto, wala na akong magawa dahil iyon na ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay para makalaya sa poder ni Daddy. Alam kong hindi sapat na dahilan ang kagustuhan kong maging malaya para manloko ng ibang tao, pero wala na akong ibang pagpipilian. Sa ngayon, mas mahalaga sa akin ang kalayaan ko. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha ang lupang gusto ni Daddy. Isasantabi ko muna ang guilt na nararamdaman ko.Marahan akong kumatok.“Come in.”Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka pumasok. Nadatnan ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa. May ilang dokumentong nakalatag sa harapan niya habang abala siya sa pagbabasa ng

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 4

    Bahagya akong napakunot-noo.“What do you mean, Dad?”Hindi agad siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang isang folder mula sa center table at iniabot iyon sa akin.“There's a property in San Ildefonso, Bukidnon. It's a piece of land that Valderama Enterprises needs for its next major project. Unfortunately, the owner refuses to sell.”Napatingin ako sa folder na hawak ko bago muling ibinalik ang tingin kay Daddy.“And what does that have to do with me?” nagtataka kong tanong.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daddy, Napalitan iyon ng seryosong tingin.“Your job is to get close to him. Earn his trust and convince him to agree to the deal. By any means necessary.”Napakurap ako.“Daddy, what do you mean by any—”“Make that man fall in love with you, Celestine. And once you have his heart, make sure you get the land.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko.For a moment, I thought I had misunderstood him.“What?”Nanginig ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa folder. Dahan-dahan ko itong ibinaba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status