Teilen

Chapter 3

last update Veröffentlichungsdatum: 06.11.2026 20:32:23

 Nang tumigil sa labas ng mansiyon ang sinasakyan ko, bumuntong-hininga muna ako bago nagbayad at bumaba ng sasakyan.

Mahigpit ang hawak ko sa bag habang naglalakad papasok. Binati ako ng guard, pero hindi ko man lang nagawang batiin siya pabalik dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ko.

Pagdating ko sa malaking p***o ng mansyon, hindi agad ako pumasok. Nanatili muna akong nakatayo roon. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Alam kong naghihintay sa akin si Daddy sa loob at paniguradong sesermonan na naman niya ako.

Ilang sandali pa akong nanatili roon hanggang sa maging ready na ako, bago ko tuluyang buksan ang p***o.

Pagpasok ko sa sala, agad kong nakita si Daddy na nakaupo sa single sofa. Nakasuot na siya ng pantulog habang may hawak na isang basong tubig sa kanang kamay. Ang kaliwang kamay naman niya ay nakapatong sa armrest ng sofa.

Sa likod niya ay nakatayo si Isadora, ang bago niyang asawa at stepmother ko na. Abala ito sa pagtingin sa mga nail extension niya, maingat na sinusuri kung may kaunting damage ang mga iyon. Kilala ko siya. Kapag may napansin siyang kahit maliit na sira sa mga kuko niya, agad niya iyong pinapapalitan, ganon siya kaarte.

Sa kabilang sofa naman ay nakaupo si Camilla, ang anak ni Isadora. Nakayuko ito sa cellphone niya na para bang wala siyang pakialam sa paligid.

Pero nang marinig nila ang pagdating ko, sabay-sabay silang napatingin sa akin. Walang ganang tumingin sa akin si Isadora bago ibinalik ang atensyon sa mga daliri niya, habang si Camilla naman ay nakakalokong ngumisi. Bigla itong nabuhayan at naging interesado sa maaaring mangyari.

Hindi na ako nagulat sa naging reaksyon niya.

Sa tuwing nagkakaroon kami ng pagtatalo ni Daddy, palagi siyang ganoon. Para bang may palabas siyang laging inaabangan panoorin, at ang paborito niyang bahagi ay kapag napapagalitan ako.

“What time is it, Arabella Celestine? I told you to come home after visiting the company. But what? You went straight to that damn charity gala?! Did I give you permission to attend that event, huh?” galit niyang tanong.

Maingat kong inilapag ang bag ko sa mesang nasa tabi ko bago humarap sa kanya.

“I'm sorry I'm late, Daddy. Sumaglit lang naman ako sa charity gala. Hindi ko rin naman balak magtagal doon. Besides, nagawa ko naman nang maayos ang lahat ng ipinagawa mo sa akin sa kumpanya kanina.”

“And you're talking back to me?” matalim niyang singhal. “Which part of my instruction did you not understand?”

Napabuntong-hininga ako.

Minsan, iniisip ko kung may saysay pa bang magpaliwanag sa isang taong sarado ang isip.

“I understood your instruction perfectly, Daddy. I just don't see why attending a charity gala should be such a big problem,” mahinahon kong sagot.

“Because I told you to come home as soon as you finished at the company! Is that so difficult to understand?”

“It's not, Daddy. But I don't think attending one event would ruin whatever plans you have for me.”

His jaw tightened.

“Don't twist my words, Celestine. This isn't about the charity gala. It's about you doing whatever you please without considering what I've told you.”

Gosh, here we go again.

Paulit-ulit na lang talaga kami. Iisang usapan, iisang pagtatalo, at iisang resulta. Sa huli, siya pa rin ang masusunod.

“Then what exactly do you want me to do? Spend my whole day at the company and come straight home afterward? Is that all I'm allowed to do?”

“If that's what it takes to make you understand your responsibilities, then yes!”

Natawa ako ng mapakla.

Damn those responsibilities.

“Daddy, hindi naman ako gumawa ng masama. It was a charity event. I met people in the fashion industry, and I even had the chance to show some of my designs to a professional designer.”

Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Your designs, huh?”

Naikuyom ko ang aking kamay.

“Celestine, when are you going to stop wasting your time on that nonsense?”

Natigilan ako. May kung anong kirot na muling dumaan sa dibdib ko.

Nonsense.

Tuwing nababanggit ang tungkol sa design o sa pangarap ko, kung anu-ano na lang talaga ang naririnig ko sa kanya. Parang wala akong karapatan magdesisyon para sa sarili ko, wala akong karapatang pumili ng landas na gusto kong tahakin. Parang lahat ng gusto ko ay walang halaga dahil hindi iyon ang gusto niya para sa akin.

“It's not nonsense to me,” sagot ko.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at iniabot kay Isadora ang hawak niyang baso.

“Then perhaps you should explain to me why you keep prioritizing it over your responsibilities.”

“I'm not prioritizing it over my responsibilities. I'm just trying to make room for something I want, too.” Sagot ko, mas magandang mahinahon pa rin dahil kilala ko ang ama ko. 

“Something you want?” sarkastiko siyang natawa. “You have everything a woman your age could possibly ask for. You have money, a comfortable life, and a family name that opens doors for you. What more do you want? Hindi mo na kailangan ng lintik na fashion fashion na 'yan.”

Napatingin ako sa kaniya.

Gustong-gusto kong sumagot at sabihin na gusto ko ng buhay na hindi kailangan diktahan. Gusto kong sabihin na hindi porke't mayroon ako ng lahat ng bagay na kayang bilhin ng pera ay wala na akong karapatang mangarap.

Pero pinili kong pigilan ang sarili dahil alam kong siguradong mas lalala pa ang mangyayari kapag nagpadaig ako sa emosyon ko.

“I want to build something of my own, Dad.” Sana maintindihan naman niya ang gusto kong ipahiwatig.

“Using what? The money I worked hard to earn?”

“No. Using my talent,” mabilis kong sagot.

“Talent?” Umiling siya. “Talent will not protect the Valderama name. Talent will not keep this company running. And talent will not prepare you to take over the business when the time comes.”

There it was.

The Valderama name.

Iyon na lang palagi ang sukatan niya sa lahat ng bagay. Hindi kung masaya ba ako, kung ano ang gusto kong gawin, o kung saan ako tunay na interesado. Ang mahalaga lang sa kanya ay kung ano ang makabubuti sa pangalan ng pamilyang ito.

Iyon ang mahalaga sa kanya. Hindi ang pangarap ko.

“Daddy, I know how important the company is to you. I know how much you've worked for it. That's why I've been doing everything you've asked me to do. Pero ibig bang sabihin no'n, kailangan kong talikuran ang lahat ng gusto ko para lang patunayan na karapat-dapat akong maging anak mo?”

His expression hardened.

“Don't make this about being my daughter. This is about your future.”

“But it's my future, Daddy. Shouldn't I have a say in it?”

“Not when you clearly don't understand what's best for you.”

Napailing ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sinabi niya.

“So, you're the one who gets to decide what's best for me? Even if it's something I don't want?”

“I'm your father. I know better than you do.”

“I know you're my father. And I respect that. But I'm not a child anymore.”

“Then stop acting like one!”

Natahimik ako.

Hindi dahil wala na akong maisasagot, kundi dahil kahit anong sabihin ko, wala rin namang patutunguhan ang usapan namin.

I looked down at my gown, briefly remembering the way the designer had examined its details earlier. Naalala ko ang mga sandaling nag-uusap kami, habang binibigyan niya ako ng payo at tips. The way she had looked at my sketches, asked about my inspiration, and told me that she saw potential in my work. Someone had looked at me and seen something beyond the Valderama name.

“Do you know what happened at the gala tonight, Daddy?” tanong ko, pilit na pinananatiling kalmado ang boses. “Someone actually took an interest in my designs. A professional designer. She looked at my work and saw potential in it.”

“So?” walang gana niyang sagot.

Napatingin ako sa kaniya.

“That's all you have to say?” tanong ko.

“What do you expect me to say? Congratulations? Do you think one person's compliment is enough to build a future?”

“It's a start.” sagot ko.  Hindi niya talaga naiintindihan.

“A start to what? Another distraction?”

Napakagat ako ng ibabang labi.

“Why can't you just be happy for me, even once?”

 Ilang sandali siyang hindi nagsalita bago muling tumingin sa akin.

“Because I don't want you wasting your life on something that won't get you anywhere. You have a position waiting for you in the company. You have responsibilities that other people would be more than willing to take on.”

“And what if that's not the life I want?” Hindi ko talaga nakikita ang sarili kong patakbuhin ang kumpanya.

“Then you'll have to learn to want it.”

Natawa ako nang mahina, this time out of sheer disbelief.

“That's not how it works, Daddy.”

“Watch your words, Arabella.”

Huminga ako ng malalim.

“I'm trying to understand you, Daddy. I really am. But I wish you'd try to understand me, too.”

Sandali akong tumigil bago nagpatuloy.

“I'm not asking you to hand me a fashion house or give me money to start my own business. I just want a chance to prove that I can make something of myself. I want to build something of my own, something that I can be proud of. Is that really too much to ask?”

Hindi agad sumagot si Daddy. Sa halip, matalim lang ang tingin niya sa akin habang nananatiling tahimik ang buong sala.

 Lumapit si Isadora sa kaniya at marahang kumapit sa braso nito. Samantala, si Camilla naman ay mukhang masayang-masaya sa panonood sa amin. Hindi man siya nagsasalita, halata sa mukha niya na natutuwa siya sa nangyayari.

Napakagat ako sa aking dila.

Ayoko sanang makipagtalo kay Daddy. Pagod na pagod na rin ako sa paulit-ulit naming pag-aaway. Pero paano ko naman pipigilan ang sarili kong magsalita kung pakiramdam ko, unti-unti na niyang kinukuha sa akin ang karapatang magdesisyon para sa sarili kong buhay?

Gusto niyang ako ang humawak sa kumpanya. Gusto niyang sundin ko ang lahat ng sinasabi niya. Gusto niya maging sunod-sunuran ako sa kanya at gawin ang bawat utos niya ng walang pagtutol.

Minsan, naiisip ko kung anak ba talaga ang tingin niya sa akin o isa lamang akong taong inihahanda niya para ipagpatuloy ang lahat ng pinaghirapan niya.

Fashion was not a passing fancy.

Hindi ito simpleng libangan na maaari kong talikuran kapag nagsawa na ako. Sa bawat disenyong ginagawa ko, may bahagi ng sarili kong unti-unting nabubuo. I have dreams I want to pursue, ideas I want to bring to life, and a future I want to build with my own two hands.

Hindi ko hinihinging ibigay niya sa akin ang lahat.

Gusto ko lang ng pagkakataong patunayan na kaya ko at bigyan niya ako ng kalayaan.

“Fine. I'll let you pursue the dream you've been talking about. I'm giving you a chance, Celestine. But on one condition. You have to prove that you can do something worthwhile for this family and the company.”

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang pag-asa sa dibdib dahil sa sinabi ni Daddy.

Hindi ko inaasahang maririnig iyon mula sa kaniya. Ilang sandali akong nanatiling nakatingin sa kaniya, pilit inuunawa ang sinabi niya. I tried to make sense of what I'd just heard, wondering if I had heard him correctly.

Isang pagkakataon.

Iyon lang naman ang matagal ko nang hinihingi.

“What condition, Dad?” tanong ko.

Bahagyang ibinaba ni Daddy ang kaniyang tingin bago muling itinuon ang mga mata sa akin.

“You want freedom, don't you? Then I'll give you exactly what you want. But first, you have to do something for me.”

************

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 9

    Kinabukasan, maaga akong nagising. Sakto namang tumila na ang ulan.Matapos mag-almusal at mag-ayos ng mga gamit, sinabi ko sa mga katulong na handa na akong umalis papunta sa Villa Aurelia. Wala si Doña Beatriz dahil napakaaga raw nitong umalis patungo sa bayan. Kaya hindi ko na nagawang makapag-paalam. Si Lorenzo naman, hindi ko nakita. Hindi ko alam kung nasaan ang lalaking bossy na iyon. Pero kahit hindi kami nagkasundo ni Lorenzo kagabi, maayos naman ang naging pagtanggap sa akin ni Doña Beatriz at ng mga tauhan niya. Si Manang Rose pa nga ang nag-asikaso upang matiyak na maayos kaming makakarating sa villa.Nang makarating ako sa Villa Aurelia, agad kong nilibot ang tingin sa paligid. Wow, Sobrang ganda ng lugar! Napakagaan sa pakiramdam ng atmospera. Malawak ang bakuran, napapalibutan ng matatayog na puno, sari-saring halaman at mga bulaklak. May ilang katiwala ring nag-aasikaso sa bahay, gaya ng sinabi ni Daddy.Pagod pa rin ako mula sa biyahe kahapon kaya mas pinili ko m

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 8

    Hindi gaanong nagsasalita si Lorenzo. Nakikinig lamang siya sa pinag-uusapan namin ng kaniyang Tita. Yes, nalaman kong tita pala niya ang donya.Sa totoo lang, ang dami naming napag-usapan ni Doña Beatriz. Nakakatuwa siyang ka-kuwentuhan. Tinatanong niya ako tungkol sa mga disenyo ko at sa plano kong mag-aral sa Paris. Kapag may oras ako bukas, dadalhin ko sa kanya ang sketchbooks ko para maipakita ang mga fashion illustration ko.Masaya akong may nakakausap na interesado sa pangarap ko. Doon kasi sa Manila, sina Isabella lang ang matiyagang nakikinig sa akin at nakakausap ko tungkol sa fashion.“Sigurado akong marami kang magagandang ideya, hija,” sabi ni Doña Beatriz habang inilalapag ang kaniyang kubyertos.“Marami pa po akong kailangang matutunan.”“Ganoon naman talaga. Walang nagsisimula na eksperto na agad. Lahat, pinag-aaralan munang mabuti.”Ngumiti ako.“Tama po kayo.”“Kapag may natapos kang disenyo ng mga dress, ipakita mo sa akin. Gusto kong makita ang mga magagawa mo hab

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 7

    Hindi na ako nakipagtalo pa sa lalaki. Sa halip, tahimik akong bumalik sa loob ng SUV at isinara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang awtoridad sa boses niya.Mula sa bintana, pinanood ko siyang makalayo hanggang sa tuluyan siyang nawala sa aking paningin.Napabuntong-hininga ako. Sana talaga ay matulungan niya kami. Ayokong abutan kami ng gabi dito sa gilid ng kalsada. Isa pa, gusto ko na ring magpahinga dahil sobrang nakakapagod ang biyahe. Higit sa lahat gusto ko na rin magpalit ng damit. Basang-basa ako at nilalamig na. Ilang minuto na ang lumipas. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinilip ang cellphone ko, umaasang magkaroon man lang ng signal. Pero wala pa rin.Nasaan na kaya ang lalaki? Malayo ba ang bahay niya o kung saan man siya humingi ng tulong?Gusto ko na sanang lumabas ulit ng sasakyan nang may marinig akong ingay na papalapit mula sa direksyong pinuntahan ng lalaki kanina.Muli akong tumingin sa bintana.Sa gitna ng malakas na ulan, nakita

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 6

    Hindi ko akalaing ganito kahaba ang magiging biyahe ko patungong Bukidnon.Mula sa Manila, sumakay muna ako ng eroplano patungong Cagayan de Oro. Pagdating ko roon, isang itim na SUV na ipinahanda ni Daddy ang naghihintay na sa akin. Isang driver ang nakatalaga para ihatid ako sa San Ildefonso, kung saan matatagpuan ang Hacienda Monteverde.Sa unang bahagi ng biyahe, halos hindi ko na inalis ang tingin sa bintana.Sanay akong makakita ng matataas na gusali, malalawak na kalsada, mamahaling sasakyan, at mga taong laging nagmamadali sa bawat sulok ng Manila. Pero habang lumalayo kami sa lungsod at pumapasok sa mga bayan ng Bukidnon, unti-unting nagbabago ang tanawin.Napalitan ng malalawak na bukirin ang magkakatabing gusali. Naging mas kaunti ang mga sasakyan sa kalsada, at sa halip na matataas na building, mga puno at kabundukan na ang makikita ko sa magkabilang panig.May mga bahay na magkakahiwalay ang pagitan. May maliliit na tindahan sa gilid ng kalsada, mga batang naglalaro sa ba

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 5

    Kinabukasan, eksaktong alas-otso ng umaga, nasa labas na ako ng opisina ni Daddy, gaya ng sinabi niya kagabi.Sa totoo lang, maaga akong nagising dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kondisyong ibinigay ni Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala na kapalit ng kalayaan ko ay kailangan kong manloko ng isang tao.Hindi ko man gusto, wala na akong magawa dahil iyon na ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay para makalaya sa poder ni Daddy. Alam kong hindi sapat na dahilan ang kagustuhan kong maging malaya para manloko ng ibang tao, pero wala na akong ibang pagpipilian. Sa ngayon, mas mahalaga sa akin ang kalayaan ko. Kaya gagawin ko ang lahat para makuha ang lupang gusto ni Daddy. Isasantabi ko muna ang guilt na nararamdaman ko.Marahan akong kumatok.“Come in.”Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka pumasok. Nadatnan ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa. May ilang dokumentong nakalatag sa harapan niya habang abala siya sa pagbabasa ng

  • Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him    Chapter 4

    Bahagya akong napakunot-noo.“What do you mean, Dad?”Hindi agad siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang isang folder mula sa center table at iniabot iyon sa akin.“There's a property in San Ildefonso, Bukidnon. It's a piece of land that Valderama Enterprises needs for its next major project. Unfortunately, the owner refuses to sell.”Napatingin ako sa folder na hawak ko bago muling ibinalik ang tingin kay Daddy.“And what does that have to do with me?” nagtataka kong tanong.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daddy, Napalitan iyon ng seryosong tingin.“Your job is to get close to him. Earn his trust and convince him to agree to the deal. By any means necessary.”Napakurap ako.“Daddy, what do you mean by any—”“Make that man fall in love with you, Celestine. And once you have his heart, make sure you get the land.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko.For a moment, I thought I had misunderstood him.“What?”Nanginig ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa folder. Dahan-dahan ko itong ibinaba

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status