Share

CHAPTER 10: I LOVE YOU, NICK?

Buong araw siyang hindi mapakali. OA na kung OA pero gusto na niyang makita uli si Brent kahit isang araw pa lang naman niya itong hindi nakita. Tumawag ito kanina at babiyahe na nga raw ito at ang Tita nito pauwi sa kanila.

Naglinis siya ng bahay. Takang-taka pa nga ang Mama niya kung bakit para siyang kiti-kiting di mapakali. As usual, maaga na namang umalis ang Mama niya dala ang binibenta nito. May sinuswelduhan itong driver para sa pagbibenta kung saan-saan. Sinabi nitong bukas pa ito makakauwi. Sanay naman siya na hindi ito umuuwi minsan lalo't malayo ang pinupuntahan nitong lugar. Dumadayo kasi ito sa lugar na may piyesta dahil maraming tao.

Sabi ni Brent ay siguradong gagabihin ang mga ito dahil tanghali na sila bumiyahe. Nagluto siya ng dinner nila. Sinabi niyang doon na kumain ng hapunan.

Mag-aalas sais na at kanina pa siya nakapagluto. Naligo siya at kahit nasa bahay lang ay isinuot niya iyong pinakabago niyang blouse saka paldang hanggang tuhod na isang beses pa lang niyan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status