Share

CHAPTER 9: I LOVE YOU, BRENT!

Kinabukasan pagkagising niya ay agad niyang tinawagan si Brent. Akala niya ay hindi nito sasagutin iyon pero nakaisang ring palang ay may sumagot agad.

" Hello," dinig niya agad ang buong boses nito.

Lumunok muna siya.

" B-brent... I, ah..." magso-sorry na sana siya.

" I'm sorry. I'm so sorry, Love. Maliligo na sana ako para mapuntahan na kita diyan," biglang singit nito sa sasabihin niya.

Love? Sa lahat ng sinabi ng lalaki ay isang salita lang ang tumatak sa utak niya. Hindi pa naman kasi ito nag- I love you sa kanya.

Parang gusto niyang maiyak sa tuwa. Kagabi pa kasi niya nasigurado na wala na siyang nararamdaman kay Nick. Si Brent na ang tuluyang umuukopa ng puso niya. Sa katunayan, sa first monthsary nila ay siya mismo ang buong pusong mag-aannounce sa buong barakada ng tungkol sa kanila ni Brent. Surprise gift niya iyon sa boyfriend.

" Zy?" narinig niya uling tawag ni Brent.

Nakalimutan niyang nasa kabilang linya pa pala ito.

" Na-miss kita," bigla niyang nasabi na parang maiiyak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status