Share

CHAPTER 11: THE DAY YOU WENT AWAY

Mag-aalas sais na ng umaga pero dilat pa rin ang mga mata niya. Hindi na niya mabilang kung ilang messages na ang na-send niya kay Brent pero ni isa ay wala siyang natanggap na reply galing dito. Nagising na ang pinsan ni Brent kaya't nagluto na muna siya para pakainin ito bago ito umuwi sa kanila. Binilinan din niya ito bago umalis na pasabihan si Brent na papuntahin sa kanila.

Hindi na niya kinaya ang antok kaya't nakatulog siya bago mag-alas otso ng umaga. Nagising din naman siya agad bago magtanghali at tiningnan niya uli ang phone kung may message galing kay Brent. Wala pa rin siyang natanggap galing dito. Sinubukan niya uling tawagan ang binata pero nakapatay na ang phone nito.

Naligo siya at nagbihis dahil napagpasyahan niyang puntahan ito sa kanila. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya pero wala siyang ganang kumain. Pagkabihis ay pumunta agad siya sa bahay ng Tita ni Brent kung saan ito nakatira. Si Joli ang nakausap niya. Hindi pa rin daw umuuwi si Brent at ang Kuya Jojo nit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status